Chapter 2
Naging maayos din kami noong araw na iyon. Pinilit kong maging maingat sa kilos at salita ko dahil alam ko kung saan maaaring humantong ang lahat. Medyo nauumay na rin ako sa gan’ong klaseng scenario. Sa loob ng halos apat na taon naming relasyon, nararamdaman kong mas lalo kaming lumalalang dalawa. Na umaabot na nga sa puntong madalas ay nagagawa na niya akong batuhin ng mga maaanghang na salita o di kaya’y pagbuhatan ng kamay na siyang pinakaiiwasan-iwasan ko talaga.
Ewan ko ba kung kasalanan ko rin dahil baka masiyado ko siyang ini-spoil kaya nagagalit na kapag hindi siya nasusunod.
“Babe, ako nga pala ang gagamit ng kotse ulit, ha?”
Bahagya akong natigilan sa pagkain ng almusal at nagtatakang nag-angat ng tingin sa kaniya. Maaga siyang gumising ngayon dahil simula na ng unang araw niya sa klase. Umupo siya hapagkainan at nagsimula nang kumain.
“Bakit? Ako na ang magdra-drive. Ihahatid at susunduin na lang kita–” tugon ko na agad din niyang pinigilan.
“Magcommute ka na lang!” she snorted at me.
Sumimsim muna ako ng kape bago umiling sa kaniya. “Gia, I can’t. Alam mong hassle ang magcommute lalo na kapag uwian na.”
Padabog niyang binitawan ang kutsara’t tinidor at sinimangutan ako. “Rush, I promised to my friends na isasabay ko sila sa pagpasok. Huwag mo naman sana akong hayaang mapahiya sa kanila,” pagmamaktol pa niya.
Nangulit siya nang nangulit sa akin noong buong umagang iyon kasabay ng pagpapaalala ng mga bagay na ibinigay niya sa akin nitong mga nakaraang buwan na hindi ko naman hiningi. At dahil mahal ko siya at hindi ko matiis, sa huli ay napapayag din niya ako.
Kinuha niya ang susi sa aking bulsa at halos magtatalon na sa tuwa. “I love you talaga, babe!” Her heavenly giggled filled my ears so I heaved a sigh and kissed her forehead.
Inihatid ko siya sa parking lot ng condo at ako na mismo ang nagbukas ng pinto sa driver’s seat. Inalalayan ko siyang pumasok sa loob at siniguro ko munang suot niya talaga ang seatbelt.
“Mag-iingat ka sa pagdra-drive, huh?” I reminded her and narrowed my eyes. “Pasaway ka pa naman.”
“Yes, babe.” She nodded like a kid and gave me a peck on my lips. “Ingat ka rin sa pagco-commute. Please update me from time to time.”
Haaay, my baby was still clingy as ever. Ngumisi ako at tumango. Umatras ako nang isarado na niya ang pinto at nagsimula nang buhayin ang makina. Tatlong beses siyang bumusina bago tuluyang humarurot palayo.
Wala akong ibang choice kundi ang tumayo sa ilalim ng tirik na tirik na araw at makipag-unahan sa jeep. Hindi pa man nangangalahati ang maghapon ay tumatagaktak na ang aking pawis. Idagdag pa na pagdating sa opisina ay naging tampulan ako ng pagbibiro ng mga kaibigan at iba ko pang katrabaho.
“Kotse mo ’yon, pre. Ikaw ang bumili kaya dapat ikaw ang gagamit,” naiiling na komento ni Silas.
“Naninibago talaga ako riyan sa girlfriend mo, Rush. Parang kailan lang noong ipakilala mo siya sa amin. Mukha siyang anghel na bumaba sa langit at hindi makabasag pinggan,” dugtong naman ni Ezra.
Pigil ang tawa ni Riggs na sumagot, “Eh ngayon? Makalipas ang apat na taon, nagbabasag na ng pinggan.”
They all roared with laughter. Pati ang ilang katrabaho naming nakikinig at nakikiusyoso ay sumali na rin. Mabuti na lang ay hindi toxic ang work environment namin, magkakasunod ang halos lahat ng mga empleyado.
“May tawag diyan ang mga babae, eh. Ano nga ulit ’yon?” Siniko ni Silas si Phoebe na abala sa kung anong tinitipa sa computer.
“Red flag?” hindi siguradong tugon nito nang sulyapan ako.
Kumunot naman ang aking noo at pabalik-balik ang aking tingin ko sa apat kong kaibigan dahil wala talaga akong ideya o maintindihan sa mga sinasabi nila.
“R-Red ano?”
Inikot ni Phoebe ang kaniyang swivel chair paharap sa akin. “Red flag, Rush. It’s an indication that the person is highly unlikely to be able to have a healthy relationship and continuing down the road together would be emotionally hazardous…” paliwanag niya at natameme naman sandali.
“Kumbaga sa traffic sign pare, red lights. Delikado kung hindi mo pa ihihinto,” dagdag pa ni Ezra.
Inisa-isa nila iyong mga sign daw na red flag ng isang tao pero hindi ko na rin pinatapos pa dahil alam ko sa sarili kong hindi naman gan’on ang girlfriend ko.
Maybe… Gia wasn’t still mature enough.
Tumigil na kami sa pag-uusap at bumalik na sa kaniya-kaniyang gawain nang dumating na ang boss namin. Kinailangan ko pang i-silent ang phone ko dahil maya’t mayang pagtunog niyon. Text nang text si Gia, halos minu-minuto na yata niyang tinatanong kung anong ginagawa ko. Ang hirap namang hindi sagutin dahil nagagalit.
“Nga pala, sa Saturday na ang birthday ko. Huwag kayong mawawala lahat,” ani Phoebe at dinuro pa ako. “Lalo ka na. Ang tagal tagal mo nang hindi sumasama sa amin.
Napangiwi ako at kumamot sa ulo. “I’ll try.”
“Ayan ka na naman sa I’ll try na ’yan!” daing ni Riggs.
“Sinabi ko namang isama mo si Gia,” Phoebe told me.
At para matapos na ang usapan ay tumango ako sa kanila. “Sige, sasabihan ko si Gia.”
They all cheered.
Lumipas pa ang ilang araw at palaging si Gia na ang gumagamit ng kotse. Hindi na rin ako nag-abalang bawiin pa kasi sa tuwing sinusubukan ko ay nagta-tatrums siya. Tiniis ko na lang ang pagod sa pagbiyahe at mas naging doble pa ang gastos ko dahil ultimo pang-gas ay sa akin pa rin niya hinihingi. Malapit nang matapos ang buwan ngunit wala pa rin akong naiipon para sa maintenance ni Mommy.
At ngayon ngang Sabado, imbis na manatili sa condo at tulungan ako sa gawaing bahay ay mas pinili pa ring maglakwatsa ni Gia. Ngayon na ang birthday ni Phoebe pero hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya.
“I bought you new shirts, babe. Pumunta ako kanina sa mall kasama ang mga friend ko and naisipan kong bilhan ka na rin.” Inabot sa akin ni Gia ang sandamakmak na paper bags mula sa iba’t ibang sikat na clothing brand.
Sa nakikita ko pa lang ay parang nalulula na ako sa presyong maaari niyang ginastos dito. Binitawan ko ang mga bill na kino-compute ko upang dalhin ang lahat ng iyon sa kwarto. Para siyang batang nakasunod lamang sa akin.
“Hindi ka na sana pa nag-abala, Gia. Marami pa naman akong damit at halos hindi ko pa nagagamit iyong iba.” I shook my head at her.
Ipinatong ko lang ang mga paper bags sa tabi ng aming kama at lumabas na ulit para balikan ang ginagawa. Kitang-kita ko pa kung paano umikot ang kaniyang mga mata dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Nakapamewang siyang humarang sa dinaraanan ko kaya nagbaba ako ng tingin sa kaniya.
“Can’t you be just thankful, babe? Pasalamat ka nga dahil nagkukusa akong bilhan ka samantalang iyong ibang babae ay hinahayaan at walang pakialam sa mga boyfriend nila,” she muttered sadly and pouted her lips.
I ran my fingers through my hair and bit my lip. “It’s not that I’m not thankful, babe. Of course, I appreciate this but–” I was interrupted by a loud ringing of my phone.
Dinukot ko iyon sa aking bulsa at bumungad sa akin ang pangalan ni Riggs sa aking cellphone. Akmang pipindutin ko pa lang ang answer button nang walang pasubaling hablutin iyon ni Gia sa akin at siya na mismo ang sumagot ng tawag.
“Uy, Rush Jayden! Phoebe ’to! Nasaan ka na–” Buong panggigigil niyang pinatay ang tawag habang mabilis ang kaniyang paghinga dahil sa galit.
Dumiin ang hawak ni Gia sa aking phone at madilim ang mga matang nilingon ako. Ibubuka ko na sana ang labi para magsalita ngunit nagulat ako sa kasunod niyang ginawa.
Ibinato niya ang cellphone ko sa dingding dahilan para mawakas iyon.
“Gia!” I shouted in horror and the next thing I knew, sinugod na niya ako habang pinapaulanan ng mura at hampas na pilit kong sinasalag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro