𓆩ꨄ︎𓆪1. Lorraine Adriella de Verra
"Zero is where everything starts! Nothing would ever be born if we didn't depart from there!"
-Shinichi Kudo
-----
Chapter 1:
Lorraine Adriella de Verra
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
Makalipas ang mahabang panahon, sa wakas ay makakatungtong na rin ako sa kolehiyo.
Bago pa man ang enrolment ay naguguluhan pa rin ako kung anong kurso ba talaga ang pipiliin ko. Noong sumapit iyon ay hindi ko alam kung bakit napili ko ang kursong Education subalit sana ay tama ang desisyon ko.
Ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase sa eskwelahang napasahan ko ng entrance examination. Masaya ako dahil kahit bago pa lang ay sikat na ito sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Handa na akong pumasok subalit ang tanging problema na nga lang ay napakalayo nito mula sa bahay.
Nang dahil sa magastos ang pamasahe ay napagdesisyunan na lamang naming maghanap ng matutuluyan kong malapit sa eskuwelahan.
Sa araw na iyon, pumunta ako sa apartment ng nakatatandang kapatid ko. Pinapunta niya ako roon mag-isa dahil may pinuntahan siyang importante. Dahil medyo mahal ang bayad, nagsama na lang sila ng kaklase niyang babae sa isang unit upang maghati sa bayarin.
Huminto ang taxi sa harap ng isang tatlong palapag na gusali.
"Dito ka na po, sir?" tanong sa akin ng drayber. Narinig ko iyon subalit nang dahil sa nasa kapana-panabik na parte na ako ng binabasa kong komiks ay, sa halip na sumagot sa kaniya, napatili na lamang ako.
"Ahhh! Finally, you expressed your darn feelings!"
"Sir?" Napatigil ako sa pagtili nang sa wakas ay bumalik na rin sa akin ang utak kong lumilipad sa ibang ibayo.
Napatingin ako sa bintana at saka ko nakita ang gusaling sinasabi ng kapatid ko.
"Ah, opo, Kuya! Sorry po!"
Agad kong pinatay ang aking selpon at inilagay sa bulsa ng slacks ko. Kasabay nito, kinuha ko rin ang aking wallet para magbayad. "Saglit lang po, Kuya. Kukuha lang po muna ako ng pamasahe."
Napangiti na lamang sa akin si Kuya nang iniabot ko sa kaniya ang bayad. "Thank you, sir," ika niya.
"Thank you rin po." After a slight bow, I hoisted my two fully-packed bags onto my shoulders.
Humarap ako sa gusali at nakitang may mangilan-ngilan na ring bukas na bintana. "Sana maging maayos naman ang pagtira ko rito," wika ko.
Bago pa man ako makarating, sinabi na sa akin ng kapatid ko na ipinaalam na niya sa landlady ng lugar — ang Tita ko. Sinabi niyang maswerte ako dahil may isa pang unit na puwedeng tuluyan, at pareho kaming makakakuha ng discount sa bayad.
Gusto ko sanang sa iba na lang upang hindi na makipagsiksikan o maghanap ng maliit na boarding house. Ang kaso nga lang ay mas gusto nila Mama at Papa na sa kilalang tao ako manuluyan.
Sa paglibot ng aking mga mata sa gusali ay nakita ko ang sinasabi ng kapatid kong coffee shop ni Tita.
Matagal-tagal na rin bago ko siya nakita sa personal dahil madalas ay sa video call lang. Alam kong magandang pagkakataon na iyon upang mas makilala ko pa siya.
Paghakbang ko papunta roon ay nahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na babaeng lumabas mula roon. Pagbukas nito ng pinto ay pumunta ito sa akin na nakabukas ang mga braso. Paglapit ay isang matamis na yakap ang sumalubong sa akin.
"Zane!" tawag nito sa akin. Napaisip ako sandali kung sino ang babae, ngunit maya-maya ay naalala ko ang mukha ni Tita mula sa video call namin noong nakaraang buwan lamang.
"Tita!" bulalas ko naman.
"Naku, limang taon na bago tayo huling nagkita! Kumusta na ang mabait kong pamangkin?" tanong nito na mukhang hindi alam kung ano ang mga pinagbago ng ugali ko.
"Ayos naman po ako," sagot ko rito sabay bigay ng ngiti.
"Tara na. Ipapakita ko na sa iyo ang apartment mo." Kinuha niya ang isa sa mga dala kong bag at sinamahan ako papunta sa pinto sa kaliwang bahagi ng coffee shop niya.
Pagpasok pa lamang namin ay naamoy ko na agad ang samyo ng bago kong matutuluyang sakto sa timpla ng personalidad ko. Mala-dating estilo ang disenyo ng loob ng gusali at maaliwalas din ang paligid.
"Nasa trabaho pa o bakasyon ang ibang naninirahan dito kaya naman ay hindi pa masyadong maingay," wika sa akin ni Tita na napatawa na lamang bigla.
Mayroong isang hagdan sa loob na maaaring pasukan papunta sa mga kuwarto sa itaas.
Dumiretso sa paglalakad si Tita hanggang sa nakarating na nga kami sa itaas kung saan ako binati ng mga nakalinyang silid.
220B, 221B, 222B. Magkakahilera ang bawat isa rito at ang kada isa ay may numerong nakalagay sa mga pintuan.
"Lahat po ba ng silid na iyan, may nakaupa na?" tanong ng nag-iisip ko pang utak.
"Lahat iyan, oo. Ang iba ay umuupa lang pero may mga iba namang dito na tumitira," sagot ni Tita.
"Saan ka naman po nakatira?" tanong ko.
"Doon ako nakatira sa taas ng gusaling ito," sagot niya. "Pwede kayong bumisita sa akin kung gusto niyo. Hindi sa akin nakakabisita madalas ang kapatid mo kasi madalas siyang abala."
"Sige po," sagot ko na lamang.
Napag-isip-isip kong kung dito rin naman siya nakatira, bakit ay hindi na lang kami niya patirahin kasama niya. Napalagay ko na lamang na baka dahil iyon sa gipit na si Tita kaya kailangan niyang sumahod. Buti na nga at may discount na kami ng kapatid ko kahit na papaano.
"Mabigat ang dala mong bag. Sige na, ihahatid na kita sa tutuluyan mo," wika nito sabay lakad muli paabante.
"Nasaan po ba ang available na kuwarto?" tanong ko pa.
Sa pagkakaalam ko, tinatawag na shared apartments ang mga nasa gusaling ito. They're designed for people to live together even if they don’t know each other, sharing common spaces and amenities.
Huminto kami sa may parteng gitnang bahagi ng pasilyo. Ang anim na bintana sa gilid ay ang nagbigay daan sa pagpasok ng liwanag na nagbigay ng malambot na sinag sa paligid.
Binigay ni Tita ang bag sa akin at dahan-dahang inilagay ito sa sahig.
"Ako na po niyan, Tita. Ako na rin po ang magbubukas," wika ko pagkakita rito.
"Pasensiya na, ha. Medyo marupok na kasi ang buto ni Tita," pabirong sagot nito. Dinukot niya ang isang bagay sa bulsa ng kaniyang palda at saka binuksan ang pintuan.
"Salamat, Tita," sagot ko. "Ako na po nito." Itutulak ko na sana ang bahagyang nakabukas na pinto nang bigla na lamang nag-iba ang pakiramdam ko na naging dahilan ng aking paghinto.
"May nakatira na po ba sa apartment na ito?" tanong ko.
"Ganito kasi iyan: Puno na kasi ang mga kama sa ibang kuwarto kaya dahil may nagsabi sa akin na naghahanap siya ng kasama sa pagbayad ng renta at sinabihan din ako ng kapatid mo tungkol sa kalagayan mo ay agad na akong pumayag," pagpapaliwanag niya.
"Pauwi-uwi po o diyan na talaga siya tumitira?" dagdag ko. Pagsambit ko ng mga salitang iyon ay agad kong nakita ang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Tita.
"Hindi mo ba gustong may kasama?" tanong niya na para bang nalungkot sa sinabi ko.
"Ay, hindi po!" pagputol kong agaran. "Mas ayos nga po iyon dahil hindi ako mag-isa lang sa loob."
"Ibaba mo muna iyan," wika ni Tita sa kaniyang seryosong ekspresyon. Tinapik-tapik niya ang aking bakanteng balikat. Sumunod ako, dahan-dahang ibinaba ang bag sa tabi ng isa pang nasa sahig.
Kinuha ni Tita ang kamay ko at hinila ako papunta sa may malapit sa bintana sa tapat ng apartment. Para bang mas nag-iba pa ang pakiramdam ko sa aking nasaksihan. Hindi ko alam kung ano ang problema.
"Zane," wika niya sa akin. Nanlaki na lamang ang aking mga mata sa kung ano mang maaari niyang sabihin.
"P-Po?"
Bigla na lamang pumasok ang kaguluhan sa isip ko nang aking makita ang isang pagngiti sa kaniyang mga labi.
"Wala pa naman diyan ang kasama mong sinasabi. Nagpaalam siya sa akin na lalabas kanina," patuloy niya.
Pagpasok ng mga salitang iyon sa aking isip ay para bang gusto kong tawanan ang aking sarili. Hindi ko alam na iyon lang pala ang sasabihin niya pero kinabahan na ako bigla.
"Kailan po siya babalik?" tanong ko. "Lalaki po ba? Mabait?"
Natahimik na lamang si Tita habang kinuha ulit ang braso ko pabalik sa tapat ng apartment.
"Hindi ko alam kung kailan siya babalik. At hindi, e, babae siya," sagot ni Tita sabay bukas ng pintuan.
"Babae po?" bulong ko pa sarili.
"Huwag kang mag-alala," sambit ni Tita. "Madalas naman siyang wala riyan at hindi naman siya magagalit kung may kasama siya sa loob na lalaki."
"Ah, sige po," sagot ko na lamang na namula ang pisngi.
"Basta huwag mo lang papakielaman ang mga gamit niya," payo ni Tita na nakangiti pa rin. Kasabay ng pagbigkas niya ng mga salitang iyon, sinorpresa ako ng isang silid na puno ng mga libro sa bookshelf at isang telebisyon sa gitnang bahagi.
Ang bawat kuwarto ay pinaganda ng iba't ibang pinta ng mga kulay. Isang kuwarto sa partikular — maaaring ang sala kung saan kami ay kasalukuyang nakatayo — na may kulay na amber wood, ay mayroong mga pahina ng papel na nagkalat sa sahig.
Nabaling ang tingin ko sa kaliwa at doon ay may isang silid na may kulay na mapusyaw na asul — batay sa mga plato sa isang mesa — na maaaring ito ang kusina.
Ang apartment ay mas malaki kaysa sa aking inaasahan — isang perpektong lugar para sa aking maliksing sarili... siguro.
"Saan po ba siya humihiga?" tanong ko nang makita ang mga kuwarto pa sa loob.
Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko na nga ang isang kuwartong mayroong mas maraming mga nakakalat na papel. Bukod doon ay nahanap ko rin ang banyo sa katapat ng isa pang kuwartong nasa kabilang parte. Hindi tulad ng nasa kabila ay mas maayos itong tingnan.
"Diyan siya natutulog," sagot ni Tita. Ibababa ko na sana ang mga gamit ko roon nang magsalita na nga siya.
"Pero bakit po makalat doon sa isa?"
"Dahil matagal na siyang nanunuluyan dito, nakasanayan na niyang gamitin ang dalawang iyon — madalas tambayan lang ang kuwartong sinasabi mong makalat," sagot ni Tita. "Ibaba mo na muna ang bag mo riyan sa sala at kung gusto mong magpunta sa banyo, nasa tapat lang ng kuwarto niya."
"Sige po."
"O siya, hindi naman siguro siya magagalit kung ililipat ko sa mas maayos na lugar ang mga papel na nandoon, hindi po ba?" tanong ko habang ibinababa ang mga gamit sa mahabang sofa na nakaharap sa telebisyon.
Ano kaya ang hilig ng makakasama kong ito?
Hinayaan kong makapagpahinga ang aking katawan mula sa matagal na biyahe. Malambot ang cotton na sofa na sumalubong sa akin at dagdagan pa ng malamig na simoy ng hangin mula sa bintana sa kaliwang bahagi ng silid.
"O siya. Babalik na ako sa shop," paalam ni Tita.
"Sige po. Salamat," sagot ko.
Pagkasara niya ng pinto, hinayaan kong mahimlay ang aking sarili saglit. Nakapikit na sana ako nang biglang sumagi sa isip ko na marami pang enerhiya ang nais makawala mula sa aking katawan. Gusto kong ipahinga ito, ngunit tila hindi pa ako pinapayagan ng aking utak.
"Anong pwedeng gawin? Nagugutom na ako," sabi ko sa sarili habang naglalakad na pabalik-balik sa silid.
"Ah! Bisitahin ko na lang ang coffee shop," dagdag ko pa na parang totoong may kausap. "Sana may mga tinapay rin doon."
Agad kong kinuha ang aking pitaka at saka naglakad sa pasilyong dinaanan namin kanina.
Sa labas ay pumasok akong muli sa isa pang pintuan kung saan ay sa coffee shop ang tungo. Doon ay binati ako ng mabangong aroma ng kape at sa hindi ko inasahan ay amoy ng tinapay.
"O, pupunta ka rin pala rito!" bulalas ni Tita na katatapos pa lang sigurong mag-serve sa isang customer.
"Magmemeryenda po ako, Tita," pagtawa ko. "May tinapay pa po?"
"Anong gusto mo?" tanong niya. "Pili ka na rin ng kape."
Pagtingin sa menu ay muling nanlaki ang mga mata ko nang makita ang presyong mistulang nagpaapoy sa aking bulsa.
"Ah, hindi na po ng kape. Ayos na po ako sa chocolate crinkles," sagot ko na napatawang muli.
"Unang araw mo rito kaya mamili ka lang. Ililibre ka ni Tita," pabulong niyang wika.
"Ay, wow!" Nakakahiya man subalit gutom na ako at gusto kong pagkasyahin ang aking allowance para sa darating na Lunes. "Yung pinakamura na lang po."
"Latte nalang. Siguro magugustuhan mo iyon," sambit niya. "Sige, maupo ka na lang kung saan mo gusto."
Paglingon ko ay aking nakita ang mga hindi lalampas sa sampung upuan at mayroon ding mga bookshelf sa may parteng likuran. Isang libro ang pumukaw sa aking atensiyon. Habang wala pang nakaupo malapit doon ay hinila ko na ang aking sarili papunta sa aklatan.
"Uy, forensics!" bulalas ko habang naglalakad nang mabilis papunta roon. Handa na akong hawakan ang libro nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay may humawak din dito.
"Sorry. Hihiram ka rin po? Sige po." Hinayaan ko na lamang na tunay na customer ang humiram nito. Isa siyang babaeng kasingtaas ko lamang at may matangos na ilong. Simple ang suot niyang damit subalit kahit na ganoon ay maganda pa rin siyang tingnan.
Tatalikod na sana ako upang pumunta sa panibagong upuang malapit sa librong pumukaw sa interes ko nang bigla na lamang niyang nakuha ang aking atensiyon. "Isa na namang Nuñez."
Paano niya nalaman iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro