Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45. Repression

"Anderson, don't talk out loud. You lower the IQ of the whole street."

- Sherlock Holmes

-----

Chapter 45:
Repression

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

Every great one has their fall. Kahit na ang ama mo ay naguluhan sa kasong iyon. Bakit? Dahil mas pinaglaruan ko pa ang buhay niya matapos niyang ipakulong isa-isa ang mga tauhan ko!

Now, isn't the mind amazing? It gave you that defence mechanism so that you can forget things that you want to get rid of.

Isn't it delightful that using your mind, you can easily manipulate others? Ang sarap gawin iyon, hindi ba, Raine? Kung paano mo minamanipula ang mga tao sa paligid mo para lang masunod ang gusto ng utak mo.
𓇢𓆸𓇢𓆸

Sa muli ay nawala na ang mga imaheng napadpad sa paligid at nagbalik na ako sa tahimik na lugar na iyon.

"Pwede ka nang magsalita, Zane," pabulong na wika ng babae sa kaibigan ko. Napakagat na lamang ito ng kaniyang labi at saka ko napansin ang mga namumuong luha sa kaniyang matang wala naman kanina.

"Huwag mo na pong idamay rito si Zane!" Sa muli ay itinutok ko sa ulo niya ang dart gun ko. "Ako lang naman ang gusto mo, hindi po ba?"

Walang ano-ano ay ibinalot ni Zane ang kaniyang kaliwang braso sa leeg ng babae at saka malapitang itinutok ang baril na dala sa pilipisan nito. "Raine, alis na! Ako na ang bahala sa kaniya!" sigaw nito.

"Ah, m-mana rin pala ito sa utak n-ng ina niya," wika ng babae na sinusubukang pumalag mula kay Zane.

"Wala ka nang kawala, Ma'am," ani ni Zane rito.

"Kaya naman pala h-hinayaan mo siyang makasama sa isang apartment. Tama ang n-nakita mong mabait na parte niya," wika pa ng babae. "Though I anticipated it already. I was the one who advised Clara Nuñez to let you and this guy meet, and after years of waiting, you are now!"

"Pati ba naman si Tita?!" pagdiin ni Zane.

"Wala akong ginawang masama sa kaniya. Normal na pag-uusap lamang iyon bilang isa sa mga customer niya," sagot nito.

"Pero ngayon, sa kulungan na ang punta mo," wika ni Zane. Kukunin na sana niya ang kaniyang selpon nang bigla na lamang naagaw sa kaniya ng babae ang baril. Agad niya itong itinutok sa amin kasabay ng pag-atras palapit sa akin ni Zane.

"Kayo naman ay mauuna na sa langit," banta nito. "Pinahanga mo ako, De Verra. Dahil doon ay bibigyan kita ng pabuya," dagdag pa ng babae.

"Ano po?"

"Ihuhuli na lang kita. Ang Ate mo muna ang uunahin ko. Matatagalan pa kaso iyon dahil siya ang boss, e," sagot niya. "It's your loss, anyways. Because I will make sure to prolong your suffering even more. You don't want it to end now, so I will grant you that."

Nakakainis ang taong ito. Kung wala lang sanang ibang masasaktan ay baka kung ano na ang ginawa ko sa kaniya.

"Bakit naman? Sa tingin mo ba ay masasaktan ako kung mawala man ang makasariling kapatid kong iyon?"

Matapos niya akong iwan nang walang pormal na paalam, para bang nawala na ang pagmamahal ko sa kaniya. Kahit noong magkasama pa kami, ramdam kong mas importante sa kaniya ang trabaho kaysa sa akin.

"Don't say that, Raine. We both know it's not true," aniya na para bang nagkukunwaring naaawa sa lagay ko.

Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Maaaring may punto siya roon.

"Well, I'd better go now. Hahanapin ko na ang Ate mo." Ibinaba niya ang hawak na baril at saka iwinagayway ang kaniyang kamay.

Bago pa man ito makahakbang palayo ay hinawakan kong muli ang kalabit ng aking baril. "Ano ang mangyayari kung patutulugin kita ngayon at may posibilidad na hindi ka na magising?"

If I hit her temple area, just behind her eyes, I would strike a thin bone. Significant blood vessels and nerves are located there, and if I shoot her in that spot, she will definitely sustain serious brain damage.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo?" nakangiting tanong niya. "Sige. I dare you!"

"Raine, huwag!" sigaw ni Zane na napaharang sa unahan ko.

"Zane, pinatay niya ang mga magulang ko."

"Yes, but don't you see? Kahit anong oras ay pwede niyang buksan ang mga CCTV na iyan at ipakita sa buong mundo na ikaw ang masama," pabulong niyang sabi habang nakaharap sa akin.

Mas nag-init pa ang kumukulong apoy sa aking puso. Walang ano-ano ay itinulak ko siya palayo at saka pinakawalan ang isang balang malugod naman nitong tinanggap.

Napapikit ito nang kaniyang mga mata hanggang sa pagdilat niya'y sinalubong ako ng isa pang pagtawa.

"You missed!" bulalas niya.

Isang ngiti rin ang isinagot ko sa kaniya. "Opo, pero hindi ka na makakatakas ngayon."

As she turned around, she saw one of my darts lodged in the tyre of a nearby car. It was the only red one in the vicinity, and I had a hunch it was the vehicle she had used to get to this location.

Napalitan ng seryosong mukha ang kaniyang ekspresyon at saka napaekis ang kaniyang mga kamay. "You wasted your chance to live. Ngayon ay pasasabugin ko na lang ang lugar na ito."

Nanlaki ang aking mga mata nang kinuha niya mula sa kaniyang bag ang isang detonator.

"Goodbye, Rainie. Palagi akong nananalo."

She was about to push the button when a loud bang sent the detonator hurtling toward me. My heart pounded in my chest as I sprang forward, arms outstretched, desperate to grab it before it hit the ground.

I got it!

"No one dares to mess with those under my watch!" ang sabi ng isang napakapamilyar na tao sa may hindi kalayuan.

Walang ano-ano ay nagsidatingan ang mga pulis galing sa mga pintuan ng gusali. May dalawang laser naman na nakatutok sa babae na kita ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

Agad na pinosasan ito ng mga katrabaho ni Ate sa NBI at saka na rin bumaba ang mga nagtatrabaho sa kompanyang may-ari ng gusali.

Ngayon lang sila magpapakita? Talaga lang, ha? Muntik na kaming mamatay rito!

"Anong— Bakit niyo ako hinuhuli?" tanong ng babae.

Mula sa likuran ng babae ay nakita ko na ang mukha ng aking Ate na pansin ko ang pagkulo rin ng isip. "Tumigil ka nga riyan! Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo!"

Galing sa kaniya ang baril na ginamit sa pagpapatama sa detonator. Mabuti na lamang at mababa lamang ang impact nito kaya hindi nasira ang bagay na iyon. Dahan-dahan niya itong ibinaba at saka ibinalik sa kasama niya.

"Hindi pa ako tapos sa inyo, mga De Verra! Uubusin ko kayo!" banta ng babae bago pa man tuluyan na siyang maglaho sa aming paningin habang sakay ng mga pulis paalis.

Napatingin lang sa akin nang tatlong segundo si Ate at saka na siya umalis pabalik sa mga kasama niya.

Sinamahan naman kami ng iba pang pulis sa loob ng kotse nila.

Pagdating namin sa presinto ay ininteroga rin kami kung ano ang nangyari. Matapos iyon ay pinasakay kami ni Ate sa sasakyan niya. Sa muli ay naroon na naman ang drayber niyang iyon.

"Paano niyo po nalaman kung nasaan kami?" tanong ko rito.

Binigyan niya ako ng tingin sa pamamagitan ng salamin ng kaniyang sasakyan. Kasabay noon ay ang pag-unat niya ng kaniyang kamay sa akin. "Akin na."

Mula sa aking bag ay kinuha ko ang USB na pinapakuha niya at saka ibinigay ito rito.

"Magaling," aniya. "Pero mas mabilis ko sanang nakuha kung ako ang humanap."

I just rolled my eyes.

Beside me is Zane, silent and seems to be having a deep thought. Poor him.

"I tracked your phone, Raine," wika pa ni Ate Liz na pumutol sa katahimikan. "Matapos sabihin sa akin ng driver ko na tumakas kayo ay ayon ang ginawa ko."

"Siigurado ka po? Bakit naman may mga pulis agad?"

"Nandoon na ako noong mga oras na nag-uusap kayo ng baliw na babaeng iyon. Siyempre naman ay titingnan ko muna kung paano mo tatakasan ang sitwasyong iyon," aniya. "Noong hindi ka naman pala ganoon kagaling ay agad ko nang tinawagan ang mga katrabaho ko. Besides, that woman is one of the people we've been tracking for years."

That psychopath!

"At last, we've finally imprisoned the person who killed our parents, Li'l Sis," dagdag pa niya.

Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib — tinik na matagal nang nakabaon doon. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang unti-unting pagtigil ng sasakyan. Sa bintana ng sasakyan ay naroon na nga ang gusaling tinutuluyan namin.

I was just about to open the door to the apartment when I could no longer hold back the words that demanded to escape from my lips.

Napatigil ako at saka hinarap si Zane.

"Ayos ka lang ba?"

"Huh?" sagot nito na napakunot ang noo.

"Ayos ka lang?" pag-ulit ko.

"Ayos lang ako. Ayos lang," sagot nito. "Ikaw dapat ang tinatanong ko ng bagay na iyan."

"That thing... The thing you did earlier...""

"The things I said, Raine, they're not true," pagputol niya. Ang kaninang kalmado niyang mukha ay napalitan ng pagsisisi at kalungkutan.

"Pero–"

"Sinabi niya kasi sa akin na kung hindi ko sasabihin ang mga pinapasabi niya sa akin ay papatayin ka niya. Hindi ko naman–"

"Zane!"

"Hindi ko naman sinisisi sa iyo ang nangyari sa–"

"Zane." Hinawakan ko ang kaniyang balikat na siya namang ikinahinto ng kaniyang pagsasalita. "Ayos lang."

Napabuntong hininga siya at saka na nagtagpo ang aming mga titig.

"The thing you did earlier..." pagsisimula ko. Alam kong mahirap sabihin subalit pinipilit ako ng aking sarili. "What you did... to that woman... it was brilliant."

Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Buti naman at walang nakakita roon."

"Huh?" Anong ibig niyang sabihin?

"Baka kung ano naman ang sabihin ng mga tao kung nakita nila iyon," pabiro niyang sagot.

"Palagi naman," wika ko na lamang kasabay ng isa ring ngiti.

"Tsaka ayoko rin naman ng spotlight, e. Baka madiskubre ng mga tao ang galing ko," dagdag pa nito.

Joker rin pala itong taong ito.

"Tara na." Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong kami ng ilang kasamahan namin sa gusali. Naroon din sina Kuya Ron, Kuya George, at ang iba pa. Sa aming harapan ay sumulpot si Tita na may dala-dalang cake.

"Happy birthday, Raine!" bati nila na nagpahinto sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro