40. Mourning
"Every man at the bottom of his heart believes that he is a born detective."
‒ John Buchan
-----
Chapter 40:
Mourning
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
Habang nasa sasakyan ay kinuha ko ang selpon at saka isinulat sa aking pribadong blog ang mga bagay na nalaman ko. Madali akong makalimot kaya naman kailangan kong makaisip ng mga bagay na magpapaalala sa akin ng mga ito.
"Let's exchange information," wika niya habang tinatahak namin ang daan papunta sa aming destinasyon.
"Sige."
"So far, what has my Big Sis told you?" tanong niya.
"She told me that John Zamora is thirty-three years old. Isa raw siya sa mga ahente nila na nag-leave noong nanganak ang asawa niya isang buwan na ang nakararaan," sagot ko habang binabasa ang mga isinulat ko sa aking selpon.
Mula sa kaniyang bag ay kinuha niyang muli ang maliit niyang kulay teal na kuwaderno at isa sa kaniyang mga ballpen. "Ano pa?" aniya habang hinahayaan ang mga daliring isulat ang mga sinabi kong mga bagay-bagay rito.
"Ang asawa niya ang huling nakakita sa kaniyang buhay noong nakaraang gabi, alas otso. Ang sabi raw ni John dito ay may pupuntahan daw siyang importante," dagdag ko pa. "Noong nakaraang araw ng madaling araw, natagpuan ang katawan niya sa tabing-ilog malapit sa Leveriza Street."
"Leveriza Street," bulong niya habang sinusulat ang salitang nabanggit.
"Sinabi rin sa akin ng ate mo na ang nakita raw rito ng mga pulis ay hindi naman nakainom ng alak," pagpapatuloy ko. "Hindi raw pagkalunod ang naging dahilan ng pagkamatay niya."
"Uh-huh," aniya na naibalik sa akin ang titig. "Ngayon ay ano naman ang sinabi ng kaibigan mo kanina?"
"Mga bagay na nagpagulo sa akin," sagot ko. "Anyways, before that I visited his wife."
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Baka dumating ang araw na makuha mo na ang ginagawa ko."
"Actually, it was your sister. Siya ang nag-utos sa akin na puntahan ang babae," wika ko.
Napalitan ang kaniyang seryosong ekspresyon ng hindi niya napigilang pagtawa. "Sabi na nga ba," aniya. "Pero sige, balik tayo sa tanong ko kanina."
"Asawa ni John?"
"Oo, malamang," sarkastiko niyang sagot.
Akala ko pa naman ay tinatanong niya ang tungkol sa sinabi ng lalaki sa ilog kanina. Pero sa totoo lang, inihirit ko pa kasi ang tungkol sa asawa, e.
"Okay. It turns out that they live separately," pagpapaliwanag ko. "Hindi ko pa nakikita ang anak nilang sinasabing ipinanganak pa lang."
"Titingnan natin mamaya pagdating natin doon," aniya bago huminto ang aming sasakyan sa unahan ng isang kulay puting van. "Dito muna tayo sa sasakyan. Alright, continue."
"Ayun na nga, dinala na ako sa tabing-ilog ni Kuya at doon ko na nga natagpuan ang lalaking iyon," pagpapatuloy ko pa habang nabaling ang mga mata ko sa maraming tao sa may hindi kalayuan. "At alam mo ba? May pagkakaiba talaga ang mga bagay-bagay, e."
"State them all."
"Sinabi niya na siya ang nakakita sa bangkay ng kaibigan niya. Marami nga raw ang humihingi ng panayam niya, e," sagot ko.
Isang mapaglarong ngiti ang nakita kong naukit sa kaniyang mga labi habang nagsimula na naman siyang magsulat sa kuwarderno.
"Sinabi niya sa akin na hindi raw siya ang pumatay sa kaibigan niya. Yun daw kasi ang sinasabi sa kaniya ng mga tao, e," dagdag ko.
"Siya ang pinaghihinalaan? Pero, isipin mo, bakit hindi siya ang ikinulong?" ang tanong na lamang niya na nagpatahimik sa akin.
Matapos ang ilang minutong pagtitig ko sa kaniya habang siya ay nagsusulat lang ay nabalik na rin ako sa wakas sa daan.
"Anyway, he told me that there's no blood found on John's body. Pareho rin sa sinabi ng pulis ang alam niya: hindi pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay nito," wika ko. "Sabi niya, siya raw ang unang dumating bago ang mga batang tumawag sa pulis."
Nanatili lamang ang ngiti niya habang nagpapatuloy sa ginagawa. Ano kaya ang iniisip nito?
"Sinabi niya rin na noong gabi bago ito mamatay ay nagpunta pa sila sa bar. Magkasama raw silang nag-usap doon pero hindi uminom. Tambayan daw nila iyon, e," pagsasalaysay ko pa. "He said that John wanted to ask his advice for his wife's proposal."
"Premarital," aniya.
"Huh?"
"Nevermind. Ipagpatuloy mo lang," sagot nito.
"Aksidente pa raw ang sinasabing nangyari dahil nakita ang mga senyales na nahulog ito sa rumaragasang tubig noon," dagdag ko.
"Ayon lang?"
"Sinabi rin niya sa akin na sinabihan daw siya ng kaibigan niya na parang palaging may nagmamasid dito. Ayun lang tapos umalis na siya," sagot ko.
"Ang galing din nila, ano?" wika nito kasabay ng pagbaba niya sa hawak-hawak.
"Nino?"
"Ang tungkol sa USB na nawawala, mabuti naman at hindi pa iyon napupunta sa masamang loob," pag-iba niya sa pinag-uusapan. "Kung napasakamay man ito ng ibang tao, malaki ang posibilidad na hindi niya alam kung ano ang hawak-hawak niya."
"Sa tingin mo ba ay nasa dalawang iyon USB?"
"Tara na, Kuya," wika niya na sa muli ay iniwasan ang tanong ko.
"Saan naman? Saan tayo pupunta?" pangatlo kong tanong.
"Sa bahay nung sinabi mong asawa ni John Zamora kahit hindi pa nga kasal ang dalawang iyon," sagot niya.
Napaatras kami kasabay ng sasakyan hanggang sa umikot kami sa kalsada. "Bakit tayo pupunta roon? Para ngang pinapaalis niya ako, e."
Hindi nagtagal ay nakabalik muli kami sa bahay na pinapuntahan sa akin kanina. Wala na roon ang mga basura sa labas at nakasirado na ang kulay pulang pinto.
Bumaba siya sa sasakyan na agad ko namang sinundan bago isirado ang pinto nito. "Baka naman nasa lamay na nga ang babae kanina," sabi ko pa subalit dire-diretso lamang siyang pumunta sa may bintana.
"Iniiwan mo bang nakabukas ang bahay niyo kapag walang tao sa loob?" tanong niya subalit pagtingin ko sa paligid ay sirado naman ang mga bintana.
Itinaas ko pa ang aking mga mata nang malaman kong isa pala itong apartment na may kakaibang estilo — limang palapag.
Kinuha niya ang nakaitaas na hagdan sa labas na nakakonekta sa pader ng gusali at saka rito umakyat.
"Huy, paano kapag may nakakita sa iyo riyan?" tanong ko.
"Relax. Hindi kagaya ng tita mo na bantay-sarado sa atin, ang may-ari ng gusaling ito ay hindi rito nakatira," sabi pa niya at saka na nga sinimulan ang pag-akyat.
Pagdating nito sa ikalawang palapag ay naroon ang pinasukan niyang nakabukas na bintana. Sumunod naman ako at doon ako binati ng isang napakalinis na lugar.
"Bahay ba ito ng asawa? Bakit wala namang mga pambatang bagay rito?" tanong ko.
"Exactly!" sabi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa napatigil siya sa may sahig na may hindi kalayuan sa pinasukan ko.
Napansin ko ang biglaang pagdating ng kaba sa kaniyang mga mata at saka nagsimulang manatili sa kaniyang kinatatayuan na hindi gumagalaw at tanging ang mga mata lamang niya ang pinakawalan sa iba't ibang sulok.
"Anong nangyari? Bakit?"
"Dito niya nga ginawa ang bagay na iyon," dagdag nito at saka umupo nang dahan-dahan sa sahig na mayroong tiles na kulay puti.
"Anong sinasabi mo na naman diyan?" tanong ko. "Alam mo, kung gusto mo ng makakatulong sa iyo, dapat ay–"
"Nandito siya!" pagputol niya.
Isang anino ang nakita kong naglalakad papunta sa amin na bigla na lamang napahinto. Sa may hindi kalayuan ay lumabas ang isang lalaking hindi ko pa noon nakikita na may dala-dalang tasang basang-basa ng tubig.
"Sino kayo?" tanong nito. Mula sa kaniyang likuran ay napaatras siya upang kapain ang kutsilyong nakalagay sa may gilid ng isang chopping board habang nakatutok sa amin ang nanlaking mga mata.
Nanatili lamang sa sahig si Raine at kita ko ang pagdiin niya ng paghawak sa kaniyang bag. Bago pa man makalapit ang lalaki ay naglakad na ako papalapit at saka kinuha ay dart gun ni Raine na dinala ko kung sakaling may mangyaring masama.
"Huwag mo pong susubukan iyan!" wika ko sabay tutok ng baril dito.
Walang ano-ano ay nakita ko ang paglapit nito sa amin habang dinadambahan kami ng isang paring knife. Halos maihagis na niya ang dala papunta kay Raine nang nakita ko na lang ang sarili kong pinatamaan ito sa kaniyang kaliwang kamay na may hawak ng kutsilyo.
I'm quite accustomed to dealing with unsavoury characters, truth be told.
Pagbagsak nito sa lupa ay agad namin itong tinalian sa isang kahoy na upuan sa may kuwarto ring iyon.
"Tatawagan ba natin sina Detective Ferrer?" tanong ko.
"Kapag napaamin na natin siya ng tungkol sa USB," sagot nito at saka na nga muling naglibot.
Mula sa sahig ay naroon ang mga nagkalat na piraso ng nabasag na tasa at saka mayroon ding kakaibang tabletang naroon sa tabi nito.
Hindi nga nagtagal ay naibalik na nga ang malay ng lalaki subalit naroon pa rin ang bahagyang pagkahilo dahil sa nakaturok. "Magandang hapon po," sarkastikong bati ni Raine. "Kumusta naman po ang pagtangkang pagkuha ng USB na kinuha ni John Zamora?"
"Pa- Paano mo iyon nalaman?" tanong nitong pilit na itinututok kay Raine ang kaniyang mga matang medyo pumipikit-pikit pa.
"Oo nga, paano mo iyon nalaman?" pabulong na sambit ko naman sa kasama ko.
"Sinabi sa akin ni–" aniya.
"Sinabi? Pwede ba yun?"
"Fine, I overheard them as they walked past our room. Ako lang kasi ang tao kaya sinira ko ang pinto. Akala siguro ay wala pang tao," sagot nito na nanatiling seryoso.
"Ang aga mo kasing pumasok, e!" ani ko.
"Pero ayun na nga, nalaman ko sa kanila ang mga iyon," wika niya at saka umupo sa sahig habang nakaharap sa lalaki. "Just like when John was still alive, someone brewed him a coffee laced with poison."
"Lumayas nga kayong mga bata kayo!" pilit na sigaw ng lalaki.
"Narinig ko po ang mga sinabi ninyo noong interrogation at sinabi niyo nga po roon na umalis ka sa apartment ng kapatid mo bago pa man ito dumating," pagpapatuloy ni Raine.
Siguro ay pinarinig sa kaniya ng Ate niya o ng kung sino.
"Kapag nakawala ako rito, isinusumpa kong–"
"Bakit?" wika ni Raine. "Bakit niyo po siya pinatay?"
"Wala kayong–" sagot nito na naputol nang itutok kong muli ang dart gun ni Raine sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro