Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Chapter Seven

I Like You


"Oh heto na, Shey!" sabi ko sa kanya sabay abot ng bilin niyang white chocolate. Kay Cheyenne naman ay cookies and cream na kaparehas sa dalawang lalaki.

"Oh my gosh! Thank you, Juliana! The best ka talaga eh!" excited niyang kuha sa mga chocolate na binili ko para sa kanya. Katatapos lamang ng klase namin ngayon at nasa bahay kami nila Jecko.

Sa aming magkakaibigan ay ang bahay nina Jecko ang pinakamalapit sa dagat. Isa sa mga ipinagmamalaki ng mga taga-Buenavista.

Bukod sa mga magagandang tanawin dito ay likas din ang lugar namin sa mga magagandang beach at rancho.

Mayroong mga waterfalls sa kabilang bayan at ang matatayog na mga bundok sa kapaligiran. Sabi nga ng iba ay nandito na ang lahat maliban na lang sa polusyon at matatayog na building na gaya sa Maynila.

I glanced at Harren. Seryoso lang itong nakatingin sa malayo at tila ba may malalim na iniisip.

"Huy!" pukaw ko sa atensiyon niya.

Ngumiti siya nang lingunin ako pero kita pa rin sa mga mata niya ang lungkot.

"Thank you rito, Julia."

"Walang anuman. Ano bang iniisip mo riyan?" usisa ko.

Ang mga kaibigan namin ay abala sa pagre-review sa nalalapit na final examination namin.

"Wala," he murmured.

"Weh? Ano nga?"

"Wala, alam mo na 'yon," sabi niya pagkatapos ay nag-iwas na naman ng tingin.

"Are you gonna leave Buenavista right away?"

Tumango lang siya. Now, I felt his sadness. Iginala niya ang paningin sa paligid.

"Mamimiss ko 'to."

"Mamimiss ka rin namin, Pare!" Si Jecko.

Noong isang araw lang nasabi sa kanila ni Harren ang lahat. Ilang araw na ang lumipas pero ngayon na lang ulit namin napag-usapan ang pag-alis niya. He doesn't want us to be sad about it but we're his friends. Normal lang na malungkot kami at manibago sa gagawin niyang pag-iwan samin dito sa Buenavista.

Lumapit ang mga ito sa pwesto namin ni Harren.

"Mamimiss kita," ani Shey.

Ang kanyang saya dahil sa pasalubong ko ay napalitan ng lungkot.

"Oo nga. Aalis ka ba kaagad Harren?" Si Cheyenne.

"Oo. Pinilit ko lang si Mama na tapusin ang pag-aaral ko rito. She wants me to go there immediately."

"Pero bakit?"

Umiling lang siya sa tanong ni Shey.

"Huwag na nating pag-usapan 'yon. Mag-aral na lang tayo. Isa pa, ilang oras lang naman ang biyahe mula Manila papunta rito sa Buenavista."

Kinuha niya ang mga librong nasa isang kahoy na lamesa at itinuon ang buong pansin doon. Wala na kaming nagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya.

I know this is hard for him. Sabi niya sa 'min noon, ayaw niyang pumunta sa Manila dahil ayaw niya ng magulo. Doon daw ay hawak ka ng oras. Kailangan mong magkaroon ng time management doon lalo na sa traffic.

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Si Mama ay katatapos lamang magluto ng hapunan.

"Una na 'ko, Julia," paalam ni Cheyenne.

Dahil magkalapit lang ang bahay namin ay ganito palagi ang siste naming dalawa. Para niya akong hinahatid araw-araw.

"Ingat ka, Chey!" I waved at her.

"Hi, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi at pagkatapos ay dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay.

Matapos 'yon ay tinulungan ko naman siyang mag-ayos ng hapag-kainan. As usual, dalawang set lamang ng mga plato ang inayos ko. Si Papa kasi ay bukas pa ang uwi dahil bukas pa raw matatapos ang kanyang trabaho roon.

"Kain na." Si Mama.

"Opo."

"Kumusta nga pala ang pag-aaral mo, Julia?" tanong niya sa gitna ng pagkain.

Kinuha ko ang adobong manok at naglagay sa plato ko.

"Ayos lang naman po, Ma..."

"Mabuti naman pala kung gano'n. Ang kurso mo? Business Management na ba talaga ang gusto mo, anak?" tanong niya.

"Opo, Ma. 'Yon po talaga ang gusto ko eh. Gusto ko pong magtayo ng sarili kong business balang araw. Kapag 'yon ang kinuha ko, hindi na ako mahihirapan," pagpapaliwanag ko.

Ngumiti naman si Mama na parang naintindihan ang mga sinabi ko.

"Kailan nga ulit ang graduation mo?"

"Sa susunod pong Biyernes, Ma. Huling exam na po namin bukas. Pagkatapos ay preparation na lang po para sa graduation."

"Mabuti naman, anak. Alam mong proud na proud kami sa 'yo ng Papa mo," emosyonal na sabi ni Mama.

"Salamat po, Ma. Pinag-iigihan ko po para sa inyo ni Papa."

Ngumiti lang muli si Mama sa 'kin. Hindi na rin ako nagsalita pa dahil baka kasi ang hapunan namin ay mauwi lang sa iyakan. Ni minsan ay hindi ko naramdamang hindi proud ang mga magulang ko para sa 'kin.

They're always there for me. They're my best friends. Dahil sa kanila ay nakuha ko rin ang pagiging Valedictorian. Sila ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Ayaw kong isipin nilang balewala lang ang paghihirap nila sa 'kin.

"Congratulations, guys!" masayang hiyaw ni Cheyenne.

Kabababa lang naming apat sa stage matapos ang pictorial. The graduation program ended as well as my high school life. Kasama ng mga kaibigan ko ang kani-kanilang mga magulang maliban ang kay Harren.

Si Mama ang nagsabit ng kanyang medalya dahil ang kanyang ina ay hindi man lang umuwi para daluhan ang graduation niya. Ang sabi ay busy raw ito sa asawang si Rocco at sa kanyang dalawang kapatid sa ina.

Matapos ang program ay sa bahay kami dumiretso. Pinaghandaan kasi ni Mama ang araw na ito. Maliban sa mga kaibigan ko ay narito rin ang ilang mga pinsan kong sina Kuya Xavier, Xandro at Xyrie.

"Salamat po, Tita Celia," ani Harren kay Mama.

Tinapik ni Mama ang balikat nito.

"Hindi ka na iba sa 'min, Harren. Wala 'yon. Kailan nga ba ang alis mo?" tanong ni Mama.

"Bukas na po, Tita." Pinilit niyang ngumiti at sumulyap pa sa 'kin.

"Bakit parang biglaan naman 'yan, Harren? May problema ba kayo? Maayos naman kayo rito. Paano ang bahay n'yo?"

Ibinigay ni Mama ang platong may lamang pagkain kay Harren at pagkatapos ay iniabot naman ang sa 'kin. Sina Cheyenne ay nauna na sa may sala para maglaro ng sungka.

"Wala po. Ibebenta na po ang bahay. Sina Patchy naman po ay kukunin na nina Lola bukas."

"Gano'n ba..."

"Hindi bale, Harren, kapag binisita ko si Mama sa Manila bibisitahin din kita!" masayang sabi ko rito. Ngumiti naman siya sa 'kin pabalik.

Imbes na dumiretso kami sa sala ay niyaya ako nitong sa may terrace na lang kami kumain. Busy rin kasi ang mga kaibigan namin at mga pinsan ko sa paglalaro at panonood ng Korean movie.

Umupo kami sa sofang kahoy na naroon.

"Nakapag-empake ka na ba? Gusto mo bang tulungan kitang isilid sina Porky sa maleta mo?" natatawang biro ko sa kanya nang makaupo na kami.

Tipid siyang ngumiti na para bang napakaraming gustong sabihin sa 'kin. Naninibago tuloy ako sa kanya. Noon, kapag binibiro ko siya ay mas inaasar niya ako para ako ang mapikon pero ngayon, parang lahat ng sasabihin ko sa kanya ay kailangan kong pag-isipan.

Inilapag niya ang mga pagkain namin bago bumaling sa 'kin.

"Juliana..." He held my right hand.

Natulala pa ako roon nang ilang saglit bago lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha. Noon pa man ay sinabi na niya ang pagkagusto sa 'kin pero dahil kay Sheyriz kaya hindi ko na lang siya sineseryoso.

Harren got his handsome face from his father. Thick brows, deep set of almond shaped eyes, narrow nose, defined cheek bones and red lips. Moreno rin ito at matangkad kagaya ni Jecko at dahil sa trabaho ay maganda rin ang kanyang pangangatawan.

Noon ay inakala nila Mama na boyfriend ko na siya dahil araw-araw ay hinahatid-sundo niya ako sa bahay papunta sa school. Even Cheyenne got curious about our real score. Na wala naman talaga.

We're just friends. We will stay that way dahil alam kong gusto siya ni Sheyriz. Gustong-gusto... Kaya kahit na botong-boto sa kanya ang mga magulang ko ay hindi ko naisipang magkaroon kami ng relasyon.

"Uhm? May problema ka?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"Kahit na aalis ako ng Buenavista, palagi mong tandaang palagi lang akong nandito para sa 'yo."

"Harren..."

"I like you, Juliana. Noon pa, at hindi nagbabago 'yon."

"Harren, nag-usap na tayo 'di ba?" Umiling siya.

"Alam ko. Gusto ko lang sabihin sa 'yo 'yon. Kahit ngayon, I still like you."

Bahagya niya pang pinisil ang kamay kong hawak niya. I don't know what to say. Nauunahan ako ng takot at ang isiping mahal siya ni Sheyriz.

"Hindi ko naman sinabing gustuhin mo ako. Gusto ko lang malaman mo 'yon." Ngumiti siya.

Pero kahit na ano'ng gawin ko ay hindi ko siya magantihan ng ngiti. Binitiwan niya ang kamay ko at ginulo ang buhok ko.

"Harren!" inis na hiyaw ko sa kanya.

Mas lalo pang bumusangot ang mukha ko. Imbes na mag-sorry siya ay kiniliti niya ang tagiliran ko dahilan para humagalpak na ako ng tawa.

Pinilit ko namang kumawala sa kanya at gumanti pero hindi ko magawa.

"Harren, ayoko na! Isa!" pagbabanta ko. But he didn't listen.

Halos maiyak na ako bago niya ako tantanan.

"I'm sorry! Mamimiss lang kita," naloloko sa katatawang sabi niya.

Hawak niya pa ang tiyan na tuwang-tuwa sa hitsura ko ngayon. My hair is on my face at ang poise ko ay naglaho na. Humihingal akong humarap sa kanya at inayos ang sarili ko.

Natatawa kong sinapak ang kanyang braso. Siya naman ay pinisil ang ilong ko. I pouted.

"Baliw ka talaga! Mamimiss din kita. Mamimiss ka namin," dagdag ko.

This is his last day. Ang plano namin noon na araw-arawin ang Cullasaga sa bakasyon ay hindi na mangyayari. Hindi ko alam kung paano 'pag kami na lang nila Jecko. Siguro ay magre-reminisce lang kami kay Harren kapag pumunta kami roon.

"Huwag kang makakalimot, ah? Baka mamaya, hindi n'yo na ako kilala kapag bumisita ako rito."

Kinuha niya ang mga pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Seryoso na siya ngayon na kagaya kanina.

"Pwede ba naman 'yon?"

"Malay mo."

"Hoy, love birds! Tara na, talo ko na si Xavier. Sino'ng susunod?" mayabang na sabi ni Jecko na ngayon ay nag-flex pa ng kanyang muscle na akala mo naman, boxing ang nilaro niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Harren sabay hagalpak ng tawa. Si Jecko naman ay napailing na lang at napakamot sa kanyang batok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro