4: WHAT A NARCISSIST!
Chapter 4: What A Narcissist!
#UNI4
JAJA
Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga bagay na nasulat ko sa pag-uusap namin ng bago kong boss na si Cooler Vander. Nang sinabi kong hindi ako interesado sa ino-offer niyang trabaho, I mean it. I don't want to be involved with him mainly because his name screams trouble.
He's a Vander, a name that screams death and danger gaya ng sinapit ni Tatay. The logical thing that explains his death is that my father risked his life over that name. Gaya ng sabi ng kapatid kong si Brad, maaring tao ng mga Vander si Tatay and it that lune of job, things get worse.
But whatever. Hindi talaga ako interesado sa trabahong ito hanggang sa umuwi ako isang gabi na wala si Jules sa bahay. I received a call from my brother na ni-raid ang bahay ng kaibigan ni Jules- and he was there. Ibig sabihin ay timbog din siya.
He managed to come clean without anything that can press him heavy charges, iyon nga lang ay malaking halaga pa rin ang kailangan upang makapiyansa.
That is why I have to swallow my pride and bite my tongue at this.
"Wala bang insurance?" tanong ko kay Cooler Vander.
"Insurance?"
"Insurance! Halimbawa, we're doing the trick kung saan you have to cut me into two, paano kung magkamali ka at masugatan-"
"Let me clarifiy things to you Miss Rustia," sagot niya sa naaasar pa rin na boses. "I'm not up for tricks na pang magic show."
I knew he's still angry because of what I did. Well, I have to make a contingency plan dahil nakikinita ko na na hindi na niya ako tatanggapin kapag dinaan ko lamang siya sa mabuting usapan.
And tadah! That's what the idea I come up with at heto kami ngayon, pinag-uusapan ang benepisyo na matatanggap ko.
Pero walang insurance? Aw, sayang naman!
"But still-" Ah, there's no point in arguing dahil mukhang wala nga siyang balak na bigyan ako ng insurance plan. "How about thirteen month pay?"
Nakapokus ang kanyang mga mata sa kung ano mang report na pinasok ng isa niyang tao kanina. In fact it was a surprising na nakakasunod pa rin siya sa pinag-uusapan namin. This guy is so good in multitasking. Wow.
"I don't think we'll last for a year or so," sagot niya. "Pero sige, you can have something like that."
Nakangiting sinulat ko iyon sa hawak kong papel. In fairness hindi nga siya masamang magpasahod ng tao.
"How about commission when we reach a quota?" tanong ko.
Pabagsak na ibinaba niya ang binabasa at tiningnan ako nang masama. "What are you, part of the sales team?" pabalang na sagot niya.
Napangiwi ako. Okay, goodbye commission.
"Nagtatanong lang naman eh," nakayukong sabi ko. "Halimbawa, I will teach you at least 3 tricks per session natin, kapag lumagpas ako sa 3, why not give commission?"
"No," tipid na sagot niya.
Ang sungit naman.
"How about-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay muli siyang nagsalita. "Aren't we done yet? Busy ako, I don't have all day to spare for you."
Fine. Hindi naman ako lugi sa lagay na'to. But before that, there's something I want to ask so badly.
"Last question!"
He looked so done right now. Pero bahala na, ito ang pinakamahalang tanong ko sa lahat.
"Pwede naman akong mag-advance anytime diba?"
He looked straight at me na para bang inaarok kung seryoso ba ako sa sinabi ko. Sinalubong ko ang mga tingin niya, silently communicating that I need a yes answer to my question.
Siya ang unang nagbawi ng tingin.
"Yes, but not on your first month," sagot niya na nagpasimangot sa akin.
Okay, it's shameless to ask for it pero sige, okay na rin iyon. Sinulat ko iyon sa papel ko at pinirmahan. I handed him the paper along with the pen.
He had a puzzled look on his face.
"Pirmahan mo," sabi ko.
I was expecting him to grab it and just sign dahil gaya nga ng sinabi niya ay busy siya. But then he had that annoying smile on his lips. Definitely not a smirk but a smile more sinister than any smirk.
"You think I would sign this without reviewing the terms?" tanong niya. Kinuha niya ang papel mula sa akin at mabilisang binasa iyon. "Fair enough, you have written all your demands which I, on the other hand agreed with."
Wow he used the term demands. Excuse me lang ha, those are just basic employee benefits!
"Now, I also have my terms and conditions as your employer," sabi niya na literal na nagpalaglag ng panga ko.
"Ano?"
He grabbed his journal from the side and started writing. "One, always be on time."
Mabilis na kumuha rin ako ng panibagong papel at sinimulang isulat ang mga sinabi niya. What, bakit ba ako sumusunod sa kanya?
Uh, whatever Ja, he's your employer.
Ibinaba niya ang journal sa nakadekwatrong hita. "I hate tardy people. Dapat alam mong time is precious so like this company and any other company impose, every hour you're late means a deduction on your salary -"
"Hey that's not fair!" apela ko.
He just smiled at me. "All is fair in love, war and business."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Do not make your own quotable quotes!"
Nagsulat ulit siya. "Two, on my call, you have to extend the hours of your service but of course that has corresponding pay on it. Be it overtime premium or whatever, go. If I call you on your supposed to be day off, you have to be there-"
"Ano?! Abuso 'yan ah! Paano kung may emergency din ako kaya-"
He cut me off. "Geez, woman you're impatient and reacts immediately without hearing it all. You have to be there except when there are circumstances that makes you impossible to be present, halimbawa emergencies, out of town trips etcetera."
Oh. Okay. Sinulat ko rin iyon at hindi na nagreklamo pa.
"Three and most importantly, whatever you know or find out about me, do not disclose it to anyone. Confidentiality matters-"
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Chismosa ba ako sa paningin mo? Or are you afraid I'm going to sell you to... to... to... Sa mga kalaban ninyo?!" Why the heck am I stammering?
Akala ko ay magagalit siya but then he laughed so playfully. A genuine laughter. "Kalaban?"
"Oo, kalaban."
"Rivals in business?"
Yeah mafia business, right?
Ngunit hindi ko na lamang iyon sinabi. Baka maisipan niyang sakalin ako rito wala pa naman ang sekretarya niya. Paalala lang sa sarili ko, gigil pa rin si Cooler Vander sa ginawa ko sa kanya kanina.
"Basta, iyon na 'yon," sagot ko sa kanya. "Iyon lang ba?"
"Yup," sagot niya at inipit ang papel na sinulatan ko kanina. "You can go now, like I said, I'm busy-"
"Akin na 'yong papel na sinulatan ko ng employee benefits! Pirmahan mo na at ibigay mo sa akin, " I demanded. Mahirap na, baka hindi siya sumunod sa usapan. I badly need this job just to get Jules out the jail.
Itinaas niya ang kamay na may hawak ng papel. "Ah, you can get this one tomorrow," sagot niya. "I'll have my secretary encode this one at idagdag ang ilang benepesyo gaya ng ibang employees ng Vander Trading. Also, we'll sign this para mapa-notarize. Sounds fair?"
Not yet. I will check it tomorrow kung fair nga ba dahil baka may alisin siya sa mga napagkasunduan namin.
"We'll see," sagot ko at tumayo. "Kung wala na tayong pag-uusapan pa, aalis na ako."
I know he wants me to leave but I don't want to make it seem like he's the one who wants me to leave badly. Dapat magmukha rin akong atat na umalis dito.
Nang tingnan ko siya ulit ay nasa mga dokumentong pinagkakaabalahan niya kanina ang kanyang atensyon.
"Hoy, aalis na ako kung wala ka ng idadagdag pa sa napag-usapan natin!"
"Yeah, go ahead," sabi niya nang hindi man lamang ako tinapunan ng tingin.
Ah! Nakakainis! We both wanted to show each other na ayaw naming makita ang isa't-isa! Padabog na nagtungo ako sa may pinto ngunit bigla siyang nagsalita na siyang nagpatigil sa akin.
"Oh, there's another one by the way."
Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin.
There goes that annoying smile again. Alam mo 'yong ngiting tila sinasabing kayang kunin ng ngiting iyon ang lahat ng kababaihan? Iyong ngiting punong-puno ng kompiyansa sa sarili?! Seriously I hate it.
He snapped his fingers as he tapped his temple. "Strictly no flirting with me. I'm not interested. That's all. Bye Miss Rustia, have a nice day."
Ha?
HA??!
"Ano?!" lumapit ako sa kanya at inilagay ang dalawang kamay sa baiwang. Wow! He really has so much confidence in himself!
"You heard me Miss Rustia," sabi niya at inayos ang suot na necktie. "No. Flirting. With. Me." He said it emphasizing every word.
Mapaklang tumawa ako. "Sa'yo? You think... You think, ka flirt-flirt ka? Excuse me, sa tingin mo ba poging-pogi ka? Just because you have a good sense of fashion, thick brows, clear skin, high-bridge nose, nice teeth, cold yet expressive eyes, toned body because you seemed the sporty type, tingin mo gwapo ka na?
Bigla siyang natawa. "Thank you, you just laid down everything that defines how good-looking I am."
What the heck.
The nerves!
Tinalikuran ko siya at muling nagtungo sa pinto. "You're funny and yeah, narcissistic. Sorry pero hindi ka gwapo at hindi kita type. Bye- shit." Bigla akong nauntog sa glass door. Shit! Why was I not paying attention?
I just heard him giggled at halos takbuhin ko na ang daan palayo sa opisina niya! Nanggigigil ako sa taas ng tingin niya sa sarili!
What a narcissist!
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro