33. Chasing Heartbeats
"We do not chase cases. Cases chase us wherever we go."
- Jamie Santiago
-----
Chapter 33:
Chasing Heartbeats
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE
How could the killer be like this? How long has he or she known me? Is he or she responsible for that accident?
"Raine, ewan ko ba kung bakit pero gusto kang kausapin ni Ma'am Cassandra." Sa aking harapan ay dumating si Detective Cruz, ang pulis na ayaw na ayaw na nangingialam ako sa mga bagay-bagay. Unlike Detective Ferrer, she's more strict when it comes to crime scenes and work.
Mula sa waiting area ay tumayo ako mula sa gitna nina Kuya Ron at ang nakatayo sa may gilid na si Zane. Sumabay sa akin si Detective Cruz at saka niya ako sinamahan papunta sa isang maliit na silid.
In front of me lay Ma’am Cassandra, her breathing assisted by an oxygen device connected through a nasal cannula.
A woman likely in her fifties, she appeared older than her missing sister, as suggested by a photograph I had seen in the living room.
May kakaibang amoy kanina sa kaniya na wala sa bahay na iyon — amoy ng bulaklak na jasmine na sa pagkakaalam ko ay madalas makita sa mga taniman sa siyudad o kaya malapit sa mga parke.
Sa kaniyang suot naman na sapatos kanina ay may mga alikabok na maaaring asphalt. Hindi iyon kagaya ng mga purong alikabok sa maliit nilang barangay.
Taga-lungsod siya.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito sa akin na halatang hinahantay ang pagdating ko.
"Lorraine po," sagot ko. Huminto na sana ako matapos makalampas sa pintuan nang naramdaman ko ang paghawak sa aking likuran.
Paglingon ko sa aking kanan ay si Detective Cruz nga iyon na ginamit rin ang kaniyang mga mata upang ipahiwatig na lapitan ko ang babae.
"Narinig ko ang boses kanina sa selpon mo. Kilala mo ba ang lalaking iyon?" tanong niya. Base sa mga datos na nakalagay sa patient's monitor niya ay pansin ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
"Bakit po?" Hinanap ko sana si Detective Cruz upang magbigay ng kaniyang opinyon sa pangyayari subalit paglingon ko ay wala na ito sa silid.
"Para kasing..." wika nito.
"Kumalma lang po kayo," paalala kong kita pa rin ang patuloy na pagbilis ng pagtibok ng kaniyang pulso.
"Yung boses na iyon..."
Para bang tumayo ang mga balahibo sa aking kamay sa aking narinig. Kung ano man ang gusto niyang sabihin ay maaaring isa pa sa mga nagbibigay sa kaniya ng labis na pag-aalala.
"Nurse!" Kahit na nahihiya man ay tinawag ko na lang ang tulong. Hindi ko naman gustong atakihin siya sa puso nang dahil sa kung anong gusto niyang sabihin sa akin.
"Lorraine, i–"
Agad na rumisponde ang dalawang nurse na agad itong inasikaso. "Ma'am, huminga po kayo ng malalim. Kailangan po naming siguraduhin na kalmado kayo," mahinahong ani ng isang nurse.
"Uh, Miss, kailangan niyo po munang lumabas. Kailangan niya po munang kumalma," wika naman ng isa pa na napaharap sa akin.
"Anak ko ang nasa landline na iyon!" sigaw nito bago pa man ako makahakbang palayo sa kaniya.
Para bang kidlat na tumama sa akin ang mga salitang iyon. Rumarami na ang mga makakatulong sa amin sa pagtapos ng larong ito subalit sa kabila naman noon ay mas tumaas din ang bilang ng mga posibleng may pakana ng mga ito.
I enjoyed the cases I handled because of the thrill they brought, and I was pleased to finally have a way to distract myself from the relentless trauma.
However, now I feel it's wrong. I don't want anyone else to get involved. I want this game to end, even if it means sacrificing my own involvement.
"Sabihin mo sa mga pulis na... na iligtas siya a." Hinawakan niya ang aking kamay na para bang ayaw akong bitiwan bago ako sumagot ng oo.
"Ma'am, ginagawa na po ng mga pulis ang lahat para maayos ang nangyayari," pagpapakalma ng naunang nurse.
Napakalma na ang babae kasabay ng pagkatulog nito na hindi naman dahil sa tinurok na anaesthesia kung hindi ay sa maaaring pagod nito. Kasabay ng pagkawala ng kamay niya ang kakaibang kaba sa aking dibdib.
And with a snap of a finger, everything inside me seemed to blur, and whispers began to swirl in my mind like buzzing bees, leaving me frozen in place.
Apat na oras na lang. Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa iyo, sa kaibigan mong sunod-sunuran lang sa iyo, o sa natitira mong mga kapamilya?
Wala kang kuwentang tao, Raine! You were supposed to be one of those family members of yours to fall down and die in a gruesome death back at that time!
You are going to lose everything no matter how hard you try to hide away from Death. It is coming for you soon, Lorraine. The zephyr is–
"Raine?"
You are nothing! Just a timid little girl who is a walking dead. How pathetic you–
"Raine!" Isang pagpalakpak sa harapan ko ang nakapagpagising sa akin.
It was Kuya Ron along with a doctor, and the two of them were staring at me. As I moved, I realized I was lying in a different room.
"Ano pong nangyari?"
"Inatake ka na naman," agad na sagot ng doktor na kilang-kilala ko.
"Talaga namang hindi ka nasa magandang kalagayan para sa kasong ito," ani Kuya Ron habang napahinga na lamang ng malalim.
"Raine, iniinom mo pa–" tanong ng doktor na pinutol ko naman kaagad habang iniuunat paupo ang aking sarili.
"Nasaan po yung isang lalaki?"
"Si Zane?" tanong ni Kuya Ron. "Nandoon siya kala Detective Chavez. Iniinteroga tungkol sa nangyari sa mga kaso niyong hindi niya nabantayan," pabulong nitong dagdag na sinabayan ng kaniyang pagngiting nagpakita sa kaniyang dimple at saka mas nagpasingkit ng kaniyang mga mata.
Sir Ron Lee had been an excellent forensic investigator ever since he started three years ago. Dati siyang isang Chemistry Teacher na-promote bilang kasapi sa Crime Scene Investigation Department. Dahil sa kaniyang galing ay isa na siya ngayong CSI I o ang rankong tinatawag na Entry-Level Investigator.
He's currently the heartthrob of their team, as he resembles a Korean. At just twenty-five years old, he has already achieved significant success in his career.
"Sino iyon? Kaibigan mo ba?" tanong sa akin ng aking doktor.
Doctor Steven Santos had been my therapist for years.
"Hindi ko po alam. Kasama ko lang po sa apartment ko," sagot ko.
"Babae ba ito o lalaki?" tanong pa niya.
"Lalaki po pero alam ko naman pong wala akong pagpipilian," sagot ko pa.
Ever since my elder sister left, my anxiety disorder worsened. Doctor Steven has been my therapist since we moved into Tita Nuñez’s building.
Pinayuhan ako ng doktor ko na kailangan kong magkaroon ng kasama dahil makakatulong ito sa akin. Masaya na sana ako noong papasok na sana roon si Ate Mary, pero hindi naman pala natuloy.
Isang taon akong nakulong sa paghihirap kahit na araw-araw pa mang bumibisita noon si Doctor Steven. When I heard that a new tenant might be moving in, I seized the opportunity immediately.
"Ah, yun sigurong kausap kanina nitong si Ron!" bulalas nito.
"Opo, yun po," pagsang-ayon naman ni Kuya.
"Ito, inumin mo muna para kumalma ka," wika ni Doctor Steven habang inaabot sa akin ang isang maliit na hugis bilog at kulay kahel na tabletas na nakalagay pa sa lagayan nito.
Handa ko na sana itong kunin nang bumalik sa alaala ko ang mga naging epekto ng parehong gamot noon sa akin. "Teka, hindi po ba nakakapagpaantok iyan?" tanong ko.
"Oo, ganun nga," sagot niya.
Mas lalo pang umikot ang napakaraming mga katanungan sa aking isipan nang malapag sa orasan ang aking mga mata. Magtatatlong oras na lang! Mas malala kung may susunod pa ito at saka bawasan pa ng kidnapper na iyon ang oras.
Itinayo ko ang aking katawan at saka inayos ang pagkakaputos ng naka-pony tail kong buhok. "Raine, kailangan mong magpahinga," payo pa ni Doctor Steven.
Naglakad na ako papunta sa pintuan ng silid nang mahuli ng mga salitang iyon ang aking atensiyon. Nakaukit sa aking isipan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya subalit wala akong lakas ng loob na magsalita.
Kung magpapahinga naman po ako ay mas tumatambak ang mga iniisip ko, hindi po ba?
Hindi po ako pinapatahimik ng isip ko kapag wala akong ginagawa at alam po iyan ni Detective Ferrer at ng iba pang pulis na nakasalamuha ko na dahil sa kagustuhan ng isip kong maghanap ng mga makakapagbigay ng hustisya kala Mom at Dad.
Huminga na lamang ako ng malalim at saka humarap sa kanila. Magsasalita na sana ako nang muling mag-ring ang aking selpon.
Unknown number. Kaparehong number sa mga naunang hostage ang nagpakita sa screen. Answer.
"Hello? Hello, ikaw ba ang pinapakausap nung taong iyon?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig kong muli ang boses kanina — dati ay kalmado subalit ngayon ay mistula bang nagmamadali.
"Kuya, naka-record pa po ba ito?" pabulong kong tanong sa napatayo ring si Kuya Ron.
"Yup!" pabulong naman niyang sagot.
"Ako po? Sino po ang nagsasalita?"
"Ramdam kong umalis ang nagbabantay sa akin saglit kaya nandito ako para hindi na magsayang pa ng oras," wika nito. Rinig na rinig ko ang kabog sa aking dibdib at kita ang kaunting panginginig ng aking kamay na may hawak sa selpon.
"Kumalma lang po kayo. Baka kapag nalaman po niya ay kung ano ang gawin–"
"Miss Lorraine, kinukulong nila kami sa isang madilim na silid at pinapapili kami kung paano namin gustong mamatay," sagot nito.
"Sir, huminahon po kayo. Delikado–" Kahit ano pang subok ko ritong tumigil ay para bang determinado siya sa kaniyang ginagawa. "Huwag ka pong magsasabi ng kahit ano tungkol sa taong iyon!"
Papatayin ko na sana ang kaniyang pagtawag nang muli itong magsalita. "Alam ko na ang mangyayari sa akin dahil pinili kong mabaril sa puso mamaya!" pagdiin nito. "Dalawa sila sa kuwartong ito kanina — ang taong iyon at saka ang sniper niyang naiwan para magbantay."
Napapikit na lamang ako, walang magagawa sa kung anong desisyon ang napili niya. "Yung kidnapper..." Isang misteryosong pagkaputol ng kaniyang salita ang mas nagpababa pa sa aking loob.
"Sir?"
"... napaka– amo ng boses ni—"
Beep!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro