CHAPTER 10
Chapter Ten
Monday
Monday is Incognito Day! Kung pwede lang magsuot ng costume or mag-masquerade ay gagawin ko! Ilang linggo ko na nga yata 'tong ginagawa at so far ay hindi pa naman nagku-krus ang mga landas namin ni Donovan.
Sinalubong ako ni Cheyenne sa caféteria matapos ang pangatlong klase naming dalawa.
"Muffin na lang po 'tsaka isang orange juice," nakangiting sabi niya sa matandang nagtitinda roon bago ako binalingan.
"Ikaw? Ano'ng sa 'yo?"
"Ah... Orange juice na lang din. Busog pa kasi ako." Tumango siya at sinabi ang dagdag na order para sa akin. Pagkatapos ibigay 'yon ay umupo kami sa isang sulok.
"Pumasok ba siya?" tanong ko bago umupo.
Minsan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nagawa ko. It's been almost a month since the day our path crossed, but until now I still feel guilty.
Umiling si Cheyenne.
"Hindi ko pa nakikita eh. Hanggang ngayon ba nagtatago ka pa rin do'n?"
Kinuha niya ang orange juice at tinungga 'yon na parang tubig lamang. I can't blame her. Parang nag-aapoy ang lahat ng nasa labas ng building namin dahil sa init ng panahon.
Kung hindi nga lang sa aircon ay naheat-stroke na ang lahat ng estudyante rito. Lalo na 'yong mga maaarteng rich kid na hindi pumapasok sa kwartong may mahinang aircon.
"Naghahanda lang ako. Baka mamaya, nagpaplano na 'yong i-assassinate ako."
Napayakap ako sa orange juice ko dahil sa nasabi ko. What if he really plans to kill me? Oh God! My parents will kill me after that!
Tumaas ang isang kilay ni Cheyenne kasabay ng pag-arko ng kanyang labi.
"Baliw ka talaga! Siguro naman, namana ni Donovan ang pagiging mabait ni Mr. Belarus kaya tigilan mo na 'yang pagtatago mo."
"Chen, tingnan mo nga, hindi ka rin sure! Bakit kailangan mong gumamit ng siguro sa maling sentence? Hindi ba dapat, sigurado naman akong namana ng apo ni Mr. Belarus ang kagandahan ng kanyang loob. Gano'n!"
May pagkumpas pa ako ng kamay na para bang damang-dama ko ang lahat ng sinasabi kong pampalubag ng loob. Hindi naman mapigilan ni Cheyenne ang pagtawa nang nakaloloko.
"I'm just saying, wala ka namang ginawa para masaktan siya. Like physically. Gusto mo bang kausapin ko 'yon para itanong kung talagang galit ba siya sa 'yo?" balewalang tanong niya sabay baling sa kanyang muffin.
"No!" maagap kong sabi.
Hinatak ko pa ang kanyang kamay para maudlot ang pagkagat niya sa pagkain niya.
"Hindi! Huwag na!"
Umiling siya.
"Baka nakalimutan niya na rin 'yon. 'Di ba? Ano sa tingin mo?"
Kung meron lang akong super powers na kayang tanggalin ang mga ala-ala ng isang tao ay baka pati yung mga bodyguard niya, tinanggalan ko na ng ala-ala simula nang isilang ang mga ito.
Tinitigan ako ni Cheyenne nang masama. Ngumiti naman ako na parang tuwang-tuwa sa kabila ng gulo sa isip ko. I know she can't be mad at me. My smile has super powers that no one can resist.
"Ano?" ulit ko.
"Julia―"
"What? Dapat ba talagang itanong kung galit pa siya?"
"Julia! First of all, ang gulo mo! Second, nagugutom na ako kanina pa. Can you please let me eat my muffin?"
Tumingin pa siya sa kamay kong hanggang ngayon ay nakahawak sa kamay niya. Natatawa ko namang binitawan 'yon.
"Sorry..."
"Kung ako sa 'yo, mag-isip ka. Mas mabuti naman sigurong kumprontahin mo na lang si Donovan para hindi ka na naguguluhan at nahihirapan sa pagtatago mo..." mahabang litanya niya.
Pagkatapos sabihin 'yon ay nakapikit pa niyang tinikman ang pagkain niya.
"Heaven..." bulong niya at sinundan pa ang pagkain no'n.
Napanguso na lang ako sa ginawa nito. Hay, bahala na!
Sa ngayon ay magfo-focus na lang ako sa pag-aaral nang todo at titigilan ko na ang pagtatago sa lalaking 'yon. If he still wants to punish me, then so be it!
Pagkatapos naming magmeryenda ay sabay na rin kaming umuwi ni Cheyenne. Dumaan pa siya sa bahay ng tita niya kaya dumiretso na ako sa bahay. Naabutan ko naman doon si Papa. Himala nga yatang nauna ito sa 'kin ngayon. Nagmano muna ako sa kanya bago ilapag ang mga gamit ko.
"Kanina pa po ba kayo, Pa?" tanong ko rito.
"Hindi naman, kararating ko lang din. Teka, kumain ka na ba?" tanong ni Papa pagkatapos ng tuloy-tuloy na pag-ubo.
Nitong mga nakaraang araw ay palagi ko na lang napapansin ang madalas na pag-ubo niya pero sinabi niyang wala naman siyang iniindang sakit kaya hinahayaan ko na lang. Pati kay Mama ay hindi ko pa rin 'yon nababanggit.
"Tapos na po, Pa. Sabay kami ni Cheyenne ng schedule ngayon kaya siya ang kasama ko buong araw."
"Nasaan iyong kaibigan mong isa?" Umupo si Papa sa sala at kinuha ang bagong diyaryong nakapatong sa coffee table na naroon.
"May lakad po si Nesca ngayon kaya hindi muna pumasok."
"Ganoon ba." He coughed again.
Sa pagkakataong ito ay halos maputulan na siya ng paghinga sa kanyang ubo. Mabilis ko siyang nilapitan para hagurin ang likod niya.
"Papa, ayos lang po ba kayo? Ang tagal na po niyang ubo ninyo, ah."
"Naku, wala ito. Nahamugan lang ako kaninang pagpunta sa trabaho," usal niya sa gitna ng hirap sa paghinga.
Nagpatuloy lang ako sa pagtapik ng likod niya. Nang nabawasan 'yon ay kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina at ibinigay sa kanya 'yon.
"Salamat. Magpalit ka na. Tatawag ang Mama mo mamayang alas sais. Hintayin mo."
"Sigurado po bang ayos lang kayo?" pag-uulit ko.
He smiled like he was really fine kahit na bakas sa mukha niya ang hirap. Bumalik naman ang mga mata niya sa diyaryong binabasa kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.
"Ayos lang ba kayo riyan, Julia?" tanong ni Mama sa kabilang linya.
Isang oras na kaming magkausap sa telepono pero kahit yata ubusin namin ang natitirang oras sa isang araw ay hindi mapupunan 'yon ng pagkamiss ko sa kanya.
"Ayos lang naman po."
"Eh ang Papa mo?"
"Okay lang, Ma, kaso nahamugan daw siya kanina kaya ayun, inuubo ngayon."
"Sabihin mo, Julia, na uminom siya ng gamot ha?" Bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala.
I know she missed her family pero dahil ngayong nag-aaral na ako sa kolehiyo ay kailangan niyang mag-stay sa Manila para dito.
"Opo, Ma, huwag kayong mag-alala sa 'min. Maayos lang kami rito. Eh kailan ho ba kayo uuwi?"
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. At dahil doon ay nakuha ko na rin ang sagot. Mom was always speechless whenever she can't come home.
Siguro'y aalis na naman ang mga Delaney kaya wala na naman siyang oras para bumisita sa 'min.
"Pupwede bang sa susunod na buwan na lang, anak?"
Napapikit ako. I missed her. I missed my Mom always. Pero ano bang magagawa ko? She needs to work for our family, just like Papa.
"Ayos lang po, Ma. Basta umuwi na lang po kayo kapag may oras kayo. Mag-iingat po kayo riyan ha."
"Salamat, anak! Kayo rin, I love you!"
"I love you too, Ma."
Matapos ang tawag na 'yon ay mabilis din akong nakatulog. Nagising lang ako sa ubo ni Papa. I gave him medicine pero ang sabi niya'y tubig lang daw ang kailangan niya.
"Pa, naman."
"Wala ito, anak. Ayaw kong mag-gamot at inaantok lang ako sa trabaho."
"Pa, kailangan n'yo 'to para mawala na 'yang ubo n'yo at makapagtrabaho kayo nang maayos."
Humugot siya nang malalim na paghinga. Magsasalita pa sana siya para tutulan ang sinabi ko pero inatake na naman siya ng matinding ubo.
"Magpa-check up na kaya kayo, Pa? Pwede naman po akong lumiban sa klase ngayon para samahan kayo."
Tumawa lang siya na parang biro ang sinabi ko sa kanya.
"'Wag mo akong isipin. Ang isipin mo, ang pag-aaral mo. Maayos lang ako. Sige na, mag-gayak ka na para makasabay ka sa 'kin."
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Alam ko namang kahit anong pilit ko ay hindi niya ako susundin.
Pagdating sa University ay si Papa pa rin ang laman ng isip ko. Kung okay na ba siya? Kung hindi ba siya pinapahirapan ng ubo niya. Noon naman kasi kapag nagkakasakit siya ay panandalian lang. Pero ngayon ay hindi na mawala sa isip ko ang nangyayari sa kanya.
"Library?" anyaya ni Nesca dahilan para maputol ang pag-iisip ko.
Tumango ako at sinundan siya palabas ng classroom. Pagdating namin sa library ay halos nakatulala lang din ako sa mga librong kinuha ko sa aisle ng history.
"Huy!" pukaw niya.
Napakurap-kurap naman ako nang pumitik pa siya sa harapan ko.
"What?"
"What ka riyan?! Kanina ka pa kaya nakatulala!"
"Ha?! Hindi 'no!"
"Hindi ka riyan. Julia, wala tayong klaseng history. Bakit 'yan ang kinuha mo?"
Napatitig ako sa kinuha ko. Tagalog pa ang isang 'yon. What was I thinking!
"Gusto ko lang magbasa, masama ba?"
"Naku, ano'ng problema? Ganyang-ganyan ka tuwing may problema eh! Ano, nagkita na ba kayo ni Donovan?"
Saan naman galing 'yon? Sa pagkakaalam ko'y tapos na ako sa problema kong 'yon! Tapos na nga ba?
"Hindi."
"Eh ano nga?"
Itiniklop niya ang makapal na librong hawak niya at itinuon sa 'kin ang buong atensiyon.
"Wala," pagsisinungaling ko. Isa pa 'yong Donovan na 'yon. Dumadagdag pa sa isipin ko. Ayaw ko na ngang isipin eh!
Nagkibit-balikat na lang si Nesca. Inalis ko naman ang tingin ko sa kanya at binuklat ang librong hawak ko. Binasa ko ang ilang paragraph na naroon pero talagang hindi kaya ng utak ko ang mag-focus lalo na ngayon. I'm still thinking about Papa.
Pasimple kong kinuha sa bag ko ang aking cellphone para i-text ito.
Ako:
Papa, kumusta po ang pakiramdam ninyo? Ayos na po ba kayo? Inuubo pa rin po ba kayo? Ano po bang bibilhin kong gamot? Dadaan po ako sa botika mamaya kasama si Nesca. I love you, Pa.
Nakahinga ako nang maluwag nang i-send ko ang message na 'yon. Pagkatapos makuha ni Nesca ang lahat ng kailangan niya sa kanyang report ay bumalik na kaming muli sa klase. Kahit na lutang pa rin ang pag-iisip ko ay hindi naman 'yon nakasagabal sa aking recitation.
Uupo pa lang ako matapos kong makasagot sa tanong ni Mr. Franco nang biglang bumukas ang pintuan ng aming classroom at iniluwa roon si Donovan na halata ring nagulat sa ginawa niya.
His eyes shifted at my direction. Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagyuko ko.
"Yes Mr.?" tanong ni Mr. Franco sa kanya.
"I'm sorry... I thought it's my class. Sorry, Sir," sagot niya.
I bit my lower lip. Dahan-dahan akong umupo habang nakatungo pa rin. Shit! Nakita niya kaya ako?
Oo! Nag-eye to eye pa nga kayo, Juliana! Sigaw ng utak ko.
"Okay, Donovan, go ahead." Tumango naman ito kay Mr. Franco.
Pasimple akong sumulyap sa direksiyon niya. Nakita ko pa ang pagtango niya kay Mr. Franco. Pero bago pa man siya tuluyang tumalikod ay sumulyap siyang muli sa 'kin.
Nakangiti siya nang nakaloloko na para bang nakakita ng kayamanang matagal na niyang hinahanap. Kahit na gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya ay hindi ko magawa. My eyes are glued into his. Humakbang siya patalikod. Bago pa man siya tuluyang lumabas ng room ay isang kindat ang iniwan niya sa 'kin kasabay ng pagtaas ng kanyang labi.
Lumaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa ginawa niya. Katumbas 'yon ng pagpapapakain ng masasarap na pagkain sa isang taong maya-maya lang ay bibitayin na!
"Uy!"
Sari-saring hiyawan ang sunod kong narinig matapos sumara ang pintuang pinanggalingan ni Donovan.
"Naks naman, Juliana!"
I bit my lower lip again dahil sa hiya at takot na biglang sumanib sa katawan ko. What the heck was that for?!
Napapikit ako nang mariin. Pwede na ba akong mag-drop out ngayon? Ayaw ko nang bumalik sa paaralang ito at makita ang lalaking 'yon!
Gusto ko na ring sampalin itong katabi kong parang uod na binudburan ng asin sa kilig para sa 'kin. Kung hindi pa nagsalita si Mr. Franco ay hindi pa titigil ang mga classmates ko.
Can I just vanish right now?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro