Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

“Rush, tapos na ang game! Sama ka naman sa amin!” 

Tumigil ako sa pagpupunas ng pawis at hinarap si Riggs na mayroong malaking ngisi sa labi. Nagkibit balikat ako sa kaniya.

“Bahala na,” tipid kong sagot.

“Ang tagal mo nang hindi sumasama sa amin, pre. Kaunti na lang talaga ay iisipin na naming ayaw mo na kaming kaibigan…” pagdra-drama pa ni Silas na kararating lang galing shower room at kasalukuyang nag-aayos na ng gamit.

Malutong akong natawa at sinuntok siya sa braso. “Busy lang. Kung papayagan ako ni Gia, bakit hindi, ’di ba?”

Umingos naman ang isa ko pang tropa na si Ezra na nag-angat ng tingin sa akin habang abala sa pagsisintas ng sapatos.

“Puro ka na lang Gia nang Gia. Simula noong naging kayo, dumalang na ang pagsama mo sa amin.”

Pagod akong bumuntonghininga at dinampot na ang mga gamit ko. Sa kanang balikat ay isinukbit ko ang strap ng aking bag habang sa kaliwa naman ay isinampay ko ang puting face towel.

“Bawi na lang ako sa susunod mga pre. Mauuna na ’ko. Kanina pa naghihintay si Gia sa labas.” Isa-isa kong tinapik ang kanilang likod bago tumungo palabas ng gymnasium.

“Sigurado ka ba, Rush? Gia can come with us naman, eh. Hindi naman na siya iba.” Nilingon ko ang bestfriend kong si Phoebe sa suhestiyon niya.

Sa aming limang magkakaibigan ay siya lang ang nag-iisang babae. Binasa ko ang pang-ibabang labi at hinagod pataas ang aking medyo basa pang buhok. Her suggestion was tempting, alright… but knowing my girlfriend, I know she would not be comfortable with them so I’d rather decline it again.

“Next time.” Nginitian ko si Phoebe at ginulo ang kaniyang buhok.

Narinig ko ang mga daing at reklamo nila pero hindi ko na iyon pinansin pa. As much as I wanted to go with them, I couldn’t. Nangako na kasi ako sa girlfriend ko na sasamahan ko siyang magshopping at magpunta sa parlor since malapit na rin magsimula ang unang araw ng klase niya bilang isang Engineering student.

Naglakad ako patungo sa parking lot kung saan siya naghihintay. Doon kasi nakapark ang aking kotse. Nauna siyang matapos sa pag-e-enroll habang ako nama’y naglaro ng basketball dahil may katagalan na rin iyong huli. Puro bahay at trabaho na lang kasi ang inaatupag ko.

“Bakit ngayon ka lang?!” bulyaw kaagad sa akin ni Gia pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa front seat.

I heaved a sigh and kissed her temple. “I’m sorry. Nalibang lang sa paglalaro.”

She scoffed and crossed her arms. “Huh, ang sabihin mo nag-enjoy ka lang kasama ’yang mga kaibigan mo lalo na iyang si Phoebe…”

Kumunot ang aking noo dahil sa labis na pagtataka. Hindi ko talaga alam kung saan niya hinuhugot iyang mga paghihinala niya, pero imbis na patulan pa ang kaniyang mga paratang ay mas pinili ko na lang ang maging mahinahon.

“Ngayon ko na lang ulit sila nakasama, Babe. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa trabaho, right?” I calmly told her.

Umirap siya sa akin at sinimulan nang paandarin ang kotse. “And do you think I’ll believe in you? Sa tingin mo ba’y gan’on kadaling mapaikot ang ulo ko? You are probably flirting with Phoebe–”

Pinutol ko agad ang sinasabi niya, “Hindi nga, Gia. You know me and you also know how committed I am to you. Huwag na nating idamay si Phoebe sa usapan na ito.”

Mapait siyang natawa habang minamaniobra ang sasakyan. Nilingon niya ako gamit ang sarkastiko niyang tingin. “After I bought your dream shoes yesterday, now, you’re defending her?”

“Jesus!” Napahilot na lamang ako sa aking sentido at hindi na lang lumaban pa dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan.

Ayaw kong lumala ito at baka mamaya’y sa sakitan na namin kami humantong. Sa aming dalawa, ako na lang ang palaging nag-a-adjust at umuunawa. Maybe because of our three years age gap kaya ganito pa rin siya kung umasta.

I’m twenty-five while she was turning twenty-three, a graduating college student. We decided to live together since mayroon na naman akong sariling condo at pinayagan na rin siya ng kaniyang pamilya na sumama sa akin. Ako na rin ang nagpapaaral sa kaniya pero kahit na gan’on ay hindi pa rin humihinto ang kaniyang magulang sa pagpapadala ng pera para sustentuhan ang mga luho niya.

Gia knew I couldn’t afford her expensive way of living and whims right now. Sapat lang ang perang sinasahod ko bilang office staff sa isang kompanya. Medyo mahirap balansehin ang kinikita ko since mayroon pa akong tatlong kapatid na pinapaaral, idagdag pa ang buwanang bill and expenses dito sa condo, pati na rin ang maintenance na gamot ni Mommy.

Hanggang makarating sa mall ay hindi pa rin niya ako kinakausap at kinikibo. Hindi ko na alam kung paanong approach pa ang gagawin ko sa kaniya dahil kahit magsabi naman ako ng totoo ay hindi naman siya naniniwala sa akin.

Mabilis ang lakad niya papasok sa loob ngunit hinawakan ko siya sa braso para pigilan at sabayan. Sa huli ay ako na rin ang sumuko dahil hindi rin makatiis. Dumausdos ang aking palad patungo sa kaniyang malambot na kamay at pinagsalikop iyon.

“Babe, I’m sorry, okay? Huwag ka nang magalit…” Sa huli ay ako rin pala ulit ang susuyo.

“Let’s not just ruin this day, hmm? Alam mo namang kahit segundo lang hindi ko kayang tiisin na ganito tayong dalawa.”

I stopped the urge to hug her since we were in a public place.

Pinagmasdan niya ang aming magkadaop naming kamay bago ako tiningala. Buong ingat at pagsusumamo ang tinging ibinigay ko sa kaniya at naramdaman ko ang kaniyang pagkalma.

She poured out a soft sigh and stared at me. “You’re forgiven. Just promise me na hindi ka na ulit sasama kina Silas o sa kahit sino, Rush,” may pinalidad na aniya. “Dapat palaging sa akin lang ang oras at atensyon mo.”

Umawang ang aking labi at hindi ako nakasagot agad kaya pinanliitan niya ako ng mga mata.

“Promise me, Rush! Hindi mo dapat pa pinag-iisipan ang isasagot mo dahil alam mo namang binibigay ko rin ang lahat sa iyo, ’di ba?”

“Gia, what about my family? Alam mo ring kailangan ko rin silang dala-dalawin–”

She hissed and cut me off, “I’ll tell you when to visit them at kung hanggang anong oras ka lang maaaring dumalaw sa kanila. No buts and that’s final.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro