Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unbreakable Bond

Dali akong pumasok sa school kahit na katatapos ko lang maglunch, sabi mo kasi sa text mo,

Where are you now, 'cause I'm thinking of you.

So, malamang nasa school ka na. Pagkapasok ko sa gate na humihingal pa, nakita na kita agad sa silong ng mangga, nakaupo ka sa bench doon. Diyan kasi ang favorite place ko at malay ko ba kung naging favorite place mo na din.

Lumapit ako sayo at nag-'hi!', ngumiti ka at naupo na ako sa tabi mo. Mula pagkaupo ko ay nagsimula na rin ang teleserye ng buhay ko. Halos makwento ko na sayo ang kwento ng lola at lolo ko. Habang ikaw, tahimik at tumatango-tango lang kung minsan.

Higit na isang taon na tayong magkaibigan, at malamang kilalang-kilala mo na ako. Pero ako patuloy pa ring namimisteryohan sayo.

Bukod kasi sa magkaiba tayo ng pananampalataya, edad at uri ng pananamit ay wala na akong alam tungkol sayo. Kung paano ka lumaki, kung ano ang mga paborito mo at ano yong mga hilig mong gawin.

Madali ka lang magkaroon ng friends samantalang ako, kailangan kong mag-effort para magkaroon ng kaibigang mananatili sa tabi ko. Sa lahat nga ng naging kaibigan ko, ikaw lang ang iba sa kanila. Hindi ko nga inimagine na magiging kaibigan kita, until one day nalang katext na kita at lagi na kitang kasama. Kapag may problema ako lagi kang nandiyan para daluhan ako. Na sa ating dalawa para ako lang yong laging kailangan ka, at ikaw naman ay laging nadiyan para sa akin.

Pero dahil sa pagiging misteryoso mo, kahit magkaibigan na tayo ay may mga bagay parin na nahihiya ako sayo.

Sobrang bait mo, sobrang caring at plus pa na matalino ka talaga. Dahil ikaw ang first honor sa klase niyo, nasa top 7 lang ako.

Mas matanda ako ng dalawang taon sayo pero bakit feeling ko mas mature ka kaysa sa akin. Hanggang sa nasanay na ako that you're always there for me.

At dahil diyan mas minahal pa kita bilang kaibigan ko.

It broke my heart noong nalaman ko na magmomove na kayo ng family mo sa Canada. Nasanay na kasi akong nandiyan ka lagi, hindi ko alam na darating yong time na magkakahiwalay tayo. At dumating pa yong time na nagregret akong nakilala pa kita, di sana hindi masasaktan yong loob ko ng ganito.

Pero still, thankful ako na nameet kita.

Ikaw lang ang naging totoong kaibigan ko in my high school life, ikaw lang ang kaibigan ko na nagparamdam na special ako. Pero mawawala ka din pala, aalis ka pala at iiwan mo ako.

Noong pagalitan ako sa bahay at nagsumbong ako sayo, sabi mo sa pagtetext-san natin,

Nandito naman ako ah, hindi naman kita iiwan.

Pero nahihirapan akong paniwalaan na lagi ka paring nandiyan kahit malayo ka na.

Kagaya ka din nila, iiwan mo din ako.

Dahil siguro sa sobrang sama ng loob ko, nasabi ko nalang iyan.

Pero agad kang nagreply,

I don't know if concern ako sayo, o baka mas malalim pa don.

Nagets ko naman ang ibig mong sabihin. Pero....

Nagdesisyon akong lumayo sayo, umiwas sayo. Nagkikita tayo sa school pero nagawa kong huwag kang pansinin. Siguro nga sobrang sama ko sayo dahil sa ginawa ko, though wala ka namang ginawang masama sa akin.

Nakita ko kung paano ka nalungkot, kung paano ang naging epekto ng ginawa ko. Sa totoo lang, kahit hindi mo alam ay nasasaktan din ako, pero I thought yon ang kinakailangan kong gawin.

Pero namimiss kita, gusto na ulit kitang makatext at makausap. Yong gaya ng dati, so isang araw, pagkapasok mo at bagong rebond yong hair mo non. Tinext na agad kita nong makita kita.

At buti naman at nagreply ka agad, hindi nga nagtagal bumalik tayo sa dati. Pinaramdam mo ulit sa akin kung gaano ako kaimportante, sabi mo ayaw mo naman talagang umalis ng bansa. Pero wala ka namang magawa dahil pamilya mo sila.

Pero ang kitid pa ng utak ko noon para intindihin ang ganyang mga bagay. Masasabi kong sobrang selfish ko na gusto kong manatili ka sa tabi ko.

Niregalohan mo ako noong 16th birthday ko ng bracelet. Sobrang ingat ko doon dahil ito'y magsisilbing ala-ala mo sa akin. Pero hindi ko naman inaakalang mawawala ko iyon noong kumuha kami ng carabao grass ng kaklase ko sa bukid malapit lang sa school. Nanatili nga ako ng ilang minuto doon para hanapin iyon. Nahihiya ako sayo dahil nawala ko iyon. Sobrang sama ng loob ko. Iniisip ko kasi na baka sabihin mong wala lang sa akin yong bigay mo.

Noong hindi ko na talaga mahanap, agad akong nagtext sayo at humingi ng pasensya kinagabihan. Nagsorry ng nagsorry. Halos hindi nga ako makahinga sa kaba noong hinihintay ko ang reply mo.

Hindi ko lang inasahan yong reply mo. Sabi mo kasi, hindi ka naman galit o nagtatampo, tas sabi mo pa na masaya ka.

Actually noong una hindi ko gets, kaya tinanong kita, sabi mo naman masaya ka dahil binigyan ko ng halaga yong regalo mo sa akin. Dahil diyan ay napangiti ako.

Sobrang blessed ko talaga na naging kaibigan kita.

Kung sobrang galing ko lang talagang kumanta, kakatahin ko talaga sayo yong 'One Friend', kaso malakas na ngayon ang mga bagyo, takot ko nalang na kapag kumanta pa ako ay baka umabot na sa signal no. 10 ang mga bagyong darating. Kaya ayan, basahin mo nalang at tulahin.

I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.

Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn't care.

'Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,

That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

'Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,

That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I'd want it to be you.

Oo, sa lahat ng naging kaibigan ko noong panahon na yan, if I had only one friend left, I'd want it to be you, Ash.

Hanggang sa nagkolehiyo ako, masasabi kong ako ang unang nang-iwan kasi sa malayong lugar ako nag-aral. Iniwan kita, at high school ka palang kasi.

Hindi naman ako lalayo kung hindi nangyari yong isang bagay na sa tingin ko ay hindi ko pa nasasabi sayo kahit kailan.

Malapit nang graduation noon sa high school, umabsent ako ng morning dahil kukunin ko yong padala ni kuya ko na pera at noong after non pagkauwi ko, that happened.

Pagkapasok ko sa school hinanap kita, ikaw ang kaisa-isa kong gustong makausap at pagsumbongan nong nangyari. Pero wala palang pasok kaya wala ka. So tinext kita, kung pwede mo akong puntahan sa ilalim ng puno ng dohat malapit sa school.

Sabi mo noon hindi ka na pwedeng lumabas, at ayukong sabihin iyon sa text sayo dahil nahihiya ako. Kaya iniyak ko nalang mag-isa iyon sa ilalim ng puno ng dohat. Walang nakakaalam na umiyak ako at I think walang nakakita kahit isa. After noon ay umuwi na ako.

Natrauma ako sa nangyari. Pero walang nakakaalam non, sobrang hiya ko sa sarili ko. How I wish na ma-erased iyon sa memory ko, how I wish na sana hindi nalang ako iyon.

Yan yong nagbigay sa akin ng thought of moving out from Abra. Ayuko na sa Abra, gusto kong pumunta sa ibang lugar. Gusto kong makalimot. Feeling ko kasi, kapag nagstay ako ng Abra hindi ako makakamove on sa nangyari.

Nagdesisyon akong mag-aral sa ibang lugar kaya napadpad ako dito sa Urdaneta City. Nagkakatext parin naman tayo, pero I choose to be quiet about it.

Until October 10, 2011 came, the exact date noong magflight na kayo ng family mo. Hindi man lang kita nakita at nakausap sa huling pagkakataon. How I wish na sana malapit ako sayo noon pero, hindi pa ako handa.

At nawala na yong communication natin. Sobrang lungkot, at madaming nagbago.

For about one year or almost two years na wala tayong communication, until i-add mo ako sa facebook. At congrats may account ka na! Sobrang saya ko noon dahil mayroon na ulit tayong communication.

Hanggang sa bumalik ako ng pagiging sumbongera ko sa mga problema ko. Dumating din yong araw na ang dami ko na sayong chat pero hindi ka nagrereply. Nakaramdam ako ng tampo, may pangako ka kasi na you're always there for me. At noon din kasi ay may kinakaharap akong problema sa family ko.

And then one day nagreply ka, sabi mo,

I apologize for not being there for you always. Alam ko it's been a while and hindi naman dahil sa nagsawa na ako sa'yo marami din akong pinagdadaanan, to tell you the truth, I've been depressed and was even suicidal pero I'm over that. I'm all good now.

At yon na nga, sinabi mo na depressed ka. Family problem. Doon ko lang narealize na ang selfish ko, lagi mo akong iniintindi, samantalang ako hindi ko man lang naiisip yong mga ganong bagay.

Natakot din ako para sayo. Kaya sinabihan kita na huwag mong papatayin yong sarili mo kasi paano pa tayo magkikita if wala ka na. Pinangako mo pa naman na magkikita pa tayo ulit.

I know, I'll keep that in mind.

With that nakahinga ako ng maluwag.

Later on, naging masaya ako. Kasi you're starting to open up with me. Feeling ko, I am already in sa buhay mo.

At yon na nga ang simula, kinekwento mo na yong buhay mo diyan sa Canada with your new friends.

And I always assured na ma-greet kita sa birthday mo. Siguro nga isa na tong commitment ko as your friend.

Kaya huwag ka sanang magsawa sa mga kabaliwan ko kapag sumasapit na ang February 12.

Lagi mo akong pinapaiyak sa mga chat natin, of course you don't know. Sabi mo nga madami nang nagbago, but I still have hope sa friendship natin. Ito yong pinaka hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ng chat natin..reply mo iyan sa bati ko noong birthday mo, nagsend kasi ako ng video kung saan nag-guitara ako while singing 'happy birthday' song..

Ahaha Galing ah =D =D Salamat ng maraming marami! Salamat dahil after all these years you're still you hehe di ka pa rin nagbabago. I did, and maybe you've noticed that pero minsan kapag nalulungkot ako kapag wala akong malapitan ikaw pa rin yung naiisip ko yun nga lang parang nahihiya na akong lumapit sa'yo, magsumbong kasi I've given up that privilege a long time ago. As they say, time and distance are very powerful factors that can affect people's relationship. But lately, we've been in contact with each other once again and I could tell that you never changed, not one bit. Honestly you're the one constant thing in my life. You know, I feel so so bad and guilty cause truth be told, there came a time when you've almost been displaced by others. Pero sa huli, wala pa rin talagang makakatulad sa'yo :D If there's one person I'd want to be friends with for my entire life, ikaw yun. Hala! nagdrama ang bata hahaha Anyways, salamat uli. For what? I don't know, sa lahat lahat. Pasensya na kung minsan I'm too distant ha. Ingat ka lagi, I miss you too, very ;)

You even post this in facebook on that day.

Kahit na matagal na tayong walang paguusap, kahit na ilang taon nang di tayo nagkikita at kahit na marami na akong pinagbago nandyan ka lang naghihintay, di nagbabago kasi alam mong ikaw pa rin ang aking lalapitan kung talagang nasasaktan na ako. Salamat ate 😊

Ang saya ko, kasi you addressed me 'ate'. Remember, first time ata yan. Kapag mag-uusap naman tayo, hindi mo naman ako inaate o tinatawag sa pangalan ko habang ako binigyan pa kita ng nickname na zhiangot.

You're still the friend I want to have at present and in the future. For me the miles between us cannot make us apart. You will always be in my heart.

Until pinakilala mo sa akin si 'snapchat' at dinownload ko naman. Ang cute non kaso mas mabagal pa sa pagong yong app na yon sa phone ko eh.

We even sent random pictures sa isa't-isa, like nong nagkulay ka ng buhok mo and your friend said na kamukha mo na si Trump sa kulay ng buhok mo. Sorry, hindi ko pa kasi kilala si Trump noon.

May buhay ka na nga sa Canada. And I am happy for you. Sana nga lang hindi mo makalimutan yong naging buhay mo dito. At maghihintay ako sa pagbabalik mo kahit vacation lang.

Kaya nga I am so excited na makikita na ulit kita this April'2017.

Tinotoo mo nga na ako ang unang pagsasabihan mo ng pag-uwi mo dito sa bansa.

I will never get tired to pray for you and to be the friend you will always have in your ups and downs. Sana lang huwag mo iyong kalimutan Ash.

As I always said noong magkasama pa tayo, it's okay that you'll forget me but just don't forget our friendship. I will treasure you forever.

Tama ka na marami nang nagbago, marami na rin akong naging kaibigan na masasabi kong parang naging kapatid ko na din, like si Elai. Kinekwento nga kita sa kanya, so basically kilala ka na niya, pero hindi lang ng personal.

And oh I still love the song Fireflies by Owl City. The one you taught me.

Thank you for the friendship. Hope our friendship will never change and be broken until us dies.

Magiging ninang ka pa ng mga magiging anak ko sa future ha.

Thank you Ash for everything! God bless you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro