CHAPTER 12
Chapter Twelve
Phone Call
Hindi mapakali ang damdamin ko habang inilalapag ng waiter ang water goblet sa lamesang kinalalagyan namin ni Donovan. I can't believe I let myself sit in front of him. Kung sana'y kaya lang ng loob kong iwan siya rito at maglahong parang bula.
"Do you have class today?" pagputol niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Obvious ba?" pabulong na sagot kong nagpataas ng kilay niya.
Chill, Julia. Be nice...
"Ahm... Oo. I-Ikaw?" pag-uulit kong sagot.
Ngumiti pa ako at pinilit maging pormal. I need to be nice to him para matapos na 'tong kahibangan niya.
"Hanggang anong oras?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.
Magsasalita na sana ako pero naputol 'yon nang bumalik na ang waiter doon at inilapag sa harapan ko ang isang cranberry almond caramel pancakes. Kasabay pa nga yata 'yon ng pagkulo ng aking tiyan. I feel betrayed! Busog ako pero my eyes are betraying me right now.
Focus, Juliana! Pagalit ng utak ko.
"Look, Donovan, may klase pa ako. Isa pa, kumain na ako."
Napalunok ako nang makita ko ang pagsubo niya ng pancake. Bwisit! Pumipikit-pikit pa ang loko!
"This is the best pancakes I've ever tasted. Even when we were still in the US. Come on, eat," sabi niyang sinabayan pa ng pagkatamis-tamis na ngiti.
My heart skipped a beat. I didn't get a chance to see his father pero ang sabi ni Papa ay kahawig ito ng yumaong asawa ni Mr. Abarca. Si Donovan ay masasabi kong kumuha ng higit sa kalahating pagkakahawig sa kanyang lolo.
Napatigil ako nang magsimula ang matamis na musikang nanggaling sa kung saan. Kung wala nga lang talaga akong atraso rito ay iisipin kong date ang tawag sa pagkikita namin ngayon.
"Don't tell me na nagda-diet ka?"
Patuloy lang siya sa pagkain habang pinapakialaman ang pagpipigil ko sa pagdampot ng mga kubyertos at kainin ang temtasyong nasa harapan ko.
"I'm not."
"Then, eat."
"Kasama ba 'to sa sinasabi mong chance ko para mag-sorry sa 'yo? I already told you that I'm sorry. Hindi ko sinasadyang tarayan ka noong unang punta mo sa University."
"I forgive you. Just eat. Ihahatid na lang kita sa school."
"Hindi na―"
"Gusto mo bang subuan pa kita?" sabi niya at nag-smirk pa.
Shit! Hobby niya ba talaga ang gawin 'yon? That is flirting by the way! Is he... flirting... with me?
Iniwasan ko ang mga mata niya at walang ano-ano'y dinampot ang kutsara at nagsimula nang kumain. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa 'kin kaya naman nananatili ako sa pagkain ko. Pinipigilan ko rin ang mapapikit dahil sa sobrang sarap ng pancake na 'yon.
My mind, body, and soul betrayed me. Ngayong napatawad na niya ako, ano'ng susunod? Teka, ako? Ihahatid niya? Bakit? Gusto ko sanang tanungin ang bagay na 'yon pero hindi ko magawa. Sadyang nilamon na ako ng kahihiyan. I can feel my cheeks turning red. Nakakailang ang bawat sulyap na ginagawa niya.
This is the first time I sit with a man aside from my father. And seriously, it's freaking me out! Nakakainis!
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ito sa pagkain kagaya ko.
"Do you want something else?" he asked.
Umiling ako. Hindi ko mapigil ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Tumayo na siya kaya naman napatayo na rin ako. Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan pa niya ako ng pintuan. Tahimik lang ako nang sinimulan na naming baybayin ang daan patungo sa University.
"Donovan..."
"Call me Don," nakangiting sabi niya habang ang mga mata ay naka-focus sa daan.
"So... quits na ba tayo, Don?" lakas-loob kong tanong.
"Quits?" he asked.
"Quits. Meaning wala na tayong atraso sa isa't isa?"
Para akong tinakasan ng kaba nang marahan siyang tumango. Mabilis naman kaming nakarating sa University.
Papasok pa lang ang kotse ni Donovan sa school grounds ay nakuha na nito ang atensiyon ng halos lahat ng estudyanteng naroon.
"Dito na lang, Don, maglalakad na lang ako papasok."
"I'll park there. May kukunin din ako sa lab." He did what he said.
Pagbaba ko ng sasakyan ay para na akong nilapitan ng mga bubuyog. I can see those cool kids killing me softly by just looking at me. Sinabayan ni Donovan ang lakad ko pero mas lalo lang akong nabingi sa mga inggiterang naroon.
"Uy, Donovan! Mamaya ha!"
Bati at sabi ng nakasalubong naming lalaki. Nakita ko na yung isang 'yon sa klase ni Cheyenne. Siguro nga ay classmate nila ito.
"Oo nga pala! See you later, bro!" Nag-fist bump pa ang dalawa.
"Don, mauna na ako. Salamat!" Nagmamadali akong umalis sa tabi ni Donovan.
Hindi dahil sa lalaking kausap niya kung hindi dahil sa isang pares ng mga matang kanina pa ako hindi nilulubayan.
"I'll wait for you later!" pahabol niyang sabi na hindi ko na lang pinansin.
Pagdating ko sa classroom ko ay nakita kong naroon na si Nesca. Palapit pa lang ako sa kanya ay para na itong diary na naghihintay ng aking kwento.
"Kumusta ang date mo, Julia?" sabi nitong hinila pa ang upuan ko palapit sa kanya.
"Date ka riyan!"
"Sus! Date 'yon!"
"Hindi 'no!"
"Weh? Naniniwala kang hindi? Sinong lalaki ang magyayaya sa 'yo sa La Soluega para lang mag-sorry ka? Siguro, type ka no'n!" Tumalikod ako kay Nesca at inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ko ng aking mga gamit.
I don't want to argue with her. I mean, alam naman naming dalawa na walang kahulugan 'yon. Ayoko na lang dagdagan pa ang dahilan para asarin niya ako.
Kung bakit nga ba kasi roon pa nito napiling magkita kami? Ang La Soluega ang isa sa pinakamatandang restaurant sa aming bayan. Ito rin ang tambayan ng mga magsing-irog na gustong ipakita ang pagmamahal sa isa't isa.
That same restaurant caters most of the intriguing weddings and other occasions of all time! Hays! Maybe he just like their pancakes? Napa-angat ang labi ko sa isiping 'yon.
Sa kalagitnaan ng pangalawang klase namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Pasimple ko itong sinulyapan. It was from an unregistered number.
Kinalabit ko si Nesca.
"Cover for me. Lalabas lang ako para sagutin 'to."
Pinakita ko pa ang cellphone ko. Tumango lang ito.
Habang nakatalikod ang aming professor ay pasimple akong lumabas ng pintuan.
Wala na rin naman kaming ginagawa sa ngayon kung hindi kopyahin ang walang katapusang notes at pointers sa darating na examination.
"Hello?" sagot ko matapos pindutin ang answer button. Nasa hallway lang ako nang sagutin ko 'yon.
"Hi, si Juliana ba ito? Anak ni Mr. Thomas Arevalo?"
Sa pagbanggit pa lang ng babaeng nasa kabilang linya sa pangalan ni Papa ay para na akong binawian ng lakas.
"P-Po?"
"Si Juliana ba ito?" pag-uulit ng babae.
"Opo! Ako nga po. May nangyari po ba sa Papa ko?" Napahigpit ang kapit ko sa aking telepono.
Hindi ako handa sa sasabihin niya. This is strange. Kung hindi ito isang emergency ay hindi naman ito tatawag nang walang dahilan.
"Your Dad is fine. Nasa Costa Del Sol ngayon ang Papa mo. Kung hindi ka busy ay pwede mo siyang puntahan ngayon."
"Po? Ano po'ng ginagawa ng Papa ko sa hospital?!" Tumulo na ang mga luha ko.
I knew he was ill. But I can't understand.
"Julia, wala ako sa posisyon para sabihin ang nangyari sa Papa mo. But he is stable. Nagpapahinga lang."
"Salamat po! Pupunta na po ako!" Walang ano-ano'y ibinaba ko na ang tawag at dumiretso sa desk ng aming professor.
Nagpaalam ako rito at sinabi ang nangyari sa Papa ko. Gustuhin mang sumama ni Nesca sa 'kin ay hindi pwede dahil hindi pa tapos ang klase. Mayroon pa kaming dalawang natitirang subject at hindi niya 'yon pwedeng ma-miss.
"Pupunta na lang ako pagtapos ng klase ha? Ite-text na lang kita, Julia. Mag-ingat ka," paalam nito.
Tuliro naman akong tumango sa kanya at dali-daling umalis sa campus. Dalawang sakay simula sa University ang pinakamalaking hospital ng Buenavista.
"Thomas Arevalo ho," usal ko sa babaeng nasa reception.
Humarap naman ito sa kanyang computer para hanapin kung nasaan ang silid ni Papa.
"Room 16, Miss. Nasa may kaliwa pag-ikot mo sa dulo," sinserong sabi nito sabay muwestra ng kanyang kamay sa dapat kong daanan.
"Salamat!"
Halos tinakbo ko ang hallway na 'yon makita lang si Papa. Nanlumo ako sa pagbukas ko ng pinto at nakita itong mayroong mga kung anong nakakabit sa katawan. He was peacefully sleeping. Bakas sa mukha niya ang pagod at sakit.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinahihigaan niya. Ibinalita ko na rin kay Mama ang nangyari pero kahit na anong tanong niya ay hindi ko rin alam ang isasagot. Natatakot akong magtanong sa doctor na naroon.
Hinaplos ko ang buhok ni Papa. Marami na siyang puting buhok at medyo kulubot na rin ang kanyang noo. hinawakan ko ang kamay niya.
"Papa... Nandito na po ako. Babantayan ko po kayo." I gave him a peck on his cheek.
Natutulog pa rin ito kaya naman inihilig ko na lang ang aking ulo sa kanyang kama. Tumutulo roon ang mga luha ko pero pinipilit kong magpakatatag. Hindi ko alam ang nangyayari pero sigurado akong hindi ito simpleng sakit lamang.
Nagising ako sa paghaplos ni Papa sa aking buhok. Halos hindi ko maimulat ang mga mata kong namamaga sa kaluluha. I don't know how long I was sleeping. Madilim na at tahimik ang paligid.
Nakangiting mukha niya ang sumalubong sa 'kin. Napatayo naman ako para salubungin siya ng yakap.
"Papa, ano po bang nangyari sa inyo? Ano po bang nararamdaman ninyo? Saan po ang masakit?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
I remember him asking me those type of questions when I was little. Siya ang gumagamot ng mga sugat ko kapag nadarapa ako. Siya ang kumakanta ng lullaby sa tuwing matutulog ako. He always ask me how's my day been.
Buntonghinga ang sagot niya. Sa mukha niya ay alam kong hirap siyang magsalita. Bakit para yatang sobrang mahina siya ngayon?
"Gusto ko nang umuwi, anak..."
"Pa, naman. Ano ho ba talagang nangyari?" Umupo ako sa kama habang hawak pa rin ang kanyang kamay.
"Napagod lang ako sa trabaho, Julia." Pinilit niyang ngumiti.
I know he was lying.
"Papa, hindi na ako bata para hindi malaman ang totoo sa hindi. Alam kong may mali. Alam kong may sakit kayo. Anak ninyo ako at karapatan ko pong malaman kung ano'ng nangyayari sa inyo, Pa..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiiyak na naman ako. Hindi lang iyak. Nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko. I don't want to see him weak. Siya ang padre de pamilya namin. Dapat lang na maging matatag siya.
Pinilit niyang iangat ang kamay niya para punasan ang luha ko.
"Tahan na, Julia..." Nakita ko ang pagbaba ng luha ni Papa.
This is the first time I saw him cry. And it really hurts.
"Papa..."
"Sorry, anak. Mahina ang Papa. Patawarin mo ako." Nanginig ang balikat ni Papa kasabay ng kanyang paghagulgol.
Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya nang mahigpit.
"Pa... n-naguguluhan po... ako," putol-putol kong sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro