10. A Great One's Fall
"Tell your secret to the wind, but don't blame it for telling the trees."
- Laila from A Thousand Splendid Suns
-----
Chapter 10:
A Great One's Fall
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE
“Alam ko kung ano po ang nangyari sa asawa't anak ninyo.” Kahit na nahihirapan ay pinilit ko pa ring panatiling gising ang aking sarili. “Hindi naman po kasalanan ng limang nabuhay na nakasakay noon sa minibus ang nangyari sa kanila.”
“Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko,” sagot nito sa akin.
“Hindi bale, kilala ka na po ng mga pulis,” wika ko rito, minamasahe ang ulo upang matauhan man lamang.
“Wala na akong pakealam doon. Matapos ko lang makipaglaro sa natitirang nakaligtas na iyon ay malaya na akong susuko sa kanila,” wika nito na puno ng kumpiyansa sa sarili. “Sinira mo ang plano ko kaya ngayon ay ikaw na lang ang maaaring huling kalaro ko.”
“Anong laro naman po yan?” tanong ko rito na halos hindi ko na matitigan ang kaniyang mga mata.
May kinuha siya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at ibinigay sa akin ang isang baril. “Marunong kang gumamit niyan?” tanong nito na naupo sa aking harapan.
Hindi pa ako sumusubok ng tunay na baril. Madalas ko lang gamitin ang aking dart gun dahil bawal pa akong magmay-ari ng tunay na baril na kagaya ng binigay niya.
“Ano naman po iyan?”
“Ang kemikal na itinurok ko sa iyo – nagpaparanas ng matinding sakit, nagbubukas ng mga alaalang matagal mo nang kinalimutan, at nagpapawala sa sarili. Depende sa lakas ng taong tinurukan ang epekto niyan,” wika niya. “Ngayon, ano kaya ang epekto niyan sa iyo?”
Unti-unti na ngang sumakal sa akin ang mga masasaklap na alaala ng nakaraan – mga bagay na para bang humihila sa akin pababa.
“Alam kong… Alam kong ikaw ang nagsulat sa papel na iyon.” Kahit man nagsisimula nang magpawis ay hindi ko ito hinayaang magapi ang sarili ko.
“Habang nagsasalita ka ay mas pinapalala mo lang ang sitwasyon mo,” babala nito.
Napahiga na lamang ako sa lamesang nasa aking harapan, unti-unting ginagapi ng galit at lungkot ang aking pusong gusto nang makawala mula sa mga alaalang iyon.
“M-May PTSD ka k-kaya hindi mo na kaya pang k-kontrolin ang sarili mo,” sagot ko pa. “Hindi ka pinapatahimik ng sarili mo kaya g-ginagawa mo ang lahat p-para masunod lang ito!”
“Matapang ka, ah. Iba talaga ang tama ng kemikal na iyan sa mga mas matanda sa iyo,” wika nito. “Dapat kanina ka pa patay!”
Mga bulong at ingay ang narinig ko sa buong paligid. Naroon ang boses ng mga magulang ko — ang mga sinasabi namin noong nangyari ang trahedyang iyon. Bukod doon ay narinig ko ang nagmamakaawang boses ni Ate na nais magpaligtas sa akin.
“Tama ang sinabi niya sa akin. Ikaw ang magiging problema ko sa huling planong ito,” sambit pa nito. “Dapat talaga nakinig ako sa kaniya.”
“Sinong siya?” Nadagdagan ang bigat ng damdamin ko nang marinig ko pa ang mga salitang iyon.
“Isa raw siya sa mga mambabasa mo,” sagot niya.
Narinig ko na nga ang sirena ng kotse ng pulis mula sa malayo, kahit na paano ay magiging ligtas na rin ako at si Mrs. Nuñez.
“Bakit ka naman ngumingiti riyan? Nababaliw ka na ata. Iyon ang epekto sa iyo,” tanong nito sa akin. Maaaring nabagot na ito kaya naman ay tumayo na ito at saka naglakad papunta sa bintana.
“Nariyan na ang mga pulis! It seems that y-you are losing this game,” I beamed. “Y-You didn't make me kill myself.”
“Anong pulis? Epekto lang iyan ng kemikal mo!” Napatawa na lamang ito sa narinig. Hindi nagtagal ay bigla ngang nawala ang mga sirenang iyon na bumubulong sa mga tainga ko kanina.
Namataan ko na lamang ang aking sariling hawak-hawak na ang baril na nakalagay sa lamesa at nakatutok ito sa kaniya. “Magaling!” bulalas nito.
“Kung ganoon ay ako ang tututukan mo niyan?” tanong nito. Pagtingin ko sa kaniya ay nakita kong hawak-hawak na nga niya ang isang baril. Maaaring iyon na nga ang tunay. “Ngayong alam ko nang hindi mo kayang magpakamatay, ako na lang ang gagawa para sa iyo. Ano kaya ang magiging buhay mo kung mabuhay kang sinasabing isa kang mamamatay-tao? Ano kaya ang mararamdaman ng mga magulang mo?”
“Ay, oo nga pala! Wala na pala ang mga magulang mo!” dagdag nito.
Nakakasa na ang baril at isang pitik lang dito ay maaaring manggising sa mga taong nasa malapit na apartment. Plano niya talagang magpakamatay para matapos na ang paghihirap niya.
“Peke po ito.” Base sa anatomy ng baril ay napansin ko na hindi ito kapareho sa mga tunay na nakita kong dala ni Dad dati. Nasa kaniya pa rin ang tunay na baril.
“Tama ka riyan. Pareho lang tayo, Ms. De Verra. Ngayon, sino kaya sa atin ang panalo sa larong ito?” tanong nito sa kaniyang mapaglarong boses.
Mula sa kinauupuan, kukunin ko na sana ang dart gun ko sa bulsa ng pantalon ko, subalit bigla akong natigil dahil sa patuloy na pakiramdam ng matinding pagtusok sa buo kong katawan.
“Paalam, Ms. De Verra. Talo ka na,” wika niya.
Wala na akong nagawa. Pilit ko mang ikilos ang katawan ko subalit unti-unti na itong napaparalisa. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa kung ano mang mangyayari.
Handa na sana akong harapin ang bala ng kaniyang baril nang bigla na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata at nabaling ang atensiyon sa may parteng pintuan. Sa isang kisapmata ay bigla na lamang itong natumba sa sahig.
“A-Anong–” Bago pa man magsara nang tuluyan ang aking mga mata ay nakita ko ang isang anino sa aking itaas.
“Magiging ligtas ka na.” Narinig kong wika nito na medyo malabo subalit alam kong pamilyar ang boses na iyon.
Matapos iyon ay tuluyan na ngang nagdilim ang lahat.
࿐ ࿔*:・゚
Paggising ko ay nabalot ako ng puting ilaw na sumilaw sa akin. Kaunting pagpikit at pagdilat ay natauhan na rin ako sa wakas.
“Gising ka na. Salamat naman.” Sa aking harapan ay sumulpot si Detective Ferrer na may ngiti sa kaniyang mga labi.
“Bakit po ako nandito?” Nang malaman kong nasa loob ako ng ambulansiya ay agad kong itinayo ang aking sarili.
“Kailangang alisin ang kemikal sa katawan mo, iyon ang dahilan,” sagot niya.
“Pero bakit hindi po sa ospital?” tanong ko na lamang.
“Trapik sa daanan papunta doon at nang dahil sa may reserba pa namang mga pangontra sa epekto nito ay dito na lang namin isinagawa sa labas ng gusali niyo,” pagpapaliwanag nito.
Medyo masakit pa ang aking ulo subalit nang dahil sa maaaring may mga kumukuha ng litrato sa paligid ay tumayo na ako at lumabas ng sasakyan.
“Ano ba? Magpahinga ka kaya muna doon,” wika pa ni Kuya George.
“Hindi, ayos lang po ako, Kuya. Papasok na ako sa apartment ko,” sagot ko. Maglalakad na sana ako palayo nang magsalita pa itong muli.
“Ikaw ba ang nagpatulog doon sa may-ari ng gusaling ito?” tanong niya sa seryosong tono na nagpahinto sa akin. “Kasama iyon sa sinasabi mong plano noong tinawagan mo ako kanina?”
“Inilayo ko lang po siya sa panganib,” sagot ko na lamang.
“Pero ikaw naman ang nagpadala sa panganib,” pagputol nito. “Alam mo bang napakadelikado nung ginawa mong iyon? Muntik ka nang mamatay kanina kung hindi kami dumating agad.”
“Ikaw po yung nagpabagsak sa lalaking iyon?” tanong ko. Kung siya nga ang taong iyon, bakit wala man lang akong nakitang senyales na may darating na mga pulis?
“Akala ko ba ay galing sa dart gun mo ang tumama sa paa niya?” sagot ni Kuya. “Saglit siyang naparalisa dahil doon.”
“Pero nasa bulsa ko po nung mga oras na iyon ang dart gun ko at hindi ko maabot dahil sa epekto ng kemikal. Sino pa po kaya ang may-ari ng ganoon sa mga nakatira sa mga mga apartment?”
Mula sa mga nagkalat na tao sa paligid ay nakita ko sina Tita Nuñez at ang pamangkin nito na kinakausap ng mga pulis. Kita ko ang bakas ng takot sa mukha niya subalit kabaligtaran naman ang nasa kaniyang pamangkin.
“Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita, Raine,” wika ni Kuya sa oras na hinatak na ako ng aking sarili papunta sa dalawang iyon.
“Saglit lang, Kuya.”
Paglapit ko rito ay napatingin kaagad sa akin ang lalaki nitong pamangkin na para bang hinahantay ang pagdating ko. Kinuha niya ang aking braso at saka lumayo mula sa iba pang tao sa paligid.
“Anong problema?”
Mula sa bulsa nito ay mayroon siyang kinuha – isang dart gun na kapareho ng sa akin. Nang dahil sa surpresa ay agad kong tiningnan ang aking bulsa upang malaman lamang na wala pala roon ang sa akin.
“Sa iyo ata ito,” wika niya na nananatiling nakangiti subalit pinipigilang makita ko ito. Agad kong kinuha ang kaniyang iniabot at inilagay pabalik sa aking bulsa.
“Saan mo ito nakita?” tanong ko.
“Sa may lamesa katapat ng sofa na tutulugan sana namin ni Tita,” sagot niya.
“So, was it you who shot that man?”
“Ako nga. Nag-panic ako kaya binaril ko lang niyan kahit hindi ko alam kung ginagawa ko,” wika nito.
“Paano mo nalamang may mangyayaring masama?”
“Maya-maya lang pag-alis mo, nagkaroon na ako ng kutob lalo na noong nakita ko iyang baril mong kakaiba. Sumilip ako sa kuwarto ni Tita na nakabukas pa rin ang pinto at doon ko na nga nakita ang lahat,” pagpapaliwanag nito.
“Magaling!” bulalas ko. “Salamat.”
“Walang anuman,” sagot nito.
“Ngayon, ganoon pala ang pakiramdam ng pinapatulog. Though my experience is twice as challenging as what your aunt endured,” wika ko na lamang habang inuunat ang braso.
“Back to you, that's what happened!” bulalas ng hindi na nga nakapagpigil sa pagtawa na pamangkin ni Mr. Nuñez.
“Gusto mo ulit kumain?”
“Sige ba!” Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha nang marinig niya ang mga salitang iyon. “Basta libre mo.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro