14. The Apartment Next Door
"Humans are suspicious and jealous creatures. When they see something perfect, they wanna find a flaw."
-Heiji Hattori
-----
Chapter 14:
The Apartment Next Door
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
Ibabalik ko na sana sa loob ng freezer ang akala kong masarap na ice cream nang muli na namang magsalita ang kasamahan ko. "Ayaw mo ba?"
Napaisip ako bigla. Kung hindi ako makaidlip ay sakto lang ang pampatulog sa pagkain na iyon.
Kung ako lang mag-isa at kung despirado akong makatulog ay baka nakain ko na iyon. Ang kaso nga lang ay mayroon akong kasamang babae sa kuwarto kaya delikado.
"Bilisan mo na kasi may pupuntahan tayo mamaya," wika pa nito.
"Ano? Kailangan kong matulog," sambit ko sa aking sarili.
"May sinasabi ka?" tanong naman nito. Namula ang aking pisngi nang pumasok sa aking isipan na baka narinig niya ang sinabi kong iyon. Napatingin ako sa kung ano ang ginagawa niya.
Naroon siya sa may sala at para bang may hinahanap na kung ano roon. Mahina lamang ang pagkakasabi ko kaya maaaring hindi niya naman narinig.
Teka, nakasuot na siya ng pajama? Matutulog ba siya?
"Uy! Ang ref, nakabukas!" Muli akong nabalik sa reyalidad nang makita kong muli ang titig niya na nakaharap sa akin.
"Ah, s**t!" Agad kong isinirado ang refrigerator at saka napabuntong-hininga na lamang.
"Gusto mo bang lumipat na lang ng apartment?" tanong niya na nagpatigil sa aking pagkahiya.
"Bakit, hindi mo ba gustong may kasamang lalaki rito? Sabi mo naman ayos lang, hindi ba?" wika ko na lamang.
"Oo, ayos lang pero sa iyo, ayos lang ba?" dagdag pa niya.
Uupo na sana ako sa upuan sa aking harapan nang malapag sa aking kamay ang aking titig. Kaya naman pala nakararamdam pa ako ng lamig ay dahil hawak-hawak ko pa ang adobo niya. Pagkakita ay nilagay ko na ito sa lamesa at saka na ako umupo.
"Ayos lang naman kaso hindi ba't delikado ito? Hindi ba ilegal ito sa ibang bansa?" tanong ko naman.
"I can always lock my bedroom door, and I know how to defend myself," kalmado niyang sagot sabay kuha ng isang nakalukot na papel sa lapag. "Alam kong mapagkakatiwalaan ka dahil babae ang kapatid mo."
"Sige, bahala ka. Basta huwag na huwag tayong maglalasing sa loob ng apartment," wika ko.
"Hindi naman ako umiinom kaya ayos lang," sagot niya.
"Mabuti naman," sambit ko nang maakit ulit ang tingin ko ng adobong nagsisimula nang matunaw ang mga yelo sa gilid ng lagayan. "Sigurado ka bang ito ang pagkain natin maya-maya? Wala naman itong pampatulog, hindi ba? And for heaven's sake, all I can hear inside my head is adobo!"
"Wala nga," she sighed. "Ang mahal ng manok, sasayangin ko lang? At saka kahit na alam kong gusto mong matulog dahil sa hindi ka nakaidlip man lang kagabi, hindi ko iyan lalagyan ng kung anong kemikal dahil... hello... bakit ko naman sasayangin ang pera ko para sa walang kuwentang bagay?"
Para bang napahintong bigla ang pagtibok ng puso ko sa aking narinig. Walang kuwenta? Wala ba akong kuwenta para sa kaniya?
"Bakit naman ganiyan ang ekspresyon mo?" agad niyang tanong. "Mahal kasi ang mga kemikal ko kaya hindi ko ginagamit kapag walang kinalaman sa isang kaso."
Sa wakas ay nalinawan din ako sa gusto niyang sabihin. Kung hindi niya sinabi iyon ay baka nagalit na ako sa kaniya.
"Hindi ka ba gumagamit nun kung hindi ka natutulog?" tanong ko na nagsisimula na namang magustuhang magtanong ng tungkol sa kaniya. "Please tell me you are not addicted to something."
"Tumigil ka nga riyan! Hindi at hinding-hindi kahit na kailan," sagot nito na sa wakas ay umalis na rin sa sala. "Ikaw nga riyan ang adik sa –"
"Oops! Tama na ang mind reading!" agad kong pagputol. "Lulutuin ko na itong pagkain mo kaya huwag ka nang mag-iingay kung hindi kailangan."
Kinuha ko na nga ang kalderong nakataob sa may lagayan at saka ito hinugasang muli sa lababo — mahirap na dahil baka may kemikal din doon na nakahalo.
Bukod doon ay nagluto na rin ako ng kanin para sabay-sabay na.
࿐ ࿔*:・゚
Matapos ang pagluluto na minsan ko lang ginagawa sa bahay kapag wala si Mama ay naghain na rin ako sa wakas.
Kinuha ko ang isang baso at saka ito pinatunog gamit ang isang kutsara. "You're Majesty, lunch is served!"
Pinatunog ko ulit ito subalit wala pa rin akong sagot na natanggap. "Princess? Nasaan ka na naman?"
Tinakpan ko muna ang pagkain at saka ko na siya hinanap.
Hinanap ko siya sa study room, sa kuwarto at maging sa mga banyo subalit walang nang ibang tao sa loob ng apartment.
Nasaan na naman ang babaeng iyon? Hala, nasaktan ko ba ang emosyon niya nang dahil sa sinabi ko?
Sinilip ko ang balkonahe subalit wala naman siya rito. Sa baba ay nakita ko si Tita na para bang nagmamadali. "Tita!" tawag ko sa kaniya na nagpahinto naman dito.
"O, Zane!"
"May tanong lang po ako, nakita niyo po ba si Raine?" dagdag ko pa.
"Nakita ko siyang naglalakad kanina. Hindi ko lang alam kung saan siya pumunta," sagot niya. "Sige, may kailangan muna akong puntahan." Dumiretso na siya sa paglalakad.
"Nasaan ka na naman Raine? Masamang pinaghihintay ang grasya!"
Kinuha ko ang aking selpon at saka isinara ang pintuan.
Habang naglalakad sa pasilyo ay naakit ako ng ganda ng pagsikat ng araw sa may bintana. Sa aking pagdungaw ay doon ko na nakita si Tita na papunta sa isang taong nakasuot ng beret na nasa tapat ng Apartment 217A.
"Sino naman kaya ang taong iyon? At saka, may apartment pa pala doon?" sambit ko sa aking sarili habang nakadungaw na parang stalker sa itaas.
Pansin kong pagkabigay ni Tita ng kung anong bagay ay umalis agad ito, nagmamadali pa rin sabay bukas ng kaniyang payong. The mysterious person remained still and then vanished from my sight when I felt a hand on my right shoulder.
"Busy?" Paglapag ng tingin ko sa aking likuran ay isang pamilyar na mukha ang nagpakita sa akin – sa oras na iyon ay kilalang-kilala ko na ang pamilyar na taong iyon.
"Ate, nakarating ka na pala!" Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin na halos hindi na ako makahinga. "Ate, h-hangin."
"Oh, sorry!" Agad naman niya akong pinakawalan subalit kapalit naman ng kalayaan ay isang madiing pagkurot sa aking kaliwang pisngi.
"Kumain ka na po? Kailan ka pa po dumating?" tanong ko.
"Kararating ko lang, siguro mga sampung minuto na ang nagdaan o labinlima," sagot niya. "Wala pa ang kasama ko kaya ayun, naisipan ko munang bisitahin ka. Sabi niya baka mamaya pa siya makakarating dahil sa traffic."
"Ang kasama ko nga po ay missing in action," sambit ko sa pabirong tono.
"Na-miss ko ang kapatid kong ito. Nabasa ko ang mga bago mong blog kaya naman nakita kong baka nasisiyahan ka na nga rito," aniya.
She’s still reading that? I thought she was no longer active on the website I use to share what’s happening in my life through words.
"Saan pala ang address mo?" tanong nito. "Dito ba sa–"
"Yung papasukan niyo po sana noong isang taon," pagsingit ko.
"Ah, 221? Maganda sana doon kasi malaki ang puwesto. Ang kaso nga lang ay mayaman daw ang nakatira."
"Mayaman po?"
"Pansin mo bang nasa gitnang parte ng gusali ang mga malalaking apartment? Malaking pwesto, malaki rin ang bayarin," sagot ni Ate. "Pero ayos lang naman sana kasi may discount naman ako kay Tita. Kaso nga lang–"
"Kaso nga lang, ano po?" agad kong pagsingit. "May nag-offer po ba sa iyo ng scholarship na galing sa hindi mo po kilala kaya natakot kayong tumuloy?"
Napatingin na lamang sa akin si Ate, napakunot ng noo. "Hindi pa nga kasi tapos, e."
"Sorry po," wika ko na natauhan din mula sa mga naglalabang katanungan sa aking isipan.
"Kaso nga lang, ayun, sinabihan ako ng kaklase ko na kami na lang ang magrenta sa itaas na apartment dahil gusto niya ng makakasama sa 223C," dagdag pa niya.
"Nakilala niyo na po ba ang nakatira sa apartment ko?" tanong ko pa. "Ano po ba ang kasama niyo sa 223, babae o lalaki?"
"Sinabi ko naman sa iyo na babae ang kasama ko. I was left with a choice between a woman I know and one I don't know yet," sagot ni Ate. "Since nakilala ko si Brittany–"
"Brittany?"
"Kaklase ko. Now, shush!" wika nito sabay saway sa akin gamit ang kaniyang kanang kamay. "I met Brittany on the first day of class. If you'll do the math, I stayed with her for two days before I moved with Brit."
"Wait, hold on! Dalawang araw ka pong nanirahan kasama si Brittany o ang kasama ko ngayon?" tanong kong muli, hindi alam kung paano pagtatagpi-tagpiin ang mga pangyayari at kung ano ba ang totoo sa mga ito.
"I stayed for two days with Raine in 221," sagot nito na naging dahilan ng paglaki ng aking mga mata. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Sinabi mo po ba ang tungkol sa pamilya natin?" Nagsimula na naman ang paglabas ng mga katanungang nasa aking isipan. "Alam niya po ba ang tungkol sa pangalan mo? Apelyido? Mga hilig mong gawin?"
"Uy, kalma! O.A. lang?" pagputol nito sa aking mga katanungan. "Alam mo namang palagi akong nakatutok sa pag-aaral tsaka sa trabaho ko. Buti nga ay nakakapag-usap tayo ngayon."
"Opo, pero alam niya po ba ang maraming bagay tungkol sa iyo?" pagsingit kong muli.
"Anong nangyari sa kapatid kong ito? Siyempre naman, hindi niya alam," sagot niya.
"Paano ka po nakakasigurado riyan?"
"Well, I mostly lock myself inside my room. Samantala, siya naman, madalas ding nasa munting silid aklatan doon at nakatutok sa papel at ballpen niya," sagot pa niya na para bang nahihiya sa medyo kakaiba rin niyang personalidad. "Tanging pangalan ko lang ang alam niya noong nagpakilala ako sa kaniya. Doon din niya sinabi ang pangalan niya at pagkatapos nun ay bihira na lang kaming makapag-usap."
"Wala pong eksena na titingnan ka niya saka maya-maya lamang ay kilala ka na niya na para bang nakakabasa siya ng utak ng tao?"
Isang pagtawa ang narinig ko mula sa kaniya na para bang hindi siya naniniwala sa akin.
"Isang araw ka lang nawala sa bahay natin pero nagpapakadelusiyonal ka na," biro nito. "Mabait na tao si Raine. Hindi man siya mahilig makipag-usap pero madalas niya akong binibigyan ng pagkain niya, hinahayaang manood ng gusto kong palabas, at nirerespeto ang alone time ko."
Naiisip ko na lamang na may pagkakatulad din sa kawirdohan ang dalawa. "Fine. Siguro, kaya hindi kayo naging 'compatible' bilang magkasama sa isang apartment, dahil sa magkapareho kayo ng ugali."
"Ah, yun nga siguro ang dahilan," sagot nito sabay himas ng aking buhok.
"Kain po muna tayo. Nagluto ako ng adobo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro