23. She
"You're the good in me even if I'm bad but still you're the man I never had"
- Marion Valdez, Detective Files
-----
Chapter 23:
She
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
My eyes widened at what she said. So, she scared me with her own sister?
"Another promotion, I presume," wika rito ni Raine na para bang wala siyang interes sa kausap.
"Oo, pero hindi lang dito," sagot naman ng kasama nito.
"Magkapatid kayo? Kapatid mo siya, Raine?!"
"Sa kasamaang palad, oo," sagot ni Raine.
"Akala ko isa siyang–"
"Isang ano?" tanong pa niya.
"Isang?" wika naman ng sinasabi niyang kapatid niyang nabaling ang tingin sa akin.
"Akala ko, gusto niya akong mag-spy sa mga kinikilos mo," sagot ko na pilit kinokontrol ang mga bagay sa isipan kong gustong lumabas. "Ang buong akala ko ay masama siyang tao!"
"She could be one if you'll think about her being one," sagot ni Raine.
"Ah! Isa palang kabadong tao ang napili mong kasama sa apartment mo. Kaya pala hindi ka kinakabahan sa kaniya," sambit ng tinawag nitong Elizabeth. Sa kaniyang kaliwang bahagi ay naroon ang itim na sasakyang nagpasakay sa akin pauwi. "Buti naman at wala kayong pasok bukas."
"Wala po?" tanong ko.
"Hantayin niyo na lang maya-maya ang memorandum. Mabuti pa ay sa loob na lang tayo mag-usap," dagdag pa niya.
Lumabas mula sa sasakyan ang lalaking humatid sa akin noon at saka binuksan ang pinto ng kotse para sa amin. Nauna si Elizabeth sa katabi ng drayber samantalang pinauna naman ako ni Raine sa may parteng likuran katabi niya.
As soon as Raine closed the door, I felt the car start moving slowly.
"Anyways, I'm not a criminal, Mr. Nuñez," pagpapatuloy ni Elizabeth. "Mataas ang posisyon ko sa gobyerno at hinding-hindi ako gagawa ng kung ano-anong bagay na walang silbi at makakasira sa reputasyon ko."
Sa kaniyang pagsasalita ay naalala ko na lamang si Raine. Magkapatid nga sila talaga.
"International agencies," wika naman ni Raine. "Marami pa iyang trabaho bukod sa pagiging kasapi ng NBI."
"Noong sinabi mong palagi kang nakatingin, totoo iyon?" tanong ko.
"Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganiyan? Well, you are the youngest child after all," wika nito na napatingin sa amin sa pamamagitan ng salamin ng kotse.
"Totoo rin ba iyong parang naiinis ka kay Raine dahil magkokolehiyo na siya, pero dahil sa pinaggagawa niya, baka masira ang mga pinaghirapan niya?" tanong ko pa.
"Oo naman! Ayokong masayang ang mga pinaghirapan namin nila Mom at Dad para lang masunod ang sinasabi sa kaniya ng utak niyang gawin," sagot ni Elizabeth.
"Ayan ka na naman." Narinig kong bulong ni Raine sa sarili habang nakatingin sa kapatid.
"Masanay ka na sa kaniya. Dala lang iyan ng nangyari noong nawala sina Mom at Dad," pag-uumpisa ni Elizabeth.
Para bang natunaw ang aking puso nang marinig ko ang mga bagay na iyon. Kaya naman pala ganoon kalamig ang puso ni Raine.
"Sorry," wika ko.
Ngayon ay mas lumilinaw na ang lahat sa akin. "And about the scholarship, I guess it's a yes," dagdag pa niya. "Nakatulong ang pag-reply mo sa mensahe ko sa iyo kahapon. Nang dahil iyon ay na-trace ng mga kasamahan ko ang plano ni Alexa."
"Actually, it's Raine's idea," wika ko.
"But you still took her manipulation and that is why you deserve your first pay," sagot niya. Mula sa aking unahan ay iniabot niya sa akin ang sobreng tinanggihan ko noon nang dahil sa takot.
Pagkakuha ay ramdam kong makapal-kapal ito. Ilalagay ko na sana ito sa aking bulsa nang may kumalabit sa aking braso. "Puwede mo na ba akong bayaran?" tanong ni Raine.
Napaisip ako nang saglit sa kung ilan ang ibabayad ko rito bago ko siya binigyan ng bagong dalawang daan galing sa marami pang isang daang piso na nakita ko sa loob.
"Thanks," wika nito bago ilagay ang pera sa bulsa.
"Akala ko ba ay mayaman ka raw sabi ni Ate," pabulong kong tanong dito.
Napakunot ang noo nito kasabay ng pagharap sa akin. "Anong mayaman? Akala niyo lang iyon!" sagot nito.
"Okay, sorry na," wika ko. "Sabi lang kasi ni Ate."
"Oo nga pala, nandoon na ang Ate mo sa gusali ni Tita," sambit ni Raine.
"Ako nga pala ang nagbabayad ng tubig at refrigerator doon kaya siguro ganoon ang sinasabi nila," pagsingit ni Elizabeth.
"O baka dahil sa tuwing kaarawan ko, pasko, at bagong taon ay may padala kang mga handaan sa loob ng apartment ko," pagputol ni Raine na para bang naiinis. "Nakikita ang mga kasamahan mo ng mga nakatira roon, baka hindi mo alam."
"Bumibisita lang ako sa dati nating tinitirhan," wika ni Elizabeth na nasundan ng katahimikan at ng paghinto dahil sa trapiko.
Ilang minuto ang nakaraan noong sa wakas ay nakaandar muli kami. Abala ang aking mga mata sa pagtingin ng mga bagay-bagay sa labas ng salamin nang nakuha ang atensiyon ko ng pagtawa ni Raine.
"Anong nangyari sa iyo?" tanong ko. Nasira na ata ang ulo niya dahil sa nangyari. Pero bakit siya ang nabaliw kung kami ni Aliza ang muntik nang barilin kanina.
"Alam kong ikaw ang kumausap kay Zane kaya sinadya kong sabihin ang pupuntahan naming apartment. Hindi ko makausap si Detective Ferrer kaya hinayaan ko nang ikaw na lang ang gamitin ko para makompirma ang hinala ko," pagpapaliwanag nito sa kapatid.
"Paano mo naman pala nalaman na doon kami dinala nung babae? Anong nangyari sa'yo nung nag-brown–" tanong ko. "Anong nangyari sa'yo nung nagka-power interruption?"
"May kaunti pang liwanag noon sa labas kaya nakita ko pa ang pagpasok at paglabas ni Ms. Alexa. Kagaya ng ginawa nito sa dalawa niya pang kapatid, kinuha rin si Manong at dinala sa Estrada Street," sagot ni Raine.
"Hindi ba ay malayo 'yon sa atin? Kaya pala ang tagal mong dumating," wika ko.
"Alam mo bang isa sa mga mambabasa ko ang nagsabi na para ka raw babae? Napakakulit kasi," pagputol nito sa akin.
"Anong–" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Tama na! Balik sa kinukuwento ko, lumabas na nga ako doon sa restawran at saka natagalan lang dahil sa paghihintay ng taxi sabayan pa ng traffic dahil rush hour," pagpapatuloy nito. "That was when I realized the taxi driver was one of my sister’s agents. Pagdating namin doon sa kinaroroonan niyo ay inuna muna naming pakawalan ang mga bihag."
"Kita mo na, Zane?" pagsabat ni Elizabeth. "Kung walang magbabantay sa babaeng iyan, baka kung ano na ang nangyari sa kaniya."
"The cause of her actions is due to family issues, particularly the last will of testament she mentioned earlier," wika ni Raine na nilakasan nang bahagya ang boses. "Sī jiā lì nǚshì."
"Ang ingay mo na naman," reklamo ng Ate nito.
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Paglingon ko sa may bintana sa parteng inuupuan ni Raine ay nakabalik na nga kami sa gusali.
"Spot you later, little sissy," wika sa amin ni Elizabeth bago pa man kami makapasok sa entrance ng gusali.
"Catch me if you can, big sis," sagot naman nito.
Pagkapasok namin sa loob ay wala na ang mga tao kanina sa common room, sa halip ay napalitan ito ng tatlong lalaking naglalaro ng chess.
Pagdating namin sa pasilyo sa B floor ay randam ko ang katahimikan ng paligid. Pagtingin ko sa mga bintanang nadaanan namin ay nagdagsaan na ang mga sasakyan sa mga kalsada — oras na nga para magpahinga.
Pagdating sa apartment ay dumiretso na ako sa kusina. When I opened the pots, I realized we hadn’t cooked dinner.
"Alam mo bang totoong may nagmamasid sa akin na masamang tao?" wika nito na may ngiti sa kaniyang mga labi. Naupo lang siya sa mahabang sofa at humarap sa akin.
"Uh... ang Ate mo?" biro ko na lamang, patuloy pa rin sa paghahanap. Alam niya naman pala pero bakit siya nakatawa? Hanggang kailan ko ba siya kailangang bantayan?
"Sinabi sa akin nung retiradong pulis, na muntik nang bumaril sa akin noon, na tama raw ang sinabi sa kaniya nung taong iyon — na malakas daw ang loob ko," sagot niya. "Ngayon naman ay may parang kumakausap kay Ms. Tan."
"Ano pala ang nangyari sa kaniya? May bumaril ba?" Muling nanlaki ang aking mga mata nang bumalik ang alaala ko tungkol sa nakita ko sa lugar na iyon. "May nakita kasi akong kakaiba sa isa sa mga matataas na gusali malapit sa eskinitang iyon. Sa tingin mo ba ay binaril siya nun?"
"Nakita mo ba ang mukha nito? Matangkad ba? Payat?" tanong niya.
Pinilit kong isipin kung ano ang natatandaan kong itsura ng nakita ko subalit hindi ko na iyon maalala. "Pasensiya na, hindi ko alam," sagot ko. "Hindi ko nga alam kung iyon ang bumaril, e."
"Kumain na tayo kanina sa restawran ni Mr. Tan. Gutom ka pa rin ba?" pagputol niya.
"Ah, oo nga pala!" bulalas ko. Nang dahil sa nangyari ay nagutom siguro ako. Nakalimutan ko na ngang kumain na kami, e.
"May mga tsaa riyan, pwede kang magtimpla," malumanay niyang wika.
"Pero... Hindi ako umiinom ng–"
"Anong gusto mo, kape?" pagputol niyang muli. "Sige na, marami pa naman iyang binigay sa akin ni Ate."
Sinunod ko na lamang ang utos niya. Pagbukas ko ng isa sa mga wall cabinet sa kusina ay mayroon ngang isang wooden tea box. Pagkakuha ko nito ay may iba't ibang uri ng tsaa.
"Mamili ka na lang ng kahit ano riyan. Sa ngayon, matapos ang nangyari sa iyo, mas maganda kung chamomile," wika ni Raine na nahiga na nga sa sofa.
Habang hinahayaang makuha ang lasa ng tsaa ng mainit na tubig sa tasa ay hindi ko napigilang maisip kung ano na nga ba talaga ang nangyari sa pamilya nina Raine. Pagpunta namin sa probinsiya ay wala na akong nasagap na balita tungkol sa kanila.
"Uh, Raine," wika ko habang hinahalo ang tubig. "Can I ask what happened to–"
Paglipat ng tingin ko sa kaniya ay natagpuan ko na lamang siyang nakapikit na ang mga mata at mahimbing na ang tulog.
"I guess I'll just ask whenever you're ready."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro