Chapter 4
Kagaya ng nakagawian, sa convenient store ko na rin ginamot ang mga sugat ko. Bumili ako ng betadine, bulak at alcohol. Napapangiwi ako sa hapdi na dulot niyon pero tiniis ko lang. Bumili na rin ako ng tinapay at kape na kakasya lang sa dala kong pera.
Madaling araw na nang magpasya akong bumalik sa condo. Madilim na ang buong paligid pagkapasok ko. Wala namang nabago. Nakakalat pa rin ang ilang mga gamit pati na rin ang basag kong cellphone.
Pagod akong napabuntonghininga. Sinubukan kong pumasok muli sa kwarto kaso nakalock pa rin iyon. I even tried to knock and called her name, but I received no response.
“Gia…” Mas nilakasan ko pa ang pagkatok.
At sa wakas, padabog na bumukas ang pinto at iniluwa ang nakasimangot kong girlfriend.
“And where have you been?” asik niya sa akin. “Talaga bang sinusubukan mo ang pasensya ko, Rush? After we fought, you just left. Hindi ka man lang gumawa ng way para suyuin ako?”
“I just went outside–”
She cut me off and shouted angrily, “Stop with your excuses! Save it to yourself!”
Tumalikod siya at malalaki ang hakbang na bumalik sa kama. Iniwan niyang nakaawang pinto kaya akala ko’y hahayaan niya akong matulog sa kaniyang tabi pero mali pala ako. Hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang papasok ay ibinato na niya sa akin ang isang unan at makapal na kumot.
“Sleep on the couch. Ayaw kong katabi ka,” she uttered using a stern tone.
Kumunot ang aking noo. Medyo naiirita na ako pero pilit ko lang hinahabaan ang pasensya. “Gia, puwede bang mag-usap muna tayo bago matapos ang gabing ’to? Ayaw kong natutulog tayong may hindi pagkakaunawaan.”
She glared at me. “Ayaw kong makipag-usap sa ’yo.”
I took a weary sigh as I wet my lower lip. “Gia, please…”
“Wala tayong dapat pag-usapan, Rush! Sobrang disappointed ako sa ’yo, alam mo ba ’yon? Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na ayaw kong nakikipagkaibigan ka sa kanila pero tuloy ka pa rin–”
This time I was the one who interrupted her. I ran my fingers through my hair and shut my eyes frustratedly. “They are nothing but good to you, Gia. Kaibigan ko sila simula pagkabata at hindi ko maintindihan ang rason mo kung bakit ayaw mo sa kanila…”
“Hindi pa ba enough reason ang mga bagay na ibinibigay ko sa ’yo para sundin mo ako?” she questioned me.
Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang palaging isumbat sa akin ang mga bagay na iyon. Hindi lang naman ako ang tumatanggap sa relasyon na ’to. Ako ang nagpaaral sa kaniya, sinusunod ko ang lahat ng luho at pangangailangan niya sa abot ng aking makakaya. Tinitiyak kong masarap palagi ang mga pagkaing nakahain sa lamesa, na kahit minsa’y nahihirapan ako’t napapagod ay hindi siya nakarinig ni isang masakit na salita.
Kahit kailan naman ay hindi ko hiningi ang mga materyal na kung ano-anong iniaabot niya sa akin. Alam niya na simula’t simula pa lang, pagmamahal niya lang ay masaya na ako. Hindi niyon mapapantayan ang kahit gaano kamahal na bagay sa mundo.
“Kung ayaw mong humantong palagi sa ganito katinding pag-aaway, much better kung palagi kang sumunod sa kung ano mang gusto ko,” usal pa niya bago tumalikod at sumampa sa kama.
Inayos ko ang pagkakaipit ng unan sa pagitan ng kili-kili ko. Ang kumot naman ay hinawakan kong mabuti bago umupo sa maliit na espasyo sa tabi ni Gia. Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha at kung paano siya matulog nang mapayapa.
Umangat ang aking isang kamay para haplusin ang kaniyang malambot at kulay ash gray na buhok.
Habang pinagmamasdan siya, napapatanong na lang ako kung paano kami humantong sa ganitong pagsasama. Tandang-tanda ko pa kung paano nagsimula ang lahat sa amin.
We were schoolmates. Mas ahead lang ako sa kaniya ng dalawang taon pero kilalang-kilala siya sa lahat ng department dahil isa siyang cheerleader at part din ng dance troupe tuwing may programs o events. Habang ako’y isang simpleng mag-aaral lang. May ilang mga kaibigan pero hindi kagaya niyang sikat at palaging laman ang pangalan sa loob o labas man ng University.
“Ang daming magaganda sa department natin. Sa bagets ka pa talaga nahulog?” Tatawa-tawa akong siniko ni Riggs.
“So what? She’s not minor anymore,” matigas kong tugon at muling hinanap ng mga mata ang babae.
Hindi ko pinansin ang mapang-asar nilang halakhak dahil nahuli na naman nila akong nagtatago sa likod ng puno habang palihim na pinagmamasdan ng tingin si Gia na nakaupo sa likod ng kanilang classroom at tila inaantok habang nagtuturo ang Professor sa unahan.
Para akong baliw na napangiti sa kawalan. Ang ganda niya talaga. Tangina.
She was kind, beautiful and angel-like. She was every man’s dream. Matalino siya, mahinhin at magaling makisama sa lahat. Sinong hindi mababaliw sa kaniya?
“Hina mo naman! Lapitan mo na!” udyok pa ni Silas at nilingon ko siya para ilingan.
“Nahihiya ako,” sagot ko.
Umingos si Ezra at sinuntok ako sa balikat. “Para ka namang hindi lalaki, pre. Paano ka mapapansin kung hanggang sulyap lang ang gagawin mo?”
Phoebe glared at him. “Hayaan nyo nga si Rush sa mga diskarte niya,” saway niya sa tatlong ungas bago ako lingunin. “Just be careful, Rush. May bali-balita akong naririnig na medyo may pagka-attitude raw iyang si Gia.”
I shrugged my shoulders, not minding what she had said. “It’s just rumors, Phoebe.”
Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lamang ako. Wala naman akong pakialam. Sobrang lakas ng tama ko sa kaniya at sa tingin ko’y kahit ano pang marinig ko mula sa iba, hindi niyon basta-basta mababago ang nararamdaman ko para kay Gia.
“Attend ka sa birthday party ni Alyana?” tanong ni Silas matapos naming maglaro ng basketball.
Kumunot ang aking noo at agad na tumanggi. Imbitado kaming magkakaibigan pero hindi ko naman iyon ka-close kaya huwag na lang.
“Hindi,” desididong tugon ko at nagpatuloy sa pagtutuyo ng aking basang buhok.
Matunog siyang ngumisi sa akin. “Sigurado ka riyan, dude?”
“Oo nga!” naiinis na singhal ko.
Nakukulitan ako sa kaniya kaya mas binilisan ko ang paglalakad, pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay muli akong natigilan sa kasunod niyang sinabi.
“Huy, sure ka ha? Kahit na malaman mong pupunta rin si Gia at makakasama natin sila sa isang table?” may bahid na panunuya sa tono ng kaniyang boses. Na para bang sigurado talaga siyang mapapapayag niya ako sa kaniyang huling alas…
Natigil ako sa ginagawa at marahang ibinaba ang puting face towel. Dahan-dahan ko siyang hinarap, bakas ang pagdududa at pag-asa sa aking mukha. “S-Si Gia?”
“Oo.” Tumango-tango siya sa akin, mas lalo pang lumawak ang ngisi sa labi ng loko.
Binasa ko ang pang-ibabang labi at tumango rin. “Sige, sasama na ako. Anong oras ba?”
“Alas-siyete ng gabi. Sabay-sabay na tayo nina Ezra. Hindi ko na papasamahin si Phoebe dahil may exam siya bukas at saka baka malasing tayo, walang magbabantay sa kaniya.”
“S-Sige,” wala sa sarili kong sagot dahil ang utak ko’y lumilipad na sa maaaring mangyari mamaya.
At hindi naman ako nagsisi dahil ang okasyong iyon pala ang magtutulak upang mapalapit at mas makilala ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro