20. Pandora's Box
"Life is infinitely stranger than anything which the mind of man could invent."
- Arthur Conan Doyle, The Complete Adventures of Sherlock Holmes
-----
Chapter 20:
Pandora's Box
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
"What do you mean?" tanong sa akin ni Raine. Tumayo ako at saka itinutok ang pokus sa papel.
Sa wakas ay may maitutulong na rin ako sa kaniya.
Tiningnan kong maigi ang nakasulat sa mensahe. Dati ko pa pinag-aaralan ang salitang Baybayin simula pa noong nasa elementarya pa lamang ako. Alam kong iyon ang mga simbolong iyon at mayroon akong kutob na hindi maganda ang ibig sabihin nito.
"Alam... ko... ang..." Dahan-dahan man ang pagbabasa ko rito na parang nagsisimula pa lamang magbasa ng mga salita subalit marunong naman akong umintindi nito.
ᜀᜎᜋ᜔ ᜃᜓ ᜀᜅ᜔ ᜄᜒᜈᜄᜏ ᜈᜒᜌᜓ|| ᜊᜒᜈᜊᜆᜒ ᜃᜓ ᜃᜌᜓ ᜐ ᜄᜒᜈᜄᜏ ᜈᜒᜌᜓ|| ᜁᜈᜀᜋᜒᜈ᜔ ᜃᜓᜅ᜔ ᜋᜄᜎᜒᜅ᜔ ᜃᜌᜓ||
ᜋᜌ᜔᜔ ᜁᜐ ᜎᜅ᜔ ᜀᜃᜓᜅ᜔ ᜈᜃᜎᜒᜋᜓᜆᜈ᜔ ᜊᜄᜓ ᜀᜃᜓ ᜆᜓᜋᜒᜄᜒᜎ᜔|| ᜉᜒᜇᜓ ᜊᜄᜓ ᜁᜌᜓᜈ᜔| ᜋᜌ᜔᜔ ᜁᜐ ᜋᜓᜈᜅ᜔ ᜋᜈᜈᜄᜓᜆ᜔|| ᜏᜎᜅ᜔ ᜁᜊ ᜃᜓᜅ᜔ ᜑᜒᜈ᜔ᜇᜒ ᜀᜅ᜔ ᜊᜄᜓᜅ᜔ ᜃᜁᜊᜒᜄᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜋᜄᜎᜒᜅ᜔ ᜈ ᜐᜒ ᜇᜁᜈᜒ ᜇᜒ ᜊᜒᜇ᜔ᜇ||
ᜉᜒᜈᜄ᜔ᜋᜋᜐ᜔ᜇᜈ᜔ ᜃᜓ ᜎᜅ᜔ ᜃᜌᜓᜅ᜔ ᜇᜎᜏ||
斯嘉丽女士
Matapos ang matagal-tagal ding pagsasalin ko sa mga ito ay ginambala kami ng isang mensahe.
Alam ko ang ginagawa niyo. Binabati ko kayo sa ginagawa niyo. Inaamin kong magaling kayo.
May isa lang akong nakalimutan bago ako tumigil. Pero bago iyon, may iba munang mananagot. Walang iba kung hindi ang bagong kaibigan ng magaling na si Raine de B(V)erra...
"... Pinagmamasdan ko lang kayong dalawa," pagpapatuloy ko sa binabasa.
Nanlaki ang aking mga mata na sinabayan pa ng mabilis na pagkabog ng aking puso habang nakatitig sa papel na nasa lamesang kaharap ko. Mayroon pang nakasulat sa may parteng ibaba subalit hindi na ito Baybayin.
"Sī jiā lì nǚshì," wika ni Ali na pabulong lamang niyang sinambit sa sarili. Naisipan ko na lamang na baka ekspresyon lamang iyon na sinasabi niya sa tuwing natatakot o kinakabahan.
"Zhane!" pagputol ni Ali na napatingin kay Raine. "Zhane, there's a probability that you're in danger! You might be the one who will suddenly disappear."
Kahit iyon ang alam ni Ali ay ako pa rin ang tunay na Zane — ang maaaring tinutukoy na bagong kaibigan ni Raine. Besides, I informed the mysterious lady offering me a scholarship about the location of our mission yesterday. Could this be her doing?
"Sabihin na ba natin sa mga pulis?" tanong ni Ali.
"We might consider reporting this, but regarding your father and uncle, it takes three days before they can be declared missing," sagot ni Raine na nananatiling kalmado. "Tanungin mo muna ang mga kakilala mo kung may alam ba sila. Baka naman may pinuntahan lang silang importante na hindi nila gustong malaman ng iba."
"May isa pa akong Tito na nakatira malapit dito!" bulalas ni Ali. "Kaso, hindi ko lang alam kung saan talaga siya nakatira."
"What do you mean?" tanong ko naman.
"Baka may alam siya tungkol sa nangyayari. Gusto mo bang sumali, Raine?" sagot nito. Nabaling ang tingin ko sa isa pa naming kasama — hinihintay sana ang kaniyang kasagutan nang maalala ko na lamang na ako nga pala ang alam niyang may ngalan na Raine.
"Uh–"
"Baka mayroon ngang umaaligid na kung sino kay Zhane. This could be some kind of a prank and might not be related to what is currently happening with my weird family, but we still need to be careful," dagdag pa ni Aliza. "Mas mabuti na manatili muna siya rito."
Napalunok na lamang ako ng laway. "Dapat nasa bahay na lang nga muna siya."
Kung hindi lang sana nangyari ang pangyayari kahapon ay hindi na sana ako mapagkakamalang si Raine. Hindi sana ito nangyayari.
But this will be alright. At least I’ll be with Raine while helping her.
"Sige, dito na lang muna ako," sagot ni Raine na para bang nang-iinsulto ang dating sa akin. Alam kong alam niya na ako ang tinutukoy sa sulat at ngayon ay wala lang siyang pakialam.
Does she know about my help, or does she just disregard it?
"Sino ba ang sinasabi mong Tito na iyan? Baka kilala ko siya."
"Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Daniel Tan ang pangalan niya," sagot nito.
"Daniel Tan?" Pumasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Tita kanina sa itaas ng gusali. "Kaarawan niya ngayon, hindi ba? Pinapapunta ka ba niya?"
"Matagal ko na siyang hindi nabibisita kaya ngayon ko lang siya muling makikita," sagot ni Ali. "Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Actually, I was thinking of taking you to his birthday party as my plus one," wika ko rito, pilit itinatago ang kaba sa pamamagitan ng isang pagngiti.
Kahit paano ay nabawasan ang aking pangamba nang makita ko ang isang matamis na ngiti na naukit sa kaniyang mga mapupulang labi. "Tara na," yaya niya.
When I looked at the clock, there were still a few minutes before six o’clock.
"Surpresahin natin siya," wika ko.
"Sayang nga lang kasi wala akong nadalang pang-regalo."
Naalala ko sa kaniya ang aking sarili. "Even just the presence of a long-absent niece is a wonderful gift," sagot ko.
Alam kong kagaya ni Tita Clara ay masisiyahan din si Manong kapag nakapiling na niyang muli ang mabait at maganda niyang pamangkin.
Iniabot ko ang aking braso sa kaniya at saka naman niya ikinabit dito ang kaniyang kaliwang kamay. Sabay kaming lumabas ng gusali at sumakay sa tricycle papunta sa restawrant na iyon.
࿐ ࿔*:・゚
Closed.
"O, bakit walang tao rito?" tanong ko sa oras na makatungtong kami sa labas ng maliit na gusaling may nakasulat na 'Tan's Cuisines'.
Walang ibang tao sa loob at ang tanging maririnig lamang ay ang ingay ng iilang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Walang tugtog na naroon at tila ba wala namang nagsasaya.
"Ngayon ba talaga ang kaarawan niya?" suri ko kay Aliza.
"Oo, ngayon," sagot nito. "Nagtataka nga ako kung bakit nag-iimbita siya sa kaarawan niya. Hindi naman mahilig sa mga party si Tito, e."
"Ang ibig sabihin ba nito ay nagbibiro lang siya nung sinabi niyang iniimbita niya kami sa isang birthday party rito?" tanong ko pa.
"Hindi ko alam, e," sagot ni Aliza. "Alam mo ba kung nasaan ang bahay niya? Doon na lang natin siya kausapin."
"Ang restaurant lang kasi ang alam ko, e. Hindi pa sa akin itinuturo ni Raine—"
"Raine?" pagputol ni Aliza. "Ano 'yon, may boses ba diyan sa utak mo na nagsasabi sa iyo ng mga dapat mong gawin?" pabiro pa nitong pagpapatuloy.
"Ah, hindi!" sagot ko sabay bigay rito ng isang pagngiti. "Si Zhane! Hindi pa sa akin itinuro ni ZHANE kung saan ang bahay ni Mr. Tan. Nalito lang ako sa pangalan namin dahil magkasingtunog."
"Kung sabagay. Raine, Zhane," wika ni Aliza.
"Si Zhane ang mas nakakaalam sana sa Tito mo," dagdag ko pa.
"Sayang! Kung hindi sana dahil sa kung sino mang nagsulat sa mensaheng iyon, sana ay kasama natin si Zhane ngayon," sambit ni Ali. "Gusto ko pa naman ang pag-uugali niya."
"Sayang nga, e. Magaling pa naman sana siya," pabulong kong wika sa aking sarili. "Mas magaling pa siya sa mga bagay na ito ng ilang beses kaysa sa akin," dagdag kong mas hininaan ko pa ang pagsambit.
"Sa tingin mo ay nandiyan sila sa loob?" pagputol ko pa sa katahimikan.
"Huh?"
"Sa tingin mo, nandiyan ba sa loob ang Papa at ang Tito mo? Baka sama-sama silang nagsasaya riyan sa loob," sagot ko. "At saka baka isa ito sa mga heart-to-heart talk kaya tahimik sa loob at ayaw nilang may ibang makarinig kasi tungkol iyon sa pamilya niyo."
Nanlaki ang mga mata ni Aliza kasabay ng pakiramdam kong may yumakap sa aking kanang kamay.
"Baka nga ganoon," wika niya. "Ang galing mo talaga. Tama ang narinig ko sa mga nag-uusap-usap noong nakaraang mga araw sa labas ng bahay namin."
"Ano'ng sabi nila?" tanong ko.
"Sinabi nila na may hinarap ka raw na nanglalason na retiradong pulis. Totoo ba iyon?" tanong nito.
Kahit na hindi naman talaga ako si Raine ay hindi naman ako magsisinungaling kung sagutin ko siya ng oo. "Totoo yun," sagot ko nga.
Sa muli ay nagbigay iyon sa akin ng kakaibang pakiramdam na para bang may dumamping lamig sa aking buong katawan.
"Ang galing mo naman talaga!" Pagtingin ko sa kaniya ay nakita ko ang pagkislap sa kaniyang mga mata.
"Oh, for crying out loud! Ano pa ang ginagawa niyong dalawa rito sa labas?"
Nanlaki ang aking mga mata nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko ay naroon ang taong pinag-uusapan pa lamang namin kanina na nakasuot na ng long-sleeve na kulay puting damit at kulay itim na slacks.
Paglapag pa lamang ng aking mga titig dito, sinalubong ako ng maliit, kulay asul, at hugis-parihabang regalong ibinigay nito sa akin.
"Zhane? Anong–" tanong ni Ali na kapareho lamang ng aking ekspresyon ang pinakita. "Anong ginagawa mo rito?"
"Nagsayang pa kayo ng pera para sa sasakyan? Malapit lang naman ang apartment natin dito, hindi ba?" sermon na naman nito.
"Ayos lang iyon," pagputol ko rito bago pa niya sirain ang gabi ko.
Oo, gusto kong tulungan siya, pero pinangako niya sa akin ang pribadong gabing iyon para sa sarili kong oras kasama si Aliza.
Every time I see Raine, I’m reminded of the significant debt I owe her family. Conversely, seeing Aliza brings back memories of the happy days I had before I lost my real mother.
"Ano ba talaga ang ginagawa mo rito? Sabi mo pa lang kanina hahayaan mo akong magkaroon ng oras para kaming dalawa lang ang mag-usap," pabulong kong tanong kay Raine.
"Siya na rin ang nagsabi na kailangan mo pa ring mag-ingat. Tsaka hindi ko naman kayo gaanong gagambalain kasi pumunta lang ako ritong mag-isa para sa isang trabaho," pabulong naman nitong sagot.
"Zhane, what are you doing?" tanong pa ni Ali. "Nagsinungaling ka sa amin. Sabi mo kanina ay doon ka lang sa apartment mo."
"Nope!" kalmado nitong sagot. "Ang sabi ko ay doon MUNA ako sa apartment ko. Ngayon, naisipan ko nang pumunta rito."
Natahimik na lamang si Aliza sa sinagot nito. "Besides, someone still hasn’t returned my money," dagdag pa ni Raine.
"So that was what I was forgetting," pabulong kong sambit sa aking sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro