Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8. Murderer's Delight

"If a person can't answer directly to your question, it's either the answer is too painful for you to know or too hard for them to admit."

-Ai Haibara

----------

Chapter 8:
Murderer's Delight

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

When I first took the case, I wasn’t expecting it to become linked to what happened to me. I kept running from my past, but it seems to be finding its way back.

𓇢𓆸𓇢𓆸
6:16 p.m.

"Tita, sa iyo na lang po ang adobong tira namin." Pagkauwi ko ay agad na akong pumunta sa apartment room ni Mrs. Nuñez dala-dala ang ulam na nilagyan ko ng kemikal na pampatulog.

"Salamat, anak," sagot nito. Simula noong una akong napadpad sa gusaling ito ay tinuring na niya akong parang sariling anak. "Pasok ka!"

Sa loob ng unit ay naroon ang isang bagong lutong cake – base sa mga arinang dumikit sa kamay ni Mrs. Nuñez at saka sa kaunting batter sa kaniyang damit.

"Sino ang bisita mo po mamaya?" tanong ko rito.

"Isang kaibigang matagal ko nang hindi nakikita," sagot niya. "Nagkausap kami noong nasa grocery ako noong nakaraang araw. Ang sabi niya ay gusto niya raw pumunta rito kaya pumayag naman ako. Total, kailangan ko rin naman kasi ng kausap."

"Nandito naman po ang pamangkin mo, hindi ba? Pwede mo rin naman pong kausapin ang kapatid mo," wika ko.

"Maupo ka, anak," sagot niya. Pareho kaming umupo sa kainan sa may sala at saka nakita kong bakas sa mga mata niya ang magkahalong saya at lungkot. "Hindi mo kasi maiintindihan, e. Malalim ang koneksiyon namin sa isa't isa."

Napatango na lamang ako at saka ko siya nakitang kukunin na ang kutsarang nasa gilid upang kumain na ng adobo. "Mamaya na po tayo kumain, Tita!" agad kong pagsaway rito. "Sabay na po tayo mamaya."

"O sige." Sa wakas ay ibinaba na rin niya sa wakas ang kutsarang hawak.

A ring from my phone caught my attention. As I pulled it from my pocket, I saw Detective Ferrer’s name with a message he’d just sent.

Tama nga ang hinala mo, Raine. May koneksiyon nga talaga sila sa isa't-isa.

Koneksiyon: Vehicular collision (minibus and car). February 6, 2022. Six survivors. 22 deaths.

At doon niya na sinend sa website ko ang profile ng mga biktima pati na ang mga natuklasan nila. Ang iba roon ay nagawa nila nang dahil sa nagpatulong siya sa akin.

·−//·−··/·/−/−/·/·−·//···/·/−·/−

Classified

1. Name: Gabriel Santos

Occupation: Security Guard

Age: 35

Physical Appearance: Muscular build, shaved head, and a scar on his left cheek.

Other Important Leads: Had a history of post-traumatic stress disorder (PTSD) following the vehicular accident. He was known to own a handgun for self-defense due to feeling vulnerable after the accident.

2. Name: Carmela dela Cruz

Occupation: Bank Teller

Age: 30

Physical Appearance: Petite frame, long brown hair, and brown eyes.

Other Important Leads: Was an active member of a therapy group for trauma survivors. She had confided in friends about feeling unsafe and had purchased a firearm for protection.

3. Name: Antonio Reyes

Occupation: Taxi Driver

Age: 45

Physical Appearance: Stocky build, with a goatee and glasses.

Other Important Leads: Had a license to carry a concealed weapon and often kept a gun in his cab for protection. Had expressed concerns about being targeted by angry passengers due to his involvement in the accident.

4. Name: Andrea Rivera

Occupation: Nurse

Age: 32

Physical Appearance: Slim figure and shoulder-length black hair.

Other Important Leads: Andrea had attended counseling sessions to cope with survivor's guilt and had obtained a handgun for personal safety. She was known to keep the gun locked in a safe at her apartment.

·−//·−··/·/−/−/·/·−·//···/·/−·/−

"February 6, 2022," sambit ko sa aking sarili sabay baba ng selpon ko. Hindi ko man sinadya subalit nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Mrs. Nuñez. Napahawak siya sa kaniyang mga tenga at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kaniyang mata.

"Tita?"

Nilapitan ko ito at iniurong ang isa pang kahoy na upuan sa kaniyang tabi. Umupo ako rito at saka hinayaan siyang humiga sa kaliwang balikat ko.

"Ang araw na iyon," wika ni Tita na patuloy pa rin ang pagluha kahit na inalis na ang pagtakip sa kaniyang mga tenga.

Doon ko na nga naalala na sa parehong araw na iyon ay bigla siyang nawala. Bumalik na lang ito matapos ang isang buwan na may kahinaan ang kaniyang kanang kamay at may mga tumuyo siyang sugat sa kaniyang ulo.

Ang sinabi niya lang sa akin ay nagpunta siya sa isang kamag-anak na kinamusta niya dahil nagkasira sa utak at inaatake na lang ang mga kasama nito sa bahay.

Iba ang nakita kong maaaring nangyari sa kaniya noon subalit buo ang tiwala ko sa kaniya kaya't hinayaan ko na lang.

"Tita, kasama ka ba sa aksidenteng iyon? Isa ka ba sa mga nakaligtas?" tanong ko.

Maaaring siya ang suspek subalit kailangan ko pa ring tingnan ang ibang anggulo.

"Anim kami. Apat na ang na-nagpakamatay." Bigla na namang bumuhos ang kaniyang mga luha.

"Sige po, Tita. Ilabas mo po muna iyan." Hindi ko maitatanong kung ano ang nangyari kung iyak siya nang iyak.

Kinuha ko nang panandalian ang aking selpon upang kontakin ang pamangkin ni Tita na lalaki. Hindi ako magaling sa pagkausap sa mga taong may problema lalo na yung mga umiiyak.

Si Raine ito. Hindi ko alam kung natatandaan mo ang mahabang pangalang sinabi mo kanina pero para maalala mo: L.A.V.

"Dalawa na lang kaming natitira." Huminga siya nang malalim, pinunasan ng kaniyang damit ang kaniyang mga luha. "Mamaya pupunta rito ang isa pa para makausap namin ang isa't isa. Kailangang wala sa aming sumuko."

Bilisan mo. Umuwi ka na! Importante!

Napalunok siya ng laway at saka iniayos ang kaniyang pag-upo. May mga luha pa ring namumuo sa kaniyang mga mata. "Rush hour noon at doon napwesto ang ticket ko papunta sa kamag-anak na sinabi ko noon sa iyo," wika niya.

"Totoo pong pumunta ka sa kaniya?" tanong ko.

"Oo, pero wala siyang sira sa ulo," sagot ni Tita. Nabalot ng seryosong ekspresyon sa silid hanggang sa maya-maya lamang ay sabay kaming napatawa.

"Tita, naman, e," biro ko rito.

"Huwag mo lang sasabihin sa kaniya," pabirong sagot naman ni Tita.

"Hindi ko naman siya kilala pero balik sa salaysay..."

"Ayun na nga, marami-rami kami sa loob. Naaalala kong nagkukuwentuhan pa kami noon ng mga kasama ko dahil nagpapatawa ang konduktor at drayber." Sa muli ay napalitan ng lungkot ang akala kong tuluyan nang masaya niyang mukha. "Bigla na lamang nahinto ang kasiyahan nang narinig ko ang isang malakas na pagkabangga. Nagpaikot-ikot ang minibus at nagkalat ang mga salaming nabasag. Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. Sinabi ng doktor at ng mga pulis na nandoon ang nangyari. Doon ko rin nakilala ang iba pang nakaligtas. Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan naming anim."

Sa mga oras na iyon ay agad kong pinadalhan ng text si Detective Ferrer. Kailangan ko pa ng mangilan-ngilan pang impormasyon tungkol sa aksidenteng iyon.

Muli na namang tumulo ang luha ni Mrs. Nuñez. Buti na lamang ay hindi natuluan ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Thank you, Tita Clara!" Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap at saka kumuha ng isang kutsara na nasa lamesa. "Ngayon ay sabay tayong kakain ng adobong niluto ko para naman mas maramdaman mo ang pag-comfort ko sa iyo."

Kumuha rin siya at saka ko na siya pinaunang sumubo. "Ang sarap talaga nito," wika niya na walang kamalay-malay. Hindi nga nagtagal ay nakatulog na rin siya.

That was a good thing. Helping her sleep will calm her down, allowing her to escape her anxieties and fears, even only for a while, through dreams.

"Good night, Tita." Hinayaan ko lamang siya roon at hinayaang hindi nakakandado ang pinto.

Habang pabalik sa sarili kong apartment ay muli kong binigyan ng mensahe ang kasama kong hindi pa rin sumasagot. Hindi ko alam kung nasaang lupalop na siya napadpad pero umaasa naman akong makakauwi siya ng ligtas.

Mahalaga ang bawat oras!

Alam kong medyo made-delay ang pagpapadala ng mga mensahe ko ng ilang minuto dahil sa kasalukuyang mahina ang signal.

Mula sa kuwarto ay kinuha ko ang aking notebook na isa sa mga nailigtas na gamit ni Dad. Sa sofa ay binasa ko ang bagong mensahe ni Detective Ferrer. Doon ko na rin hinayaan ang sarili kong ilabas ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagguhit.

Pumunta rin ako sa kuwartong kinuha ng lalaking kasama ko at saka hinanap ang mga papel na nilagay ko lang sa kama niya. Mabuti na lamang ay nakita ko ang mga ito na nakalagay sa isang maliit na karton at maayos na nakalagay sa ilalim ng kama.

"Bakit ba ang hilig nilang kalikutin ang mga gamit ko? Buti na lang at walang nawala!"

Kinuha ko ito at saka ko na inilagay ang mga nalalaman sa pader ng sala. Natutulog naman si Mrs. Nuñez kaya hindi naman niya malalamang ginawa ko iyon sa dingding ng mahal niyang gusali.

࿐ ࿔*:・゚

10:12 p.m.

And finally, after several minutes of staying alone inside the main entrance near our flat, I heard the knock from the person I’d been waiting for.

"Hello? Clara?" Isang lalaking may mahinahong boses ang narinig kong nagmula sa labas ng gusali.

Mas madaling pumasok sa kuwarto ni Tita kung daraan siya sa entrance papuntang 222B. Maaaring napansin niya ang sirang CCTV na natapat sa entrance na pinapasukan ko.

He came late at night, having found out that everyone in the building was now asleep. Lahat na ng ilaw ay nakapatay maliban na lamang sa silid ni Tita na sinadya kong iwang bukas. Nang dahil sa walang witness ay makakatakas siyang agad.

"Clara, ako ito," wika pa ng lalaki.

Napabuntong-hininga na lamang ako at saka binigyan ng ngiti ang sitwasyon. Ang taong makakausap ko ay pareho sa aking sitwasyon.

"Hello po," bati ko rito pagkabukas ko ng pintuan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro