Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Chapter Five

Cake


Kinabukasan ay tinulungan ko si Masha sa pag-aayos ng mga kalat sa garden. Ang mga lalaki naman ay nagtatanggal ng mga lamesa at mga upuan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Masha na ngayon ay nagpupunas na ng mga glass windows habang ako naman ay nagdidilig ng mga halaman.

"Ayos lang ako, Masha." Nag-thumbs up pa ako sa kanya.

"Salamat nga pala ha."

"Thank you rin, at least hinayaan mo akong makabawi sa 'yo!" Natawa na lang si Masha sa sinabi ko.

"Nag-aaral ka pa ba?" she asked.

"Oo. Graduating na ako ng high school."

Pinasadahan ko ng tubig ang halaman na malapit sa kinatatayuan ni Masha. Madilim pa ang paligid dahil pasikat pa lang ang araw. Ang buong bahay naman ay tahimik pa.

"Talaga? Congratulations kung gano'n, Juliana! Hmm, Ano'ng balak mong kunin sa kolehiyo?"

"Business Administration."

"Talaga? Good luck sa 'yo! Alam mo, pangarap ko rin noon ang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya lang,a nng iwan kami ni Mama noon ay naglaho ang lahat ng pangarap ko."

Napahinto ako sa ginagawa ko at itinuon ang buong atensiyon kay Masha.

"Naging lasenggo si Papa at namatay nang mabaril ng isa sa kainuman niya..." Ngumiti siya nang mapait bago muling nagpatuloy.

"Ang panganay na kapatid ko naman ay iniwan na rin kami nang makapag-asawa ng marino. Ako at ang bunsong kapatid ko na lang ang kasama ko pero dahil hindi ko pa kaya ay iniwan ko muna siya sa Tita namin sa probinsiya..."

I can't believe what she was saying. Sa umpisang sinabi niya pa lang na iniwan sila ng kanilang ina ay parang nanghina na ako. Hindi halata sa kanyang ganito ang pinagdaraanan niya. She's like a bubbly type of person.

"Masha..." sambit ko nang makita ang pagtulo ng luha niya.

Agad kong ibinaba ang mga hawak kong gamit at mabilis na pumunta sa kanyang pwesto. Nahihiya niyang pinunasan ang mga 'yon pero bahagya pa rin ang pagnginig ng kanyang mga labi.

Hinagod ko ang likod niya.

"Sorry, Juliana... Sa lahat ng pwede kong mapagsabihan ay ikaw pa. I'm sorry..."

"Masha, okay lang 'yon. You can always talk to me."

"Kaarawan ngayon ni Marion at bukas naman ay ang akin. Pasensiya ka na. Siguro'y namimiss ko lang ang pamilya ko. Ang dating kami na masaya at magkakasama."

Napalunok ako. Parang nahawa ako sa lungkot ni Masha. I can clearly understand her. My family is my everything at hindi ko alam ang gagawin ko kung ako ang nasa sitwasyon niya.

"Masha, okay lang 'yan. Maybe you can call your brother and greet him."

Alam kong walang salita ang magko-comfort sa kanya pero 'yon lang ang tanging magagawa niya ngayon. Lalo na't nasa malayo ito.

"Thank you, Juliana. Maswerte ka at si Nay Celia ang naging Mama mo."

Pinawi niya ang mga luhang natitira sa kanyang mga mata. Napangiti ako.

"Tama ka."

I couldn't ask for more. Kung mabubuhay man ako nang paulit-ulit ay si Mama pa rin ang hihilingin kong maging ina. Kahit na mahirap ang buhay, basta siya ang kasama ko ay ayos lamang sa 'kin.

Tinapos na namin ang mga huling gagawin namin ni Masha. Pagtapos sa garden ay sa loob naman kami ng bahay naglinis. Bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot pero nagpapatuloy pa rin siya.

She's so strong. Siya ang bumubuhay sa kapatid niya para lang magkaroon ito nang maayos na buhay. Matapos namin sa living room ay pumunta naman ako kay Mama para siya naman ang tulungan.

"Ganito po ba?" tanong ko rito habang hawak ang carrots na hihiwain ko. I miss this. Namimiss ko ang pagtuturo niya sa 'kin sa kusina. Ang unang pagtuturo niya sa 'king maglinis at magluto.

"Liitan mo pa," sagot niya at ginawa ko naman 'yon.

Matapos magluto ay tinulungan ko naman silang maghain sa hapag. Ganito rin kami mag-ayos sa bahay kaya alam ko kung paano ang proper table setting.

"Ja, tawagin mo na ang magkapatid," ani Mama sa isang babaeng kasama namin sa kitchen.

"Nay, magtitimpla pa ho ako ng lemonade eh. Si Masha na lang po."

Napalingon naman si Masha na abala naman sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Nay..."

Kibit-balikat ni Masha habang hawak ang mga platong hinuhugasan niya.

"O siya, Juliana, pakitawag na nga lang sina Jasmine at Jacob."

"Ma―"

"Nasa unang kwarto ang kay Jasmine at ang kay Jacob naman ay nasa dulo," putol ni Mama sa pagtutol ko. Kaagad na rin siyang lumabas sa kitchen at naiwan akong nakatulala. Si Masha naman ay malaki ang pagkakangiti sa 'kin.

"Sige na," untag niya sa 'kin.

Para naman akong robot na sumunod sa utos ni Mama. Parang may sariling isip ang mga paa ko na umakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto ni Jasmine.

Mahihinang katok ang ginawa ko.

"Jasmine..." tawag ko at maya-maya pa'y bumukas na ang pintuan.

Katatapos lang nitong maligo at may tuwalya pa sa kanyang buhok.

"Hi, Juliana!" masayang bati niya.

"Uhm... Handa na ang pagkain. Pinapatawag na kayo ni Mama." I smiled shyly back at her.

"Si Kuya nasa baba na ba?" tanong niya.

"Ah eh pupuntahan ko pa lang?" hindi siguradong sagot ko. Kumunot ang noo niya pero ang kalituhan ay napalitan din kaagad ng malawak na ngiti.

"Ah sige! Gisingin mo muna si Kuya. Magbibihis lang ako ha."

"J-Jasmine, pwede bang―"

Sa sobrang hina ng pagkakasabi ko ay hindi na niya narinig ang sinabi ko. She closed the door.

Jeez, sasabihin ko lang naman na kung pwedeng siya na lang ang gumising sa kapatid niya? Napasulyap ako sa dulong pintuan na nasa second floor.

Paano 'to? Bakit ba kasi tumulong pa ako sa kusina? I should've stay longer in Mama's bed! Sana hindi pa ako nautusang gisingin ang masungit na mokong na 'to!

Maingat akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya. Pigil ang paghinga kong kinatok 'yon. Pagkatapos ng ilang katok ay inilapat ko naman ang tenga ko sa pinto.

Wala naman akong naririnig na ingay o ni hilik ng isang tao. Sure ba si Mama na hindi umalis 'yon kagabi?

I knocked again.

"Jacob..." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko nang banggitin ko ang pangalan niya.

It feels weird saying his name.

"Senyorito Jacob!" Mas nilakasan ko ang tawag ko.

Lumipat ako sa kabilang side ng pintuan kung nasaan ang door knob.

"Nakakainis! Tanghali na, dapat gising na siya! Hindi 'yong magpapagising pa sa iba! Nakakaperwisyo!" inis na bulong ko.

Huminga muna ako nang malalim bago muling tinawag ang pangalan niya. Ilang katok pa pero wala pa ring damuhong lumalabas doon.

"Senyorito! Wohoo! Gising na," may tonong sabi ko.

Inilapat kong muli ang tenga ko pero wala pa rin akong marinig. Bigo akong napasandal sa may pintuan. Ano'ng sasabihin ko kay Mama? Ganito ba talaga siya araw-araw sa lalaking 'to?

Why does she need to wake him up anyway? Ang tao kapag nagugutom naman, kusa na lang kumakain 'di ba? Kailangan ba talagang―

Ang lahat ng pagmumuni-muni ko ay napawi at napalitan ng matinding kabog ng dibdib nang biglang gumalaw ang pintuang sinasandalan ko.

Mabilis ang pagkakabukas no'n kaya naman hindi na ako nakapag-isip at kusa na akong nalaglag sa sahig.

"What the hell?" aburidong sabi niya nang makagawa ako ng ingay gawa ng pagkakabagsak ko.

Shocks!

Kahit na masakit ang pang-upo ko ay pinilit kong tumayo at harapin siya. Hindi man lang ba siya marunong magbukas ng pintuan nang dahan-dahan?

Makakatikim talaga sa 'kin 'to eh! Kaunti na lang... Oh my goodness!

Napalunok ako nang makita ang kabuuan ni Jacob pag-ikot ko. He is freaking topless! His hair is messy at ang kanyang shorts ay... ay...

"What?"

Mabilis kong ibinalik sa mukha niya ang tingin ko.

"Pi... P-Pinapatawag ka ni Mama. Kakain na raw."

Tumaas ang isang kilay niya nang kagatin ko ang pang-ibabang labi ko. Ang alam ko ay matanda lang siya ng ilan taon sa 'kin pero ang pangangatawan niya ay hindi masyadong akma sa edad niya.

He's too tall for me, too. Hanggang balikat lamang ako! His chest ay para bang kay tigas kapag hinawakan.

"Why are you here? Where's Jaja? Masha?" masungit na tanong niya.

"M-May ginagawa kasi si―"

"Okay," tanging sabi niya kasabay ng pagsarado ng pintuan.

Bastos! Hindi man lang siya sumagot kung pupunta ba siya o hindi! Nakakainis ha! Kung hindi lang dahil kay Mama ay hindi ko siya gigisingin 'no! Manigas 'yong abs niya!

Padabog akong umalis sa tapat ng kwarto niya at binalikan si Jasmine. Kinatok ko ulit ang kanyang kwarto at madali naman itong lumabas.

Sabay kaming bumaba ni Jasmine. Hindi na rin ito nagtanong tungkol sa kapatid niya. Siguro ay alam na niya ang routine nito.

Buong araw kong hindi nakita si Jacob at hindi niya alam kung gaano ako nagpapasalamat sa itaas dahil doon. Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng mga teleserye buong magdamag.

Si Mama ay nag-siesta pagkatapos kumain ng tanghalian at bumalik na ulit sa trabaho pagkagising. Hapon na nang maalala ko ulit ang sinabi ni Masha. Birthday niya bukas! Madali kong kinuha ang wallet ko. I counted my money.

Napangiwi ako nang makitang isang libo na lang ang naroon. 'Yon lang ang tanging dala kong ipon. I want to buy her a cake para naman kahit papaano ay hindi siya malungkot bukas.

Napangiti ako sa naisip. Pagkatapos kong maligo ay agad kong hinanap si Mama. Maglalakad na lang ako palabas tutal saglit lang naman 'yon. Alam ko na rin naman ang sasakyang jeep papunta sa mall na malapit dito.

"Sa'n ka pupunta?" ani Mama matapos kong magpaalam.

"May bibilhin lang po ako sa mall. Saglit lang ako, Ma." Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang lumabas ng mansyon.

Hindi na rin siya nagtanong pa dahil kampante naman siyang kaya kong umalis at umuwi nang mag-isa.

Naglakad ako palabas ng village. Inaliw ko ang sarili sa pagtingin sa paligid. Mayroong malaking park akong nadaanan. Mayroon ding isang nakabakod na playground para sa mga aso.

Lumulukso sa tuwa ang puso ko habang pinagmamasdan ang mga asong malayang naglalaro at tumatakbo sa saya.

Noon pa man ay mahilig na ako sa mga aso, kaya lang dahil sa eskwela ay hindi ako kailanman nagkaroon ng time para mag-alaga noon. Ayaw ko naman itong maiwan nang mag-isa sa bahay. Si Papa naman ay busy rin sa trabaho kaya paniguradong hindi niya rin maaasikaso ito.

Paglabas ko ng village ay pumara na ako ng jeep papunta sa mall. Ilang sandali lang ay nakarating na ako.

"Isang blueberry cheesecake po," nakangiting sabi ko sa babae. I wanted Masha's day to be special kaya gusto kong special din ang cake na bibilhin ko para sa kanya.

Ngumiti ang babae pabalik at kinuha ang blueberry na nakalagay sa display.

"Nine hundred ninety-five po, ma'am."

Napatingin ako sa isang libong hawak ko. Napangiwi ako nang iabot ko sa kanya 'yon. Paano ako uuwi ngayon? Kulang na ang pamasahe ko pauwi.

Hindi bale, maglalakad na lang ako... Masaya kong kinuha ang cake at lumabas ng store. Madilim na nang magsimula akong maglakad.

Bakit ba kasi saktong pera lang ang dala ko? Sana lang, matuwa si Masha sa regalo ko.

Sinalubong ko ang mga usok ng sasakyan makauwi lang nang mabilis. Mas worried pa ako sa cake kaysa sa safety ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang matanaw ang gate ng village nina Jasmine.

"Magandang gabi," bati ng gwardiya sa 'kin.

Nginitian ko sila at nagpatuloy na sa paglalakad. Malamig na hangin ang nagsasabi sa 'king magpatuloy sa paglalakad. Masakit na rin ang paa ko.

Pagdating ko sa mansyon ay dumiretso ako sa kitchen para ilagay sa refrigerator ang cake na binili ko. Parang baliw ko pang tinapik 'yon. Finally.

Naabutan ko si Mama na nanonood ng isang tagalog movie. I kissed her.

"Mama."

"Nakabili ka ba ng bibilhin mo?" tanong niya.

Tumango ako. I want to tell what's on my mind. Gusto ko sanang magkaroon man lang ng maliit na handaan si Masha.

"Opo, Ma. Mama may pera ka pa ba?" nahihiyang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. Ngayon lang ako nagtanong dito nang ganito. Hindi ko kasi ugali ang manghingi ng pera sa mga magulang ko. Pero ngayon, gusto ko talagang maging masaya si Masha sa kaarawan niya bukas.

"Bakit, anak? May kailangan ka ba?" she asked.

Umiling ako.

"Gusto ko po sanang magtanong kung pwede po ba kayong bumili ng pang-spaghetti man lang bukas? Birthday po ni Masha, Ma." Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Napaupo pa ito sa kama.

"Oo nga ano! Ako na ang bahala roon, anak, sige!" nakangiting sabi ni Mama.

"Thank you po. Kahit ibawas n'yo na lang po sa baon ko."

"Halika nga rito."

Masayang sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.

"Sobrang proud ako sa 'yo, Juliana. Marunong kang magpahalaga sa mga taong nasa paligid mo. Masaya ako, anak."

"Mana po ako sa inyo ni Papa. Sana lang po, matuwa si Masha bukas," natatawa na ring sabi ko.

Gusto ko pa sanang mag-suggest ng mga baloons para naman kahit paano ay maging makulay naman ang birthday ni Masha pero wala na kaming oras para sa mga 'yon.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga na kami.

Ilang oras na akong pabaling-baling sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Excited lang siguro ako para sa maliit na party ni Masha.

Ilang sandali pa akong nakatulala sa kisame. Nakaramdam ako ng uhaw. Maingat akong bumaba ng kama at pumunta sa kitchen para makainom.

Napadaan din ako sa garden na nakabukas. Sumilip ako roon. I saw Jacob seriously looking at his laptop na para bang naguguluhan sa mga nakasulat doon.

Masipag din palang mag-aral ang mokong, bulong ko. Iniwan ko na siya at tuluyang pumunta sa kusina.

Isasara ko na sana 'yon matapos kong makakuha ng tubig pero napansin ko ang cake ni Masha na bahagyang nakaangat ang cover.

What?!

Daig ko pa si The Flash sa bilis na ilapag ang hawak ko at kunin ang cake na binili ko.

"Shit!" inis na hiyaw ko nang makitang dalawang slice ang nabawas doon.

Pakiramdam ko'y gumuho ang mundo ko. Naiiyak na ako sa inis! I can't believe someone ate my cake!

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ang pares ng yapak na papunta sa kinaroroonan ko.

Aba't talagang gusto pang balik-balikan ang cake ko! Inis kong inilapag ang cake sa kitchen counter at nakapamewang na inihanda ang sarili sa pagdating ng kung sinong mapangahas na kumain ng bluberry cheesecake ko!

Isang bulto ang nakita kong pumasok doon.

"Ikaw?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro