Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18. Nueva Aurora University

"Relying on someone else without exerting any effort of your own is just not right. Because the one you rely on most, can disappear, at any time."

- Jodie Starling

-----

Chapter 18:
Nueva Aurora University

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

After observing Mr. Jerico Tan's flat, suspicion gnawed at me.

Sa muli ay ipinikit ko muna ang aking mga mata. Nakakandado ang kuwarto ko at pati na rin ang bintana.

•☽────✧˖°˖☆˖°˖✧────☾•

Sa loob ng aking isipan ay sinalubong ako ng mga bagay na nakita ko sa Apartment 217A. Nakabalik muli ako sa dati naming bahay — mag-isa at nakaupo sa maliwanag naming sala.

"Raine de Verra," I read aloud, echoing the name from the letter found in the flat owner's room.

Raine de Verra,
Tama ako! It's h—

Naputol ang parteng iyon. Sa baba nito ay mayroong nakasulat na Stay Away!

The handwriting suggested a woman's touch — more gentle and delicate. Moreover, the ink used for those two words matched the ink of the symbol found in the office.

Research indicates that men's handwriting tends to be hurried, sloppy, and spiky, while women's is more regular and neat.

Mr. Tan's handwriting, on the other hand, was notably hurried. The scattered papers in the room suggested he had returned home directly from the office.

Nakauwi siya upang magsulat ng bagay na iyon subalit noong nahanap na siya ng misteryosong babaeng iyon ay naputol ito. Maaaring may kumuha kay Mr. Tan!

"Kung sino man ang taong may hawak sa kaniya, ayaw niyang mangialam ako sa nangyayari," sambit ko sa aking sarili. "Pero bakit naman ako susulatan ni Mr. Tan? Hindi ko naman siya kakilala o kamag-anak pero sa mga oras na nagmamadali siya ay pangalan ko ang sinulat niya."

Tumayo ako at saka naalala ang isa sa mga bagay na gusto ko nang kalimutan.

Nakatayo ako sa harapan ng gusali ng apartment namin, at doon ko nakita ang aking sariling naghahanap ng paraan papunta sa loob ng apartment ni Mr. Tan.

One section of the apartment's bay window was ajar, but the issue is that it was slightly too high for me to reach. Dahil doon ay nakailang ulit din ako ng pag-akyat dito hanggang sa naisipan ko ring humiram ng isang upuan at saka na umakyat.

"Nakakainis, buti ay walang nakakita sa akin." Just as I was about to give up, a sudden inspiration struck me.

"If Mr. Tan was indeed taken, the woman who abducted him might have used that window to enter, too," wika ko. A print on the window's glass, which I had overlooked earlier, suddenly resurfaced in my memory.

"Isang babaeng malakas at kayang itulak ang salamin gamit ang kaniyang paa," sambit ko sa aking sarili.

The size of the shoe print suggested it was likely from a woman, and the type indicated it was a boot.

"Kailangan kong sabihan si Detective Ferrer."

•☽────✧˖°˖☆˖°˖✧────☾•

Sa isang iglap ay nakabalik na nga ako sa realidad — nakatayo sa aking kama at nakatingin sa may pintuan.

Sa may gilid ng kama ay naroon ang aking selpon.

Detective Ferrer.

"Bakit hindi ka sumasagot, Kuya?"

I tried calling him again, but he only responded on the third attempt.

"O, Raine, napatawag ka. Anong problema?" tanong nito.

"May posible pong kaso tayo ngayon," sagot ko.

"Posible?"

"Kutob pa lang po," dagdag ko pa.

"I’m currently on leave, you see. Masama ang pakiramdam ko," sagot niya. "Kausapin mo na lang si Detective Cruz."

"O sige po."

I’m reluctant to speak with any other detectives from their division. Unlike George, they don’t believe in me — though they may acknowledge my concerns, they dismiss me quickly.

If he doesn't return in three days, I might find the courage to take action then.

Pagbukas ko ng pintuan ng aking kuwarto, nakita ko si Zane sa sofa — nakasandal at nakapikit ang mga mata. "Uminom ka ulit mamaya ng kape para mahuli ka sa klase bukas," I spoke sarcastically before heading to the kitchen to wash the dishes.

࿐ ࿔*:・゚

Kinaumagahan ay maaga akong nagising ng alarm ng aking selpon.

5:00 a.m. Kahit hindi pa gaanong handa, pinilit kong ibangon ang sarili at inunat ang mga paa't kamay ko.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakasirado pa rin ang silid ng kasama ko. Alas kuwatro ng hapon siya nagising kahapon, kaya maaaring nagselpon na naman siya para makatulog sa gabi. The result might be that he’ll probably wake up late.

Nakatapos na akong maligo sa banyo nang bumulaga pa lamang sa akin ang kasama kong pakamot-kamot pa sa kaniyang ulo. Nakabihis na ako ng uniporme ko, subalit hindi pa nakakapagsuklay, kaya't nakapulupot pa ang buhok sa puting tuwalyang ginamit ko.

"Ang aga mo namang magising," sambit ng kasamahan ko bago humikab. "Ganiyan pala ang uniform ng mga babae. Nasaan kaya yung sa akin?"

"Ano ka ba? Bilisan mo na nga," wika ko sa kaniya. "Iiwan kita kung hindi ka bibilis diyan."

After a few interruptions, we finally made it to school. Without ID cards yet, we used printed Certificates of Registration to gain entry through the gate.

"Welcome to Nueva Aurora University," rinig kong bati ng mga taong nadadaanan namin.

Kagabi ay wala kaming ibang usapan ni Nuñez kung hindi ay mga bagay na tungkol sa isa't isa — kagaya na lamang ng kurso kong noon lang niya naisipang itanong.

"Ngayon ay bakit nga ba talaga nag-Education ka imbes na mag-Criminology?" wika sa akin ni Nuñez habang naglalakad kami papunta sa Education building — ang third floor na kulay puting gusali na makikita sa may parteng kaliwa ng campus.

"For the fourth time, I explained that it’s because someone doesn’t want me to have it," sagot ko na lamang.

"Kaya pala alam mo na magme-major ako sa Science, e," sambit nito. "Nakita mo lang pala ang pangalan ko nung nagpa-enrol ka."

"Pero nakita mo ba ang sa akin?" tanong ko rito na nagsisimula na namang pumihit sa turnilyo kong nagtatago ng nakatagong inis.

At last, he fell silent.

Pagkatapos ng isang mabilis na pagtingin sa COR ay pumasok na nga kami sa room na naka-assign sa amin — Room 110.

"Freshmen." Narinig kong sambit ng isang babaeng dumaan sa may pasilyo. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o para lamang masagot ang tanong ng kasama nito.

"Tingnan mo, nauna tuloy tayo!" reklamo ng kasama ko na naupo na sa may parteng gitna at katapat ng isa sa apat na ceiling fan.

Nakahati sa dalawa ang mga grupo ng upuan at saka magkaharapan ang mga ito sa isa't isa. Wala pang ibang tao sa loob ng silid kaya naman solong-solo namin ang silid.

࿐ ࿔*:・゚

Moving on, after the morning classes, we ended up finding out where to eat lunch.

Zhane? Raine?” Just as we stepped out of our new classroom on the third floor, I heard a familiar voice calling out.

"Ali?" Agad na napalingon si Zane at sumunod naman ako.

Sa aming likuran ay naroon nga ang babaeng nakita namin kahapon. Napatingin sa akin si Nuñez na para bang naalala ang sinabi kong makikita pa namin si Aliza kinabukasan.

"Dito rin pala kayo nag-aaral," sambit niya.

Given that it's one of the nearest universities here, obviously.

"Kumain ka na ba?" tanong dito ni Zane.

"Hindi pa, e. Kayo?"

"Naghahanap nga rin kami ng makakainan," sagot naman ni Zane.

࿐ ࿔*:・゚

Dinala kami ni Aliza sa cafeteria. Maraming tao roon subalit nakahanap pa rin kami ng mauupuan.

"Anong course niyo?" tanong niya habang sinusubo ang binili niyang manok na prinito.

"Hindi nga ako makapaniwalang pareho kami nitong BSED, e," sagot naman ni Zane na kinakain ang sunny side up na niluto ko.

"BSED? Anong major?" bulalas ni Ali.

"General Sciences," sagot ko.

"Math kasi ang major ko, e. I guess we three picked the courses that they say are the hardest," sambit naman ni Ali.

"Oo nga, e," wika naman ng napatawang si Zane.

Pansin ko ang kakaibang koneksiyon sa dalawa — bagay na bagay lamang para sa mga pangyayari sa ngayon.

"Ali, anong apelyido mo? Pwede bang matanong?" tanong ko upang maputol man lang ang ingay nila.

"Hindi pa pala ako nakapakilala ng maayos, ano?" wika niya. "Ako nga pala si Aliza Francesca Tan."

Nanlaki ang mga mata ni Zane at napatitig sa akin. Nakaupo siya sa may dulo na parte kaya naman ay nasa gitna namin siya ni Aliza. "Sandali lang. Bibili muna ako ng tubig," sambit pa niya sabay lakad palayo.

"Raine, sasabihin na ba natin ang totoo?" pabulong na tanong nito sa akin.

"Anong sinasabi mo?"

"Alam naman nating ako si Zane at ikaw si Raine, hindi ba? At alam mo bang iba ang alam niya?" tanong pa nito.

"Bakit, sigurado ka na bang Aliza talaga ang pangalan niya?" tanong ko na lamang. "Ang gusto kong sabihin ay makisakay ka na lang muna. Sasabihin naman natin sa kaniya matapos nating makonekta ang mga kaganapan sa Tito niya."

"I'm back," wika ni Ali na muling napaupo sa kaniyang upuan. "What did I miss?"

"Uh, wala naman," palusot ni Zane.

"Pumasok ba sa subject niyo si Sir Ricky?" tanong ni Ali na nagpabago sa kaniyang ekspresyon.

"Sir Ricky?" tanong ni Zane. "Wala naman kaming Sir Ricky na professor."

"Richard Tan?" dagdag nito.

Pagbanggit niya roon ay naalala ko na ang pangalang iyon doon sa mga nakasulat sa schedule. "Mamaya pa ang klase namin sa kaniya sa Fluid Mechanics. Bakit mo naitanong?" wika ko.

"Siya kasi ang first subject namin kanina sa isa naming klase. Ang kaso nga lang ay umalis siya pagkatapos mangalahati ng tinuturo niya tungkol sa algebra," sagot nito.

"So you're saying that she also left abruptly just like your Uncle Jerico?" tanong ko rito.

"Narinig kong may tumutulong sa mga pulis na estudyante raw. Raine de Verra ang pangalan," sagot nito. "Raine, kailangan ko ng tulong mo."

Imbes na sa akin maharap ang titig niya ay nabaling ito sa kasamahan ko.

Hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na iyon subalit para bang umaayon lang ang sitwasyon sa mga pinaplano ko. Ngayong mas napapalapit na ang loob ni Aliza sa kasamahan ko ay mas malalaman ko pa ang mga bagay-bagay na makakatulong sa kasong maaaring hindi niya pa alam.

"Siyempre naman, matutulungan ka namin," sagot ni Zane. "Tutulong tayo, hindi ba, Zhane?" Nalipat sa akin ang mga mata nitong pansin kong naguguluhan sa mga pangyayari.

"Bakit umalis si Professor Tan? Anong nangyari?" tanong ko.

"May kausap siya noon sa selpon niya bago siya pumasok. Pansin kong para bang kinakabahan siya," sagot ni Ali. "Akala ko dahil lang iyon sa baka natatakot siya dahil unang araw niyang magtuturo sa kolehiyo pero noong kukuha na sana siya ng pambura sa chalk doon sa drawer ng desk niya, umalis na lang siya."

"Ang sabi niya babalik siya pero naiwan lang doon ang mga gamit niya. Kinuha iyon ng sumunod naming propesor pero ang sabi nung pangatlong guro ay hindi raw nila nakita sa faculty room si Sir Tan," dagdag pa niya.

"Anong kakaiba ang napansin mo bukod sa tawag na iyon?" tanong ko pa.

"Nakita kong tinapon niya ito sa basurahan." Mula sa kaniyang pitaka ay inilatag niya sa aming harapan ang isang nakalukot na kulay pulang papel.

Pag-unat niya rito ay isang sticky note na may nakasulat na letrang L ang nagpakita sa amin. "Tulungan niyo ako, please. Masama ang kutob ko rito," wika ni Aliza. "Tulungan niyo akong hanapin ang Papa Ricky at ang Tito Jerico ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro