Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15. Cyphered Truth

"I'm willing to commit mistakes, if there's someone else who's willing to learn from it."

-Heiji Hattori

-----

Chapter 15:
Cyphered Truth

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

Based on the name I saw on one of the papers on the desk in the office, I know who the owner is. In fact, I may have received something from that person.

"Jerico Tan," wika ko sa aking sarili habang nakadungaw sa may balkonahe.

The surroundings are quite gloomy, so I can feel the warmth in the air. There aren’t many people outside, perhaps because they’re occupied with tasks at their own homes.

"May binigay siyang isang bagay sa akin. Saan ko ba iyon inilagay?"

I know that somewhere in the shadows, someone is watching, wanting to track my every move. Mayroon na akong hinala kung sino ang dumukot sa bago kong kasama kahapon. Kailangan kong mag-ingat!

Upang maiwasan ang mga matang maaaring nakatutok sa akin ay bumalik na lamang ako sa loob at isinarado ang pintuan papunta sa balkonahe.

Sa may kusina ay nakita ko si Zane na nakatayo na naman sa isang tabi. Kanina ko pa siya sinabihan pero parang nag-loading na naman ang kaniyang isip.

"Ayaw mo ba?"

Siguro ay inaantok na naman ang taong iyon. Sino ba naman kasi ang iinom ng kape matapos makaranas ng bagay na hindi niya pa nararanasan dati?

"Bilisan mo na kasi may pupuntahan tayo mamaya."I’d like to have someone with me whenever I go out of the house. Hindi ko talaga gustong makipag-usap nang basta-basta sa ibang tao.

"Ano? Kailangan kong matulog." Nananahimik lang akong naghahanap ng kung ano mang ibinigay sa akin ni Sir Tan nang marinig ko ang pagsagot niyang iyon.

We’ve planned to go out together later. He’d better not say he doesn’t want to if he doesn’t want to see me get upset.

"May sinasabi ka?" tanong ko sa aking mahinahong tono.

Bukod sa pakikipag-usap sa ibang tao ay ayoko rin ng pabago-bago ang plano ko.

"Uy! Ang ref, nakabukas!"

"Ah!" sigaw nito sabay sira ng refrigerator kahit na hawak-hawak pa ang adobo ko.

It turns out my new companion is quite foul-mouthed.

Before long, I remembered what that thing was—a letter he gave me a few days ago.

"Gusto mo bang lumipat na lang ng apartment?" Kahit hindi niya sabihin ay alam kong naiilang pa rin siya – hindi dahil sa babae ang kasama niya sa isang bahay subalit dahil sa maaaring hindi siya sanay sa pag-uugali ko.

"Bakit, hindi mo ba gustong may kasamang lalaki rito? Sabi mo naman ayos lang, hindi ba?"

"Oo, ayos lang pero sa iyo, ayos lang ba?" dagdag ko.

"Ayos lang naman kaso hindi ba't delikado ito? Hindi ba ilegal ito sa ibang bansa?" tanong niya na napaupo sa lamesang hilig niyang upuan sa kusina kapag titingin sa akin sa sala.

"I can always lock my bedroom door, and I know how to defend myself," sagot ko. Hindi niya ako kilala at alam kong alam niya iyon. If he did me wrong; he might get double the repercussions in return. "Alam kong mapagkakatiwalaan ka dahil babae ang kapatid mo."

"Sige, bahala ka. Basta huwag na huwag tayong maglalasing sa loob ng apartment," sambit nito.

"Hindi naman ako umiinom kaya ayos lang." Baka nga siya ang umiinom, e.

"Mabuti naman. Sigurado ka bang ito ang pagkain natin maya-maya? Wala naman itong pampatulog, hindi ba?"

"Wala nga." Ano ba naman ang kasama kong ito! "Ang mahal ng manok, sasayangin ko lang? At saka kahit na alam kong gusto mong matulog dahil sa hindi ka nakaidlip man lang kagabi, hindi ko iyan lalagyan ng kung anong kemikal dahil... hello... bakit ko naman sasayangin ang pera ko para sa walang kuwentang bagay?"

࿐ ࿔*:・゚

"Bakit naman ganiyan ang ekspresyon mo? Mahal kasi ang mga kemikal ko kaya hindi ko ginagamit kapag walang kinalaman sa isang kaso."

"Hindi ka ba gumagamit nun kung hindi ka natutulog? Please tell me you are not addicted to something," sambit nito na mas dumaragdag pa ang mga pinagsasasabi sa akin.

This companion of mine just won’t leave me alone. Oh well, I’ll just let it slide. He won’t be able to keep up if I’m the one to start things.

"Tumigil ka nga riyan! Hindi at hinding-hindi kahit na kailan," I spoke as I finally went towards my new case study area at the study room. "Ikaw nga riyan ang adik sa –"

"Oops! Tama na ang mind reading!" A smirk appeared on my face when I heard his reply. "Lulutuin ko na itong pagkain mo kaya huwag ka nang mag-iingay kung hindi kailangan."

Fine! He’s the one who said it, so I hope he’ll keep quiet while I’m attending to matters.

Habang sa wakas ay natahimik na siya ay binuksan ko na nga ang nakalukot na papel. Doon ay nakita ko ang mga salitang sinulat sa akin ni Sir Tan.

I need to recall more, which is why I require some alone time.

Nawala na ulit sa akin ang tambayan kong kuwarto kaya mauupo muna ako sa baba ng isang upuan sa likod ng pintuan ng library.

Kailangan kong pumasok muna sa aking isipan.

· · ────── ·𖥸· ────── · ·

Nakapasok nga ako sa wakas — nakaupo sa gitna ng isang silid habang nasa harapan ko ang ilang mga bagay na pumapasok sa aking isipan.

Kakaibang simbolo. Simbolo o letra?

A Chinese character. Rén. People.

Man. Human-being.

Ano ba ang maaaring laman nitong simbolong ito?

As my eyes remained fixed on the symbol Mr. Jerick showed me, I couldn't shake the feeling that it might be related to the events unfolding.

Kinuha ko ang sulat na nasa tabi ko — ang sulat na ibinigay sa akin ni Sir Tan — at saka ito pinalutang sa ere.

"Sa loob ng limang araw, tingnan mo ang apartment ko. Huwag mong ipapahalata. Maaaring malaman nila," pagbasa ko sa nakasulat doon.

Naaalala kong dahil sa abala ako noon sa kaso ng apat na sinasabing nag-suicide noong nakaraang mga araw ay nakalimutan ko na ang tungkol doon.

"Kailan nga niya ulit iyon binigay sa akin?" tanong ko sa aking sarili. "Isip, Raine! Kailan?"

"Hindi ba't masyado mo namang pinapahirapan ang sarli mo?" Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isang boses na nagmula sa isang lalaki. Base sa kaniyang anino ay papalapit siya sa kinaroroonan ko.

"Dad," I replied. Ibinaba ko na muna ang papel sa aking harapan at saka inalis ang mga nakapaskil doon na mga iniisip ko.

"Ano yun, Rén? Nag-aaral ka ng Chinese?" tanong niya habang umuupo sa aking tabi sa may parteng kaliwa.

At siyempre, kung nandoon si Dad ay naroon din si Mom. "Ito talaga ang nagmana sa akin," aniya.

Pareho silang nakasuot nang maayos — si Mom isang kulay puting t-shirt at jeans na hilig niyang suotin noon at si Dad naman ang kaniyang itim na trouser at polo na kulay puti rin.

"Magaling na nga sa English ay mahilig ding mag-aral ng iba pang lengguwahe," dagdag pa ni Mom.

"Mom, may nakita lang po kasi akong simbolo na ipinakita sa akin ni Mr. Jerick," sagot ko rito. Paglingon ko ay naroon siya sa sofa na nasa kanang bahagi katabi ng isa sa mga bintanang pinagmumulan ng ilaw ng silid.

"Ah! Si Jerick talaga ayaw na ayaw na may mangyaring masama sa kompanya niya matapos na manakawan noong araw na ako pa ang tumutulong sa kaniya," wika ni Dad.

"Bakit mo naman pinapahirapan ang sarili mo sa isang bagay na kagaya niyan? Minsan ay normal lang talaga ang mga pangyayari. Hindi mo naman kailangang mag-isip ng kung ano-ano palagi," sambit naman ni Mom.

Kumurot sa aking puso ang mga salitang binitawan nila. If only they knew how much I long for them and how much I want to serve them the justice they deserve.

"Wala pa rin namang pinagbago ang sweetheart namin," dagdag ni Mom na pumukaw sa aking atensiyon. "Ito pa rin talaga ang magandang tambayan mo, e — ang dati nating bahay."

"Kumusta na kaya ito, 'no? Sino na kaya ang bagong may-ari?" tanong naman ni Dad na para bang normal lang ang pag-uusap namin sa mga oras na iyon.

"Ako na lang po sana ang tumira roon. Kaya ko naman po, e. Pareho lang naman dito sa–"

"Ah, hindi!" pagputol ni Mom. "Matapos ng pangyayaring iyon, papayag kaming dito ka mag-isa sa dati nating bahay? Oo nga, maganda roon pero delikado."

"Delikado po rin naman dito. Kagaya nga po kagabi–"

"Dahil iyon sa 'overconfidence' mo," pagputol naman ni Dad. "Tawagin ba natin dito ang Ate mo? Alam niya ang sasabihin."

"Huwag na po. Ang punto ko lang naman ay nami-miss ko na po ang dati kong buhay na... na hindi ko na mabalik-balik," sagot ko na lamang.

"Raine." Hinawakan ni Dad ang aking braso at saka ako pinasandal sa kaniyang balikat. "Alam mo ba, hindi mo man mabalik ang nakaraan subalit mas maganda pa ang maaaring mangyari sa iyo sa hinaharap."

· · ────── ·𖥸· ────── · ·

"You're Majesty, lunch is served!"

Kahit na malayo ako sa reyalidad ay narinig ko pa rin ang boses ng lalaking kasama ko sa apartment maging ang kaniyang pagpapatunog ng baso.

· · ────── ·𖥸· ────── · ·

"Hanap ka na ng bago mong kaibigan," wika ni Mom.

"Hindi ko po siya kaibigan," sagot ko sa kaniya.

· · ────── ·𖥸· ────── · ·

"Princess? Nasaan ka na naman?"

Nang dahil sa sobrang ingay niya ay nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip.

Nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng silid-aklatan kasabay ng pagbukas ng aking mga mata.

Upang hindi ako agad magambala ay hinayaan ko na lang siyang maghanap sa akin o kung sino pa man ang tinatawag niyang prinsesa. Baka pusang gala lang iyon na nahanap niya sa tabi-tabi.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang ipagpatuloy ang pag-iisip. Pinilit ko mang makabalik subalit tuluyan na ngang nagulo ang pag-focus ko sabayan pa ng kalamnan kong humihingi na ng pagkain.

Paglabas ko sa silid ay nakita ko ang mga nakatakip na pagkain. "Saan na naman pumunta ang lalaking iyon?" sambit ko na lamang. "May kumuha na naman ba sa kaniya?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro