22: ARSON
Chapter 22: arson
JAJA
"You're with Cooler Vander?!"
Umalingawngaw ang boses ng kapatid kong si Brad sa bawat sulok ng police station. May ilang napatingin sa direksyon namin, samantalang napayuko naman ako.
Napasandal siya sa kanyang upuan at minasahe ang gilid ng kanyang ulo. "Natuwa pa ako na naghiwalay kayo ni Jules, pero ano itong malalaman ko na magkasama kayo ng isang Vander? Anong pumasok sa kukote mo?"
Nag-iwas ako ng tingin. "It's not what you think, Brad. Nagkataon lang—"
"Nagkataon lang na naroon ka sa lugar na iyon? Kung pipitsuging lugar iyon, naniwala na ako sa'yo. Pero Ja, Four Seasons!? Kahit isang buwang sweldo ko ay hindi kasya sa ilang oras na mga serbisyo ng lugar na iyon. You think maniniwala ako sa'yo na nagkataon lamang na naroon ka?" He slammed his notebook on the desk. "Anong relasyon ninyo? Anong ginagawa mo para sa kanya?"
Tila kinurot ang dibdib ko sa narinig. "Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, Brad? That I am doing something for Cooler Vander kaya naroon ako? Alam kong may mga maling desisyon ako sa buhay, pero ganoon ba ang tingin mo sa akin? Wala kaming relasyon ni Cooler at lalong wala akong ginagawa para sa kanya!"
It was not a lie, but it was a half-truth. Totoong wala kaming relasyon ni Cooler and I am not doing anything for him—but we're sort of special friends. Pero alam ko ang nang-aakusang tono ng kapatid ko, at alam ko rin ang galit niya sa mga Vander. His anger about me getting involved with a Vander is valid, but his hurtful words are not.
May iniimbestigahang arson case si Brad, at iyon ay ang spa na pinuntahan namin ni Cooler. I know the place is expensive pero hindi ko inaakalang napaka-elite pala talaga ng lugar na iyon.
Apparently, the place burned the same day we left. Hindi ko alam kung coincidence lang ba iyon, but I'm relieved na wala kami roon nang mangyari ang sunog. Ayon sa balita, anim na tao ang namatay and three of them were the mean staff and clients.
Napayuko si Brad. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, Ja. I'm sorry. Masyado lamang akong nape-pressure dahil sa akin naka-assign ang kaso. It started out as an accident hanggang sa may anonymous tip na nagsasabing sinadya ang sunog. May nagpadala rin ng mga maaaring makatulong sa kaso, at nagulat ako na naroon ang pangalan mo. We can't afford the place kaya nakakagulat lang na naroon ka."
Ayaw ko sanang magsinungaling sa kapatid ko, pero wala naman talaga kaming kinalaman sa nangyari. "Naroon ako dahil hindi makakapunta ang kaibigan ko, kaya ako ang pinapunta niya." I hope Pi would not mind me calling her a friend.
Napakunot ang noo ni Brad, tila mas lalo lamang siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sinong kaibigan?"
"Si P-Pi," mahinang sagot ko.
The crease in his forehead folded even more. "Pi?" He flipped through the files na tila may hinahanap. "Lennon Pi Bellomo?"
Tumango ako bilang sagot.
Brad slapped his forehead in frustration. "Mas lalo lamang nagiging kumplikado ang lahat. You're friends with Lennon Pi Bellomo?"
I looked down again and slowly nodded.
Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Brad. "Kilala mo ba tong mga taong 'to? Una, si Cooler Vander at ngayon ay si Lennon Pi Bellomo? That Pi ay anak ni Antonio Bellomo, isa sa pinakamalaking drug syndicate sa bansa!"
I slightly flinched at the information. Si Pi, anak ng drug syndicate? "C-convicted drug syndicate?"
Brad shook his head. "Apparently, big syndicates always get away with their crimes."
"Paano kung hindi talaga totoo?" tanong ko. Sa ilang beses na nakasama ko si Pi, I don't think she's bad. I mean, she's cute and adorable, at kahit mahilig siyang magbiro tungkol sa pagbibigay ng baril so I can solve all my problems, I don't think she's a bad person, moreso involve in a drug syndicate.
"Marami ka pang hindi alam sa mundo, Ja," wika ni Brad. "Paano ka nagkakoneksyon sa kanila?"
"Hindi na 'yon importante, Brad. What I can tell you is that I am not doing anything illegal," mahinang sagot ko. "Sandali, did you call me here as a suspect sa arson case na 'to?"
My brother has a strong sense of justice. Hindi siya ang tipong mapapakiusapan, kahit kapatid ka pa niya. Ilang beses na ba akong nakatulog sa presinto because he refused to pull some strings?
Umiling siya kasabay ng pagbuntong-hininga. "No. I called you here as your brother."
Tinapunan ko ng tingin ang kabuoan ng presinto. "Dito talaga?"
He closed the notes he was jotting a while ago. "I'm busy with work, at sa bawat oras na pinag-aaralan ko ang kasong ito, it gets complicated. Maging tapat ka nga sa akin, ano ba talaga ang ginawa ninyo sa Four Seasons?" Hinilamos niya ang kamay sa mukha. "No matter how I look at it, you don't have anything to do with that place. Kasama mo pa si Cooler Vander."
I showed him my beautifully done nails. "Other than the usual things to be done sa lugar na katulad ng Four Seasons, wala akong masamang ginawa, okay?"
He watched me closely for a moment, bago inilapag sa harap ko ang ilang mga larawan. "That's a leftover of an incendiary device na nasa loob ng spa. If found separately, it wouldn't have raised suspicions pero may isang hindi sumabog. The essential oils' smell of the place may be overpowering, but there's still a hint of gasoline smell on the place. Naka-deactivate rin ang mga fire alarms at manually turned off ang sprinkler system na naka-install, and the cameras were deliberately destroyed na kahit ang mga saved files ay wala. Tell me, how do I not raise suspicion on that?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I now understand the stress this case is causing my brother, but I swear to God na wala akong kinalaman doon. Cooler and I just proxied Pi who cannot make it to her original appointment.
"Rustia," tawag ng isang police at lumapit sa amin. I recognized him as the chief of the station kaya tumayo ako at binati siya.
"Magandang araw, chief!"
He smiled at me. "Magandang araw rin sayo, Jaja!" Bumaling siya sa kapatid ko na gaya ko ay tumayo upang salubungin siya. "Rustia, pinag-aaralan mo ba ang nangyaring sunog?"
Tumango si Brad bago sumagot. "Opo, Chief. Sa inisyal na imbestigasyon ko po—"
"Good job, Rustia," sabi ni Chief kay Brad at tinapik siya sa balikat. "Iyan ang enthusiasm sa trabaho ng isang pulis. Good work and you can rest now. The case is closed."
Parehas kaming natigilan ni Brad. Nagkatinginan kaming dalawa bago nagtatakang napabaling sa hepe. "Ano pong ibig niyong sabihin na sarado na?"
"The city fire investigators took over para mas mapabilis ang usad ng kaso. Faulty electrical wiring ang dahilan ng apoy," wika ni hepe. "I'll assign you to a new case--"
Naguguluhang napatingin si Brad sa akin at sa hepe. "Teka lang po, Chief. Paanong faulty electrical wiring? Bago lamang ang Four Seasons. Pasok rin sila sa quality standards—"
The chief's eyes darkened. "The case is closed, Rustia."
"Pero Chief—"
"Rosales!" tawag ng hepe sa isa pang pulis na naroon. "Isali mo si Rustia sa iniimbestigahan ninyong traffic accidents."
Sumaludo ang pulis na tinawag na Rosales, bago nagpaalam sa amin si Chief at bumalik sa opisina niya. Tinanaw namin siyang papalayo. I was at a loss for words, and so was my brother. He sighed heavily bago binagsak ang katawan sa upuan.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hanggang sa binasag ko iyon. "Brad, anong nangyari?"
Brad ran his hands through his hair in frustration. "May mali dito, Ja. Basta-basta na lang isara ang kaso? And to think na may mga mga namatay. Nakakainis lamang na wala akong magagawa. I will be charged with insubordination kung ipagpapatuloy ko 'to." Brad looked at me intently, his eyes filled with determination.
"I swear wala akong kinalaman doon," sabi ko. I picked up my things and tapped his shoulder. "But if there is anything I can help you with, sabihan mo lang ako. Mauna na ako, may trabaho pa ako."
Brad gave a small, grateful smile. "Salamat, Ja."
***
Hanggang sa shift ko sa convenience store, hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa Four Seasons. May bahagi sa akin na narelieve, knowing we weren't there when the fire happened, pero may bahagi rin sa akin na nagtataka, base sa paunang imbestigasyon ni Brad.
Was the fire really deliberate? Isa kaya iyon sa mga kalaban nina Cooler? Anong dahilan ng pagsunog sa Four Seasons?
"Ayos ka lang?" tanong ni Vinny sa akin.
I forced a smile at inayos ang suot ng cap. "Ayos lang, may iniisip lang ako."
"You can take a break," sabi niya. "Ako muna ang tatao rito sa counter."
Mabilis na umiling ako. "Hindi, ayos lang ako, patapos na rin naman shift natin. Salamat."
Umupo siya sa sulok at nginitian ako. "Okay, but you really look like you're so out of it."
"May iniisip lang ako," I assured him. "Nothing too serious."
Tinanguan niya ako. "Okay. Sabay na tayong mag-out mayamaya."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para itago ang pamumula ng maalala ang sinabi ni Cooler. He was jealous with Vinny. Honestly, it felt good, hindi ko alam na masarap pala sa pakiramdam na pagselosan. And poor Vinny here has no idea of it.
"Huwag na, okay lang ako. Malapit lang naman."
He shook his head. "I insist. Gabi na—"
"Ayos lang talaga," mabilis na sabi ko. Nginitian ko siya ng maluwag, to assure him I am just fine.
Matagal niya akong tiningnan kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Nagalit ba ang boyfriend mo noong hinatid kita?" tanong niya.
Ugh, did I make it obvious?
Napabuntong-hininga ako. "Hindi naman," pag-amin ko. "But... He's jealous."
He nodded like he totally got my point. "Naiintindihan ko. Kung nakita mo lang ang tingin niya sa akin." Vinny laughed it off.
I raised a brow. "Anong tingin?"
He laughed again. "Pero naiintindihan ko siya. Ayaw ko rin namang may kasamang ibang lalaki ang girlfriend ko ng dis-oras ng gabi— that if I have a girlfriend."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Wala kang girlfriend?"
He shook his head. "Hindi ko afford magkagirlfriend sa ngayon."
"Oh, bakit kailangan bang may pera bago magkagirlfriend?" I tried to joke.
He stared at me for some time. "Hmm. Kailangan. Kasi kahit hindi mo igugugol sa girlfriend mo ang pera mo, you have to spare some time with her. Ang mga oras sana na ginugol mo kasama ang girlfriend mo, kung nagtrabaho ka na lang, edi sana may extra pera ka na."
I slouched on my seat. Right, I get his point. "Bakit kasi hindi tayo pinanganak na mayaman no?" biro ko. Vinny laughed pero pansin ko pa rin ang lungkot sa kanyang mata. "Pero nagkagirlfriend ka na?"
He nodded. "Yup, iniwan niya ako dahil wala akong pera."
Aww, same, wala rin akong pera. Buti na lang wala rin akong boyfriend.
"Wala bang karapatang magkajowa tayong mga walang pera?" natatawang tanong ko.
"Are you lumping yourself with me?" He slightly laughed. "Pero para sagutin ang tanong mo, hindi naman sa walang karapatan. It's just that we don't have the luxury of being in a relationship because we're too busy making a living."
Mahinang hinampas ko siya sa braso. "Ang seryoso mo naman."
We both giggled hanggang sa may padabog na naglapag ng kung ano sa counter. Mabilis na napatayo ako at si Vinny para i-entertain ang nagdadabog na customer, only to find Cooler with a frown. He grabbed a pack of softdrinks na nakapuwesto sa harap. Kunot ang noong napatingin siya kay Vinny.
"C-Cooler?"
He ignored me and still focused on Vinny. "I'm buying all that," sabi niya at tinuro ang patong-patong na mga soft drinks. "All of it."
I cleared my throat at napatingin kay Vinny, tahimik na humihingi ng pasensiya sa kanya.
"I'll pack it," sabi ni Vinny at iniwan ako sa counter. Nang makalayo siya ay kunot ang noong tiningnan ko si Cooler.
"Seryoso ka ba na bibilhin mo iyan lahat?"
Tila batang napalabi siya sa akin bago tumango. Kinuha niya ang wallet at inilabas ang itim na card. "Here—"
"Hindi kami tumatanggap ng card. Cash lang," I said, crossing my arms. I thought we settled it na wala kaming relasyon ni Vinny at normal lamang na mag-usap at magkasama kami dahil magkatrabaho kami. Cooler reluctantly agreed to try his best not to be jealous about it.
I guess this is him trying.
Nilingon niya ang sulok at tinuro ang ATM. "There's the machine, magwi-withdraw muna ako."
Napabuga ako ng hangin at tinanaw siyang papunta sa sulok. He was still glaring at Vinny na abala sa pagbilang sa mga naka-stack na soft drinks. He further instructed him to carry it to his car. Tahimik na sumunod naman si Vinny. Sinundan ko siya habang kinakarga ang mga soft drinks sa sasakyan at ilang beses na humingi ng paumanhin. Tinawanan lamang iyon ni Vinny at sinabing customer si Cooler kaya okay lang.
Nang bumalik ako sa counter ay nakalabi pa rin si Cooler habang nakahalukipkip.
"Nag-usap na tayo tungkol dito, diba?" Mahinang sabi ko at pinandilatan siya ng mata.
"What?" He looked away. "Bumibili lang ako." Napatingin siya sa suot na relo. "And I guess it's almost your time off so hihintayin na lang kita."
He was still in his work clothes kaya malamang galing siya trabaho at dumiretso rito. Manaka-nakang tinatapunan niya ng masamang tingin si Vinny na hanggang ngayon ay nakikarga pa ng mga soft drinks sa sasakyan niya. Mabuti na lamang at dumating na ang papalit sa shift namin kaya natulungan nito si Vinny.
"Anong gagawin mo sa napakaraming soft drinks?" tanong ko.
"Iinumin," nakangusong sabi niya. Aba malamang! Alangan namang kakainin!
I almost rolled my eyes. "Cooler, nag-usap na tayo diba?"
He looked away. "Yes and for the record, hindi ako nagseselos kay Billy."
I rolled my eyes. "Vinny."
"Whatever."
I heaved a sigh bago tumipa sa keyboard upang i-punch ang binili niya matapos sabihin ni Vinny ang bilang.
"42,679.26 pesos." Partida, naka-sale pa 'yan! Cooler really bought almost all of our on-sale items!
Inilapag niya ang perang kakawithdraw lamang niya. Napasimangot ako at binilang iyon— 50,000, kaya kumuha ako ng 43,000 at ibinalik sa kanya ang iba. While the receipt was printing, naghanap ako ng sukli pero wala. Kaaalis lang din ng branch manager kaya wala akong masukli sa kanya.
"Wala ka nang ibang bibilhin?"
He shrugged. "Keep the change—"
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Cooler, just pick anything." I gestured on the items na nasa counter. "Gums, chocolate, whatever."
He crossed his arms and shook his head. "Wala na. Bukas pa ang gasoline station sa tapat. Baka pwede pang magpasukli ang kaibigan—"
I glared at him, saying nothing.
"Fine!" With a pout, he grabbed some tiny boxes on the side. Inilapag niya ang tatlong maliliit na box at parehas kaming natigilan.
My eyes widened at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Cooler also looked at me, at a loss for words habang unti-unting nawawala ang kulay sa kanyang mukha.
Walang nagsalita sa aming dalawa, hanggang sa lumapit sa amin ang kasamahan kong si Marieta na siyang papalit sa kaha. "Ako na bahala dito, Ja. Pwede ka nang mag-out."
She grabbed the boxes at ini-scan iyon. "Marami-rami 'to ah. May laban ka, Sir?" She asked, wriggling her brows as she packed the boxes.
They were boxes of condoms.
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro