Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17. Who's Who?

"Courage is a word that gives you the strength to do what's right, you should not use it as an excuse to murder someone."

- Ran Mouri

-----

Chapter 17:
Who's Who?

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Sa bawat taong dumaraan ay wala akong magawa kung hindi ay magpasimpleng tumatambay lang sa may tapat ng apartment at walang ibang intensiyon.

Hindi nagtagal ay unti-unti na ngang nagdilim ang langit. Ramdam ko ang dagdag sa pag-init ng panahon — senyales na maya-maya lamang ay bubuhos na ang malakas na ulan.

"Raine, nasaan ka na ba?" bulong ko na lamang sa sarili kong patawa-tawa na lang sa mga tao sa paligid.

"Sorry. Nagkaaberya lang saglit." Mula sa binigay niyang earpiece ay narinig ko ang boses ni Raine sa kanan kong tainga. Rinig ko ang kakaiba niyang tono na para bang medyo hinahabol ang kaniyang hininga.

"Saan ka naman kasi nagsususuot?"

"Basta, nagkaaberya lang," sagot nito. "Nakapasok ka na ba? Hindi pa nakakaalis sa panonood ng telenobela ang taong nandito. Naririnig ko pa ang telebisyon na nakabukas."

"Hindi pa. Hinihintay kita," sambit ko na lamang na sa totoo lang ay naiinis na nang dahil sa hindi ko naman talaga gustong gumala sa mga oras na iyon.

"Kanina ka pa nandiyan," wika niya na may halong pagkainis sa kaniyang boses. "Pumasok ka na nga. Kumatok ka lang."

"Sige na nga!" I sighed. Left with no choice, I walked towards the door.

Tutulugan ko talaga siya mamaya, I swear!

Inilapit ko ang aking sarili sa harapan ng apartment na kanina ko pa binabantayan. Isang pagkatok ang binigay ko sa pintuan subalit wala akong natanggap na sagot.

"Tawagin mo kung may tao," sambit pa niya sa akin. "At saka ulitin mo lang kung ano ang sinasabi ko para maayos lang ang lahat."

"Tao po." Isang pagkatok muli ang nanggaling sa akin na sa wakas ay sinagot na rin ng isang tinig na nagmula sa loob.

"Hello? Sino 'yan?" Pagbukas ng kulay luntiang pinto ay nasa harapan ko ang isang babaeng maaaring kasing-edad lang namin ni Raine.

Her slanted eyes were accentuated by her fitted red T-shirt and her flared black slacks. Additionally, the black beret she had worn earlier was now set aside.

"Raine de Verra," wika ni Raine sa earpiece ko.

Sigurado ba siya sa pinagsasasabi niya?

"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" pag-ulit nito.

Sasagot na sana ako nang bigla na lamang pinukaw ng isang pagpatak ng tubig mula sa langit ang aking atensiyon sabayan pa ng tunog na parang nagtitipon na sa langit ang mga babagsak na ulan.

"Uh, R-Raine de Verra," sagot ko na lamang. "Pwede bang... Pwede bang pumasok?"

"Pasok ka. Uulan na, e," wika niya sa kaniyang mahinhing boses.

Before the rain started to fall, I finally made it inside the flat, which differed somewhat from mine — in both arrangement and the colour of the walls.

"Maupo ka muna," wika niya na sinenyasan ako papunta sa parisukat niyang sofa sa may kaliwang parte ng sala. Sinunod ko naman siya at saka ito umupo sa pahabang sofa na nasa gilid lang ng naupuan ko.

"So, Raine, what brings you here?" tanong nito sa akin. Kinuha niya ang remote at saka pinatay ang pinapanood sa telebisyon.

"Raine?" pabulong kong wika sa kasama kong hindi ko alam kung nasaan. "Anong isasagot ko?"

"Kinakausap mo rin pala ang sarili mo? Nice!" My eyes widened as I saw her looking at me, completely calm.

"Uh, sorry. Nandito pa rin ako." Doon pa lamang sumagot ang kasama kong iyon. "Bakit ka niya tinawag na Raine?"

"Bakit mo ako sinabihang ganun ang sabihin ko?" pabulong ko namang reklamo rito.

"Sige, ikaw na ang bahala. Papasok na rin ako," sagot ni Raine.

"Anong ako na ang–" I had much more to say to her, but I noticed the eyes fixed on me from my left side.

"Nakakatawa ka naman," wika ng babaeng mas sumingkit pa ang mata nang dahil sa kaniyang pagtawa.

Tok! Tok! Isang pagkatok na naman ang nanggaling sa may pintuan.

"Sandali lang." Mahinhin itong tumayo sa kinauupuan at saka binuksan ang pinto. Nang dahil sa nasa parteng kaliwa nakakabit ang pintuan ay hindi ko nakita kung sino ang tao sa labas.

"Hello po?" Upon hearing those words from the entrance, I knew exactly who it was.

Raine.

"Hi, ang lakas ng ulan! Pumasok ka muna rito," wika ng babaeng nasa loob ng apartment.

Pagpasok ng babaeng kausap niya ay doon ko na nga nalamang tama ang hinala ko. Isinara nito ang dala-dalang payong at saka inilagay ito katabi ng payong na tuyo na nakasandal sa dingding.

If I’m not mistaken, it was being held by the woman I was with earlier when I first saw her.

"Nakita mo ba ang kasama ko. Naku, siguro basang-basa na iyon," wika ni Raine kasabay ng paglapag sa akin ng kaniyang mga titig. "Nandito ka pala. Paano ka nakapunta rito?" tanong nito sa akin.

I didn’t know what to say — whether to respond with a joke or to tell the truth.

"Ah, si Raine ba?" tanong naman ng babaeng nasa apartment. "Raine, kilala mo ba siya?"

"Uhh... Oo... Oo, kilala ko siya," sagot ko na lamang.

"Ako nga pala si Zhane. Because Zane is a masculine name, my parents added the letter H to it," pagpapaliwanag niya. "They said it means 'God is gracious' and also 'beauty and grace'."

Where did she come up with that?

"Ahh... I'm not supposed to let anyone enter here because it's my Uncle's apartment but I guess I'll just let you in until the rain stops," sagot naman ng babae. "Maupo ka muna."

My companion, the real Raine, sat down in front of me — on another square sofa facing mine.

"Do you want some coffee? The thing is, I’m not sure where Tito keeps his coffee supplies or if he even drinks coffee," the woman said as she closed the door.

"Pwede bang itanong kung ano ang pangalan mo? Nakatira kasi kami sa B floor, e, at saka ngayon lang kita nakita rito," tanong ni Raine na para bang napakaamo ang tinig.

"Galing kasi sa parke ang kasama kong bago lang sa apartment niya. Kanina lang, pansin kong uulan kaya pupuntahan ko sana siya roon na dala-dala ang payong ko. Ang kaso nga lang, wala na siya doon," dagdag pa nito na nagpatulala na lamang sa akin dahil sa bilis niyang maghabi ng kuwento. "Ang sabi nung isa sa mga nakatagpo ko habang naglalakad sa daan, nakita niya raw si Raine na papasok dito. Ewan ko nga ba kung bakit dito siya tumuloy kahit na malapit naman lang ang pasukan papunta sa hagdanan."

"Uulan na kasi kaya nakisilong na lang ako. Ayoko pa namang magkasipon kasi may pasok na bukas," wika ko naman para makatulong man lang sa kuwento niya.

If she doesn’t ask, this person has read quite a few stories already.

"Kaya pala," sagot ng babaeng muling napangiti. "Ako nga pala si Aliza. Pero, pwede niyo akong tawaging Ali."

"Sino ang nagpapunta sa iyo rito, Ali?" tanong dito ni Raine.

"Uhh... Kailangan niyo pa bang malaman? Isn't that a breach of privacy?" tanong nito.

"I only asked because a friend of mine is one of the owners of the company where your Tito works. He said that he left after seeing one of the sticky notes on his computer in the office," sagot ni Raine. "Alam mo ba ang tungkol dito, Ali?"

Habang abala ang dalawa sa pakikipag-usap, hindi ko maiwasang hanapin ang titig ni Ali. Ngunit sa bawat pagtama ng mga mata ko sa kaniya, iniiwasan niya ito.

Naupo siyang muli sa mahabang sofa at saka humarap na lamang kay Raine. "Hinahanap ko kasi siya dahil may sasabihin akong importante," sagot ni Aliza. "Pero kung sabi ninyong umalis na lang siya bigla sa opisina, baka wala namang marating ang paghihintay ko sa kaniya rito."

"Kung ganoon ay hindi rin pala siya umuwi," pabulong na sambit ni Raine sa sarili subalit kahit na ganoon ay narinig ko pa rin iyon sa aking earpiece.

"May alam ka bang pwede niya pang puntahan?" tanong sa kaniya ni Ali.

"Ako? Hindi ko siya ganoong kakilala," sagot ni Raine. "Madalas nga siyang nasa opisina niya, e. Ikaw, may alam ka ba?"

Napabuntong-hininga na lamang si Ali. "Sa totoo lang ay hindi ko rin siya madalas makausap. Sa kabilang siyudad kasi ako nakatira."

"Pansin ko nga," sambit na lamang ni Raine.

"Ano?"

"Ah, wala," agad na sagot ni Raine. May kutob akong nababasa niya na ang tungkol sa buhay ng kaharap namin ngayon.

"I guess I'll just wait here until ten. Magta-taxi na lang ako pauwi," sambit ni Ali.

Unti-unting humina ang pagtulo ng ulan sa labas. Pansin ko rin sa liwanag na nanggagaling sa bintana sa aking likuran na lumiliwanag na ang paligid.

"Raine! Tara na," wika ni Raine sa akin.

Tumayo na ito mula sa kinauupuan at saka lumapit na sa may pintuan. Sa una ay hindi ko alam ang pinagsasasabi niya subalit nang dahil sa kaniyang titig na para bang kinakausap ako ay naalala ko na rin sa wakas ang kalokohang ginagawa namin.

"Uhh... Oo nga, wala nang ulan," sagot ko na lamang.

"Bye. It's nice to meet you, too, Raine and Zhane," wika ni Ali sa aming likuran.

Pagbukas ng pintuan ay tapos na nga talaga ang malakas na pag-ulan. Balik na muli sa paglalakad ang mga tao sa labas kasama na rin ang mabilis na si Raine.

"Bilisan mo riyan," sambit nito na nagpabilis naman sa akin habang umaakyat kami sa hagdanan papunta sa B floor.

"Ang bilis mo kasing maglakad. Para kang palaging nagmamadali sa pupuntahan," sagot ko. Kinuha ko ang earpiece mula sa aking kanang tainga at saka ito ibinigay sa kaniya.

"Bakit naman Raine ang sinabi mong pangalan sa kaniya?" tanong nito sabay lagay ng binigay ko sa kaniyang bulsa.

"Akala ko ba sinabi mong sabihin ko kung ano ang sinasabi mo?"

"May binabasa lang ako nun, iyon agad ang sinabi mo? Kung tinatanong ka ng pangalan mo, dapat sinabi mo kung sino ka," sagot nito habang naglalakad na kami sa pasilyo papunta sa apartment namin. "Pasalamat ka at nakaisip ako ng paraan para matakpan ang sinabi mo."

"Pasalamat ka na nga lang at sinamahan kita kahit inaantok na ako," pabulong kong sambit.

Huminto siya sa tapat ng apartment namin at saka pumasok na. "Kung hindi rin naman dahil sa pagkikitang iyon, hindi mo makikilala si Ali."

Pagkapasok ko roon ay bumalik na rin ako sa wakas sa upuang inuupuan ko kanina bago kami umalis. "Ano naman ngayon?"

Nakita ko lamang siyang dire-diretso papunta sa kuwarto niya. "Huwag kang malungkot diyan kasi makakasama pa natin siya bukas," wika niya bago isirado ang pinto.

"Makakasama? Kakasabi niya pa lang kanina na aalis siya mamayang alas-dies, hindi ba?" tanong ko na lamang.

"Akala ko ba ay mahina ang memorya mo." Mula sa kuwarto ay narinig ko ang kaniyang boses. "Matulog ka na riyan. Maaga pa tayo bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro