Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29. Enclosed Linkages

"There is always only one truth! 真 しん 実 じつ はいつもひとつ! "

- Conan Edogawa

-----

Chapter 29:
Enclosed Linkages

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Alam mo namang hindi ako magaling diyan, e," pabulong kong reklamo rito.

"Sige lang. May kakausapin lang ako," wika nito na lumabas muna sa silid dala-dala ang nagri-ring na selpon.

Sino na naman kaya ang tumawag doon?

Pero nang dahil sa naroon sa website niya ang kaniyang number para sa paglutas ng mga kaso ay maaaring isang kliyente iyon.

Naupo na lamang ako at saka tiningnan ang maaaring pagkakapareho ng nasa lumang litrato at ng damit.

Sinuot ko ang isang pares ng surgical gloves at saka na ito hinawakan na nagbigay ng dahilan upang lumipad ang mga alikabok papunta sa ilong ko.

Achoo!

"Sorry po." Nakita ko ang ilan sa mga taong naroon na napatingin sa akin subalit hindi ko na nakita si Samantha.

"Kagaya ng sabi ko kanina: silk and chiffon. Tama si Raine na pwedeng-pwede ito sa paiba-ibang temperatura," sambit ko sa aking sarili na binalik na ang pokus sa ginagawa.

࿐ ࿔*:・゚

Matapos ang pabalik-balik na pagtingin sa dalawa ay dumating na rin sa wakas si Raine. "Sinong kausap mo?" tanong ko.

"Bakit naman kailangan mong malaman kung sino ang tumawag sa akin?" tanong nito.

"Uh, perhaps because we've been receiving phone calls from anonymous people?" sarkastiko kong tanong.

Napabuntong-hininga na lamang ito. "Si Ate," sagot niya na nakasimangot. "Naghahanap ng update sa pinapahanap niya."

"May assignment pa tayo sa Inorganic Chemistry, paano na iyan?" bulong ko sa aking sarili.

"Ano na nga pala ang napansin mo?" tanong niya na napatingin sa hawak-hawak kong damit na nilagay ko sa harapan ng isang microscope.

"Well, this dress appears to be handmade," sagot ko. "Yung pagkakatahi, hindi pantay sa ibang lugar, at may mga kaunting pagkakaiba sa tekstura ng tela."

Tumango lamang ito sa akin na para bang kakaiba mula sa madalas niyang ginagawa sa akin.

"Ipagpatuloy ko pa ba... kasi hindi ko alam kung tama–"

"Sige lang."

"At saka tingnan mo itong nasa parteng ibaba ng hanggang tuhod na damit. May mga konting dumi lang, pero sa kabuuan, mukhang bago pa rin naman."

"Putik ang dahilan ng duming iyan," sagot niya. "Mukhang matagal na 'yan sa mantel, mga limang taon na siguro ang nakararaan."

"Limang taon na? Paano mo nalaman?"

"Yung dumi na nakakapit sa tela, nagresulta iyon sa pagkupas ng kulay sa mga parteng nalagyan ng putik. Mantsa na ito at isa lang sa mga nagsasabi na matagal na iyan," sagot niya. "Pero kahit na luma pa ang damit ay nanatili pa rin itong bago. Walang mga amag kaya hindi talaga ito nalabas sa loob ng kartong iyan."

Sa muli ay naramdaman ko ang pagkurot sa aking ilong. Achoo!

"Allergic ka sa alikabok?" tanong ni Raine na winasiwas ang kamay sa ere.

"Hindi naman," sagot ko. Achoo!

"So, it's an older dress that's been preserved well?" bulalas ko matapos pahirin ang labas ng aking ilong. "Pareho ba talaga iyan ng nasa litrato?"

"Mataas ang posibilidad pero ang tanong ay kung sino ang nagsuot nito," sagot ni Raine. "At kung bakit ba ito pinapalutas sa akin ng misteryosong taong iyon."

"Weird!" Pagbaliktad ko sa damit ay binulaga ako ng mga kakaibang maliliit na bagay na nakakapit sa ibaba ng damit.

Kinuha ni Raine ang isang magnifying glass mula sa lamesa at itinapat iyon sa mga nakakapit na iyon. "Alikabok na sinabayan pa ng mga Bidens alba."

"Bidens alba?" pag-ulit ko. "Do you mean Spanish needle plant?"

"Butterfly needles, spanish needles, beggarticks, or shepherd's needles," sagot niya. "Kakaunti lang naman ang alikabok dahil maalaga sa gamit ang Tita mo pero nagkaroon ka ng allergic reaction."

"Inaamin kong may allergy nga ako sa tanim na sinasabi mo pero sabi mo nga ay limang taon na ang nakararaan. Paanong nandiyan pa rin iyan?" tanong ko.

"Pamilyar ka ba sa mga bulaklak na iniipit sa mga journal?" wika nito.

"Oo naman," sagot ko. "According to what I knew, it can endure for decades with proper care."

"According to what you know," pagsambit na naman nito.

"Raine, bakit ba? Kahapon ka pang ganiyan sa grammar ko." Seryoso ang usapan namin subalit hindi ko alam kung bakit napakalaking bagay sa kaniya ang pagsasalita ko.

"Sorry," wika niya. "May nakapagsabi lang kasi sa akin na halata raw na hindi ako fluent magsalita ng Ingles."

Seriously? Ayos naman ang pagsasalita niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa akin niya binabaling–

Kung gagatungan ko pa siya ay baka matagalan pa kami.

"Anyways, according to what I know, a pressed flower or plant can endure for decades with proper care," pagpapatuloy ko. "Pero pressed plant iyon sa journal samantalang ito naman ay nakakabit sa isang lumang damit."

Achoo!

"What if it was properly pressed and cared? Kagaya ng damit na binigay sa iyo ni Ate Mary ay may sentimental value rin kay Tita Nuñez ang damit na iyan sa kaniya!" bulalas ni Raine.

"Pero bakit may allergic reaction pa rin ako doon?"

"That's just a mild reaction. Gusto mo bang humanap ako ng kakapitas pa lang para malaman natin ang pagkakaiba ng mga epekto?" pagbalik na naman nito sa akin ng katanungan ko.

"Nevermind."

"In conclusion, what do you think happened?" dagdag pa niya na para bang may itinatagong ngiti sa kaniyang mukha.

"Kung babasehan ang putik at ang tinanim na nakakapit sa damit ay maaaring hindi ito nilabahan noong binigay kay Tita," wika ko.

"Pero bakit?" dagdag pa niya.

Nagsisimula na akong kabahang muli nang dahil sa kaniyang ekspresyon. "Bakit?" Tiningnan ko ulit ang damit subalit wala namang iba pang kakaiba rito.

Achoo!

"Sige na nga, lumayo ka na riyan. Naiistorbo mo sila sa paghatsing mo," wika nito sa akin na sinunod ko naman.

"Okay? What do you mean by why?"

"Sabi ni Tita Clara ay binigay iyon sa kaniya ng Papa mo, pero hindi naalis ang mga natirang bagay sa damit," pagpapaliwanag ni Raine. "Kasamang binigay sa kaniya ang karton na iyon at ang mga damit pang nasa loob."

Tiningnan ko ang iba pang damit na naroon at may tatlo pang naroon. Pagkuha ko ng nasa pinakadulo ay may kung anong damdaming yumakap sa akin.

"Zane," wika sa akin ni Raine na nawala na ang itinatagong pagngiti. "It was meant to be that way."

Mayroong isang papel na nakalukot sa ibaba. The white color seemed to fade to brown, and I felt the crispness as I opened it up.

Serafina Nuñez.

It felt as though the sky and earth had collapsed upon me when I saw the handwriting of my Mama — my real mother.

"Those clothes, especially that red one, are special for your Papa. He simply couldn't bear to see them because of the memories they carried, so he entrusted them to the most careful and reliable person he knew — your aunt," malumanay na pagpapaliwanag ni Raine.

Nanlaki ang mga mata ko at para bang tumigil ang aking paghinga.

"Zane, anong... anong nangyari sa Mama mo?" tanong pa niya.

࿐ ࿔*:・゚

Limang taon na ang nakararaan noong namatay si Mom. Nagkaroon ng pagsabog sa pinagtatrabahuhan niyang pagawaan ng damit at isa siya sa mga napuruhan.

Nakatira pa kami noon sa lungsod at ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaban sa mga mapang-abusong tao sa buhay ko.

Nasunog ang katawan ng ilan sa mga naroon subalit gamit ang DNA at ang mga pagsusuri ng mga doktor ay nalaman naming siya ang isa sa mga biktima.

࿐ ࿔*:・゚

"Kailan iyon naganap?" tanong ni Raine.

"February 1, 2018," sagot ko.

"Sampung araw bago ang nangyaring iyon." Narinig kong sinambit niya sa kaniyang sarili. "Sige, ano pa ang nangyari?"

Hindi ko lubos na maunawaan ang ibig niyang sabihin, ngunit sa pagkakatanda ko mula sa mga balitang nabasa ko sa internet, nangyari ang trahedya sa pamilya niya noong February 11.

࿐ ࿔*:・゚

Dumating si Detective William de Verra, isa sa mga humawak ng kaso. Si Papa lang ang kinausap niya, kaya't ang ama ko na lang ang nagpaliwanag sa amin ni Ate ng mga nangyari.

Sinabi ni Papa na ayos na raw at magiging ayos lang ang lahat. Ayun lang.

Sa ngayon, hindi pa rin nalulutas ang kaso. Akala ko, kapag mahahanap ko si Detective De Verra, makukuha ko na ang hustisyang matagal ko nang hinahanap para kay Mama.

Ngayong wala na siya, ano pa kaya ang punto ko upang tulungan ang kaniyang pamilya? Sa kabila ng lahat, nananatili pa rin ang pagnanais kong malaman ang katotohanan.

Kahit na ganoon, tinulungan pa rin nila kaming magkaroon ng bagong buhay sa probinsya at pinakulong din ang mga nanakot noon sa pamilya ko at sa akin.


Nasaksihan ko ang galing ni Raine kaya mayroon pang pag-asang matulungan niya ako. Iyon na ata ang susi na hinahanap-hanap ng aking puso mula sa kaniya.

࿐ ࿔*:・゚

"Magaling, nalutas na natin ang kasong sinasabi niya!" bulalas ni Raine.

"E, ano naman ang ibig sabihin ng bagay na iyan? Anong kinalaman niyan kay Mama?" tanong ko habang ibinabalik na niya ang mga bagay sa karton kasama na ang sulat ni Mom.

"What do you mean? Nalaman na natin kung sino ang may-ari ng damit na iyan–"

"Kung ganoon ay sinasabi mo bang tapos na ang kaso? Tapos na ba ang sinasabing laro ng kalaro mo?" tanong ko pa.

Para na akong baliw dahil sa halo-halong emosyong namuo sa aking isipan. Galit ako dahil nadamay pa rito si Mama, natatakot dahil hindi ko alam kung ano pa ang maaaring mangyari, at masaya rin dahil sa wakas ay ito na mismo ang lumapit kay Raine.

"Kailangan ko munang gumawa ng kuwento," sagot niya.

"Kuwento? May buhay na nakasalalay rito."

"Sinabi sa akin ng retiradong pulis na iyon na isa sa mga mambabasa ko ang nagsabi sa kaniyang magiging sagabal ako sa kaniya," dagdag pa ni Raine.

"Kung sabagay ay baka marami na ngang nagbabasa sa iyo," sambit ko na lamang. Even though I know that I'm the only one reacting to her blog posts.

"He took my attention through sending a warning while I'll take his through sending him an answer that he wants."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro