CHAPTER 4
Chapter Four
Lost In Space
Nakasuot ako ng baby pink na dress na ibinigay noon sa 'kin ni Mama. Inayos ko rin ang makapal kong buhok. Itinali ko 'yon at kumuha nang kaunti sa gilid ng aking tenga para ilugay. Napangiti ako nang makita ang pag-bounce ng buhok kong may malalaking curls.
I look like my Mama but taller. Ang height ko ay namana ko naman kay Papa.
"Juliana, are you done?"
Sumungaw si Jasmine sa pintuan ng kwarto ni Mama. Nakaayos na ito at handang-handa na sa gaganaping pagtitipon sa may garden.
May kaunting pula ang kanyang labi at pisngi na sakto lang sa kanyang ayos. Jasmine looks so gorgeous with her white cocktail dress. Dahil sa kulay niyang maputi ay mas umangat ang ganda niya dahil sa kaunting make-up sa kanyang mukha.
Kahit na yata hindi ito mag-ayos ay likas siyang maganda. Tipid ko siyang nginitian.
Niligpit ko ang suklay na huling ginamit ko at nagmamadaling tumayo sa tokador ni Mama.
"Katatapos ko lang, Jasmine." Agad akong lumapit sa pintuan.
Mas lumawak ang ngiti niya matapos sipatin ang kabuuan ko.
"You look beautiful, Juliana! Uhm... Wait, parang may kulang sa 'yo. Let's go to my room!"
Hindi na ako nakatanggi sa paghila ni Jasmine sa kamay ko. Umakyat pa kami sa second floor para lang puntahan ang kwarto niya. Ano'ng kulang? Pulbos? I already put some powder on.
Wow!
Napaawang sa mangha ang bibig ko nang tuluyan kong makita ang kabuuan ng kwarto ni Jasmine.
Ang puting kama, puting kurtina, white vanity detailed mirror and all. Parang ginawa talaga ito para sa isang prinsesa.
Palagay ko'y napakalambot ng kama niyang kay sarap higaan. Mayroon pang malaking salamin at television sa loob. Hindi maikakaila ang pagkamangha ko nang makapasok na kami nang tuluyan doon.
It's huge, too! Parang mas malaki pa ito sa aming ground floor! It's neat and has unique designs unlike my room.
Maliit lang ang akin at ang tanging palamuti lang ay ang picture na nakasingit sa lumang spanish style mirror ng kwarto ko. And my bed is old as well. Minsan nga ay ramdam ko na ang iilang spring doon na tumutusok sa likuran ko.
I cannot complain. Mas marami pang bagay na kailangan naming pagkagastusan kaysa ang palitan ang lumang kama ko.
"Come here! Sit!" masiglang turo niya sa upuan na hinila niya pa para sa 'kin.
Anong gagawin ko riyan? Gusto kong itanong pero ni isa ay walang lumabas sa bibig ko.
Maingat akong naglakad papunta ro'n. Just like walking in a library room. Tinitingnan ko pa ang sapatos ko kung nakagagawa ba ito ng dumi sa malinis niyang carpeted floor.
"You should put some lipstick on, Julia."
Mabilis siyang nakapili ng lipstick na gagamitin ko to think na sobrang dami ang nakahilera ngayon sa harapan namin. Nagagamit niya pa kaya ang lahat ng 'yon?
"Okay lang naman kahit wala, Jasmine..."
"Sige na, please try it. Bagay 'to sa 'yo, I swear!"
Ibinigay niya sa akin ang isang nude color na lipstick. Gustuhin ko mang tumanggi pero nananalaytay ang hiya ko sa kanya.
Jasmine has been so nice to me ever since we're little. Napaka-sweet at bubbly niya. Hindi rin ito maarte at mapagmataas kahit na laki sa yaman. She's like a mini Tita Sofia.
Napangiti ako. Sinunod ko ang gusto ni Jasmine. I gently opened the lipstick and dabbed it on my lips. Sa isang pahid pa lang ay kumulay na agad 'yon.
Lumawak ang ngiti niya nang makita nito ang resulta ng nilagay ko. Inayos niya rin ang buhok ko at saka muling ngumiti.
"I think you don't need those..." turo niya sa aking salamin.
Hindi naman gano'n kalabo ang mga mata ko pero kailangan ko rin ang mga 'yon dahil minsan ay sumasakit ang mata ko sa pagbabasa. I like to read and write poems. Kahit nga madilim na ang kwarto ko ay patuloy pa rin akong nagbabasa hanggang sa matapos ko ang isang buong libro.
I'm not supposed to read in the dark but I have no choice. Matagal nang sira at pundido ang lamp sa tabi ng kama ko. Hindi ko na rin 'yon nasabi kay Mama dahil sa tuwing nag-uusap kami ay mabilisan lang. Si Papa naman ay marami ring ginagawa kaya hinayaan ko na lang 'yon.
Tinanggal ko ang salamin ko. Pinunasan ko rin ang mga mata ko at nang makapag-adjust ay nakita ko na ang aking repleksiyon sa kanyang vanity mirror.
"Perfect!" hiyaw niya.
That's what I wanted to say... I can't believe I'm looking at my own reflection right now. Ilang taon na ba akong nakasalamin? I lost count.
"Thank you, Jasmine..." Tumango lang siya at excited na naman akong hinila palabas ng kanyang kwarto.
Dinig sa labas ng garden ang masayang tugtugin. Sinalubong kami ni Mama sa labas ng bahay. Pati siya ay hindi napigilang sipatin ang kabuuan ko. She looks so happy upon seeing us together. Niyakap niya ako at bahagya pang hinimas ang mukha ko.
Emosyonal niya akong tiningnan.
"Ang ganda naman ng anak ko."
"Mama naman..." Hindi ko napigilan ang pagsinghap.
She's being emotional at nahawa na ako roon. Kung hindi lang nagsalita si Jasmine ay baka tuluyan na kaming mag-iyakan ni Mama.
"Juliana, iiwan muna kita ha?" May halong lungkot sa boses niya. Ngumiti lang ako.
"Sige, Jasmine. Thank you ulit."
Tumango naman ito kay Mama bago kami tuluyang iwan.
"Doon tayo, Julia," turo ni Mama sa isang lamesang pabilog.
Ang emosyon ko ay napalitan ng paghagikhik nang makita ang ayos ni Mama. Ngayon ko lang ito nakitang ganito ka-sosyal ang gayak.
She's wearing a nude long dress at ang kanyang buhok ay naka-messy bun. Her make-up is light and her shoes! Oh my God! Ngayon ko lang nakitang nagsuot siya ng may takong!
Ang sabi ni Mama ay pinilit lang siya ng mag-asawang magsuot ng pormal at umattend sa party na ito, hindi bilang katulong kundi bilang parte ng pamilya.
Si Mang Pedring naman ay posturang-portura din sa kanyang suot na black suit. Napangiti ako. This is my first time to attend a proper party at ngayon pa lang ay umaapaw na sa tuwa ang dibdib ko.
Umupo ako sa silyang nakahanda para sa 'kin. Our name was plastered above the table. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.
I saw Jasmine talking to her friends while her parents are still inside the house. Siguro'y nag-aayos pa. Si Mama naman ay hindi maiwasang tulungan ang mga taong parte ng catering. Pati sa mga waiter ay tumutulong siya.
Tumayo ako para lapitan si Mama nang makita ang pagkuha niya sa isang malaking tray na puno ng inumin.
"Ma, baka po makita kayo ni Tito Joaquin. Tara na po roon..."
Bakas sa mukha niya ang pagtutol pero nang mapunta ang atensiyon ng lahat sa mag-asawang kalalabas lang ng venue ay nagpatianod na rin ito sa 'kin.
Hindi maipinta ang sayang nakikita ko sa mukha ng mga bisita, lalong-lalo na ang sa mga magulang ni Jasmine.
I felt like they're match made in heaven. Sila ang ginawa ng diyos para sa isa't isa. Kagaya na lang nina Mama at Papa. Sa umaapaw nilang pagmamahalan ay alam kong kahit na ano'ng sitwasyon ay kaya nilang lagpasan.
That left me wonder if where, when and how will I meet my match.
Sa panahon ngayon ay mahirap nang makahanap ng totoong pagmamahal. 'Yon bang taong kaya kang tanggapin nang buong-buo. Kahit na ano pa man ang estado mo sa buhay. Ni mahirap ka man o mayaman, handa kang tanggapin sa ikaw.
Nagsimula na ang program. Katabi namin ni Mama ang ilang mga kasambahay pati na rin si Masha. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nagawa ko. Sa pagtulong kong perwisyo lang ang dala.
"Masha, sorry ulit ha..." bulong ko nang maiwan kaming dalawa sa lamesa. Sina Mama ay abala sa pagbati sa mag-asawa. They're like newlyweds. Kung sabagay, sa ilang taong pagsasama ng mga ito ay ni hindi man lang ito tumanda ng isang taon.
Si Tita Sofia ay balingkinitan pa rin ang katawan samantalang si Tito Joaquin naman ay hubog pa rin ang atletang built.
"Ayos lang 'yon, Julia. Hindi naman nagalit si Madam Sofia eh! Mabuti na lang!"
"Sorry talaga! Uhm... Pwede pa ba akong bumawi sa 'yo?"
Kumunot ang noo niya. Hindi sigurado sa isasagot sa tanong ko.
"Pwede akong maglinis bukas ng mga maiiwang kalat dito..." Nilingon ko pa ang paligid. "O kaya naman magdilig ng mga halaman?"
Natawa na lang ito sa sinseridad kong bumawi sa kanya.
"Naku, Juliana, ayos nga lang 'yon. Pero kung gusto mo talaga akong tulungan, gumising ka na lang nang maaga bukas. Okay lang ba?"
Binitawan ko ang hawak kong baso na may lamang orange juice bago siya sinagot. Halos mailuwa ko pa ang nainom ko roon dahil sa tuwa.
"Talaga? Oo ba, sige! Alas singko pa lang, gigising na ako!" masayang sambit ko. Natawa na lang siya sa 'kin.
Kung alas singko ako gigising bukas, anong oras naman ba matatapos ang party ngayon?
Naglagay ulit ng panibagong orange juice ang waiter sa aming table. Nilinga ko ang paligid nang kausapin ni Masha ang isa pang kasambahay na katabi niya.
Si Jasmine ay abala pa rin at halatang tuwang-tuwa ito sa pakikipag-usap sa mga kasama. That made me miss my own crew. Kumusta na kaya sina Cheyenne? Namimiss kaya nila ako gaya ng pagkamiss ko sa kanila ngayon?
Si Harren kaya? Malungkot pa rin ba siya? Sila Patchi?
Naputol lang ang lahat ng nasa isip ko nang marinig ko ang maingay na tawanan ng mga lalaki sa bandang likuran.
Tamad ko silang nilingon. I saw Jacob with them. Nahinto ang pagtawa niya nang makita akong nakatingin sa direksiyon niya.
Nakita ko rin ang marahang pagsiko sa kanyang katabi. Sinulyapan ko rin ito bago tuluyang nag-iwas ng tingin.
Ingay!
Inabala ko ang sarili ko sa pag-ikot ng daliri ko sa basong nasa harapan ko. I'm all alone. Gusto ko nang umalis at matulog dahil maaga pa akong gigising bukas pero nakakahiya namang iwan ko sila rito.
Sinabayan ko ng pagkanta ang tinutugtog ng pianista. Sinabayan ko pa ng pagtapik sa basong nasa harapan ko.
"Sometimes I get tired of this me first attitude..."
Napangiti ako. Paborito namin ni Cheyenne ang kantang 'to. Mas lalo akong ginanahan ng dumating na ito sa chorus.
"And I'll never lose my faith in you... How will I ever get to heaven, if I do..."
"Nice voice!"
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ng isang lalaki roon. I saw a tall guy standing beside me. He has a wavy black clean cut hair and his eyes are dark na para bang gustong pasukin ang nasa isip ko.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"I'm Eros." He smiled.
Napatitig ako sa kamay niyang ngayon ay nakalahad sa harapan ko. Alam kong kasama ito ni Jacob kanina. But why is he here? Na-bore na ba siya sa lalaking 'yon kaya niya ako nilapitan?
"Juliana," tipid kong sagot at ibinalik ang atensiyon sa aking baso.
Akala ko'y aalis na siya pero imbes na gawin 'yon ay tumabi siya sa kinauupuan ko.
"Are you alone?"
Is he talking to me? Nilinga ko ang paligid ko. Okay, he is.
"Yeah..." Hindi ba obvious?
"But why? Kaibigan ka ba ni Jasmine? I'm her cousin," pagpapakilala niya.
Tumango ako matapos sagutin ang tanong niya. Kaya naman pala halos parehas lamang sila ng postura ni Jacob. Sinuri ko ang kabuuan niya.
His style just made me think about his cousin but I think Jacob's features are more manly and mysterious than Eros.
Ang kanya kasi ay parang isang anghel at magaan lang pakisamahan hindi kagaya noong sa isa na hindi ko mabasa. I don't know... Hindi naman ako gano'n ka-eksperto mangilatis ng tao. Feel ko lang...
Kailan ko nga ba ginawa 'to? Siguro kapag interesado lang ako sa isang tao. Kagaya na lang kay...
"Anak ako ni Manang Celia." Nginitian ko siya.
"Oh really? Ikaw pala 'yong ikinukwento ni Jacob."
Kumunot ang noo ko. What? What about me? Anong ako?
"Huh?!"
"Never mind..." he said.
Parang may iba pa siyang gustong ipahiwatig! Ano naman kayang pinagsasasabi ng mokong na 'yon sa pinsan niya?
Marami pang sinabi si Eros pero mas tumatak sa utak ko ang sinabi nitong kwento ng magaling na Jacob.
We're not that close. In fact, we are not friends. Ni hindi ko alam kung posible bang mangyari ang pagkakaibigan na 'yon kaya wala akong maisip na pwede niyang ikuwento rito.
Pasimple kong sinulyapan ang kinaroroonan ng mokong habang kunwari'y nakikinig lang sa mga sinasabi ni Eros. Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko papunta sa direksiyon nila pero muntik na akong mapamura nang makita ko siyang nakatitig pabalik sa 'kin!
His brown eyes that makes me feel so uneasy are staring back at me! Matalim ang pagtitig niya sa 'kin na para bang gusto akong sigawan!
Shit! Natataranta kong ibinalik ang mukha ko kay Eros! Nakakainis! Bakit ba siya nakatingin sa 'kin? Parang gusto kong tabunan ang mukha ko sa hiya ngayon.
"Vergara side talaga ako, Juliana. My Dad was the oldest among the Vergara's and Tita Sofia is the youngest..." ani Eros.
Tumango-tango lang ako sa kanya kahit na sumisigaw ngayon ang puso ko sa kaba.
Bakit ba ganito na lang ako palagi? Bakit palagi na lang akong hindi mapakali kapag nasa paligid ang nag-iisang hijo ng mga Delaney?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro