Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9: DINNER WITH THE VANDERS


A/N: Yes, an update after 99 years huhu. Hopefully, tuloy-tuloy na. I miss writing. I miss writing very much pero ang hirap mag-time management if you have work, school and being a mom. Thank you for patiently waiting🩷🩷🩷🫶

*****

9: Dinner with the Vanders

JAJA


Akala ko na ang sinasabing hapunan ay sa engrandeng bahay ng nga Vanders. I expected it to be a very elite dinner in their lavish home but we were in one of the country's grandest hotel instead.

Pagkapasok pa lamang ay sinalubong na kami ng staff, leading us to a huge hall with a tall door adorned with shiny things. Yumuko kay Cooler ang taong nagbabantay sa pinto.

"Guess we're a little late or they're just early," mahinang sabi ni Cooler sa sarili. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Are you nervous?"

I nodded. "Akala ko ay simpleng dinner lang."

"Don't worry, if anyone makes you uncomfortable, we'll leave immediately," he assured me. Tinanggal niya ang hawak ko sa braso niya, and clasped his hand with mine. It was surprisingly warm and assuring, but the current circumstance renders me unable to give any meaning to it.

Walang kahulugan ang hawak niyang iyon. We made it clear this morning that this is nothing personal. Isa pa, sa tingin ko ay ginawa niya iyon to give himself comfort, dahil mukhang hindi lamang ako ang hindi komportable.

Nang buksan ng staff ang pinto ay unang tumambad sa akin ang mahabang hapagkainan. It was empty, except for the grand centerpiece at kung anu-ano pang mamahaling mga babasagin na hindi naman nakakain. It's just beautiful, pero wala ako sa posisyon na kamanghaan iyon.

Nakalinya rin sa gilid ang mga serbedora, handang gumalaw sa kung ano man ang hingin at iutos ng mga taong nakaupo.

It was not the grand things that rendered me immobile, but the glares of the people around.

Nanlambot ang mga tuhod ko na tila ba hindi ko na kayang humakbang pa. I'm glad Cooler was there to support me, although I also felt his hand shake.

We're holding hands, remember?

"Ah, my son is here!" Sabi ng lalaking nasa dulo ng mesa. Tinanggal niya ang tela na nasa kandungan niya upang tumayo at salubungin kami. With what he said, it's safe to say that he is Cool Vander, Cooler's father.

Malawak ang ngiti niya sa akin, samantalang nakakalokong ngisi naman ang ginagawad niya kay Cooler.

"Binata na talaga ang anak ko," wika niya, sabay tapik sa balikat ng anak, much to Cooler's annoyance. Hinawakan niya ang palad ko at dinala iyon sa labi upang halikan. "You must be the Jennifer Angelina that Pi is talking about."

Speaking of Pi, she's not around at maging si Cooler ay napansin iyon.

"Where's Pi?" Tanong niya sa ama.

"She said she hate to see the twin cities," sagot ni Cool at sumulyap sa nga naroon. He must be referring to the twins na ngayon ay masama ang tinging ipinupukol sa akin. I figured out they were twins dahil maliban sa magkamukha sila ay parehas rin sila ng suot, except for the color. Hininaan ni Cool ang kanyang boses. "Fair enough. I hate the twins too."

Inilibot ni Cooler ang tingin sa paligid, na para bang may hinahanap. "Not even Apollo?"

Tumango ang kanyang ama. "He can't say no to Pi if she say no one's leaving the house. I mean, who can dare say no to the pregnant Pi, right?" Kumindat siya sa akin bago tinuro ang bakanteng mga upuan. "Well, take a seat. Everyone is starving."

Mabilis naman na gumalaw si Cooler. He gently pulled me a chair kahit pa tila nanunusok ang mga matang nakatingin. Daig pa nila ang mala-CCTV naming mga kapitbahay.

Pasimpleng tiningnan ko ang lahat. An old man with an authoritative look na sa paraan ng pag-angat ng kanyang labi ay sigurado akong kung anu-anong panghuhusga na ang ginagawa niya sa akin, sa tabi niya ay babaeng masama rin ang tinging pinupukol sa akin.

Next to them are the twins, na kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang nakabulagta na ako sa sahig. On the other side of the table ay isa pang matandang lalaki na naka-wheelchair, then another woman, isa pang matandang lalaki and a goodlooking guy with a tan skin who doesn't look interested at all.

Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng matandang lalaki sa kabilang dulo ng mesa. "Well, what do I expect from your mediocre son, Cronus? Even his choice of women is--"

"This is a family dinner, Fernan, not Asia's Next Top Model. Spare Miss Jennifer Angelina from your scrutinizing look," putol ni Cool sa matanda, na kinainisan naman ng huli ngunit hindi na lamang nagkomento pa. Muli niya akong tinapunan ng masamang tingin kaya yumuko na lamang ako upang hindi makasalubong ang kanyang mapanghusgang tingin.

The servers started moving to serve the food, and I doubt kung makakakain ba ako sa labis na kaba.

Sarkastikong tumawa ang isa pang matandang lalaki bago bumaling kay Cooler. "How dare you bring a tramp in our-"

"Can we just have a peaceful dinner?" Malakas ang boses na putol ni Cooler sa sasabihin ng kapamilya. I have to admit it was his scary voice at akala ko ay ako lamang ang natatakot sa tonong iyon. Everyone around tensed, maliban na lamang kay Cool na panay kain. He apologized to me dahil nauna na umano silang kumain ng appetizer kung kaya't main dish na ang inihahain.

"Huwag mong tataasan ng boses ang tito mo, Cooler!" Sabi naman ng babaeng katabi ng matanda. "Not because you carry the name Vander doesn't mean you can talk to us like that!"

Mukhang nagpipigil lamang si Cooler. I saw him curled his fist under the table, kaya inabot ko iyon at hinawakan. Napatingin siya sa akin, and I saw a scared little kid. Malayong-malayo sa Cooler na kilala ko; malayong-malayo sa Cooler na boss ko. I saw him breathe out few times before he relaxed.

Sunod kong tiningnan ang ama niyang si Cool. Tila wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa paligid.

"If we are not allowed to comment about your companion, at least tell us who she is," komento ng isa sa kambal.

"Paris, I don't think that is necessary, I'm sure she'll be gone matapos makahuthot ng pera," dagdag ng isa pa sa kambal bago sila nagtawanan.

Gusto ko mang ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ko magawa. Una, hindi ko kaya ang tensyon sa paligid. Pangalawa, Cooler and I are not even together so why bother defend myself? Isa pa ay ayaw kong manggulo, lalo na't si Cooler mismo ay piniling huwag magpaapekto sa kanila.

Well, what I realized is that his family is mean. Super duper mean!

Nagsalita naman ang lalaking naka-wheelchair. "Are you really considering Cooler to take over? Ano na lamang ang kahihinatnan-"

"I hate rare steak," Cool blurted out randomly.

Walang nagtangkang putulin siya, making me conclude that he is the most respected person in this room.

Bumaling siya sa akin. "Alam mo bang sabi nila, magkakabulate ka raw kapag kumain ka ng hilaw ng karne?"

Pinigilan ko ang sariling huwag mapasimangot dahil sa sinabi niya. Medyo dugyot siyang pakinggan, lalo na at napakarandom ng sinabi niyang iyon, but I just nodded at him.

"This place has the best steak. Why don't you take a bite?" Tanong niya. "Come on, and tell me what you think."

Napalunok ako ng ilang beses. Wala akong ganang gumain but since he prompted me to do so ay hindi ako makatanggi. With shaking hands, kinuha ko ang tinidor at kutsilyo, at tahimik na nagdasal na sana ay huwag akong pumalpak sa gagawin.

Heaving a sigh, I forced a smile, at dahan-dahang hiniwa ang steak. Cool was watching my every move, eager to hear my comments on it. Inignora ko ang tingin ng ibang naroon at dahan-dahang sumubo.

I chewed the meat only to realized it was sweet.

Eh?

"Ha!ha! It's cake! Gotcha!" Tuwang-tuwang bulalas niya.

It was funny... I guess, dahil tawang-tawa siya ngunit hindi ko makuhang ni ngumiti. Masyado yatang prankster ang tatay ni Cooler para mag-abalang magpagawa ng hyperrealistic cake, para lang iprank ako.

Sumenyas siya sa waiter na kunin ang plato sa harap ko, at pinalitan iyon ng bago. Still I cannot bring myself to take a bite. What happened seem so foolish and childish but no one dared to speak up.

"Kumain ka na," one of the twins said. "Para naman kahit papaano ay makatikim ka ng masarap na pagkain."

"If you want, pwede nating ipabalot ang mga tira-tira para naman may maiuwi ka," the other twin said at nagtawanan ulit silang dalawa. May mga sayad ba sila, bakit panay tawa sila kahit wala namang nakakatawa?

Mas lalo akong nawalan ng gana, at nang mapatingin ako kay Cooler ay halata ang galit sa mukha niya. But there was something with the people around na tila ba hindi niya magawang umalma man lamang. These people around are so mean that whatever the level of their meanness is enough to silence Cooler Vander.

"Why don't you say a word, Red?" Sabi ng kambal sa lalaking tahimik na kumakain. Sa kanilang lahat ay tila ito lamang ang hindi nagpakita ng hostile attitude sa akin. He's not even paying much attention to me or to everyone around.

He raised his head, looked around bago tumingin sa akin. "Enjoy your meal," sinserong sabi niya at ngumiti bago muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

"That's it?" dismayadong tanong ng isa sa kambal. I don't want to know who's who dahil tiyak namang ito na ang huling pagkakataong makikita ko sila. And I don't want to be involved with them kaya sana lang ay huwag ng magtagpo pa ang mga landas namin.

The guy called Red raised his head with a very dull look on his eyes. "Why don't you just eat, Berlin? Sa dami na ng nasabi mo, you opened your mouth enough more than every people dinning in this restaurant combined."

Napalis ang ngiti sa labi ng babaeng tinawag niyang Berlin. Kung komportable lamang ako sa presensiya ng lahat ay baka sinabihan ko na siya ng apply cold water to the burned area. She looked truly offended, ngunit walang pakialam si Red.

Her twin was to the rescue. "How dare you, Red! Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng iyan? What, do you plan to fuck her-"

Pinutol ni Cool ang palitan nila ng salita sa pamamagitan ng pagtapon sa bote ng wine sa sahig. Its content spilled on the floor making a huge mess but he didn't bother to look at it. Saka lamang tila natahimik ang lahat.

Cool Vander was able to silence everyone without a word.

Nanatili ang katahimikan nang halos dalawang minuto, and it was Cool who broke it at last.

"Miss Jennifer Angelina, hindi mo ba gusto ang pagkain? We can order anything else."

Mabilis akong umiling. "No, hindi naman po." Nagsimula akong kumain kahit na halos hindi ko na iyon malasahan sa sobrang kaba.

Mga limang minuto ang lumipas na panay ang pagkukuwento ng kung anu-anong kadugyotan ang ginawa ni Cool Vander. He told me the story of that one time he drank a coffee with someone's denture in it. May kwento rin siyang tungkol sa nga seafood at ang pagbalik-balik niya sa banyo.

Kahit paano ay naging magaan ang ambiance ng paligid. I should have savoured that moment, dahil nang isinerve ang desert ay muling nabalot ng tensiyon ang silid.

"This dinner is set for my announcement tonight," panimula niya at tiningnan ang lahat. "Thank you for coming here today. I knew you heard about my upcoming surgery."

Umingay ang paligid, some were expressing concerns, others were trying to cheer him up, samantalang ako ay napag-isip kung dapat pa bang naroon ako gayong mukhang may mahalagang announcement na gagawin ang daddy ni Cooler.

Itinaas niya ang kopita na naglalaman ng alak. "I like everyone to know that in my absence, my son Cooler will take over everthing."

Napuno ng protesta ang paligid, at para bang lahat ay hindi sang-ayon sa sinabi niya. Nang sulyapan ko si Cooler ay kahit siya ay mukhang hindi sang-ayon. He looked at his father with disbelief in his eyes, bago tila nanliit sa sarili.

"But Cronus-" nagtangka siyang magsalita ngunit itinaas ng kanyang ama ang isang kamay, and it was enough to silence everyone.

"I expect you to respect him like you respect me, and follow his command in everything. My decision is final at hindi ako makikinig sa anumang objection o paliwanag," Cool said with finality. Bahagya niyang sinulyapan ang anak na puno rin ng pag-aalangan. He looked at him with finality in his eyes.

Napansin kong nanginig ang kamay ni Cooler kaya tahimik na inabot ko iyon. When he felt my hand held his, he squeezed it like it was his freaking lifeline. Why is he shaking? I mean, alam kong malaking responsibilidad ang ipinatong sa kanya sa mga sandaling ito, but is he not confident with himself?

I hardly survived the whole dinner. Matapos ang anunsiyong ginawa ni Cool ay nasa kay Cooler na ang masasamang tingin na iginagawad ng lahat. Even the twins na mukhang walang alam sa buhay kundi magshopping ay tila nagalit din. Only the guy they called Red looked fine with it and genuinely congratulated Cooler.

The dinner ended earlier than expected. Kahit tila marami ang gustong pumrotesta sa inanunsyo ng ama ni Cooler ay wala na silang nagawa.

It felt like forever ngunit sa wakas ay nag-aya ng umuwi si Cooler. Bago umalis sa hotel ay dumaan muna ako sa CR.

What the heck is this dinner all about. Sa halip na busog ay pagod at stress pa ang naramdaman ko! Naalala ko ang reaksyon ni Cooler kanina. He was not expecting it, bakit parang ang baba ng self confidence niya? I mean, maliban sa siya ang anak, did he not expect to be pick with his skills? When he said take over everything, sa negosyo iyon, hindi ba? Sa legal na negosyo.

Teka, bakit ko ba pinoproblema ang problema nila? I have a handful of matters on my own, ayaw ko ng isipin pa ang sa kanila!

Matapos sipatin ang sarili sa salamin ay lumabas na ako ng banyo. There I find that Red guy waiting for me. Napatingin ako sa paligid, hoping to find Cooler around ngunit wala siya.

"Kung hinahanap mo si Cooler, he asked me to take you home," sabi niya nang salubungin ako. "Kailangan pa niyang umapela, so he's probably on to somethung right now, like preparing his powerpoint presentation on why he is not qualified to accept the responsibity bestowed to him."

Saglit akong nag-isip kung nagsasabi ba siya ng totoo but he looked like he's not the type to lie kaya tumango na lamang ako sa kanya at sinundan siya.

Tahimik na sumakay kami ng elevator, and thankfully we weren't the only ones on it kaya hindi na masyadong awkward na hindi kami nag-uusap. Bumaba kami sa basement kung nasaan ang parking lot.

"He might have been begging his father to revoke his decision," mayamaya ay sabi niya. "Kaya sana huwag mong masamain na hindi ka niya maihahatid pabalik."

"A-ayos lang. In fact hindi mo naman ako kailangang ihatid. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Iilan lamang ang mga sasakyan na nasa bahaging iyon ng basement. He pressed his key fob at umilaw ang itim na sasakyan sa gilid. He opened the door for me kaya kahit nakakahiya ay tahimik na sumakay na lamang ako. Nang makasakay rin siya ay halos hindi ako makahinga nang may kinuba siya sa glove conpartment na nasa harap ko.

Paano kung baril pala iyon? What if he intentionally lured me in here to kill me? Paano kung gaya ng iba kanina ay may galit din pala siya kay Cooler?

Pero sandali, ano namang mapapala niya? Maybe I was being worried for nothing.

"You look like you're about to explode in fear," komento niya at inabot sa akin ang IDs na kinuha niya sa glove comportment.

Shutaca, Jaja! Kung anu-anong iniisip mo!

"Here's my identity, in case you doubt me. Pwede mong itext ang mga detalye ko sa kapatid mong pulis, if you're really scared," sabi niya habang binububay ang makina.

"Uh, the fact na alam mong pulis ang kapatid ko is scary enough," nakangiwing sagot ko.

Bigla siyang natawa. It was a legit laugh like I just said a punchline. "Right, why didn't I think of that?"

Bigla akong naluha sa labis na kaba. "Please lang, marami pa akong pangarap sa buhay. Tangenag dinner 'yan, iyon na ba ang last supper ko? Kung balak mo akong patayin, wag naman. Please, hinding hindi ako magpapakita-"

"Tama nga si Cooler nang sinabi niyang you will be handful," he said with a smile.

"Should I take that as a compliment?"

He shrugged. "Ikaw ang bahala. Pero hindi mo ba kami naaalala?"

Napakunot ang noo ko. Anong tanong ba iyan? "Eh?"

"Madalas kang sinasama ng tatay mo dati."

I felt my heart throbbed a bit. Hay, nami-miss ko na talaga si Tatay. His death was so painful that I sort of forgot all my childhood. Hindi ko alam kung posible ba iyon or what but it all became a blur to me. I witnessed how my father was shot and it was so traumatic to the young me.

"Hindi ko na maalala," sagot ko sa kanya. "You knew my father?"

Tumango siya at nagsimulang magmaneho. "Yup. He taught me basic card tricks which somewhat help me get into girl's skirt in college."

Napangiwi ako. Aba't proud pa siya! "Really, it didn't occur to you that you're just good-looking?"

Natawa lang ulit siya at nagfocus sa daan. "It's been six years. You were there... on the day of the incident."

"Incident? Ah, iyong nangyari kay Tatay? I can't piece together what happened nang araw na iyon," sagot ko sa kanya.

Kaming dalawa ng kapatid kong si Brad ang naroon. We witnessed what happened, pero si Brad lamang ang kayang magsalaysay ng mga nangyari nang gabing iyon. It was all fog in my head.

Nakarinig ako ng isang buntong hininga mula sa kanya. "It's your mind's defense mechanism. It is not uncommon for individuals to experience memory repression in response to trauma. The mind may choose to suppress or fragment memories as a protective measure, preventing us from fully grappling with the intense impact of our experiences."

"Wow, you sound like a mind expert," sagot ko na lamang sa kanya. Sa totoo lang ang ayaw kong pag-usapan ang tungkol kay Tatay. Red is a stranger to me, ngunit kilala niya si tatay. It's weird to talk to him about it lalo na't ang alam namin ay sila ang dahilan ng pagkamatay ni Tatay. "Sorry, kung tunog bastos man ako, pero ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa nangyari kay tatay... lalo na't..."

Kayo ang dahilan niyon.

Pero hindi ko iyon sinabi. I am in a crammed space, inside a car with a Vander's people. Kahit mukhang harmless si Red ay hindi imposibleng akya niyang baliin ang leeg ko anumang oras.

He suddenly parked the car to the side of the road and faced me. "That day was Vander's biggest shipment."

"S-shipment?" Naguguluhang tanong ko.

He ignored me. "13 Billion worth of money, and your dad lost his life protecting this amount."

Nanikip ang dibdib ko. "Is that the worth of his life?"

13 billion? My father is way more than that.

Narinig kong bumuntong hininga si Red. "No. But I think I know the reason why you're invited in that dinner. The dinner is a declaration of war. You were there as a bait."

Napakurap ako ng ilang beses. So, it's not just about Pi who tattle to her in-law? Alam rin ba iyon ni Cooler? Did he bring me knowing that fact?

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Masakit ang alaalang tungkol kay tatay, and now I found myself tangled in the same scene he lost his life.

Marahil ay nabasa ni Red ang isiping tumatakbo sa isip ko. "Cooler knew nothing about it."

Muli akong napabuga ng hangin. Everything is confusing.

"Hindi ko maintindihan. Paano ako naging pa-in? Wala akong alam sa lahat ng nangyayari? I cannot even remember what happened that day."

"It's simpler than you think. Someone in that table killed your Dad. The same person wanted to know your whereabouts dahil ikaw lamang ang may alam kung nasaan ang labing tatlong bilyon nang gabing iyon. Your presence is enough to make that person start their move."

His words felt foreign dahil tila wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. It was too much for me to bear. Ito yata ang sinasabi nilang information overload, at tila bawat salitang binibitiwan niya ay sumasayaw sa isipan ko.

Ipinahid ko ang mga palad sa mukha, trying to clear up my train of thoughts. "My life's shitty enough, huwag niyo nang dagdagan pa."

Red looked at me intently. "Hindi ka man lamang na nacu-curious kung ano ang nangyari nang araw na iyon? Don't you want to unravel the mystery of his death and the disappearance of the money?"

The mention of the money made my blood boil. Alam kong iyon talaga ang kanyang tinutumbok, he's rubbing salt to my trauma, nang sa ganoong paraan ay magagamit nila ako sa kung ano mang mas malaking bagay na binabalak nila.

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng sasakyan. "Not interested."

Narinig ko ang buntong hininga niya at kasunod niyon ay ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan.

"Well, I will give you enough time. It's not like I need you to say yes right now," wika ni Red bago muling pinaharurot paalis ang sasakyan.

#

ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro