Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Chapter Two

Cullasaga


"Aren't you excited?" curious na tanong sa 'kin ni Cheyenne.

Cheyenne is one of my best friends here in Buenavista. Magkasing-edad lang kami at ilang metro lang ang layo ng kanilang bahay mula sa 'min.

Do you know that feeling when you meet someone and you instantly just clicked? Ganoon ang nangyari sa aming dalawa.

We were grade four that time. Sa simula nang klase ay siya kaagad ang napansin ko noon kaya siya rin ang tinabihan ko. Minsan nga ay napagkakamalan na kaming magkapatid dahil sa hindi kami mahiwalay sa isa't isa. Only that, I have a thick black hair with natural big curls while Cheyenne has dark brown straight hair.

"I don't know," kibit-balikat kong sagot sa kanya.

Sa totoo lang, natutuwa akong isiping makikita ko si Mama pagkatapos ng dalawang buwang hindi ito nakabisita sa Buenavista. Ang sabi nito ay magse-celebrate next week ang pamilya Delaney sa gaganaping 20th anniversary ng mag-asawa.

Dagdag pa ni Mama na kailangan kong pumunta sa party dahil gusto raw akong makita ng mga ito lalo na ni Tita Sofia.

"Julia, ayaw mo 'yon? Makikita mo na si Jacob after nine long years!" pang-aasar pa niya.

She's the only one who knows about him because of the picture in my bedroom. Palagi niya akong tinatanong tungkol doon and I told her what's the story behind it.

Ang masayang pagkukwento ko tungkol sa aburidong batang Jacob at kung gaano kayaman ang pamilya nito. Sa tuwing nababanggit ko ngang pagmamay-ari nila ang hotel na nasa kabilang bayan ay napapanganga talaga siya. Kahit ako nga minsan, hindi na rin makapaniwalang may gano'n pala talagang mga tao. Iyong sobra-sobrang pinagpala sa buhay.

Hindi lang 'yon ang pagmamay-ari ng mga Delaney. Ang pamilya lang naman nila ay mayroong mga five star hotel all across the globe at marami pang ibang negosyo.

"Ano naman kung magkita kami? Hindi naman kami close," masungit na sabi ko sa kanya.

Totoo naman eh. Ni hindi ko nga ito nakausap kahit na isang beses. Si Jasmine lang ang tanging nagbibigay ng mga postcard sa 'kin at lahat ng uri ng greeting cards tuwing may mga mahahalagang okasyon.

Si Jasmine lang din ang nagsabi kay Mama na pilitin akong lumuwas at um-attend sa anniversary ng kanyang mga magulang.

"Class, don't forget to review para sa ating exam bukas, okay?" paalam ni Miss Gonzales sa 'min.

Ngayong fourth year high school na ako ay kailangan ko nang maghanda para sa kolehiyo. Ang gusto ni Mama na kunin kong kurso ay journalism, sunod sa yapak ni Papa pero dahil gusto ko talaga ang business administration ay hindi naman tumutol ang mga ito.

"Cullasaga tayo?" excited na sabi ni Cheyenne nang makalabas na si Miss Gonzales.

Cullasaga...

Parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang marinig 'yon. Ang Cullasaga ay isang hidden falls na malapit sa pinakamalaking rancho rito sa Buenavista na pagmamay-ari ng pamilya Abarca.

Marami namang waterfalls dito pero para sa 'kin ay pinakamaganda at tahimik ang Cullasaga. It's just mesmerizing.

Dahil sa pribado ito ay tanging mga taga rito lang sa bayan namin ang nakakaalam no'n. It's like a sacred place to us.

"Uy! Sama naman kami riyan!" excited na sabi nina Sheyriz at Harren.

"Oo nga," singit naman ni Jecko.

"Oh, tara na pala para makauwi tayo nang maaga," anyaya ni Cheyenne at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

Matagal na rin kaming hindi nakakapunta sa Cullasaga simula noong dumating ang bagong may-ari ng madadaanang kalupaan papunta roon. Ang ika-labing walong henerasyon ng mga Abarca. Isa ang mga ito sa makapangyarihang pamilya rito sa Buenavista.

Ang huling Mayor namin na si Mr. Belarus Abarca ay pumanaw na noong nakaraang buwan kaya ang bagong henerasyon na ngayon ang nagpapatakbo sa kanilang rancho.

Hindi mapigil ng labi ko ang pagngiti nang makapasok na kami sa malawak na lupain ng mga ito. Ilang buwan din kasing sarado ang lahat ng daan nang pumanaw si Mayor Belarus.

"Julia, hindi ba uuwi ang Tita Celia? Namimiss ko na kasi yung mga kakaning ginagawa niya eh," tanong ni Sheyriz na kumapit pa sa braso ko.

Ang dalawang lalaki naman sa likuran namin ay umakyat pa yata ng bayabas kaya nawala ang mga ito sa likuran.

"Hindi ko pa alam eh. Baka next month pa," malungkot na sabi ko.

"Ayos lang 'yon! Makikita mo naman si Mama Celia sa susunod na linggo." Napalingon ako kay Cheyenne na ngayon ay nakangiti at chini-cheer up ako.

"Luluwas ka?" ani Sheyriz.

"Oo, Shey. Pero saglit lang 'yon dahil may klase pa tayo." Nanlaki ang mga mata niya.

"Pasalubungan mo ako ha! Gusto ko ng white chocolate, Julia!"

Kunwaring kumakagat pa ito sa imahinaryong tsokolateng hawak nito. Natawa na lang kami ni Cheyenne dahil do'n.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Kahit na walang mga baong damit ay sanay naman kaming maligo sa Cullasaga at umuwing basa ang mga uniporme.

Si Tatay naman ay paniguradong nasa trabaho pa kaya alam kong wala akong kasama sa bahay. Sanay na ako sa gano'n. Sa forte ng trabaho niya ay madalas tuwing gigising ako ay nakaalis na siya. Kapag uuwi naman siya ay tulog na ako.

"Bayabas, guys!" masiglang habol nina Jecko at Harren sa 'min sabay abot ng mga malalaki't hinog na bayabas.

"Salamat!" Kumuha kami ng tig-i-isa.

Marami pang pwedeng pitasin sa lugar na 'to. Sa may kaliwa ay may mga manggang namumutiktik na sa bunga. Sa may bandang kanan naman ay ang mga sagingan at kaniyugan.

Matapos ang isang oras na paglalakad ay narating na rin namin ang Cullasaga.

I gasp in astonishment at the clarity of the aquarium blue waterfalls once again. It was spurting over the basalt rock, and was whooshing vortex at the bottom. Ang kulay asul na tubig nito ang talaga namang nagpapatalon sa puso ko.

Namiss ko 'to! Ang tagong paraiso ng Buenavista.

I remember the first time I got here. Bata pa kami noon ni Cheyenne nang mapadpad kami sa Cullasaga. Ang alam ko noon ay nanghuhuli lang kami ng mga tutubi sa may malaking plantation ng mga bulaklak hanggang sa mapadpad kami rito.

"Maliligo ka ba?" tanong ni Harren nang makalapit siya sa 'kin.

Ang mga kasama namin ay nagsipagtalunan na sa nakabibighaning tubig. Nakita ko pa ang kulitan nila habang ako ay inaayos ang aming mga gamit sa isang kubong naroon.

"Oo, mamaya. Magpapahinga lang muna," sagot ko sa kanya.

"Kailan ka aalis?" he asked again at umupo sa tabi ko.

Inangat ko ang aking mga paa sa mahabang kahoy na lamesa sa gitna ng kubo. I spread my hands to the backrest while closing my eyes. Parang ngayon na lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin.

Habang tumatagal ay dumarami na ang mga dayo sa Buenavista. Marami na ring mga sasakyang dumaraan dito kaya tuloy minsan ay mausok na sa daan hindi kagaya dati.

"Sa isang linggo pa 'yon."

"Hanggang kailan naman?" he asked again.

Harren is a nice guy. Matagal na kaming magkakaibigan kaya sanay na ako sa kakulitan nito. He was my neighbor, too. Ang kanyang Ina ay naging kaklase pa ni Papa noon sa kolehiyo. Ang kanyang Ama naman ay maagang pumanaw dahil nabaril ito nang minsang nagkaroon ng raid sa kalapit na lugar. He was a policeman.

Dumilat ako para tingnan siya.

"Hindi ko pa alam pero saglit lang 'yon. May pasok pa tayo eh."

"Doon ka ba mag-aaral?" Kinuha niya ang bayabas na nakuha nila kanina sa daan at ibinigay ang isa sa 'kin.

"Hindi. Dito lang ako sa Unibersidad De Buenavista. Ikaw?" Kinagat ko ang ibinigay niyang prutas. Ganoon din ang ginawa niya.

"Sa Manila," malungkot niyang sinabi.

"Ha? E, akala ko ba..."

"'Yon ang gusto ni Mama eh. Doon na kami titira Julia." Napatuwid ako ng upo dahil sa sinabi niya.

Nilingon niya ang mga kaibigan naming nagkakatuwaan.

"Harren! Tara na!" sigaw ni Jecko na umulit pa sa paligid.

"Saglit!" he responded.

"Alam na ba nila?" Umiling siya at hinarap akong muli.

"Hindi pa. Sa 'yo ko pa lang sinasabi. Noong isang araw lang sinabi ni Mama."

"Paano ang bahay n'yo? Si Porky? Patchi? Patty?" tukoy ko sa mga baboy niyang alaga.

Naaalala ko pang halos araw-araw niyang pinapaliguan ang mga 'yon kahit na magdudumi lang din naman. Ang katwiran niya ay kung ang tao nga raw, naliligo isang beses o higit pa sa isang araw, bakit ang baboy, hindi?

Nagkibit-balikat lamang siya na parang hindi rin alam ang gagawin sa mga 'yon.

Sina Patchy ang mga alaga niyang hiningi niya pa sa kanyang ina bilang regalo sa kanyang kaarawan, kaya hindi ko maisip kung paano niya kakayaning iwan ang mga ito.

"Ang sabi ni Mama ay ibebenta na ang bahay namin at doon na kami titira." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Harren.

Somehow, sadness covered my chest. Noong sina Layla at Bryan ang umalis sa Buenavista ay hindi naman ganito ang lungkot na naramdaman ko pero with Harren, kusa na lang akong nalulugmok.

He's one of our protectors. Naalala ko pa noong may makulit na nanliligaw kay Cheyenne kahit ilang beses na niya itong b-in-usted. He's the one who confronted that guy. Walang may alam sa 'min ng kung anong sinabi niya rito pero we're so thankful na pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay hindi na ito nangulit pa.

Siya rin ang palaging nangunguna sa 'min sa lahat ng gala at mga kalokohan. He's our leader, at hindi maaaring walang leader ang isang grupo. But what can we do?

"Pumayag ka?"

"Wala naman akong magagawa. 'Yon din ang desisyon ni Rocco," tukoy niya sa kanyang step-father.

Tumango-tango lang ako. Kung hindi pa umahon si Sheyriz ay hindi pa mapuputol ang usapan naming dalawa.

"Ano na, Harren! Julia! Halina na kayo!" Hinila niya ang mga kamay namin palabas ng kubo.

I'm still drowned with sadness. Nalulungkot akong isa na naman sa grupo namin ang mawawala.

"Dito ka, Julia!" excited na hiyaw ni Cheyenne matapos makaahon sa isang malaking batong naroon.

Kalulubog ko pa lang sa tubig, the water immediately comforts some part of me. Kahit papaano ay naibsan ang pag-iisip ko.

Napalingon ako kay Harren. Ngumiti lang siya at muling bumaling kay Jecko.

Lumangoy ako patungo sa batong kinaroroonan ng kaibigan ko. Si Shey naman ay abala rin sa pangungulit sa mga kalalakihan.

Napangiwi ako. Matagal nang may gusto si Shey kay Harren kaya alam kong malulungkot ito kapag nalaman ang kanyang gagawing paglisan sa Buenavista.

"Huy! Ayos ka lang?" tanong ni Cheyenne nang hindi ko namamalayang nakatulala lang ako sa kanila.

"O-Oo. May iniisip lang..." sagot ko.

Kahit gusto ko nang sabihin sa kanya ang mga sinabi ni Harren ay hindi ko ginawa. I want him to tell our friends his decision. Ayaw kong manggaling sa akin ang mga 'yon.

"Excited ka nang makita si Jacob 'no?" nakangising pang-a-alaska niya.

Inirapan ko lang siya at binago na ang usapan. Mabuti na lang at hindi na niya naalala ang kanyang itinutukso sa 'kin.

Matapos kaming maligo ay sunod naming pinuntahan ang manggahan. Si Jecko ang umakyat at si Harren naman ang sumasalo ng mga 'yon sa ibaba ng puno.

Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya. Ngayon ko lang talaga naiisip na walang permanente sa mundo. Everything will change. Kung hindi man ngayon ay eventually. It's crazy how time can change every situation, person and circumstances.

Huminga ako nang malalim. Hindi bale, matagal pa naman ang huling araw ng klase kaya alam kong masusulit pa namin ang huling mga araw ni Harren sa Buenavista.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro