Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19. What It Leads To

"That's right. Worried about being discovered, living in fear. It's a painful thing."

- Ai Haibara

-----

Chapter 19:
What It Leads To

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Aliza's coming here at six, great!" sarkastiko kong wika pagbukas ko ng pintuan ng apartment namin. Itinapon ko ang bag kong maraming laman sa mahabang sofa at saka hinayaang masandal ang aking likuran sa paborito kong pwesto sa sala.

"Mabilis lang naman kayo rito. Bakit ka kinakabahan diyan?" tanong ng kasamahan kong naupo rin sa pwesto niya na nakaharap sa akin.

࿐ ࿔*:・゚

"Mag-usap tayo mamaya," sambit ni Raine kay Ali noong nasa cafeteria pa kami kanina.

"Tamang-tama! Kailangan ko ng makakausap," wika naman nito. "Saan ba tayo pwedeng magkita-kita na tayo-tayo lang?"

"Sa apartment?" suhestiyon ko.

"Sige!" agad namang sagot ni Ali. "Sa apartment niyo, alas-sais ng hapon."

"Alam mo, kung gusto niyong magkaroon ng pribadong oras na tanging kayo lang, magandang pagkakataon na mamaya," dagdag pa ni Raine habang binubuksan ang kinuhang notebook sa bag nito.

"Ayan ka na naman," wika ko. "Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba nahahalata, Zane? May gusto si Aliza sa iyo." Mabilis na tumibok ang aking puso kasabay ng mabilis na pagkurap ng aking mga mata. "At siyempre, may gusto ka rin sa kaniya, hindi ba?"

"Anong pinagsasasabi mo riyan? Huwag kang magpapakasigurado!" pagdiin ko.

"Namula ka bigla," sagot niya na napatingin sa akin nang saglit bago pa man bumalik ulit sa kung anong binabasa. "Yesterday, you kept glancing at her. She, on the other hand, kept avoiding your gaze."

"O, tapos? Of course, I was looking at her — I have eyes. Apparently, my dear Ms. Lorraine, eyes are meant for seeing things," protesta ko pa.

"Kung may gusto ang lalaki sa babae, tinitingnan niya ang mga mata nito. Kung may gusto naman ang babae sa lalaki, iiwasan naman niya ang mga titig na iyon," dagdag pa niya. "Don't worry either; according to a study I read, if you fancy someone, there's an 80% chance that person fancies you too. Do you want me to go on?"

Halos mamula na ang aking mga pisngi nang dahil sa mga pinagsasasabi niya. Bukod doon ay hindi mapakali ang aking isipan. Inaamin kong tama siya pero hindi ko alam kung paano niya iyon nasasabi sa akin.

"Ngayon pa lang, pansin ko na ang kaba sa iyong mga mata — mabilis na pagkurap. Sinabayan pa iyon ng madalas mong paghawak sa iyong mukha," pagpapatuloy ni Raine. Doon ko lang napansin na ginawa ko nga ang mga bagay na iyon nang hindi ko namamalayan.

"Sige na—tumigil ka na nga. Baka may makarinig pa sa iyo riyan!" sita ko kasabay ng pagtulak ko sa aking sarili upang tumayo.

"Zane, don't worry. Mamaya, dalhin mo siya sa inalok sa atin ni Manong doon sa restaurant noong Sabado," suhestiyon niya. "Wala namang masyadong taong darating kaya pwede kayong tumambay roon habang nagpapakasaya ang ibang bisita."

Naalala kong sinabi nga iyon ng lalaking iyon sa restawran. Inimbita nga talaga niya kami at nakakahiya naman kung hindi ako pupunta.

"Tamang-tama, alas-sais din iyon magsisimula," dagdag pa niya. "Tinapon naman kasi ni Tita iyong niluto niyang cake na pinalagay ko sa refrigerator noong Sabado, e."

"Tinapon niya?" Nakalimutan ko na ang tungkol sa cake na hindi nga namin nakain dahil dumating ang isang killer sa apartment ni Tita.

I feel like I might still be forgetting something, but I can't seem to remember what it is.

Kung importante man ang bagay na iyon, maaalala ko iyon.

"Sinabi niya iyon noong nag-usap kami habang natutulog ka kahapon." Tumayo na rin siya at dinala ang bag papunta sa kinatatayuan ko. "Sayang iyon." Dumiretso siya sa paglalakad at saka naunang makapunta sa kuwarto niya.

࿐ ࿔*:・゚

Matapos makapagbihis at mag-ayos ng sarili — suot ang aking puting t-shirt, itim na trouser, at saka puting tennis na sapatos — ay naghintay na lamang ako sa sala sa pagdating ng espesyal naming bisita.

Knock. Knock.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumulaga sa akin si Tita na nakatayo lamang doon. "O, bakit nakaayos ka? Saan ka pupunta?" tanong nito sa tono niyang parang may kutob na.

"Diyan lang po sa tabi-tabi," sagot ko na lamang, pilit itinago ang totoong mangyayari. I know I need to do that to avoid distractions — distractions in the case I never imagined I’d be handling now as Raine.

"Siguro may kinalaman iyon sa naghahanap kay Raine sa ibaba," dagdag pa ni Tita.

Paglapag ng aking mga mata sa dingding kung saan nakasandal ang paboritong upuan ni Raine ay nakita ko ang orasan naming analog.

5:53 p.m.

"Babae po ba? Singkit?"

"Isang Tan," sagot ni Tita na may namuong ngiti sa mga labi.

"Raine– I mean, Zhane!" pagtawag ko sa kasamahan kong nasa kuwarto pa rin matapos nitong pumunta roon kanina. "Nasa labas na si Aliza!"

Lampas kalahating oras na siyang hindi lumalabas doon na hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

"Sa common room lang tayo," sagot nito mula sa loob, kasabay ng pagbukas ng pinto ng kaniyang silid. "Mahirap na kung maulit pa ang nangyari noong Sabado."

"Ano ang Raine-Zane na iyon?" tanong ni Tita na napakunot ang noo.

"Experiment lang po, Tita," sagot pa ni Raine. Lumapit ito sa amin at nauna pang lumabas kaysa sa akin. Kagaya noong una ko siyang nakitang magpalit ng damit ay nakasuot ulit ito ng pajama na may katernong kulay asul na damit.

"Doon po muna kami sa ibaba, Tita," wika ko rito bago ikandado ang pintuan.

"Gusto niyo ba na lutuan ko kayo?" tanong niya.

"Huwag na po, Tita. Lalabas naman po kami–"

"Bilisan mo na riyan, Zane!" tawag ng kasamahan kong napababa na sa hagdan.

"Lalabas naman po kami mamaya," pagpapatuloy ko. "May nag-imbita po sa amin noong Sabado sa munting birthday party."

"Ah, siguro si Daniel Tan iyon. Gustong-gusto niya si Raine simula noong nangyari ang mga pangyayaring iyon pagdating niya mula sa ibang lugar," pag-uumpisa ni Tita. "Nagkataong kaklase ko si Daniel dati noong nasa hayskul pa lang kami. Inimbitahan niya rin ako pero hindi ko alam kung makakahabol pa ako. Marami pa kasi akong–"

"Zane!" Paglipad ng aking mga mata patungo sa may hagdanan ay muli ko namang nakita si Raine. Nakatayo na lamang ito habang binabato sa akin ang nanlilisik na mga mata nito.

"O sige na. Mukhang importante ang pag-uusapan ninyo," wika sa akin ni Tita bago niya ako bigyan ng pagtapik sa kanang braso ko.

"Sandali lang. Papunta na!" Naglakad na rin ako papunta rito at sinalubong naman niya ako ng paghagis ng isang bagay. Paglipad nito sa ere papunta sa akin ay nasalo ko naman ito, sa kabutihang palad.

"Bakit sa akin mo ito binibigay? Baka mawala na naman ito kagaya nung–"

"Akin na," pagputol nito na inilapag sa aking harapan ang kaniyang palad.

"Binigay mo sa akin pero babawiin mo naman agad?" Binigay ko na lamang ang kaniyang hinihingi na agad naman niyang ibinalik sa bulsa ng kaniyang asul na pajama.

"Pinapaalala ko lang sa iyo na may susi tayong kailangang dalhin kapag aalis tayo ng apartment - bago man natin ikandado ang pinto. Tig-isa tayo ng susi na may nakaukit na address natin para makapasok tayo pagbalik natin galing sa kung saan man pumunta," sermon nito habang dahan-dahan kaming bumaba sa hagdanan. "Nadala mo ba ang sa iyo?"

Pasimple kong tiningnan ang aking bulsa subalit wala sa aking nagpakitang susi. "Naiwan?" wika pa ni Raine. "Pray that I’m still awake when you and your girlfriend return from your date at the restaurant so you can get in. Kung hindi, baka kahit sa common room ay hindi ka makapasok kasi kasama sa set ng susi na iyon ang pambukas sa entrance. Makitulog ka na lang sa nobya mo kung ganun."

"Anong sinasabi mong date? At tsaka partner? Nobya?" pabulong kong tanong rito. "Ang ingay mo naman, Raine. Siguro iyon ang dahilan kung bakit sabi mong ayaw nilang makasama ka," dagdag ko na sinabi ko lamang sa aking sarili.

Pagkababa namin ay mayroong apat na taong nag-uusap-usap sa common room — dalawang babae at dalawang lalaki. Ngayon ko pa lamang sila nakita sa gusali at mukhang ngayon pa rin lang nila ako nakita.

"Tumigil ka nga sa kakatingin sa kanila," pabulong na sita sa akin ni Raine habang naglalakad kami papunta sa pintuan.

"Bakit naman? Tumitingin-tingin ka rin naman, a."

"Mas nahahalata tayong tumitingin kung sasabay ka," pabulong na sagot nito. "Men are more obvious when they're watching someone compared to women. You’ve probably noticed that those two men are more conspicuous in their staring at us, haven’t you?"

Pagbukas niya ng pinto ay naroon na nga ang matagal ko nang hinihintay — nakasuot ng croptop na kulay pula at miniskirt na checkered. "Good afternoon," bati nito sa amin. Sa muli ay nasilayan ko ang kaniyang matamis na pagngiti.

"Actually, I guess it's already a good evening," pabirong wika ng kasama ko.

"Hindi na bale kung ano pa ang batian natin, tara na sa loob!" wika ko na lamang.

Naupo kami sa may kaliwang parte malayo sa grupong iyon. Iba ang kutob ko sa kanila at hindi ko gustong malaman nila ang tungkol sa pinag-uusapan namin.

"Talagang naghanda kayo sa gabing ito, a," biro pa ni Raine.

"Ganito lang kasi ako magdamit," sabay na sagot namin ni Ali.

"Alright, now let’s return to the main reason you’re here," pagputol ni Raine. "Ali, galing ka ba sa 217A kanina? Naroon na ba ang Tito Jerico mo? Noong pag-uwi mo, nandoon na ba ang Papa mo sa bahay niyo?"

Ali sat down properly, and her serious expression replaced the smile she had earlier. "Wala," sagot nito na para bang may mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata. "Wala pa rin sila. Wala ring tumatawag."

"Wala bang iniwang sulat ang Papa mo sa bahay niyo?" tanong pa nito.

Mula sa kaniyang bag ay may kinuhang maayos na nakatuping papel si Ali. Inilatag niya ito sa mesang pinalilibutan naming tatlo at saka tumambad sa amin ang mas marami pang kakaibang simbolo.

"Alam ko kung ano ang ibig sabihin niyan!" bulalas ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro