Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Chapter Three

Brown Eyes


"Ano'ng nakuha mo?" excited na tanong ni Cheyenne matapos ibigay sa 'min ang aming mga test papers.

"Ninety-five!" hiyaw ko.

"Wow! Ang taas naman, Julia! Eighty-nine lang ako..." May halong lungkot sa kanyang boses.

"Okay lang yan! Mataas pa rin naman, Cheyenne..."

Ngumiti siya. Maya-maya pa'y lumapit sa aming pwesto ang nakabusangot na si Sheyriz.

"Oh, bakit ganyan 'yang mukha mo?"

Imbes na sagutin kami ni Cheyenne ay ibinalandra niya sa aming mukha ang kanyang test paper na may score na seventy-nine. Nalaglag ang panga ko.

What? We studied together! Siya pa nga ang nagyayang sa bahay kami mag-aral.

"What happened?" Umiling siya.

"It's okay, Shey! Hindi pa naman 'to finals. You can still make amends. I promise we'll work hard for the last exam..." She nods.

Wala naman akong alam na problema niya. But how come she almost failed the exam?

Hindi na ako kumibo. Paniguradong mas lalo lang itong malulungkot kapag pinag-usapan pa namin 'yon.

"Mag-iingat ka ro'n ha!"

"Oo nga, Julia. 'Tsaka huwag mong kalimutan 'yong white chocolate!" nakangiting pagpapaalala ni Shey sa 'kin.

"Oo na! Ang OA niyo! Saglit nga lang ako ro'n. Saglit lang. As in isang pitik lang gano'n!"

Pumitik pa ako sa mga mukha nila isa-isa. Napailing na lang si Cheyenne sabay tawa.

"Oh, tama na 'yan halika na, Juliana."

Nakangiting tawag ni Papa na kalalabas lang ng kwarto. Si Papa ang maghahatid sa 'kin sa Manila ngayon dahil saktong may kailangan siyang puntahan doon nang ilang araw.

"Say hi to Jacob," makahulugang bulong ni Cheyenne na nagparolyo ng aking mga mata. Siniko ko siya.

"Ingat po kayo, Tito Thomas!" magkaritmo nilang paalam.

Ngumiti si Papa sa kanila bago muling sumagot.

"Salamat."

Kinuha ni Papa ang aming mga gamit sa gilid ng pintuan at sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay. Paglabas namin ay pumara kami ng tricycle. Tinulungan pa ng driver ang paglagay ni Papa ng mga gamit sa likurang bahagi nito.

"Bye, guys! See you!" nakangiting sabi ko sa mga ito at kumaway pa sa kanila. They wave back at me nang magsimula nang umandar 'yon.

"Ihahatid n'yo po ba ako hanggang sa mansyon?" tanong ko nang makasakay na kami ng bus.

"Hindi na, Julia. Kailangan ko na kasing puntahan 'yong boss ko. Siguro'y sa may labas na lang ng kanilang subdivision. Susunduin ka naman ng Mama mo roon."

"Sige po. Sabay rin po ba tayong uuwi?"

"Titingnan ko pa. Kapag maagang natapos ang trabaho, susunduin na lang kita. Kapag hindi naman, baka sumabay ka na lang sa Mama mo..."

Binigay niya sa 'kin ang baon naming chicken sandwich. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Mama!" masayang bati ko rito nang makarating na kami ni Papa sa kanilang village.

Niyakap niya ako nang mahigpit at si Papa.

"Mauna na ako, anak. Ma."

"Mag-iingat ka, Pa." Niyakap ko ulit siya bago tuluyang nagpaalam.

Nagpaalam na rin si Mama kay Papa bago kami sumakay sa sasakyang itim na naghihintay sa 'min.

"Kumusta ang biyahe n'yo, Juliana?"

Hinaplos pa ni Mama ang aking buhok na parang tuwang-tuwa ngayon sa aming pagkikita.

"Okay lang, Ma... Miss na miss ko po kayo!"

"Ako rin, anak! Teka, parang pumayat ka lalo?"

Sinuri niya ang aking kabuuan.

"Hindi naman po, Ma."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mga mansyon ng Delaney.

Kahit na ilang beses na rin akong nakapunta rito noon ay hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa mansyon. Tahimik lang ang lugar pero may mga tao nang nag-aayos para sa pagtitipong gaganapin bukas.

Some of them are putting decorative lights all over the place. Hindi ako magkanda-ugagang lingunin ang paligid.

Ibang-iba talaga ang lugar na ito sa Buenavista. Doon ay simple lang ang pamumuhay, hindi kagaya ritong magagarbo ang mga pasilidad.

Iginiya ako ni Mama sa loob ng bahay. Ang mga kasambahay ay abala rin sa pag-aayos. Ang grandiyosong hagdanan sa gitna ng bahay ay nilalagyan din ng mga palamuti.

The way to the huge garden is open as well. I can see some crystal chairs being arranged outside. Napangiti ako nang masulyapan ang mga nakatanim na bulaklak na noon lang ay pinipitasan ko.

"Dito ka muna, anak, saglit lang..." paalam ni Mama sabay turo sa 'kin sa isang mahabang couch na naroon sa living room.

I feel uncomfortable sitting there while watching the maids cleaning. Parang gusto ko silang tulungan sa kanilang ginagawa.

Inilapag ko roon ang aking backpack at nilapitan ang isang babaeng siguro'y mas matanda lang sa 'kin ng ilang taon. Ang ibang mga kasambahay ay magkakalayong naglilinis.

"Pwede ba akong tumulong?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

May pag-aalinlangan niya akong tiningnan. Umiling siya.

"Ikaw ba ang anak ni Manang Celia?" she asked politely.

Ngumiti ako bago siya sinagot.

"Opo..."

"Ay hindi na, doon ka na lang muna maghintay sa couch. Ano ngang pangalan mo?"

"Juliana... Okay lang naman ako. Gusto ko pong tumulong."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Kinuha ko na ang feather duster na nakalagay sa isang basket ng mga panglinis. Nang makita ko ang pagtutol niya ay nagsalita akong muli.

"Okay lang talaga. Ayaw ko namang makita kayong naglilinis habang ako, nakaupo lang doon."

"Masha. Tawagin mo na lang akong Masha."

"Okay, Masha..."

Ngumiti siya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. This is the first time I saw her. Siguro ay bago lang ito o talagang matagal na akong hindi nakapunta rito? Kailan nga ba ang huli? Hindi ko na matandaan.

Sinimulan kong padaanan ang isang glass cabinet na naroon. Hindi na siya tumutol. Hinayaan niya ako sa aking ginagawa.

Sa totoo lang ay gusto ko rin talagang makita ang mga litratong naka-display sa ibabaw nito. May mga portraits pero karamihan ay ang family photo ng mga Delaney.

So...

Napatigil ako nang mapukol ang mga mata ko sa isang malaking portrait na nasa gilid.

Seryoso lang itong nakatitig sa camera na para bang hinahamon sa titigan ang kumukuha ng litrato. Hindi ba talaga siya marunong ngumiti?

Parang gustong rumolyo ng mga mata ko. Sa lahat kasi ng naroon ay kung hindi tipid na ngiti ay pekeng ngiti naman ang nakikita ko sa kanya. Maybe his parents didn't teach him how to be naturally happy...

"Ayos ka lang ba riyan?"

Napapitlag ako sa tanong ni Masha. Hindi ko na rin naramdaman ang paglapit niya sa 'kin. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang babasaging litratong hawak ko.

"O-Oo naman!"

Natataranta kong ibinalik sa dating pwesto ang aking hawak. Pinagpawisan ako bigla dahil kay Masha.

"Ayos ka lang ba talaga?" humahagikgik niyang sabi at siniko pa ako.

Tipid ko siyang nginitian at kinuha ang panibagong picture na naroon. Pinunasan ko rin ito.

What a sneaky woman! Muntik na akong makabasag doon!

"Masha, si Manang Celia?"

Tanong ng isang boses na galing sa itaas ng grand staircase. Lumingon doon si Masha pero ako ay nananatiling nakatutok ang mga mata sa ginagawa.

"Ah, hindi ko alam e... Saglit lang, hahanapin ko, Señorito Jacob."

Sa binanggit na pangalan ng katabi ko ay may ilang boltaheng dumaloy sa katawan ko dahilan para mabitiwan ko na nang tuluyan ang panibagong portrait na hawak ko.

Shit!

"Julia!"

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang sigaw ni Masha. Mabilis siyang nakalapit sa 'kin. Lagot!

Dali-dali kong pinulot ang pira-pirasong bubog gawa ng glass frame na 'yon. Nanginginig ang mga kamay ko! Why am I so tensed?! Hindi ako nag-iisip nang maayos!

"Julia, tama na, ako na riyan! Baka masugatan ka pa," pagalit ni Masha sa 'kin.

"Ako na, Masha. Sorry! Hindi ko sinasadya."

Pinulot ko pa rin ang mga natitirang bubog doon. Hindi ko siya hinayaang tulungan ako. Akmang kukunin ko na rin ang picture ni Jacob na nakataob sa mga bubog pero may isang kamay ang humarang sa 'kin para hindi ko 'yon maabot.

"That's enough. Masha, please clean this up."

I bit my lip. Hindi ko pa nakikita kung sino ang nakahawak ngayon sa kamay ko pero pakiramdam ko'y mahihimatay na ako sa sobrang kaba!

This is not what I planned! Ang plano ko noon ay tatarayan ko siya at hindi ko siya papansinin. I will look at him like the way he used to look at me nine years ago. Pero dahil sa katangahan ko...

"Get up!" matigas niyang sabi.

May pag-iingat kong inilingon ang mukha ko papunta sa boses ng taong nakahawak sa aking ka nang kamay.

Holy smokes! Wala sa sariling pinasadahan ko ang aking labi ng aking dila at bahagya pang nakagat 'yon.

Bumalandra kaagad sa akin ang isang Adonis na mukhang galing pa sa kaharian ng mga perpekto! His hair was dark and styled in a clean cut. Ang mga mata niya ay mas lalong naging kulay kayumanggi dahil sa makapal at maitim niyang kilay at pilik mata. Tumagal ang mga mata ko sa matangos niyang ilong pero kusa iyong nalaglag nang gumalaw ang mapupula niyang labi.

Ang mga labi niyang mahihiya ang pulang mansanas dahil natural iyon at talaga namang... Napalunok ako nang mapansin ang nakaigting niyang panga. Lutang na bumaba pa ang mga mata ko patungo sa kanyang katawan.

He is wearing a royal blue button down long sleeves and black pants. Wala sa sariling napasinghot ako nang maamoy ang pabango niyang para akong dinala sa payapang isla na tanging kaming dalawa lamang ang tao. It smells like a combination of an ocean and pine trees.

Napakurap-kurap ako nang tumikhim siya. Bumalik ang mga mata ko sa kanyang mukha. Tumaas ang isang kilay niyang para bang nairita lalo dahil sa hindi ko paggalaw at pagsipat ko sa kanyang kabuuan.

"Are you done or you still need more time to check me out?" masungit niya pa ring sabi.

What. The. Hell! Hoy! Napaka-kapal! Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong tumayo at hinila ang kamay ko pabalik sa gilid ko.

I stepped back. I can't stand his presence. Para bang hinihigop niya ang lahat ng lakas ko pabalik sa kung saan ako dinala ng mabango niyang amoy.

Nakita ko ang kaba sa mukha ni Masha matapos niyang walisin at kunin ang litrato ni Jacob.

Napukol ang tingin ko roon...

Ang tanga mo, Juliana! Gusto kong batukan ang sarili ko. Ngayon na nga lang ulit ako nakapunta rito, tapos pagbabayarin ko pa si Mama ng nabasag ko!

"Hijo! Why are you still here? Hindi ba't aalis kayo ni Jasmine?"

Nabaling ang atensiyon namin sa dalawang taong magkahawak ang kamay habang pababa ng grandiyosong hagdan.

Tita Sofia and Tito Joaquin.

"Juliana?!" bulalas ni Tita Sofia nang makababa na ang mga ito sa hagdan. Parang gusto niya pang umiyak ngayon.

"Oh my God! Dalaga ka na!"

Umatras si Jacob para bigyang-daan ang kanyang ina. Sinalubong naman ako ni Tita Sofia ng isang mahigpit na yakap.

I can see him shook his head. For what? I don't know... isusumbong niya ba ako ngayon? Parang gusto ko na ring umiyak at humingi ng tawad ng paulit-ulit kay Tita Sofia.

"Kumusta po kayo?" bulong ko sa gitna ng yakap nitong 'yon.

"Maayos naman kami! Ikaw ba? Naku, eh ang ganda mong dalaga, hija! Nasaan na ba si Celia at hindi man lang sinabing narito ka na!" ani Tita Sofia.

Niyakap din ako ni Tito Joaquin.

"Parang kailan lang, hon, ano?" natatawang dagdag pa nito sa asawa. Wala akong ibang naisagot sa kanila kung hindi ang isang tipid na ngiti. I can still feel the tension that Jacob's giving me.

Para bang gusto niya akong hilahin palayo sa mga magulang niya at pagalitan dahil sa bagay na nabasag ko. O talagang ganito lang siya kung makatingin?

"Hija, si Jacob! Natatandaan mo ba?" masayang turo nito sa anak. Napipilitan namang tumango ang isa. Isinukbit ni Tita Sofia ang kanyang kamay sa aking braso at iginiya ako papunta sa couch.

"Masha, nasaan si Celia?" tanong ni Tito Joaquin nang makita itong patuloy lang sa paglilinis.

"Ah... baka po nasa loob ng kitchen."

"Anong nangyari diyan?" Si Tita Sofia.

"Juliana dropped my photo, Mom," sumbong ni asungot na nasa gilid ni Tito Joaquin.

Aba't sumbungero nga!

"Oh, hijo! I'm sure we have some spare photo frames in the storage. Don't worry about it. I'll ask Pedring to get it."

Nakita ko ang pagkibit ng balikat ni Jacob. As if like he was pissed that her mom didn't scold me!

"I'm sorry po. Tumutulong lang po ako kay Masha kanina..."

Napayuko ako. Sasabihin ko na lang kay Mama na bayaran ang nabasag ko gamit ang aking allowance. Kaya ko namang maglakad simula sa bahay hanggang sa school eh!

"You don't have to do that, Julia... Bisita ka rito." Ngumiti pa si Tita.

"Sorry po ulit..."

Paglingon ko kay Jacob ay nananatiling matalim ang mga titig niya sa 'kin.

Huh! Akala mo riyan! Bhelat! Bwisit ka!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro