CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Pouring Rain
"Shit!" Napapitlag ako nang magsalita siya at makita ang paglapit sa bintanang nasa tabi ko.
Napasuklay pa siya sa buhok niya na para bang inis na inis dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. I pouted. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng umuulan. Ano kayang nakakainis do'n?!
"May gusto ka ba, Senyorito?" may halong sarkastiko na sabi ko sa kanya.
Gusto niya kaya talaga ng tea?
Imbes na sagutin niya ako ay bumalik lang siya sa upuan niya. Sungit!
"Ma? Hello? Yeah, I will check it later, Biglang bumuhos ang ulan eh. Gaano ba 'yon kalayo sa Costa Del Sol? Opo, si Jasmine umuwi na ba? Mabuti naman. Yeah. Sure. Bye!" 'Yan ang narinig kong sabi niya habang kausap si Tita Sofia sa kabilang linya.
Teka, nasaan na nga pala si Mama?
Itatanong ko pa lang sana sa kanya ang bagay na 'yon pero bumukas na ang pintuan at iniluwa nito si Mama.
"Naku, hijo, mukhang mahihirapan kayong bumiyahe ngayon papunta sa hotel ninyo. Ang sabi ay may paparating daw na bagyo. Tingnan mo at napakalakas ng ulan sa labas," tuloy-tuloy na sabi ni Mama.
So kaya pala talaga siya nandito ay para puntahan ang hotel nila? Eh bakit hindi pa siya umalis kanina no'ng wala pang ulan?
Kayo? Kumunot ang noo ko. Sino namang Poncia Pilata ang kasama niya? Siguro, 'yon yung kachikahan niya kanina pa kaya hindi niya magawang bitiwan yung cellphone niya―
"Tutuloy pa ba kayo ni Julia?" ani Mama.
Ano?! Napatuwid ako ng upo dahil sa sinabi ni Mama. Aba't paano ako nasama sa agenda ng lalaking 'yan?
Nasa kabilang bayan ng Esperanza ang hotel nila at alam kong mahihirapan nga siyang bumiyahe nang mag-isa pero ano'ng kinalaman ko ro'n? Kasalanan kong umulan?
"Saan pupunta, Ma?" kunot-noo pa ring tanong ko.
"Ay, anak, hindi ko pala nasabi. Papasamahan ko sana itong si Jacob para makarating sa karatig-bayan."
Um-oo ba ako, Ma? Ang lakas mong mangbenta, Ma, ha! Why did you do this, Ma?
"Hindi na po, Manang. Pwede naman sigurong ako na lang ang pumunta. Magtatanong-tanong na lang ako sa mga tao sa daan."
"Gano'n ba? Sigurado ka? Maulan sa labas. Baka kung saan ka pa mapunta niyan?"
"Oo nga. Baka kunin pa 'yan ng aswang sa daan, Ma." Tinitigan ko siya at pagkatapos ay ngumiti nang walang emosyon.
I'm so weird! Hindi naman literal na aswang ang tinutukoy ko. I'm talking about Hilda-like kind of creatures! Sigurado akong kapag nakita ito ng mga kauri ni Hilda ay magta-transform 'yon sa malaking ibon at tatangayin si Jacob sa kung saan at hindi na muling makababalik sa lupang sinilangan!
"Sasamahan ko na, Ma!" wala sa sariling sabi ko.
He looked at me with an are-you-sure look bago muling kinausap si Mama. Sakto naman ang paggising ni Papa ilang oras ang nakalipas.
Nang maramdaman na namin ang paghina ng ulan ay nagsalita na si Mama na umalis na kami bago muling lumakas ang sama ng panahon.
Madilim na sa labas. Hinintay ko si Jacob sa entrance ng Costa habang kinukuha ang sasakyan niya sa parking lot. Nakaramdam ako ng pagkairita sa nurse na nag-offer dito ng payong. Kung bakit ba kasi hindi ko dala 'yong payong ko!
Ah oo, paano bigla niya akong m-in-agnet palabas ng bahay! Cellphone lang tuloy ang nadala ko!
Naghalukipkip ako habang pinagmamasdan ang babaeng haliparot na parang uod habang binubudburan ng asin. Halos pumutok na rin yung pisngi niya sa kilig. Kumaway pa ito ng makasakay na si Jacob sa sasakyan niya.
Triggered!
Pagtapat niya sa kinaroroonan ko ay umibis ako sa likod ng sasakyan pero bigla iyong nag-lock. Bumaba ang lahat ng bintana at dumungaw roon si Jacob saka hinagilap ang mga mata ko para sabihing sa tabi niya ako umupo.
"Ano?" Kunwari'y hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Dito ka na sa tabi ko..."
Pinipigilan ko ang sarili kong mapangiti nang marinig ang sinabi niya. I bit my lower lip. Ang babaw mo, Juliana!
Pero sige na nga! Sabi mo eh, Senyorito! Uminit ang pisngi ko.
Ilang oras na kaming nasa biyahe. Hindi dahil sa layo ng pupuntahan namin kung hindi dahil sa traffic sa daan at lakas ng ulan.
Ang isang tulay ay umaapaw pa kaya nahirapan kaming tumawid doon. Mabuti na lang pala talaga ay sumama ako rito dahil na-low battery ang phone niya. Ako ang nagsilbing magandang mapa niya sa daan!
He should be very thankful!
Ilang saglit lang ay bumungad na sa 'kin ang isang resort na mayroong makulay na signage.
Delaney Hotel and Resorts. Basa ko roon. Dalawang building ang naroon pero ang isa ay hindi pa tapos. Huminto ang sasakyan kasabay ng mga nagkukumahog na empleyado ng hotel.
"You can stay here tonight. Tatawagan ko na lang ang Mama mo," aniyang parang hawak niya ang buhay ko ngayon.
Eh paano kung ayaw ko?!
"H-Ha? Paano ako? Wala akong dalang gamit." Hindi lang 'yon ang iniisip ko. Paano? Kami? Dito? Matutulog? Magkasama?
Pumasok na siya sa hotel. Wala akong nagawa buong araw kundi sundin ang lalaking 'to, ah! Namimihasa na siya!
Pagdating sa reception ay ibinigay ng isang babae roon ang isang gold na key card.
"Give her a room." Nilingon ako nito.
Nakahinga ako nang maluwag ng banggitin niya ang bagay na 'yon! Mabuti naman at napagtanto niyang hindi ko kayang matulog kami sa iisang kwarto!
Bumalik ang mga mata ng babaeng mayroong name plate na Iria sa kanyang computer. Maya-maya pa ay umiling na ito.
"Uhm... Sir―"
"Are we fully booked?"
"Unfortunately, yes. Dahil po sa sama ng panahon ay dinagsa ang hotel ngayon. Marami rin ang stranded at hindi makatawid sa susunod na bayan. Baha na po kasi roon..."
Ano?! Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nilingon ako ni Jacob. Lumapit naman ako sa reception. Bahala na kung pagalitan ako ni Mama sa gagastusin ko sa pag-stay rito ngayong gabi. I just need my own room!
"Miss, please lang, paki-check naman ulit oh!" usal ko.
"Sorry, Ma'am, pero wala na po talaga. Ang naka-schedule for check-out ay nag-extend dahil sa bagyo."
Lumipat ang mata nito kay Jacob. Tinitigan ko rin siya. I tried to be intimidated as possible pero iniwas niya ang tingin sa 'kin at nagpasalamat kay Iria.
"Let's go," sabi niya at pagkatapos ay nilagpasan ako.
Wait what?! He is now walking towards the elevator. Nagmamadali ko naman siyang hinabol. Nang makasakay na kami ay nagsalita na ulit siya.
"You'll be staying at the penthouse."
"Ha? Pero paano ka? Saan ka?"
Saan naman siya matutulog? I wonder kung gaano nga ba siya ka-gentleman. Sa kotse kaya siya matutulog para lang maging komportable ako? Napangiti ako sa isiping 'yon.
Kumunot ang noo niya. 'Yong mukha niyang tipikal na suplado ang sumalubong sa 'kin. Ang lahat ng tuwa sa utak ko ay agad na naglaho.
"I'll be staying there, too," walang emosyong sabi niya.
"What?!"
Agad siyang lumabas nang marating namin ang top floor ng hotel. Dahil sa bilis niyang maglakad ay wala akong nagawa kung hindi ang habulin siya. Not fair!
"Jacob!"
He tapped the key card and the door automatically opened.
Magwawala na sana ako pero ang lahat ng gusto kong sabihin ay mabilis na nalunod nang masipat ko ang magarang kwartong binuksan niya.
Bumungad sa 'kin ang isang gray, white and black themed loft. Sa gitna ay ang living room na mayroong malaking painting ng babae na nakatalikod at kita ang pang-upo. Nakapwesto ito sa pinakagitna ng living room.
Hindi ko mapigilan ang pagkamangha nang makita ang iilang ilaw sa lugar namin dahil sa glass wall na bahagyang nakabukas. Kahit na malakas ang ulan ay naaaninag ko pa rin ang mga iyon.
Sa nakikita ko ay tiyak kong nasa tamang lugar ang kinatitirikan ng hotel na ito. Their family is really good at this industry. Masasabi kong nakuha nila ang pinakamagandang spot para gawing hotel. Hindi lang dahil accessible ang lugar but you can also see Buenavista from up here!
Kahit na masama ang panahon sa labas ay natatanaw ko pa rin ang pinakamalaking ilaw ng light house na nasa kabilang dulo ng rancho ng mga Abarca. Kung sana'y hindi lang umuulan, marami pa sana akong makikitang lugar na dinadayo ng mga turista rito.
I can't stop smiling. Ngayon ko lang nakitang maganda rin pala talaga ang lugar namin kahit sa gabi.
Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Jacob sa tabi ko. Pagbalik niya ay dala na niya ang isang puting bathrobe.
"Give me your clothes. You can use the bathroom upstairs and you can sleep on my bed."
Parang isang mahirap na math equation ang sinabi ni Jacob. Una, ano'ng ibig sabihin niyang hubarin ko at ibigay sa kanya ang damit ko?! No way!
At 'tsaka bakit ako matutulog sa kama niya? Sa pagkakatanda ko ay hindi pa ako pumapayag na rito mag-stay kasama siya buong gabi!
I'm only seventeen for Christ sake! Magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok sa glass wall ang kidlat kasabay ng malakas na kulog kaya naman mabilis akong napasiksik sa dibdib ni Jacob.
Napapikit ako lalo nang maamoy ang mamahalin niyang pabango. His heat makes me feel warm and home... Napapitlag ako ulit nang sundan pa 'yon ng mas malakas na kulog at kidlat na tila ba isang flash ng camera.
"Coward," bulong niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang binanggit niya. Shit! Agad akong lumayo rito nang mapagtanto kung gaano ako kahibang sa pagsiksik ko.
"Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, matapang ako! Nagulat lang ako 'no!" inis na pagpapaliwanag ko sa kanya.
Tanging ang pagtaas ng kilay niya ang naging sagot sa sinabi ko.
"If you're not comfortable wearing this robe, you can check for clothes inside the closet upstairs." Ibinigay niyang muli ang robe na hawak niya.
Padabog ko naman iyong kinuha. Do I have other choice? Pwede bang sa ibang room na lang ako matulog? Hindi ko yata kayang makasama ang mokong na 'to sa iisang lugar! I'm palpitating. At ang bata-bata ko pa para magkaroon ng alta-presyon!
Tinitigan ko siya nang masama.
"I'm not going upstairs. It's all yours. Go rest."
"W-Wait, why do you need my..." Natigilan ako. Parang hindi ko na kayang tagalan ang taong nasa harap ko.
"I'll call someone to clean it," he said bago ako iwan.
Nagtungo siya sa isang sulok na hindi na nahabol ng paningin ko. Pagkatapos kong maligo ay pinuntahan ko ang closet niya. Sabi niya ay i-check ko 'di ba?
Namangha ako sa rami ng mga pambabaeng damit na naroon. At kung bakit mayroon siyang ganito. Sinusuot niya ba 'yon? Pero lahat ng mahawakan ko'y may price tag pa. At isa pa, hindi kasya sa kanya ang iisang sukat ng mga ito.
It's her girlfriends clothes, Julia, you stupid!
Imbes na kumuha roon at suotin ay padabog kong isinarado ang closet at naglakad patungo sa kama. Humiga ako roon at ibinalot ko ang aking sarili sa makapal na comforter para mapawi ang panlalamig ko dahil sa emosyong sumalakay na naman sa 'kin.
Ilang minuto ang lumipas ay nananatili ako sa gano'ng posisyon. Nang mangalay ang mga braso ko ay sinubukan kong iangat ang comforter. Sarado na ang ilaw sa baba.
Tulog na kaya siya? O may kausap pa siya? Eh ano naman kung may kausap siya? Humiga ako sa kabilang side ng kama at kinuha ang aking cellphone na nasa bed side table. Baka sakaling hindi na ako mag-isip tungkol sa lalaking 'yon.
Matapos kong i-text si Mama ay sinubukan ko nang matulog.
Tahimik ang buong lugar nang imulat ko ang mga mata ko. Inayos ko ang suot kong robe at dumiretso sa bathroom. Nakita kong maayos na nakatupi roon ang damit na suot ko kahapon. Naligo na ako at nagmamadaling bumaba.
Hinawi ko ang gray na kurtina roon. Kalmado na ang panahon pero umuulan pa rin.
Hinanap ko sa buong lugar si Jacob at nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa bed. Napalunok ako nang makitang naka-boxer shorts lamang siya. His broad shoulders and tight abs. Kahit na nakahiga at walang malay ay sumisigaw ang magandang hugis ng pangangatawan niya.
Lumapit ako para sana gisingin siya pero nang matapat na ako sa gwapo niyang mukha ay natigilan ako.
Wow... Bulong ko. My head tilted. Those thick and long lashes, 'yong mata niyang palaging tinutunaw ang pagkatao ko. It's funny how I imagine our first meeting would be. Parang kailan lang 'yon! Pina-plano ko habang hawak ang picture naming nakasingit sa lumang vanity mirror ng aking kwarto.
Bahagya siyang gumalaw at pinasadahan ng dila ang kanyang mapulang labi. His biceps flexed a little bit that made me bit my lower lip.
Yumuko pa ako na para bang kinukuha ang buong detalye ng kanyang mukha. Mayroon pala siyang maliit na nunal malapit sa labi. Pero sa malayuan ay hindi ito mapapansin ng kahit na sino.
Ugh! Temptation, temptation, temptation! Just when I was about to get closer, his phone rang out of nowhere!
Sa pagdilat ng mata niya ay muntik na akong masubsob dahil sa pagtakas ng lakas ko! Mabuti na lang at naitukod ko ang aking kamay sa gilid ng sofa. Napaluhod ako roon!
Halos dumikit na sa mukha niya ang pagmumukha ko! Ang mga mata niyang inosenteng nilalabanan ang titig ko...
Our face are only two inches away from each other and I can fucking smell his mint breath!
Patay!
Please, heaven, land, and earth... Kunin n'yo na ako ngayon din!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro