Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

“I knew it, Rush! I knew it! You’re cheating on me!” sigaw niya habang patuloy sa pagpapaulan sa akin ng hampas.

“G-Gia, hindi! Ano ba, kumalma ka nga!” Pilit kong iniiwasan ang bawat pagtama ng kaniyang mabibigat na kamay. Tahimik na lamang akong napapangiwi sa tuwing nararamdaman ang pagguhit at pagbaon ng matalas na kuko niya sa aking balat.

“You can’t fool me! Kitang-kita ng dalawang mata ko!” bulyaw niya ulit at alam kong dinig na dinig iyon ng mga katabi naming silid.

Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ni Gia, hinihingal na dahil sa matinding galit. Akala ko’y doon na matatapos ang pananakit niya sa akin ngunit hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa sakit ay dinampot niya ang kaniyang shoulder bag at pinaghahampas iyon sa akin.

“Maybe that’s what you do when I’m not around! Maybe nagtatawagan kayo habang wala ako sa tabi mo, ano? Tapos sa opisina naman, naglalandian kayo?!” bintang pa niya.

“Gia, hindi nga! Puwede bang makinig ka muna sa akin?!” pakiusap ko, hindi ko na rin napigilang pagtaasan siya ng boses.

Tumigil siya at bahagyang lumayo. Hindi makapaniwala niya akong tinitigan. “And now, you’re shouting at me. Why, Rush? Are you guilty?” nanginginig na boses na aniya.

Inihilamos ko ang aking dalawang palad sa sariling mukha. Malinis ang aking konsensya pero hindi ko alam kung paano ko dedepensahan ang sarili kay Gia. Lahat na lang kasi ng sasabihin ko ay may kakaibang kahulugan para sa kaniya.

“Gia, please. Just once, listen to me first. Hayaan mo naman akong magsalita,” pakikiusap ko pa.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nanghahamon na tumitig sa akin. “Ano pa bang dapat kong marinig, huh? Malinaw na nating napag-usapan ’to. Hindi ka puwedeng sumama sa mga kaibigan mo lalong-lalo na sa Phoebe na iyan–”

Umiling ako’t suminghap. “You know it’s impossible, Gia. Kaibigan ko sila at katrabaho rin.”

“At girlfriend mo ako. Sino bang mas matimbang sa amin?!” she fired back.

Nanghihina akong sumandal sa pader. Ramdam ko ang matinding kirot at hapdi sa aking balat dahil sa mga kalmot niya pero mas nangingibabaw ang frustration na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Paulit-ulit na lang ba na ganito? Kapag hindi nasunod ang gusto niya, sasaktan na niya ’ko? Hindi ba mahalaga sa kaniya ang mga paliwanag ko? Do I really need to sacrifice the other important people in my life in order to keep her? Hindi ba puwedeng parehong mayroon ako?

“Sumagot ka! Tangina mo! Mas lalo mo lang pinapatunayan na tama ang hinala ko sa ’yong gago ka!” Binato niya ulit ako ng bag at muli akong sinugod para sabunutan.

Hindi na ako lumaban…

Kahit na kung tutuusin ay kaya ko naman. Kaya ko naman siyang itulak palayo, kaya ko naman siyang pigilan pero alam kong sa oras na gamitin ko ang pwersa ko, natatakot akong siya naman ang masaktan.

“You know that I don’t like your friends, Rush, especially Phoebe…” wika niya sa akin habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. “And I am doing my best just to be your best girlfriend. Lahat din ibinibigay ko. Tapos simple lang ang hiling ko, gaano ba iyon kahirap gawin para sa iyo?”

“Mas mahal mo ba sila kaysa sa akin? Mas kaya mong mawala ako kaysa sa ibang tao?” dagdag na mga tanong pa niya.

Kahit na nanunuyo ang aking lalamunan ay nagawa ko pa ring sumagot. “H-Hindi…”

Akmang sasagot siya ngunit inunahan ko.

“Pero may sariling buhay din ako, Gia. Kailangan mo ring tanggapin ang mga taong mahahalaga sa akin katulad ng pagtanggap ko sa mga mahahalagang tao sa buhay mo,” paliwanag ko gamit ang mahinahon na boses.

She chuckled humorlessly as she gave me a death glare. “Never in your wildest dream, Rush. Ako ang babae kaya ako dapat ang magdedesisyon sa relasyon na ito. Ikaw ang susunod sa mga gusto ko, hindi kung anong gusto mo,” matigas niyang litanya bago dinampot ang kaniyang bag nasa sahig at tumungo na sa kwarto.

Awang ang labi kong sinundan siya ng tingin bago ko dahan-dahang nilapitan ang basag na basag ko nang cellphone. Ilang buwan ko rin itong pinag-ipunan mula sa sweldo bago ko tuluyang nabili. Wala pa rin itong dalawang buwan sa akin at narito rin ang mahahalagang files na hindi ko na alam kung paano ko pa babawiin.

Tumibok ang aking ulo sa sakit kasabay ng pagdaing ko sa hapdi ng aking braso. Tumayo ako sa harap ng salamin at pinagmasdan doon ang aking sarili. Mayroon akong maliit na cut sa labi. Mayroon din akong mga kalmot at sugat sa ibang bahagi ng katawan at ramdam ko rin na bukas ay maaaring mas malinaw na ang mga pasa.

Inilibot ko ang tingin sa buong bahay na medyo nagulo na naman ang mga gamit. Tumungo ako sa aming kwarto para gamutin muna ang aking mga sugat kaso ini-lock pala iyon ni Gia.

Hindi ko na muna siya ginulo at hinayaang palipasin ang init ng kaniyang ulo. Nagdesisyon na lang akong lumabas muna ng bahay para magpahangin. Mabuti na lang ay mayroon akong hoodie na nakapatong sa sofa kaya nagawa niyong takpan ang mga sugat at kalmot ko.

“Gia, labas lang muna ako.” Kinatok kong muli ang pinto para magpaalam sa kaniya.

“Kapag lumabas ka, huwag ka nang babalik!” sigaw niya sa pagitan ng paghikbi.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga at hindi pinansin ang sinabi niya. “Kapag nagugutom ka, may pagkain dito sa lamesa. Huwag kang magpapalipas.”

Hindi na siya sumagot pa kaya lumabas na ako ng condo. Sa isang malapit na convenience store ako pumunta. Wala naman akong balak sanang umalis kaya lang ay para akong sinasakal ng hangin sa loob ng bahay.

Kung tutuusin ay puwede naman naming pag-usapan nang maayos ang bagay na iyon. Hindi naman kinakailangang palaging humantong sa sigawan, batuhan ng maaanghang na salita o sakitan.

I’m open to her. I did not cheat, not even once in my life. She was my first girlfriend and everything. Wala ni isang sikreto akong itinatago sa kaniya. Ni kahit minsan, simula nang minahal ko siya ay hindi ko nagawang tumingin o maging interesado sa iba. Palaging siya at siya lang ang aking nakikita.

Pero ewan ko ba kung bakit kami humantong sa ganito. Palagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay sa tuwing may pagtatalo. Hindi naman ako lumalaban kaya palagi ring siya ang nananalo.

Mahirap at nakakahiya mang aminin pero nasasakal na ako. Hindi ko alam kung ano ba iyong mas masakit, ang kontrolin sa ilalim ng mga huntuturo niya o ang hindi paniniwala at palaging pagbibintang na mayroon akong iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro