Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Chapter Fifteen

The Pogi


"What the hell!" malakas na pagsigaw ko kasabay ng pagsigaw din ng lalaking nasa kabilang linya.

Sa gulat ko ay napasadlak pa ako sa sahig namin, hawak ang telepono ni Mama at ang dibdib kong hindi pa rin nakababawi sa kaba.

Pakiramdam ko'y namumutla ako ngayon! Daig ko pa ang hinabol ng malalaking pitbull sa pagtaas-baba ng dibdib ko.

What the heck is he doing here?!

Nakaramdaman ako ng mahinang pagkatok.

"Juliana..." Napapikit ako nang marinig ang pagtawag niya.

Music to my ears!

Wait what?! Nababaliw ka na, Juliana! Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nakaramdam ako ng pagkailang nang mapagtantong naka-boxer shorts lang ako and puting sleeveless top.

Gustuhin ko mang magpalit muna ng damit bago siya pagbuksan ng pinto ay hindi ko magawa dahil masyadong tirik ang araw sa labas. Baka pagbalik ko'y maitim na ito.

What should I do? Natatarantang tanong ng utak ko.

"Juliana, come on! Ang init," reklamo niyang nagpataranta lalo sa 'kin.

Parang may sariling takot ang katawan ko na nanginginig pang pinagbuksan siya.

Para akong nagbukas ng isang aparador na punong-puno ng ilaw at electric fan nang tuluyan ko nang makita ang kabuuan niya.

Holy smokes! That same scent... Para akong niyakap ng pabango niya. Kahit na simpleng white t-shirt, navy blue shorts at white sneakers lang ang suot niya ay para pa ring nagagalak ang puso ko.

He's really the pogi in my eyes! Teka! siya? Ano'ng ginagawa niya rito!

"A-Anong ginagawa mo rito?" nautal kong tanong habang palunok-lunok pa.

Parang may kung anong bara ang lalamunan ko. I'm so lame! Nakakainis!

Pumasada ang mga mata niya sa kabuuan ko. Mula ulo hanggang paa. I realize what I look like! Galing pa ako sa higaan ko! Para akong baliw na napatago sa likod ng pintuan. I hide myself. Shit! Natataranta ako. Bakit ba!

"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya sabay punas sa namumuong pawis sa kanyang noo.

Iniawang ko ang pinto para makapasok siya. Nasa likod pa rin ako ng pintuan at iniisip kung paano makakaalis doon.

"Diyan... sa couch... U-Upo ka."

Nang lingunin niya ako ay napasiksik na naman ako sa sulok ng pintuan. Holding my breath and composing myself.

Marahan siyang umupo habang inaanalisa ang kabuuan ng bahay namin. Mabuti na lang at nakapaglinis ako kagabi bago ako matulog dahil kung hindi, naku... Nakakahiya kay senyorito!

"Jacob," mahinang tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa 'kin sabay kunot ng noo.

"What?"

"Can you close your eyes?" Bakas sa boses ko ang pagmamakaawa.

Bwisit! Dapat hinayaan ko na lang siyang matusta sa labas ng bahay!

"Ano?"

"Basta! Pumikit ka na kasi! Please!" inis na hiyaw ko.

"And why do I need to do that?" masungit niyang sagot.

Nag-de-kwatro pa siya at inilagay ang magkabilang kamay sa arm rest ng couch habang itinataas-baba ang kanyang hintuturo na para bang sinasabayan ang tunog ng wall clock.

Sinamaan ko siya ng tingin. 'Yong titig na kagaya noong galit na galit ako dahil sa pagkain niya ng cake ni Masha.

Umiling na lang siya at walang nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi ko. Nakahinga ako nang maluwag nang gawin niya 'yon.

Very good! Gagawin din naman pala, may pa tanong-tanong pa!

"Huwag kang didilat! Sasamain ka talaga sa 'kin!" Pigil ang paghinga kong lumayo sa pintuan.

"I already saw you, Juliana." Rumehistro sa mukha niya ang nakalolokong ngiti.

Napaismid ako sa inis pero binalewala ko na lang 'yon at nagpatuloy sa paglayo sa kanya.

"Ewan ko sa 'yo! Hindi ako 'yon!" hiyaw ko saka nagmamadaling tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Sa kaba ko ay medyo napalakas pa ang pagsara ko ng pintuan. Pasalampak akong napaupo sa kama imbes na magbihis gaya ng plano ko. Para akong baliw na natulala na lang sa pintuan.

Totoo ba ang nakita ko? Totoo bang nandito si Jacob sa pamamahay ng mga magulang ko?! Bakit?

Ilang minuto na akong nakaupo ro'n. Bumalik lang sa katinuan ang utak ko nang marinig kong muli ang pagtunog ng cellphone ni Mama.

The Pogi calling...

You gotta be kidding me! Imbes na sagutin 'yon ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Bahala siyang maghintay. Tutal, hindi naman siya invited ngayong araw. Sa pagkakaalam ko'y rest day ko rin ngayon sa lahat ng bagay. He should be grateful that I let him in.

Matapos kong maligo ay isang plain white dress na lang ang isinuot ko. Ibinigay pa 'yon ni Cheyenne noong nakaraang birthday ko. I was saving it for some occasion. Wala namang okasyon. Gusto ko lang maging pormal. This is me being my normal self.

Kahit paano ay kailangan ko ring mag-ayos para naman mapantayan ang gayak ni Jacob kahit na alam kong kahit kailan ay hinding-hindi ako darating sa puntong 'yon.

Inis kong inilapag ang suklay matapos gamitin. Naglagay din ako ng kaunting make-up para naman hindi ako tuluyang maging mukhang dukha sa tabi niya.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang hawak ang family picture namin.

"What took you so long?" masungit na sabi niya.

Pasimple niyang ibinaba ang picture. Gusto ko siyang ngitian at ibalandra ang mukha ko para naman makita niya kung ano ang difference ng Juliana na umakyat at ngayon ay fresh nang nasa harapan niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Juice, coffee or tea?" pormal ko na lang na tanong.

"Tea." Umupo siyang muli sa couch.

I nodded.

"Wala kaming tea. So, juice na lang."

Bago pa siya makasagot ay umalis na ako at diretsong nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Pagbalik ko ay tahimik lang siyang nakatunganga sa cellphone niya. Baka hinihintay ang tawag ng girlfriend niya. I pouted. Masokista yata ako.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko nang makaupo na ako sa harapan niya.

Kinuha niya ang basong may lamang juice at tinungga 'yon.

Wow... He is really... thirsty.

Napalunok ako nang pasadahan niya ng dila ang kanyang labi. I shifted my head hoping that my nasty thoughts would left me already! Ayoko ngang makita niya akong mukhang hinog na strawberry! Por dios por santo! Sinalinan ko ulit ang baso niya para muli siyang makainom.

"Nasa hospital ba si Manang? I just need to give something to her," sabi niyang hindi man lang ako sinulyapan. He's still staring at his phone.

That girl must be really lucky. Naglayo ako ng tingin. Hindi ko alam kung inis lang ba ang nararamdaman ko o inggit? Thinking of Jacob with other girl was really something...

It makes me sad and I don't know why...

"Yeah," matipid kong sagot sa kanya.

Ibinaba niya ang baso at tumayo.

"Let's go then."

Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa kanyang maglakad palabas ng bahay. Nabawasan ang energy ko dahil sa lahat ng mga bagay na pilit gumugulo sa isip ko.

Eh ano naman kung may babaeng nagpapasaya kay Jacob? Kailangan ko pa bang pakialaman 'yon? Bakit ba iniisip ko pa?! Ugh! I hate this day!

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako habang nakadungaw sa labas ng bintana ng sasakyan. I can see him in my peripheral vision but I tried my very best to ignore him. Talaga bang ang boring niya? I mean, ni ayaw man lang niyang buksan ang stereo. Kung pakialamera lang akong tao ay kanina ko pa 'yon binuksan.

Hindi man lang ba niya ako kukumustahin?

"How's your Dad, Julia?" Nanlaki ang mga mata ko nang tanungin niya ang bagay na 'yon!

Did I say that out loud?

"Ayos... Ayos lang naman ako..." naiilang kong sagot.

Napalunok ako nang makita ang pag-flex ng muscles niya nang iliko niya ang sasakyan patungo sa daan papunta sa hospital.

"Huh?" Kumunot ang noo niya.

Shit!

"Si Papa! Ang sabi ko, ayos lang naman si Papa!" Sinubukan ko pang tumawa para matakpan ang kahihiyan ko.

"Malapit na tayo. Pagdating sa kabilang kanto, kanan tapos diretso na lang," sabi ko sa kanya.

Itinuro ko pa ang daan na mayroong malaking puno. Kahit na may GPS naman siyang kanina pa daldal nang daldal.

Hay! Sa pagkakaalam ko, malapit lang naman ang hospital pero bakit parang ilang oras na akong nakasakay sa sasakyan niya?

"Jacob, hijo!" Hindi maipinta ang saya ni Mama nang makita ang alaga nitong si Jacob.

Niyakap pa nito si Jacob. Si Papa naman ay kasalukuyang natutulog. Sigurado akong katatapos lang nitong uminom ng gamot.

"Kumusta po, Manang?" tanong ni Jacob kay Mama.

"Okay lang naman kami. Mabuti naman at narating mo ang lugar namin. Bakit ka nga pala naparito?" Iginiya ni Mama si Jacob sa sofang naroon.

Maingat naman akong umupo sa upuang nasa tabi ng hospital bed.

"Pinabibigay po ito ni Mommy." Nakita ko ang pag-abot niya ng isang brown envelope.

Mukha namang naintindihan na ni Mama ang ibig sabihin no'n kaya itinabi nito muna iyon.

"Hindi ba ito pwedeng ipadala na lang at kailangan mo pang maistorbo para dito?"

"Kailangan ko rin pong puntahan ang hotel eh." Huminto siya sandali.

Oo nga pala, nabanggit na 'yon dati sa 'kin ni Mama. Ilang beses ko na ring nakita 'yon pero ni minsan ay hindi pa ako nakapunta o nakalapit man lang sa hotel nila.

"They want to visit but they can't. May business trip si Mommy next day," dagdag niya.

Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa kalagayan ni Papa at ng trabaho ni Mama. Samantalang ako nama'y inaabala ang sarili sa paglalaro gamit ang cellphone ko.

Kahit na pilit kong ituon ang buong atensiyon ko ro'n ay parang may sariling pag-iisip ang mga mata kong pasimpleng sinusulyapan si Jacob.

Sa pagkakaalam ko ay halos kakagraduate lang niya at ngayon ay tine-train ni Tito Joaquin sa pamamahala ng kanilang hotel chains. How impressive.

Napapitlag ako ng mag-ring ang cellphone ko. Sabay naman iyon ng pagtingin sa 'kin ni Mama at Jacob. Tumayo ako at lumayo sa kanila. Pero kahit na nasa may bintana na ako ng silid ay nananatili ang tingin ni Jacob sa 'kin. Or is it just my imagination?

"Hello?"

"Julia! Where are you?" Napangiti ako nang marinig ang boses ni Donovan.

Simula nang magising ako ay ngayon lang na-relax ang utak ko.

"I'm at the hospital, Don. Bakit?" tanong ko.

"What's your father's room again? Tita Werna asked me to buy something for her so I might as well check on you."

"What?"

"I mean your, Dad. Okay lang ba?" Sumulyap ako sa pwesto nila Mama at sa kakiligang palad ay nagtama na naman ang mga mata namin ni Jacob. Na-estatwa ako dahil do'n.

"Uy!" kuha ni Donovan sa atensiyon ko.

"Sixteen! Pero, Don―"

"Good, see you!" The line ended.

Tumayo si Mama at tumungo sa table kung saan naroon ang mga prutas at pagkain para kay Papa. Kumuha siya ng bottled water at ibinigay 'yon sa kanyang bisita.

The Pogi. Bulong ulit ng utak ko. Naku, Mama! Mamaya ka sa 'kin!

Hindi pa man ako nakababalik sa upuan ko ay may kumatok na sa pintuan. Shit si Donovan!

"Ako na, Ma!" Patakbo kong tinungo ang pintuan at nagmamadaling lumabas doon.

Bumungad kaagad sa 'kin si Donovan na may malawak na pagkakangiti. Imbes na papasukin ay hinila ko ito palayo sa pintuan.

"Bakit?" kinakabahan namang tanong nito sa 'kin. Ilang kwarto ang layo namin sa kwarto ni Papa.

"Wala, bawal ka ro'n! May bisita si Mama." Lalong kumunot ang noo nito.

"So? Kukumustahin ko lang sina Tita Celia at Tito Thomas?"

Napailing ako. Ito ang unang pagkikita nina Mama at Donovan at pakiramdam ko'y mali ang timing. Hinila ni Donovan ang kamay ko pabalik sa kwarto.

"Don, mamaya na lang kaya?" Huminto ako sa paglalakad. Humarap naman ito bago nagsalita.

"Why? Sino ba ang bisita ng Mommy mo?"

Lumiwanag ang mukha ni Donovan na para bang nabasa ang nasa isip ko.

"Don't tell me..."

"Yeah."

"Oh, halika na," nakangisi nitong sabi.

Mas lalo akong kinabahan sa ginawa niya. Sa tuwing ngumingisi ito, feeling ko ay may delubyong paparating! Hindi na ako tumutol sa huling pagkakataong hawakan nito ang kamay ko at iginiya pabalik sa silid ni Papa.

Magkahalong gulat at pagkalito ang rumehistro sa mukha ni Mama nang makapasok na kami. Napatayo naman ang dalawa sa pagkaka-upo.

"Ah, Ma, Si Donovan nga po pala. Don, si Mama... Siya naman si Jacob..." Napayuko ako nang subukan niyang tumitig sa mga mata ko.

"Hello po!" masayang bati ni Donovan sa mga ito.

"Hijo!" Mabilis namang umibis si Mama para kamayan si Donovan.

Matagal nang gustong makilala ni Mama si Don pero dahil sa eskwela ay hindi ito nagkaro'n ng oras para pormal na magpakilala. My parents already know all the efforts of Don. Lalo na iyong sa page na ginawa nito.

Nangilid ang luha ni Mama.

"Sa wakas ay nakilala na rin kita! Siya nga pala, hijo, si Jacob, anak ng pamilyang pinagsisilbihan ko."

"Nice to meet you." Naglahad ng kamay si Don at agad naman iyong tinanggap ni Jacob.

Tumango lang ang huli. I felt like two Gods met. Exhibit ba ito ng mga Adonis? Silang dalawa ang depinisyon ng paggawa ng perpektong bagay. They almost have the same features when it comes to beauty. Pero mas matangkad si Jacob at halatang matured na. Hindi gaya ni Donovan na mukhang easy-go-lucky pa rin.

"Pasensiya ka na, hijo, hindi man lang ako nakapaghanda ng kung ano. Maraming salamat sa pagtulong sa pamilya namin ha?"

"Wala po 'yon. Masaya po ako sa ginagawa ko. Si Julia rin naman po ang nagsusumikap sa lahat. Nandito lang kami para tulungan siya." Uminit ang pisngi ko nang lingunin ako ni Donovan kasabay ng ngiti niya.

"Tuloy ka, maupo tayo," anyaya ni Mama.

"Naku, hindi na po. Dumaan lang po ako, Tita. May kailangan pa po akong asikasuhin eh." Sumulyap ulit si Donovan sa 'kin.

Si Jacob naman ay tahimik lang at parang sinusuri nang maigi si Donovan.

"Huwag po kayong mag-alala, babalik po ako kapag may free time. Mauna na po ako, Tita Celia, Jacob. Julia, hindi ka ba talaga sasama?"

"Huh? E―"

"May lakad ba kayo, Julia?" singit ni Mama.

Is it me or I just saw Jacob's jaw clenched? Ipinilig ko ang ulo ko bago sagutin si Mama.

"W-Wala po... Dito na lang po ako. Ihahatid ko lang po si Donovan, Ma." Nagpaalam na ako. Bumalik na ulit ang dalawa sa kung anong pinag-uusapan nila.

Hinatid ko lang si Donovan sa labas ng hospital pero kanina pa ito siko nang siko sa 'kin.

"Ano?!" kunwaring inis na sabi ko nang makita ang mapang-asar nitong mukha.

Tumawa lang ito. Kung hindi ka lang gwapo, sinapak na kita!

"See you, Julia!" Sabi nito nang makasakay na sa kanyang sasakyan.

"Salamat, Don!" Kumaway pa ako bago ito tuluyang umandar paalis sa kinaroroonan ko.

Pagbalik ko ay wala na si Mama sa kwarto. Si Jacob naman ay nakaharap lang sa kanyang cellphone.

I'm surprised that he is still here! Tahimik akong umupo sa dati kong pwesto. Dinapuan ako ng antok kaya naman inihilig ko ang aking ulo sa kama ni Papa.

Nang makarinig ako ng malakas na kulog at kidlat ay nagising kaagad ang diwa ko.

"Shit!" hiyaw ni Jacob.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro