CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Lemonade
"You can open your eyes, Julia," masayang sabi ni Donovan pagkatapos tanggalin ang kamay niyang nakapatong sa mga mata ko.
"Wow!" hiyaw ko nang makita ang isang inflatable lemonade booth.
Ito pala ang ilang linggo nang pinaghihirapan ng mga kaibigan ko. Inayos pa ni Cheyenne ang ribbon na nakalagay sa entrance no'n na parang grand opening.
Bukas ay magsisimula na ang food bazaar ng Universidad de Buenavista.
Bilang kasama sa students affairs office ay inirekomenda ni Donovan ang isang linggong food bazaar para sa buong campus. Agad naman itong naipasa sa board members ng school dahil sa isa sa mga goal ng naturang event: ang pagpapagamot kay Papa.
"Ayos ba?" tanong niyang hindi nawawala ang pagkakangiti.
Sina Cheyenne at Nesca naman ay full support sa ginawa ni Donovan.
Marahan akong tumango. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa na nararamdaman.
I hugged him.
"Thank you..." bulong ko.
Sa mga nakaraang linggo ay halos sa hospital na ako tumira matutukan lang si Papa. Uuwi lang ako sa bahay kapag may kailangan akong kuning gamit niya. Si Mama naman ay pinayagan na muna nila Tita Sofia na makasama kami.
Today was like a relief. May mga tao pa rin palang handang tumulong kahit na hindi naman nila obligasyon ang bagay na 'yon. Donovan also created a page for Papa so people can donate for his operation.
Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Donovan sa likod ko.
"You're welcome," sagot niya.
Pakiramdam ko'y napakarami ko nang utang sa kanya. I never expected us to be like this...
Friends.
Tama nga si Nesca, namana ni Donovan ang kabutihang loob ng kanyang lolo.
Kinabukasan ay excited ang lahat ng estudyante dahil sa pag-uumpisa ng food bazaar. Katabi ng lemonade booth namin ay ang fruit stand ng Dentistry. Pagkatapos ng ceremony ay sabay-sabay na naming pinutol ang mga ribbon na nasa aming mga booth.
Ito ang unang beses na lahat ay willing tumulong sa pamilya ko. Normally, Papa would decline any free stuff, but do we have a choice now?
Kung sa pagbaba ng pride ay maililigtas ko ang Papa ko, why not? I'm willing to take every risk just to save him!
Si Nesca ang kasama ko ngayong araw. Kami ang nakatoka sa umaga at sa hapon pagkatapos ng klase.
Excited akong gumawa ng lemonade nang makita ang tatlong estudyanteng pumila para bumili.
"Dito na kayo! Fresh lemonade!" ganadong sigaw ni Nesca.
Natawa na lang ako sa ginawa niya nang lumabas pa ito para kumuha ng customer. She's really good at it. Sa pangalawang pagtawag niya pa lang ay apat pa ang bumili sa 'min.
"Thank you!" nakangiting sabi ko sabay abot ng huling lemonade na ginawa ko.
"Ayan, ah! Patok na patok 'to!" natatawang sabi niya matapos pumasok muli sa booth namin.
"Thank you, Nesca."
"Naku, wala 'yon! Ikaw pa ba?!" Ngumiti lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Kumusta na pala si Tito Thomas?" tanong niya.
Tinulungan niya rin ako sa paghiwa ng mga fresh lemon na nasa isang cooler.
"Okay naman. Si Mama ang bantay niya ngayon pero mamaya ay doon ako tutuloy."
"Hindi ka magre-review? Exam na ah?"
Oo nga pala! Kailangan ko pang gumawa ng isang report sa Marketing.
"Uhm, Nesca pwede ba akong mag-under time mamaya sa booth? May gagawin pa kasi akong report." Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko.
"Oo naman! Kayang-kaya ko na 'to!"
"Sure ka? Gusto mo bang tanungin ko si Leonne para samahan ka?" Napawi ang mga ngiti sa labi niya at iniiwas ang tingin sa 'kin. Napailing na lang ako sa tinuran ni Nesca.
Gano'n na ba talaga ako ka tuliro kaya hindi na ako updated sa buhay niya? Sa pagkakaalala ko ay lumabas pa sila ni Leonne noong isang araw ah!
"Huwag na. Kaya ko na 'to."
"Okay ka lang ba?" Lumapit ako sa kanya at hinagilap ang kanyang mga mata. I see sadness in them.
"What happened?" I asked her.
"Si Juarez."
"Juarez?"
Tumango siya.
Paige Juarez, siya ang unang pumasok sa utak ko. Sino pa nga bang Juarez ang hindi kilala ng lahat ng estudyante at buong Buenavista?
Kung bibigyan ng label ang mga makapangyarihang tao sa lugar namin ay mailalagay ang mga Juarez sa pangalawang pwesto. Their family and Abarca's are business partners. Even in politics. Sa katunayan nga ay ang ama ni Paige ang kasalukuyang namumuno bilang Mayor ng aming lugar matapos ang pagkawala ni Mr. Belarus.
"S-Si Paige..." may pag-aalinlangang bulong sa 'kin ni Nesca.
Lumipat pa ako ng pwesto para mas malapit ako sa kanya at para mas maintindihan ang kung anong gusto niyang sabihin sa 'kin.
"Paige asked Leonne to help her with her acads. Bilang top ng klase nila ay pumayag naman ito."
"So? I mean, bakit ka malungkot?"
"So it means, wala nang chance na magkita kami. Pinili ni Paige ang oras ng vacant natin."
"Pwede naman kayong magkita after class 'di ba?"
"No. Dahil priority ni Leonne ang pag-aaral niya. Alam mo naman 'yon. It's been a week no'ng huli kaming nagkita. Noong magkikita dapat kami last day, Paige called her. And who can't resist a Juarez?"
Bakas sa mukha ni Nesca ang matinding lungkot. Siguro nga hindi ko lang napapansin 'yon dahil sa sarili kong problema. I'm an awful friend. Hindi ko man lang nakita na malungkot si Nesca.
Naguguluhan ako. Sa pagkakaalam ko'y hindi naman masipag mag-aral iyong si Paige? God, I'm judgemental!
Naputol ang usapan namin ni Nesca nang dumagsang muli ang mga estudyanteng pumila sa aming booth. Isang oras din kaming naging busy. Napalingon ako sa fruit stand. Nasaan na kaya 'yon? Bakit ni anino niya ngayong araw ay hindi ko pa nakita? Hindi ba siya pumasok ngayon? Masama ba ang pakiramdam niya?
Should I text him? Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang makapa ko sa aking bulsa ang cellphone ko.
Ilang minuto ko 'yong tinitigan. Ano naman ang sasabihin ko? Na panoorin niya ako sa pagtitinda? It felt so weird. Nawiwirduhan akong walang Donovan na nakabuntot sa 'kin.
"Julia!" Siniko ako ni Nesca dahilan para maputol ang pagkatulala ko.
"Huh?"
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inginuso niya ang isang direksiyon. There, I saw Donovan walking with Paige. Nakabuntot lang ang huli kay Donovan habang ito naman ay seryoso lang ang mukha. Is he mad?
Napakapit si Nesca sa 'kin nang hawakan ni Paige ang kamay ni Donovan. Mabuti na lang at natapos nang bigyan ni Nesca ang mga estudyante sa booth namin kaya walang harang doon patungo sa direksiyon ng dalawa.
Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko nang makita ang pagtulo ng luha ni Paige matapos tanggalin ni Donovan ang kamay niyang nakahawak dito.
All I can see was a girl being broken. Wala pa akong naging boyfriend at wala ring alam sa love pero I clearly understand what was going on between them.
Iniwang luhaan ni Donovan si Paige sa gitna ng school grounds at pagkatapos ay naglakad patungo sa direksiyon ng booth namin.
Sa pagtikhim ni Nesca ay para kaming natauhang dalawa. Mabilis ang paggalaw namin na kunwari'y masayang-masaya habang gumagawa ng lemonade.
"Oo, Julia! Ang saya-saya 'di ba?!" eksaheradang hiyaw ni Nesca na kunwari'y tuwang-tuwa sa hindi malamang dahilan.
Natawa ako hindi dahil sa pagkataranta niya at pag-aktong masaya kung hindi dahil naisip kong pwede na siyang mag-artista. She's broken like Paige a minute ago pero ngayon, parang walang nangyari.
Para bang inutusan ito ng direktor na gawin ang masayang emosyon.
"Ah, oo! Ang funny mo nga..." pilit kong sabi nang maramdaman ang presensiya ni Donovan na kasisilong lang sa booth namin.
"Hi!" masayang bati nito sa 'min.
"Uy, Donovan! Ikaw pala. Kumusta ka? Kanina ka pa ba riyan?"
Kusa akong gumawa ng lemonade at pagkatapos ay ibinigay 'yon kay Donovan.
Sa isang sulok ng mata ko ay nasulyapan ko ang matalim na pagtitig ni Paige na para bang gusto na akong ilibing ng buhay!
"Wow! Can I buy all of these?" seryosong tanong nito matapos tikman ang ibinigay ko.
"Oo naman! Pakyawin mo na, Don!" usal ni Nesca.
"Heh! Libre ko sa 'yo 'yan." Itinuon ko ang paningin ko kay Donovan.
Alam kong hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa 'kin si Paige. And I can't look at her. Ramdam ko ang galit sa sistema nito.
"Talaga?! Give me ten lemonades, Nesca. Ibibigay ko lang sa fruit stand," nakangising sabi nito.
"'Yon oh! Coming right up, Sir!" Ganado itong gumawa ng lemonade.
"How's it going?" tanong ni Donovan sa 'kin habang busy si Nesca.
"Okay naman."
"Sorry, late ako. Hindi kasi ako nagising nang maaga." Napakamot pa ito sa ulo habang umiinom sa hawak niya.
I'm not asking you, Donovan... Gusto kong isatinig 'yon pero hindi ko nagawa. I've been so coward lately! All I can think of right now is the girl behind him. Ano'ng mayroon sa kanilang dalawa? Pakiramdam ko'y nakanood ako nang mapait na scene sa isang movie.
Forget about it, Julia! Wala ka sa posisyong usisain si Donovan tungkol sa relasyon niya! Ipinilig ko ang ulo ko bago pa ako bugbugin ng utak ko sa kaiisip.
"Hindi mo naman kailangang mag-sorry... Thank you pala ulit, Don. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi mangyayari 'to," pormal kong sabi.
"Wala 'yon."
"Done!" Inilagay ni Nesca ang mga inumin sa lagayan para maayos iyong mabuhat ni Donovan.
Dapat pala, palaging tense itong si Nesca para mabilis siyang kumilos!
"See you later!" ani Donovan bago umalis sa aming booth at dumiretso sa fruit stand.
Sa pagtunog ng bell ay sumulpot naman sa kung saan si Hilda at ang kanyang kampon.
"Hello, Philippines and hello world!" malanding sabi nito nang makarating sa kinaroroonan namin ni Nesca.
Sila na kasi ang kapalit namin sa pagtitinda roon. Matapos magpaalam ay dumiretso na kami sa klase. Sa pagtapos naman ng mga iyon ay sumaglit ulit ako sa booth bago iwan si Nesca roon.
"Babawi na lang ako bukas, Nesca."
"Ayos lang 'yon! Ano ka ba? Ingat ka ha? Ikumusta mo na lang ako kina Tito at Tita." Tumango naman ako bago tuluyang magpaalam sa kanya.
Pagkatapos ko sa library ay dumiretso na ako sa hospital.
Nagising ako kinabukasan nang makarinig ng ring ng isang cellphone. I checked my phone even though I know that it wasn't mine.
Iba ang ringtone ko sa tunog na naririnig ko ngayon.
Kanino kaya 'yon? Sa pagkakaalam ko'y mag-isa lang ako rito sa bahay. Bababa na sana ako sa sofa pero lumayo ang tunog.
Pinakinggan kong mabuti 'yon. I traced the sound carefully. Pinihit ko ang pintuan ng kwarto nila Mama. I saw my Mom's phone on top of their cabinet. Dali-dali ko 'yong dinampot.
Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng tumatawag.
"The Pogi?" Gusto kong matawa sa nakita ko.
Why does my Mom have someone in her contact named 'The Pogi'? Sa kuryosidad ko ay sinagot ko na 'yon.
"Hello?"
"Hello? Is this your house? I think I'm lost." What?!
"Sino 'to?!" inis na sabi ko.
Aba't talagang pinuntahan pa niya ang Mama ko! Sinong Poncio Pilatong 'The Pogi' ang naghahanap sa bahay namin? May utang ba ang Mama ko dahil kay Papa?
Dumungaw ako sa bintana pero dahil nasa ibang direksiyon 'yon ng gate namin ay wala akong nagawa kung hindi ang bumaba na lang para silipin kung may tao nga ba roon.
"If this isn't your house, then I'm lost," pag-uulit niya.
"So?!" mataray kong sagot.
Pagbaba ko ay agad kong nasulyapan ang isang pulang sasakyang nakaparada sa labas ng bahay.
Kumabog ang dibdib ko nang makita ang isang bultong nakasandal sa gate namin. Nakatalikod 'yon kaya wala rin akong nakuhang sagot kung pogi nga ba ito.
Pero hell 'no! Kailan pa natutong mangutang ang Mama ko? Sa pagkakaalam ko'y ayaw na ayaw ng nanay ko ang manghiram ni kahit singkong duling sa kung sino man.
She also taught me how to save my own money para hindi ako umasa sa salitang utang.
Napatago ako sa bintana nang makita ang paggalaw ng taong naroon.
I'm doomed!
Paano kung maisipan niyang pasukin ang bahay namin? 'Yong mini gate namin na kaya namang akyatin?
Paano kung makita niya ako at maisipang ako na lang ang ipangbayad sa utang ni Mama?
Sa pagkulo ng tiyan ko ay napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Ala una na pala! Tanghali na pero ni hindi pa ako nakakakain!
Napuyat ako sa mga homeworks na delayed sa paggawa dahil sa pagbisita ko araw-araw sa hospital. Mabuti na lang at wala akong klase ngayon.
Wait! That guy!
Ugh! Saang parte ang mabuti ngayong araw kung mayroong taong hindi ko kilala sa labas ng bahay namin?!
The Pogi? Gusto kong matawa dahil sa piniling pangalan nito.
Sinubukan kong sumilip muli pero napasigaw lang ako nang magsalubong ang mga mukha namin sa glass window na bahagya pang nakabukas!
"What the fuck!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro