
Chapter 21: Projector
POV: Maliah
Matapos namin kumain sa restaurant kasama sila Kite ay nagkanya kanya na kami ng uwi dahil magkakaiba rin naman ang direksyon namin.
Alicia is driving quietly while I am admiring the view outside watching from inside the car. Ihahatid n'ya na rin kasi muna ako pauwi gamit ang kotse n'ya. It was such a nice weather as I felt the wind blows from the car's open window.
“S'ya nga pala Maliah. Your dad will open a new office building for your family's business company soon. You need to be there so be well prepared.” Sabi ni Alicia.
“Ano nanaman gagawin ko? Tutugtog nanaman ng Piano habang nakasuot ng maskara to protect me or dahil hindi n'ya ako kayang makita?” Because that always happens kapag invited ang dad ko sa mga event at kailangan ang presensya ko. He won't show up to me while I am performing tapos saka s'ya papakita ulit kapag nakaalis na ako after my performance.
“Maliah, kailangan ka roon. That's your family's business and magtataka sila kapag wala ang nag-iisang anak ni Mr. Rafael Bautista, magiging isyu pa.”
“Oo na pupunta ako, kailan ba?”
“No specific date yet pero I'll inform you ahead para makapaghanda ka.”
“Okay.” At napabuntong hininga nalang ako. Nakarating na kami sa tapat ng dorm.
“Thank you Alicia for your time. Ingat ka.”
“Anytime Maliah, bye!” Paalam ni Alicia at nag-drive na paalis.
***
Ito nanaman ang lunes, nakakatamad pumasok pero kailangan. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit parang umiksi naman itong pencil skirt ko? Don't tell me tumangkad ako? Haysss asa naman ako 'diba?
Kinuha ko ang nakasampay kong long sleeve na pang loob ko sa black blazer namin na pa chaleko.
Ay yung necktie ko pa pala. Ang necktie namin ay ka kulay ng long sleeve namin, kulay maroon rin.
Minsan naiinggit ako sa uniform ng boys. Mas nakakagalaw sila ng ayos sa black na slacks nila tapos yung panloob nila na maroon long sleeve ay pinapatungan ng black blazer huhu with necktie na maroon. Ang ganda ng dating.
What if lalaki ako? Jokieeee, ganda ko namang lalaki haha.
After ko magbihis ay nagsuklay lang ako at nagpulbo bago umalis. Okay na iyon basta mukhang tao. Suot ko na rin ang customized eye glasses ko from Doctor Bryan. Wala naman siguro makakapansin ng brand nito maliban nalang kung sisipatin nila sa temple tips yung nakatatak na initials ni Doc.
Naglalakad ako sa hallway noong makasalubong ko si Professor Evraim.
“Good morning po.” Bati ko rito.
“Oh Ms. Bautista ang aga mo ah.”
“Ah yes po napaaga nga po haha.”
“Angways, can you help me na ikabit ito sa room? May naiwan kasi ako sa office.” Sabi n'ya at iniabot sa akin ang projector.
Ay sir, Hindi pa ho ako napayag. Pumayag na ba ako?
“Ah sige po..” Mahinang sabi ko dahil umalis na ito. Hindi man lang hinintay sagot ko.
Nakatingala ako ngayon sa ceiling kung saan ikakabit yung projector.
My gosh cassyyy, Hindi ko abottt!
I already tried using the chair pero halos hindi ko parin abot. Para namang ininsulto ako nito ni Prof.
“Maliah, ikaw palang dito sa room?”
“Woyyy Stephen, pakikabit nga nito.” Sabay abot ko ng projector sa kanya. Natigilan ito saglit bago tumawa.
“Ahahaha! Hindi mo abot no?” Pang-aasar nito sa akin.
“Halata ba? Hampas ko sayo iyang projector eh.”
“Ito na nga, ikakabit na haha.” Pinanood ko naman ang matangkad na si Stephen at walang kahirap-hirap na ikinabit iyon.
Sana all matangkad. Oh sige kayo na.
“Okay na pandak hahaha!”
“Makapandak ka naman d'yan pero thank you!”
“Oo pandak you're welcome haha!”
“Isa pang pandak na tawag mo makakatikim ka sa'kin makikita mo.” Inis na sabi ko.
“Oh? Ibabalibag mo nanaman ako pandak? Hahaha.”
“Ah ganon?” Lumapit ako kay Stephen at pilit inaabot ang leeg n'ya para sakalin s'ya pero tumuntong pa ito sa upuan kaya hindi ko maabot. Tawang tawa ito habang ako ay inis na inis na sa kanya.
Sinipa ko ang upuan dahilan para mapababa s'ya roon dahil na-out of balance s'ya pero umakyat lang s'ya ulit.
I am trying to reach Stephen's neck para sakalin when finally I reached it and grab his neck choking him slightly while we're both laughing.
“Are you done?” Sabi ng s'yang bumuhat kay Maliah kaya naabot n'ya si Stephen.
Teka, bakit parang may mali? Am I floating?
I tried looking at my back to see Kite carrying me. Nakipagtitigan ito sa akin.
Blood rose up to my face as I realizes that Kite is carrying me. Pati si Stephen ay nakatingin sa mga kamay ni Kite holding me up so I could choke Stephen freely.
Wahhhhh, nakapa n'ya kaya baby fats ko? Bakit naman kasi ehhhhh.
"A-ano ba ibaba mo na nga ako Kite."
Mula sa pagkakabuhat nito sa akin ay unti unti na akong ibinaba ni Kite.
“Ang tagal n'yo namang magkabit?” Patanong na sabi ni Kite.
“Ha? Sinong kabit?” Sabi ko at nangunot ang nuo ni Kite while Stephen burst into laughter.
“I mean bahala kayo d'yan! Sarap n'yong sakalin na dalawa! Hindi ko nga lang abot, hmmpp!" Sabi ko na nakuha pang gawin ang legendary hair flip ko bago sila alisan.
POV: Kite
“Hayys, Ang cute talaga ni Liah.” Saad ni Stephen habang nakahabol ng tingin kay Maliah.
“Cute na sa'yo iyon?” Tanong ko rito.
“Yeah, palibhasa hindi kasi s'ya nagpapacute sayo.”
“Stop daydreaming. Maliah's cute naman talaga, hindi nagpapacute sa'yo. Assuming monkey.” Sabi ko rito bago tinalikuran.
“Mo-monkey? Hey ikaw naman aso!” Sigaw pa ni Stephen na hindi ko na nilingon.
Why am I looking for her? Bakit ko hinahanap ang Maliah na 'yon?
Natanaw ko si Maliah na nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno. Mukhang may binabasa nanamang mahiwaga.
Nagsimula akong maglakad patungo sa kanya.
“Oh? Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa akin. Napansin n'ya na nakatingin ako sa binabasa n'ya at agad n'ya iyong itinago.
R18 nanaman ang binabasa.
“Five minutes nalang start na ng klase ah.” Sabi ko dahil hindi ko alam ang ginagawa ko at sinundan ko s'ya.
“Alam ko Kite, ikaw mas malayo ang room mo kaya simulan mo na maglakad.”
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero lumapit ako kay Maliah. I sat in front of her and placed her hand on my neck.
“Gusto mo akong sakalin 'diba? Choke me too like what you did to Stephen.” I saw how shocked Maliah to what I said and so am I.
What the fuck am I doing? This is not really me.
I was about to remove her hands when she really choked me.
“Buyset!” Sabi n'ya sabay bitaw.
“Ahem-Ahe-Ahemm!” Nasasamid samid pa ako. Pero I can't help myself but laughed. Hindi ko na napigilan na matawa.
“Aba tumatawa ka pa?” Sabi ni Maliah and instead of choking me ay nakikiliti ako sa ginagawa n'ya. Hindi ako nasasakal kundi nakikiliti. Natigilan si Maliah saglit at biglang natawa.
“Patay kang bata ka haha! Late na tayo tanga!” Sabi n'ya na ikinabilog ng mga mata ko.
“What? Who's tanga?”
“Sabi ko tara! Bingi mo naman, natatawang sabi n'ya at hinila ako hanggang makarating sa hallway.
“Bye!” Sabi ni Maliah sabay bitaw sa akin at nanakbo na sa room n'ya.
Am I laughing just now? Am I smiling for real?
Oh shit! Late na ako!
At nanakbo na rin ako papunta sa room namin.
What the hell is happening to me?
-Pencilinfinity8-
Don't forget to vote, comment and share Infinities 🌙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro