32. Race of Time
" I have not lived for years with Sherlock Holmes for nothing."
- Dr. John H. Watson
-----
Chapter 32:
Race of Time
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
"That's... weird," sambit ko na lamang. "Bakit niya iyon sasabihin na lang?"
"Could be a trap or something more obvious," sagot niya.
"What do you mean?" tanong ko rito.
Why would the kidnapper say he won't interfere with our class schedule tomorrow? I have a dreadful feeling about this.
Nabaling ang atensiyon niya sa aking likuran. Pagharap ko rito ay naroon si Officer Lee.
"Raine, it turns out that you're right. Kakabisita lang ni Ma'am Cassandra kaninang gabi sa kapatid niyang si Ma'am Angelica. "Ini-interview na siya ngayon. Gusto mong marinig?"
We went nearer to the door where we saw some police officers who arrived.
"Sinabi ko naman nga po na hindi ko alam kung nasaan siya," pagpupumilit nito. Kita ko sa kaniyang mata ang kakaibang takot na nadarama.
Dire-diretso lamang na naglakad si Raine sa paligid na parang may kung anong tinitingnan. Kasama niya si Officer Lee at mukhang nagkakaintindihan sila sa bawat tingin. Sinuot nila ang kanilang gloves at saka footsacks.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko na hinabol na lang sila.
Mula sa kaniyang bulsa ay binigyan din ako ni Officer Lee ng mga iyon na agad ko namang sinuot bago pa man kami makapasok.
Pag-alis namin sa sala ay nakita namin ang malaking kusina. Pagbukas ni Raine ng refrigerator at ng mga kabinet ay mayroong mga pagkain dito.
Sa may labas naman ng bintanang kita sa may likurang parte ng malaking bahay na iyon ay mayroong isang malawak na taniman.
Abala kami sa pagtingin-tingin sa mga silid nang bigla na lamang akong nakaramdam ng paghawak sa aking likuran.
"May I ask what are you three doing here?" Paglingon ko ay naroon ang isa sa mga pulis na naroon sa labas kanina. Sa kaniyang vest ay nakalagay ang kaniyang badge na may nakasulat na Detective Inspector Cruz.
"Sorry, Ma'am," wika ni Officer Lee na napakagat ng labi.
"Ron Lee, kung ganoon ay ikaw na pala ang bagong kasa-kasama ng Raine na ito, a," sambit pa nito.
"Hindi lang po siya," mahinang biro ni Raine.
Matapos malipat ang tingin nito kay Raine na pinipigilan ang pagngiti kagaya ni Officer Lee ay nabaling naman iyon sa akin. "At sino ka naman?"
"Zane Nuñez po," mahina ko namang sagot.
"Nakatira ka ba sa lugar na ito? Bakit nandito ka at kasama ang dalawang ito sa pangangalikot?" tanong pa nito.
"Hindi naman po kami pulis, Ma'am," magalang na paliwanag ng kasama ni Raine.
What? He’s not a police officer? I’ve been addressing him as Officer Lee all day!
"Kami po kasi ang unang kinausap ni Mrs. Cassandra kaya po naisipan na lang naming tumulong sa kaniya," dagdag pa nito.
"Kung ganoon ay sige na. Kami na ang bahala rito," wika nito.
"We're actually on a case right now, Ma'am," pagpapaliwanag pa ni Kuya Ron. "Siguro po ay nasambit na sa inyo ni Detective Inspector Ferrer ang nangyayari ngayon kay Lorraine de Verra at kay Zane Nuñez, hindi po ba?"
Napabuntong-hininga ang babae at saka inekis ang kaniyang mga kamay habang nakatingin sa amin. "Narinig ko," sagot nito. "Pero–"
Isa na namang pagtawag ang dumating sa selpon ni Raine.
"Iyan na naman ba?" tanong dito ni Kuya Ron na sinagot naman nito ng pagtango.
"Did you already trace the caller?" wika naman ni Detective Cruz.
"Ginawa ko na po pero hindi ko mahanap ang tunay niyang lokasyon," sagot ni Kuya Ron.
If he's not part of the police force, then how come he's authorized to solve a case? Is he like Raine?
"Mukhang nakahanap ka na naman ng... kakampi mo," wika ng bagong boses na nasa selpon. Hindi kagaya ng mga nauna ay mas kalamado itong magsalita.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Sino na naman ang bagong lalaking na-hostage?
Sinenyasan ni Detective Cruz ang mga taong hinaan ang kani-kanilang mga boses.
"Pinalaya ko na ang babaeng nauna," dagdag pa nito.
"Pinalaya? Bakit? Anong nasagot sa laro mo?" tanong ni Raine.
"Magaling dahil hindi ka pinaalis diyan kahit na tumawag ka pa ng mga pulis," sagot nito.
Nagtagpo ang mga tingin nina Raine at Detective Cruz na para bang alam nila ang ibig nitong sabihin.
"Kagaya ng dati, buhay kapalit ng pagtapos mo ng laro ko," dagdag pa nito.
"Hindi ko naman sinulat sa website ko ang nangyari, hindi ba? Paano mo ito nalaman?" tanong pa ni Raine.
"Sinabi ko na sa iyo ang sagot," wika nito.
"Sagot saan?" tanong pa ni Raine.
"Limang oras na lang, Lorraine de Verra. Limang oras para masagot mo ang bugtong," sagot nito.
Isang bagay ang muntik nang tumama sa akin ang lumipad galing sa bintana. Nahulog ito noong nakatama sa isang aparador na nakadikit sa pader.
Beep!
Pinulot ito ni Kuya Ron na pinakamalapit dito at saka kami binati ng panibagong kulay pulang sobre na tiniklop bilang isang eroplanong papel.
Pagbukas niya nito ay naroon na naman ang litrato kung saan naroon ang isang babaeng nakaupo at walang malay. Nakasandal ito sa isang pader sa isang medyo madilim na lugar.
"Sergeant Chavez, ikaw na ang bahala sa hostage," wika ni Detective Cruz sa kasamahan niya kasabay ng pag-abot ng litratong iyon. Sumunod naman ang kaniyang tinawag at agad na lumabas ng bahay.
"May report na po ba kung ano ang nangyari sa nauna?" tanong ni Kuya Ron.
"Nasa ospital siya ngayon at wala raw maalala tungkol sa pangyayari," sagot nito.
"Litrato ng isang buwan," wika ni Kuya Ron. Ipinakita niya ang kaniyang hawak-hawak at saka namin nakita ang isang litratong tinupi kanina. Bilog na buwan lamang ito na kinunan sa langit gamit ang isang malinaw na kamera.
"May gusto talaga siyang ipahiwatig na tungkol sa buwan," dinig kong sambit ni Raine.
Ano kaya iyon? Tapos na ba ang kidnapper sa kaso ng Mama ko?
"Kagaya nga po ng sabi ko, hindi po nakatira rito si Ma'am Cassandra," wika pa nito kasabay ng pag-ayos niya sa kaniyang gloves.
"Sinabi nga sa akin ni Sergeant Chavez kanina na sinabi sa kaniya ni Ron," sagot ni Detective Cruz. "Narinig mo lang ang sinabi niya kanina–"
"–pero hindi pa namin alam kung totoo iyon," pagputol ni Kuya Ron.
"For starters, the food. There's far too much here for one person, especially someone supposedly locked in and under duress," pagsisimula na naman ni Raine. "Maayos na nakalagay ang bawat gamit, hindi kagaya ng naiisip niyong tinitirhan ng isang baliw, kagaya ng sabi niya po kanina."
"I'm listening," wika ni Detective Cruz.
Naglakad kami malapit sa bintana kung saan itinuro ni Raine ang taniman.
"Maraming tinanim ang naroon sa garden niya. Napansin ko lang kanina sa gate ng bahay na mataas ito kagaya ng mga pader na nakapalibot. Mas mataas ito kumpara sa nasa litratong binigay nung kidnapper," pagpapaliwanag pa niya. "Kung may sira talaga sa utak ang nakatira rito, baka naman may pumupunta rito para sa kaniya — siya po iyon."
Naglakad naman kami sa sala kung saan naroon ang mga nag-i-interview. Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ng babae na para bang totoo naman ang sinasabi nito.
"Tingnan niyo po yung mga gamit sa bahay – walang halos gumamit nito kamakailan. Halos walang alikabok, parang hindi gaanong ginagalaw," dagdag pa nito. "Si Ma'am Cassandra lang po ang pumupunta dito, siguro para magdala ng pagkain at bantayan ang kapatid niya. Kaya naman puno ng pagkain ang bahay pero halos wala pong nagbabago."
"That makes sense," wika ni Detective Cruz. "Pero bakit naman hindi niya nilipat sa mental hospital ang kapatid niya?"
Base sa kaniyang ekspresyon ay para bang sinusubukan nito si Raine na sinagot naman siya ng isang pagngisi.
"Dahil naniniwala po si Ma'am Cassandra na ang pagpapanatili ng kapatid niya rito, sa lugar na pamilyar sa kaniya, ay magiging mas kaunti ang pagdududa at mas madali po niya itong kontrolin," sagot ni Raine. "Siguro po ay iniisip niya na hindi sila mahahanap ng banta rito."
Nalipat ang tingin ni Detective Cruz sa umiiyak na babae. "Naiintindihan namin na mahirap ito, pero kailangan naming mahanap ang kapatid mo," wika niya. "May alam ka ba kung ano ang nangyari? Bakit siya umalis?"
Pansin ko ang pilit na pagkagat ni Ma'am Cassandra sa kanyang labi, kabado habang nagmamasid sa paligid ng silid. Malaki ang posibilidad na alam niya ang mga panganib na haharapin ng kaniyang kapatid kung sakaling malaman ng sinasabing banta ni Raine ang tungkol doon.
"May... May alam siya tungkol sa sunog na nangyari," sagot nito na patuloy lamang sa paghikbi.
"Sunog? Saan po?" Hindi ko na nga napigilan ang aking sarili.
"Nakita niya ang isang bagay, isang mapanganib na bagay. Binantaan nila siya, sinabi nilang papatayin nila kung magsasalita ito," dagdag pa nito. "Sinubukan kong protektahan siya kaya ko kinulong dito, pero nakahanap siya ng paraan para makatakas."
"Kilala mo ba kung sino ang nagbabanta sa kaniya, Cassandra?" tanong pa ni Detective Cruz.
"Hindi ko alam," sagot nito. "Tinawagan nila ako at saka ako sinabihang patahimikin siya. Kung hindi ko raw iyon gagawin ay sila ang gagawa ng bagay na iyon."
Those words sent shivers down my spine. Maaaring ang may kasalanan nito ay ang tumatawag din kay Raine. Maaaring may kinalaman pa rin ito sa kaso ni Mama.
"Natakot ako. Hindi ko kayang patayin ang kapatid ko kaya kinulong ko na lang siya sa dati kong bahay na ito," sagot pa nito.
"Nandito kami para tulungan ka, Miss Cassandra," wika rito ni Detective Cruz. "Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para hanapin si Angelica at panatilihin itong ligtas. Pero kailangan namin ng anumang impormasyon na maari mong ibigay sa amin.
Huminga siya ng malalim, sinusubukang tipunin ang kanyang mga iniisip.
"Mayroon siyang isang journal. Mayroon doon lahat ng alam niya tungkol sa sunog, sa mga banta, lahat ng iyon," sagot nito. "Dinala niya iyon kasama niya. Kapag natagpuan ninyo siya, matatagpuan ninyo ang katotohanan."
"Salamat, Cassandra," wika pa ng pulis. "Sisimulan agad namin ang paghahanap kay Angelica."
Hindi pa nga kami nakakaalis nang bigla na lamang itong bumagsak na sahig at nawalan ng malay.
"Medic!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro