Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

44. Discombobulated

"Brainy's the new sexy."

- Irene Adler

-----

Chapter 44:
Discombobulated

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

"Pagkatapos mong mawala," dagdag pa nito na kaagad na itinutok sa kaniyang ulo ang hawak-hawak na baril, "isusunod ko naman ang kaibigan mong duwag!"

I wanted to move my rigid body, to grab his gun, or do anything to stop whatever he was planning. But I simply couldn't.

"Sino ka ba?!" sigaw ko na lamang.

"Akala ko ba ay kilala mo na ako?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang isang boses na ngayon po pa lamang narinig subalit tila ba nag-iwan ng kurot sa aking puso.

"It's nice to meet you again, Lorraine Adriella De Verra," dagdag nito.

Mula sa isang sulok ng paradahan ay napalipad ang aking mga mata at doon ko nakita ang anino ng isang taong papalapit sa akin. Nakatago ang kaniyang katawan sa truck na nakaparada sa may kanang bahagi ng tinatayuan ni Zane.

"Oh! May dala ka palang laruan diyan sa bag mo, a. A TDG-2019, perhaps?" tanong nito sa mapaglaro niyang boses. "Talaga nga namang nasisiyahan ka rin na makita akong muli."

Tranquilizer Dart Gun Model 2019. Nakuha niya iyon!

Without a moment's hesitation, I reached into my trousers and pulled out what she mentioned. There it was: a figure of a woman clad entirely in red — red lipstick, red dress, red high heels, and even the tips of her black hair dyed red. Judging by her appearance, she seemed to be in her late thirties to early forties.

"Hello!" bati niya sa kaniyang kalmado at mabait na boses. "Na-miss mo ba ako, sweetie?"

Parang nakita ko na siya rati pero saan? Saan ko nakita ang mga mata niyang iyon? Saan?!

"Siguro nga talaga ay nakalimutan... correction... kinalimutan mo na ako," aniya na napanguso at tumigil sa paglalakad. Pinanatili ko lang ang pagtutok ng dart gun ko sa kaniya, hinahanda ang sarili sa kung ano man ang mangyari.

"Kapag ipinutok mo iyang hawak mo, may darating sa iyong mas malala, hindi ba, Zane?" Nagsimula na naman itong maglakad, dahan-dahang lumapit sa kasama kong hindi pa rin maibaba ang hawak na baril.

"Ano po ang balak niyo?"

"Hindi ba halata?" tanong nito. "Pinakita ko lang naman sa iyo ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ko sa miserableng lugar nating ito. Actually, it's just a teensy bit."

Hindi ko siya kilala. Sino ang babaeng ito?

"Alam mo, pareho lang tayo, Ms. De Verra. Pareho tayong mahilig tumulong sa gusto ng ibang tao kahit na ayaw ng mga nakapalibot sa atin dahil sinasabi nilang mali raw iyon," wika niya.

"Tumulong?" pabulong kong sambit sa aking sarili.

"Pwede po bang bigyan mo ako ng bagong pagkakaabalahan? Matagal na kasi bago ko naranasan ang saya," aniya na para bang inuulit ang sinabi ng ibang tao sa kaniya.

And with that, it dawned on me — maaaring sa kaniya nagsimula ang lahat ng mga nangyaring kaso matapos ang isang taon kong pagtatago.

"Pwede po bang tulungan mo akong ipakita sa mga kapatid kong karapat-dapat din akong mahalin?" wika ko na naalala ang naganap na kaso ng mga Tan noong nakaraan lamang na araw.

"Nice! Bingo!" bulalas nito.

"Pwede po bang bigyan mo ako ng payo kung paano ko makakalimutan ang aksidenteng iyon?" dagdag ko pa na sinabi naman ang nangyari roon sa retiradong pulis.

Pag-alis ni Ate Elizabeth ay natigil muna ang pag-iimbestiga ko noon. Nagugol ang oras ko sa mga bagay na kaya kong gawin kahit na mag-isa lamang — pinaghusayan ang pag-aaral sa nalalabing taon sa hayskul, nagsimulang magsulat ng mga nobela, at marami pang iba na pampalipas ng oras.

Nabalik lamang ako sa mundo ng pag-iimbestiga noong nakahawak ng panibagong mahirap na kaso si Kuya George — ang unang serial killing na nakaharap ko.

"Kita mo na, Rainie? Pareho lang tayo," sambit pa nito na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Pareho lang tayong naaalala lang kapag desperado na ang iba."

"Ano po ang ginawa niyo sa kanila?" tanong kong pilit na itinatago ang kaba sa likod ng seryoso kong ekspresyon.

"Ano pa ba? Siyempre tinulungan sila. Ginamit ko ang utak ko kagaya mo," sagot nito. "I have my sources everywhere, Rainie."

Isipin mo kung sino ang taong iyan!

"Magaling ka dahil napakulong mo ang mga taong tinulungan ko. Well, just two of them because the other one is silly enough to die," aniya.

"Ikaw ang kausap ni Ms. Alexa sa selpon niya noong gabing iyon," sambit ko na napagdurogtong-dugtong na ang bawat piraso ng palaisipan niya. Upang maialis ang ngalay ng aking kamay ay ibinaba ko muna ang baril na dala.

"And?" Mula sa kaniyang pulang handbag ay may isinubo siyang maliit na bubblegum na nginuya-nguya niya.

"Ikaw ang nagsabi sa retiradong pulis na iyon na magiging sagabal ako sa plano niya," dagdag ko pa.

"And..."

"Ikaw ang tumulong kay Alex na maisagawa ang larong gusto niya–"

"–na sa totoo lang ay ako ang may gusto. Minanipula ko lang siya," pagputol nito. "Gusto niya ng mapagkakaabalahan kaya ginamit ko na lang siya."

Sabi na nga ba! Konektado talaga ang mga bagay na iyon!

"You are really good, I admit it. Those time-racing cases are just wow! I mean, how could a seventeen-year-old sleuth solve them all in just a few days? It's utterly baffling!" bulalas niya na may kislap sa kaniyang mga mata. "Ngayong alam ko na ang kaya mong gawin, kailangan mo nang umalis."

"Salamat po," sagot ko na lamang sa kaniyang papuri.

"Salamat?" tanong nitong napataas ang kilay sa narinig. "O, sige. Well, you certainly deserve the reward for what you've accomplished."

"Sino ka po?"

Lumapit ang babae kay Zane at saka nito hinawakan ang kamay nitong may hawak ng baril na nanginginig habang nakatutok pa rin sa kaniyang ulo.

Kinuha niya ito at saka pinatutok sa akin ang baril na hawak nito.

"Tama na ang laro. Nakakasawa!" pagdiin nito. "Inubos ko na ang mga De Verra pero walang kuwenta pala ang binayaran ko para patayin kayo noong araw na iyon! Buti na lang at ako na mismo ang tumapos sa kaniya pagbalik niya sa akin."

Siya? Siya ang nag-utos na patayin kami?

Sa muli ay itinutok ko sa kaniya ang aking dart gun kasabay ng pagtaas ng galit na namumuo sa aking isipan. Hinigpitan ko ang paghawak sa gatilyo ng hawak ko, handang pakawalan ang nag-iisang bala sa kaniyang ulo.

"Magbabayad ka sa ginawa mo! Wala kang puso!" Mas ididiin ko pa sana ito nang sinamahan niya sa paghawak ng tunay na baril si Zane na nakatutok din sa akin.

"Sige, subukan mo. Gusto mo na yatang mamatay rin ang kaibigan mong ito," banta niya.

Hindi ako nakagalaw, para bang may hindi nakikitang kadenang muling bumalot sa aking buong katawan kasabay ng mga luhang gusto nang makalabas sa aking mga mata.

"Pagkatapos kitang burahin sa mundong ito, isusunod ko naman ang Ate mo. Total naman ay mas mahina ka kaysa sa kaniya," pagtawa niya. "Nagustuhan mo ba yung mga regalo ko sa iyo bago ka magpaalam sa mundo?"

"Mamamatay-tao ka!"

"Tinutulungan ko lang naman sila para matapos na ang paghihirap nila sa mundong ito," sagot nito na puno ng kompiyansa sa sarili. "After all, in the end, everyone is destined to meet their fate as dusts!"

"Magbabayad ka sa mga ginawa mo!" Pansin ko ang kunting pagnginig ng aking boses at pati na rin ang aking mga kamay. "Kahit na mamatay man ako ngayon ay nariyan pa rin ang mga security camera na nagkalat sa lugar na ito!"

"Pero paano naman kung abala ang mga tao rito sa party para sa pagdating ng bagong magiging ka-partner ng kompanya para sa katanyagan?" tanong niya.

"Akala mo ba ay ngayon lang ako pinanganak? Hindi alam ng pangalawang kompanya ang mga pinaggagagawa kong kalokohan pero naka-freeze lang naman ang mga CCTV na iyan dahil kinontrol ko," dagdag pa niya.

Mula sa kaniyang bag ay kinuha niya ang kaniyang maliit na selpon at saka ito ipinakita sa akin ng ilang minuto bago ito ibalik muli sa loob.

"Zane, takbo na!" utos ko sa kasamahan ko. "Sa iyo na ang ebidensiyang ito, pakawalan mo na siya."

"Ah, ang natitirang ebidensiya bago nangyari ang pagsunog. Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang nangyari?" aniya at saka ko sinipa papunta sa kaniyang kahon.

"Sabihin mo." Ibinaba kong muli ang baril at pinababa niya rin muna kay Zane ang sa kaniya.

"Yung Alex Bautista na iyon pati si Antonio Reyes..."

Antonio Reyes. Isa siya sa mga nabuhay sa aksidente subalit pinatay rin naman. Kasama ako sa pag-iimbestiga ng bagay na iyon kasama ang isa pa bago si Andrea Rivera.

"Kung ganoon pala–"

"Yes, Raine. Yung dalawang iyon, una nang lumapit sa akin noon para makatakas sa mga inutangan nila ng drogang pinangako nila sa mga kliyente nila," sabi pa nito.

Habang naglalaro ang mga salitang iyon sa aking isipan ay nakapasok mula ako rito, kita ang mga sinasabi nito base sa pagsasalaysay. Naroon din siya at kasama kong nakatayo habang pinagmamasdan ang mga kaganapan.

𓇢𓆸𓇢𓆸
Tinulungan ko silang patayin ang mga iyon sa mismong lugar na ito, limang taon na ang nakararaan. Ang kaso nga lang ay napadpad dito ang dalawang babae.

"Ang ina ni Zane."

Nahalata nila siguro ang kakaibang kilos ng kaibigan kaya naman sinundan nila ito. Ang kaso nga lang ay nakita rin ang dalawa ng mga bago kong kliyente.

"Nakasuot po si Mrs. Nuñez ng damit na iyan. Imposibleng nagtatrabaho siya noon."

Maliban na lang kung pinasukat sa kaniya ang damit na natapos pa lamang gawin. Regalo iyon sa kaniyang ng drug user na kaibigan nila bago ito mawala. Siguro ay naramdaman na niya ang nalalapit na katapusan noon kaya naman sinulit na ang lakas niya.

"Paano naman pong nakaligtas ang damit?"

Simple! Matapos iyon ay nagawa pang makatakbo ng Nuñez na iyon. Paano ko nalaman? Naroon lang ako at sinisiguradong walang makakasira sa plano ko.

Tumakbo siya papunta sa bakanteng lote na ngayon ay tinayuan na ng isang restaurant diyan sa may hindi kalayuan. Dahil matalino siya, hinubad niya ang damit at saka iniwan sa lugar na hindi ko nakita.

Hindi siya hubad dahil may suot pa rin siyang damit na gamit niya sa pagtatrabaho.

Nagkasalisi sila ng landas ni Angelica na naiwang kasama si Alex. Dahil sa aksidenteng napasabog ang isa sa mga nakatambak na liquefied petroleum gas habang naghahabulan ang dalawa ay nagsimula na nga ang sunog.

Akalain mo yun na nakaligtas ang dalawang nagsimula nun? Ewan ko sa kanila kung paano dahil mas binigyang pansin ko ang Nuñez na iyon dahil mautak, e.

In the end, Antonio managed to strangle her before he realized that he didn't want to be arrested. Sinunod naman niya ang payo kong isama nalang ito sa nasusunog na gusali at iyon na nga ang ikinatusta nito.

Walang nakapansin sa kaniya dahil natataranta na ang mga tao noon.

And thus, the unsolved case of Detective Chief De Verra emerged!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro