38. The Dawn Comes
"Smile and laughter are always good, but never forget your poker face."
- Kaito Kid
-----
Chapter 38:
The Dawn Comes
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE
"Sa wakas," wika ni Zane kasabay ng pag-unat niya ng kaniyang mga kamay sa itaas habang nasa kotse muli ni Kuya Ron. "Makakatulog na rin nang mahimbing mamaya!"
Nanahimik na lamang kami ni Kuya Ron habang tinitingnan ko ang sasakyan ng pulis na nasa unahan namin. Sa bawat pagpalit ng mga ilaw nito ay hindi ko mapigilang maalala ang kaganapang iyon muli.
"Akalain niyo yun, kalahating araw tayong pagbalik-balik!" dagdag pa niya. "Nakailang gastos ako ngayon!"
Gusto ko sanang patahimikin siya upang manatili ang katahimikan subalit naiintindihan ko namang nasiyahan siya nang dahil sa nakamit namin.
"Around seven hours, to be precise," sambit ko na lamang.
"Darn! Nauuhaw at gutom na gutom na ako!" wika pa nito. "Anong oras na ba, Raine?"
Hindi ko pa rin gustong sumagot subalit sa bawat pagsasalita niya ay mas dumadagdag lang ang inis na hindi ko dapat nararamdaman sa mga pagkakataong iyon.
"Raine?" tanong pa nito.
Sasagot na sana ako nang matigil nang dahil sa pagbukas ng kaniyang selpon. "Alas siete na," aniya. "Pwede nang magbasa sa wakas!"
Patuloy niyang pinapindot ang mga daliri sa kaniyang selpon na para bang nagbigay muli sa kaniya ng kasiyahan matapos ang lahat.
Mabuti pa siya. Mabuti pa siya at madali lang niyang kalimutan ang mga bagay-bagay kahit na gaano kahirap.
.
Makalipas ang ilang segundo ay nakarating na rin kami sa wakas sa presinto matapos ang ilang balik doon.
Nauna na ang mga pulis sa loob kasama na sina Kuya Ron at ang dalawang detective inspector.
Sa coat ni Detective Cruz ay ramdam ko ang isang mabigat na bagay sa kaliwang parte. Pagtingin ko sa loob ay binulaga ako ng isang posas na nakalagay pala roon.
"Nakakagigil ka talaga, Xi Jin! Huwag ka na ngang mang-agaw diyan!" ang biglang sigaw ng kasama kong naiwan sa sasakyan.
Nalipat ang titig niya sa akin nang mapansing narinig ko ang kaniyang sinabi. "Sorry," wika niya.
Binigyan ko na lang siya ng pilit na pagngiti at saka nalipat ang mga mata sa paparating na tao mula sa pasukan.
"Normally, I wouldn't want you meddling in any cases, but now, I'll allow you to listen in on the interrogation," wika ni Detective Cruz.
Aakyat na sana ako sa hagdan papasok nang mapansin kong hindi pa siya umaalis.
"Kasama po si Nuñez?" tanong ng napahinto kong sarili.
Tumango siya at saka nabaling ang atensiyon sa kasamahan kong nakatutok pa rin sa selpon. "Ehem!"
Doon lamang siya natigil sa ginagawa at madaling inilagay sa bulsa ang dala-dalang selpon.
"Po?" tanong niya.
"Sumama ka sa loob," sagot ni Detective Cruz.
"A-Ako po? Bakit?" Sa kaniyang mga mata ay pansin ko ang kaguluhan sa kaniyang isip.
"Inaaresto ka kaya tara na sa loob!" wika ko na lamang upang matigil na siya sa pagsasayang ng oras. Kinuha ko ang posas mula sa aking bulsa at saka pinosasan ang kaniyang kamay.
"Anong-"
Maganda rin naman iyon para hindi malito ang isip niya kung sa selpon nakatutok ang atensiyon.
Pagpasok namin sa loob ay nakabalik na nga kami sa Interrogation Room. Hindi mapigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso na para bang mayroong mangyayari o kung may maririnig akong hindi maganda.
Pagpunta namin sa silid ay hindi na kami pinapasok sa loob ng maliit na kuwartong pinasukan namin kaninang tanghali.
Sa loob ay naroon na si Detective Ferrer. Agad namang sumunod si Detective Cruz sa kaniya na iniwan ako kay Kuya Ron sa may tapat ng one-way glass.
Katulad ng unang pagpunta namin doon ay madilim pa rin ang paligid. Umupo ang dalawa sa harapan ng tinatawag ng mga kasama niyang Alex na nakaposas ang kamay sa likuran nito.
Kita ko sa mga mata nito ang pangamba habang panay ang pag-aalumpihit ng kaniyang paa.
"Mag-umpisa tayo sa pangalan mo," wika ni Detective Cruz sa kaniyang seryosong tono. Inayos niya ang kaniyang upo at saka nilagay ang dalawang kamay na nakaekis sa kahoy na lamesa.
Nanahimik lamang ang lalaki sa kanilang harapan at saka sinagot siya ng nanlilisik na mga mata.
Tumayo si Kuya George at saka bahagyang nilapitan ang lalaki.
"Alam na namin kung sino ka, Alex," ani naman niya. "Ang gusto lang namin ay marinig iyon mula sa iyo."
Alex sighed reluctantly. "Alex," sagot niya. "Alex Bautista."
"Kung ganoon, Alex, alam naming may kinidnap kang apat na tao. Nakaligtas ang tatlo pero nawawala pa rin ang isa," sabi ni Detective Cruz.
"Anong proweba niyo?" tanong lamang nito.
"Nasa comatose stage pa ang tatlong nakaligtas at pinaghahanap pa rin ang isa," sagot ni Detective Ferrer. Kinuha niya mula sa nasa bag na may nakasulat na Evidence ang mga litrato ng mga nakaligtas.
"Kilala mo ba sila?" tanong ni Kuya George.
"Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niyo!" sigaw nito na pilit na nagpumiglas.
Agad na pumuwesto sa likuran niya si Kuya George at tiningnan nang maigi ang kilos nito.
"Sige, Mr. Bautista. Ituloy mo iyan kung gusto mong madagdagan pa ang paratang para sa iyo," babala niya.
Habang nabaling ang tingin ni Alex kay Kuya George ay napansin ko ang kakaibang titig ni Detective Cruz dito na para bang nag-uusap ang dalawa.
"Kung naka-comatose naman pala ang mga taong iyon, paano kayo nakakasiguradong ako ang kumidnap sa kanila?" tanong nito na sa wakas ay kumalma na rin.
"Kahit na ganoon man ang nangyari, mayroon ka pa ring baril na pinagamit mo sa ibang tao at mayroon ka ring hostage sa na sinasabing ikaw ang kumuha sa kaniya, may testigo pa nga," ani Detective Ferrer.
"Sigurado ka ba-"
"Bukod doon, may nakita rin kaming mga droga sa basement ng tinutuluyan niyo," dagdag pa nito. "Sa iyo ba ang mga iyon?"
"Hindi naman ako gumagamit ng sinasabi niyong droga! Kahit na tingnan niyo pa ang mga kinuha niyo sa katawan ko kanina, makikita niyo," sagot lamang nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Detective Cruz. "Alex, napakaimportanteng bagay nito," paalala niya. "Anumang sasabihin mo rito ay maaaring gamitin laban sa iyo sa hukuman."
Nanatili lamang na nakatitig sa kaniya ang lalaking iyon subalit hindi pa rin tinitigil ang paggalaw ng kaniyang paa.
"Ito ang pagkakataon mong ipaliwanag ang panig mo ng kwento," dagdag pa nito. "Pero kailangan mong maging tapat sa amin."
"Wala nga akong alam!" Itinigil ni Alex ang kaniyang ginagawa at saka inilapit ang sarili sa pulis.
"Sa tingin mo ba ay nagsasabi siya ng totoo?" ang biglang tanong sa akin ni Zane.
"Pwede ba, Zane-"
"Tingnan mo kasi na nandiyan yung eye contact, e," pagputol niya.
Hindi ko na lamang ito pinansin at binigyan na lamang siya ng isang pagngiti.
Not all liars have trouble making eye contact. According to what I've read, liars may, in fact, maintain strong eye contact with the person they are deceiving.
"Tinutulungan ka namin, Alex," wika ni Detective Ferrer.
"But we understand; after all, you have the right to remain silent," ani Detective Cruz.
Iniayos ni Alex ang kaniyang pag-upo at saka napakagat ng kaniyang labi.
"Hindi ko..." wika nito.
"He's lying," pabulong na sambit ko kay Zane.
"Hindi ko ginustong mangyari ang bagay na ito," pagpapatuloy ni Alex.
"Kagaya lang ng sinabi ni Ms. Tan," wika ko na lamang sa aking sarili.
Para bang may kung anong gumapang papunta sa aking puso na nagpalamig sa paligid. Sa muli ay naalala ko ang sinabi sa akin ng retiradong pulis na nakasalubong ko noong una.
"Kaya nga maaari mong sabihin sa amin ang mga pangyayari. Magsimula ka sa simula," wika ng napaupo nang si Kuya George. Inekis niya ang kaniyang mga kamay at isinandal ang likod sa upuan.
"Trabaho lang sana ito. Madali lang daw ang lapit ng pera," sagot ng nauutal na si Alex.
Sa wakas! Magsalita ka na!
"Pero... Pero dumating na ang hindi inaasahan," dagdag niya.
"Sino ang nag-hire sa iyo, Alex?" tanong ni Detective Cruz na mas kalmado kaysa sa kasama.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya," sagot nito. "Tinatawag lang namin siyang 'Master.'"
"Kulang pa ang impormasyong iyan, Alex," wika ni Detective Ferrer. "Mayroon ka pa bang puwedeng idagdag na impormasyon?"
"Come on, Alex. Alam kong nagsasabi ka ng totoo," ani Detective Cruz. "Sino ang iba pang kasama sa trabahong iyon?"
Magsalita ka na, Alex!
Pansin ko ang namuong mga luha sa kaniyang mata. Doon ko na lamang nakita ang sarili kong panay ang pagbukas-sira sa aking kanang kamay.
"Ano ba?" Gamit ang kaliwang kamay ay pinigilan ko ang paggalaw nito. Ito naman ang naging dahilan kung bakit natapat na naman sa akin ang mga titig ng dalawa kong kasama.
"Sa tingin niyo ba ay natatakot ako sa inyo?" ang biglang tanong ni Alex na mas pumukaw sa aming atensiyon. "Hindi niyo alam kung sino ang kinakalaban niyo."
"Sino kang Master ka?!" Hindi ko na nga napigilan ang aking sarili.
"Raine, hindi ka niya naririnig," sita ni Zane.
"Alam ko, Zane!" sagot ko. "Ngayon, kung gusto mong alisin ko ang posas mo riyan-" Pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Hindi ko na gustong mag-init pa lalo ang aking loob.
"Marami siyang mata sa paligid. Kung pupuntiryahin niyo ang Master, sisiguraduhin niyang magsisisi kayo!" sigaw nito.
"Is that a threat, Alex?" tanong ni Kuya George na nananatiling seryoso.
Napabuntong hininga ang lalaki at saka nabaling ang tingin sa salaming kinatatayuan namin.
Alam kong kita namin siya pero hindi niya kami nakikita. "Nakikinig ba si De Verra?" tanong nito na binigyan kami ng ngiti na para bang kita niya akong naroon.
"Out of the question, Mr. Bautista," pagputol ni Detective Cruz. "Mas lalo mo bang ididiin ang sarili mo rito?"
"This is not a threat, Detective," sagot nito na nakatingin pa sa akin ng ilang segundo bago ibinalik sa mga pulis na kasama niya sa loob. "It's a warning. You don't know what he's capable of."
"Malalaman din namin ang tungkol diyan." Tumayo muli si Detective Ferrer at saka tinapik ang balikat ni Alex. "Pwede mo kaming tulungan o pwede ka rin namang bumagsak kasama niya. Your choice."
"H-Hindi niyo naiintindihan," wika niyang nakikita na rin sa wakas ang tinatagong takot sa kaniyang boses. "Papatayin niya ako kung... kung magsasalita ako ng laban sa kaniya!"
"Pag-isipan mo na lang ang mga desisyon mo, Alex." Sinenyasan ni Detective Ferrer ang kasamang pulis at saka sila naglakad palayo.
Naiwan sa loob si Alex na kita ko ang tunay na pangamba sa kaniyang mga mata.
Who's your master?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro