CHAPTER 6
Chapter Six
Happy Birthday
"Ikaw?!" inis na bulyaw ko nang makita si Jacob na inosenteng hawak ang isang platito at baso.
Sinalubong niya ang matalim na titig ko. Aba't ang kapal talaga ng mukha niya!
Napakuyom ang magkabilang kamay ko. Mas lalong nag-init ang mukha ko sa galit nang pasadahan niya ang kanyang labi ng dila. Para bang nang-aasar at sarap na sarap pa siya sa cake na kinain niya!
Napapikit ako nang mariin! Pinipigilan ko ang sarili kong sapakin siya nang todong-todo!
Kumunot naman ang noo niya na parang balewala ang inis na nararamdaman ko.
"Why are you still here?" walang emosyong tanong niya sa 'kin.
Bago ako nagsalita ay kinalma ko muna ang sarili ko. Sabi nga ng isang kanta, I did my best but I guess my best wasn't good enough! Talagang nananalaytay ang matinding galit ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sa lalaking sumira ng mga plano ko!
"Bakit mo kinain 'yong cake?!" inis na sigaw ko sa kanya. Not minding the people who are already sleeping inside the house. Kung bukas ay pagagalitan ako ni Mama, so be it!
"What cake?"
Nakasalubong ang mga kilay niyang tanong.
"'Yong cake ko! Ito! Ito!"
Kinuha ko pa ang box ng cake at ibinalandra sa pagmumukha niya.
"Your cake?" inosente pa ring sabi niya.
Nilagpasan niya ako at inilagay ang platito sa lababo.
This guys is killing me! I hate him! I freaking hate him! Umikot ako para sundan siya. Ganito ba talaga siya ka-walang konsensiya? He ate my cake! He should apologize!
"Oo, Senyorito!" bulyaw ko sa kanya.
Nang lingunin niya ako ay nakalolokong mukha niya ang nakita ko.
There was no remorse! Wala man lang pagsisisi sa hitsura niya! Hindi niya ba alam kung gaano katagal akong naglakad para lang makauwi at mabili 'to? Hindi niya ba alam kung ilang recess ang tiniis ko maipon lang ang ipinambili ko? Halos magka-ulcer na ako sa pagtitipid!
"If it's on the refrigerator, it's mine," masungit niyang sinabi saka ako tinalikuran at humarap muli sa sink.
Sa sobrang galit ko sa kanya ay tumulo na lang ang mga luha ko. I can't even speak. Tanging ang mga hikbi ko na lang ang nagsasalita para sa 'kin. Nanginginig ang mga labi ko. Halos lukutin ko na rin ang box ng cake na hawak ko dahil sa gigil ko sa kanya.
"It's for Masha," pinilit kong sabi sa gitna ng mga hikbi ko.
Napatigil naman siya sa ginagawa para harapin ako.
His hard expression softens when he saw my crying face. Napatigil siya at ang kaninang matatalim niyang titig ay lumambot din.
"Birthday niya bukas and I want to surprise her pero sinira mo! Naglakad ako pauwi galing sa Parisienne para lang mabili 'to. You ruined everything!"
Humagulgol na ako. Para akong isang batang inagawan ng ice cream. 'Yong feeling na iningatan mo 'yong cake na 'yon sa polusyon at harsh elements para sa kaarawan ni Masha bukas pero dahil sa kanya... nanghihina ako.
Kung hindi lang siya anak ni Tita Sofia ay sinaktan ko na siya kanina pa.
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at ibinalik na lang ang cake sa refrigerator. Iniwan ko siya sa kitchen. I didn't even looked at him. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa.
If he just want to punish me for breaking his portrait, then he wins.
Pagdating ko sa kwarto ay doon ko na lang ibinuhos ang lahat ng hinanakit ko kay Jacob. Ngayon, iisipin ko pa kung paano ang cake ni Masha bukas? Kung paano ako makabibili ng isa pang cake kung wala na akong pera? Nanlulumo ako.
"Juliana, gising na," ani Mama na ngayon ay nakasuot na ng kanyang uniporme.
Tamad ko siyang tinanguan. Nag-inat ako ng katawan at hinintay muna siyang makaalis ng kwarto bago ako tuluyang bumangon.
Kung pwede lang na hindi na muna bumangon buong araw ay gagawin ko, kaya lang ay gusto ko rin namang makatulong kay Mama. Huling araw ko na ngayon at birthday pa ni Masha. Masakit ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako kaagad nakatulog. Kung bibilangin ay halos nasa tatlong oras lamang 'yon.
Pagkatapos kong maligo ay nanlulumo akong pumunta sa kitchen. I don't really feel like walking inside this house. Para bang ang bigat-bigat sa pakiramdam.
The perfect surprised I am planning for the birthday girl is now ruined.
I glanced at the refrigerator. Nangilid na naman ang mga luha ko sa inis, galit at lahat na ng mga pwedeng emosyon.
"Juliana! Good morning!" masayang bati ni Jaja sa 'kin.
"Good morning din. S-Si Masha?"
"Kagigising lang yata," sagot niya at pinasadahan pa ang kanyang mga mata ng daliri na para bang sinasabing kagagaling lang ni Masha sa pag-iyak.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. I want to ease her pain. I don't want her to be sad lalo na ngayong kaarawan niya.
Si Mama ay abala na sa pagluluto ng handa ni Masha. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nagyari. Lumapit ako sa pwesto niya.
"Ma..."
"Oh, tulungan mo na ako rito," ani Mama sabay turo sa mga platong kailangang patuyuin.
"Ma, wala na po 'yong cake!" I bit my lower lip.
Kumunot naman ang noo niya.
"Anong cake?"
"Ma, 'yong cake na binili ko kahapon, wala na po." Natigilan ako.
Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya ang ginawa ng alaga niya sa cake ko? Magsusumbong ba ako?
"Naku! Ang dami naman pala nito. Juliana!" excited na hiyaw ni Jaja na ngayon ay nasa tapat na ng refrigerator.
Sabay kaming napalingon ni Mama sa direksiyon niya at nanlaki ang mga mata ko sa limang hilerang cake na nasa loob no'n!
Kagaya ang balot niyon sa cake na binili ko! Mabilis akong lumapit para tingnan ang sa akin. Wala na iyon dahil puro bagong lalagyan at naka-seal pa ang mga naroon.
"Ang dami naman pala ng binili mong cake anak!" hindi makapaniwalang sabi ni Mama.
Isa-isang inilabas ni Jaja ang mga cake na naroon.
"Pero..."
This is not mine! Siguro'y nagustuhan niya ang lasa kaya bumili siya ng lima pa para sa sarili niya!
"Hindi po 'yan ang binili ko."
Jaja opened the cake and my jaw literally dropped when I saw the greetings on top of it. Yes, it's for Masha but this is not from me!
Nalilito ako? Nasaan ang akin?
"Oh siya bilisan n'yo na riyan at tiyak na papunta na si Masha rito."
Hindi na ako nakapagsalita. Tinulungan ko si Jaja na ayusin ang mga cake na mayroong magkakaibang flavor. Napatigil ako sa huling cake na binuksan ko.
I'm sorry, Juliana. Basa ko sa note ng oreo cheesecake! So it's him? Nagmamadali kong isinara ang cake bago pa makita ni Jaja.
Nalilitong tinitigan lang nila akong dalawa.
"Ano'ng nakalagay?" ani Jaja na curious dahil sa lahat ng cake ay ito lang ang iba ang nakasulat.
"Ano raw Juliana?" ulit niya.
Hindi na ako nakatanggi dahil nabuksan na niya kaagad ang cake.
"I'm sorry, Juliana." Kumurap-kurap siya matapos basahin ang nakasulat.
Si Mama naman ay parang nahawa na rin sa kalituhan ni Jaja.
"Para sa 'yo pala 'to. Ibalik na natin sa ref."
Thank God they didn't ask me about it!
"Ah, sige..."
Matapos niyang ibalik 'yon ay inihanda na niya ang mga cake ni Masha. She lighted all the candles habang ako ay nalulunod sa malalim na pag-iisip.
Saan siya nakakuha ng mga cake? Late na ang nangyari kagabi at maaga pa ngayon para makabili siya nito. Sigurado akong sarado pa ang lahat ng cake shop.
"Nandiyan na siya!" hiyaw ni Mang Pedring na ngayon ay kapapasok lamang sa kitchen.
Mabilis kaming humilera ng isang linya para abangan ang pagpasok ni Masha roon.
"Happy Birthday!" sabay-sabay naming sambit nang makapasok siya sa kinaroroonan namin. Muntik pa siyang mapasigaw sa ginawa namin dahil sa pagkabigla.
Ang kanyang namumugtong mga mata ay nangingilid na naman ang mga luha nang makita ang mga hawak namin.
"Happy Birthday, Masha!" hiyaw ko ulit.
Nilapag ko sa kitchen counter ang cake at sinalubong ko siya ng yakap. Sumunod naman sina Mama sa 'kin.
"Salamat sa inyo," humihikbing sabi niya.
"Kay Juliana ka magpasalamat. Ideya niya 'to, hija." Si Mama.
Umiling ako. It is my idea but this surprise is not from me. Technically, It's Jacob's surprise! Hanggang sa matapos ang araw ay hindi ko man lang nakita si Jacob. Naka-empake na ang mga gamit namin para sa maagang pag-uwi namin ni Mama sa Buenavista.
Hanggang ngayon ay naglalaban pa rin sa isip ko kung magpapasalamat ba ako sa kanya o iisipin ko na lang na dapat lang palitan niya 'yong kinain niya?
"Mag-iingat kayo sa biyahe, Celia," paalam ng mag-asawa sa 'min ni Mama.
"Salamat, Joaquin, Sofia. Mauna na kami."
Kumaway pa sila nang tuluyan na kaming makasakay ni Mama sa sasakyan. Si Mang Pedring ang maghahatid sa amin papunta sa terminal ng bus. Just when I was about to roll down the window and wave at them ay sumagi sa gilid ng mga mata ko ang lalaking nakapamulsa sa may terrace.
Kahit na simpleng white shirt at shorts lang ang suot niya ay nananatili pa rin ang lakas ng kanyang dating. His defined jaw and brown eyes, I'll probably miss.
Napasinghap ako nang makita siyang nakatitig sa kinaroroonan ko. Their car was tinted but I felt like he was staring at me. Telling me goodbye's and all.
Napakagat pa ako sa labi ko nang makita na naman ang pagpasada ng kanyang dila sa kanyang mapulang labi. Bakit ba ganito kalakas ang dating niya para sa 'kin?
Naputol lang ang pagtingin ko sa kanya nang maramdaman ang marahang pag-andar ng sasakyan palayo sa mansyon.
Till we meet again, Senyorito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro