Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 28'18: Sana Totoo na Lang

Dear Aisha,

I have a very pleasant morning today.

I saw you in my dream. I talked to you. I even hugged you there.

Ito yong unang pagkakataon na nasabi ko sa aking panaginip na totoo ito.

Sobrang miss na kita. In my dream, pinuntahan kita diyan sa Canada, di ko alam kung paano pero I saw myself in front of your house. At di ko din alam kung paano ko natunton yong bahay niyo.

May kinausap akong bata at tinanong, "Nandito ba si Aisha Martes?" Pero hindi ako naintindihan nong bata kasi englishera pala. Kaya inulit ko yong tanong ko sa ingles na. At ayon tinawag ka nga niya. Noong una hindi mo ako nakilala pero noong makita mong ako nga ito ay lumapit ka at niyakap ako.

Umupo tayo ay binigyan mo ako ng kape. I saw yours, at americano ito. I asked if may marunong ba sa inyong maghandrip and sabi mo ibinoil lang to. Then nag-usap pa tayo, sabi mo salamat kasi pinuntahan mo ako. Actually, you sounded awkward. And medyo na-offend ako don. Kaya sabi kong huwag mo ngang sabihin yan. Because I want you to be natural.

You asked me if kailan ako uuwi ng Pinas, sabi kong kinabukasan din kasi hindi ako nagpaalam sa amin. Sabi ko na magstay pa ako ng isang linggo. Kung pwede lang sana.

Sinabi ko na pakitulungan akong makabili ng ticket pauwi. And at that time naalala kong I'm not sure anymore sa dala kong pera pauwi.

Then, I woke up. At nalamang panaginip lang pala. Pero yong feeling na nayakap kita at nakausap, parang totoo sa akin. Though I only found out na nandito pa rin ako sa aking kama na nakahiga.

I always wonder kung bakit napapanaginipan kita. I remember last night before I slept, I am just so tired. I don't remember thinking about you.

Actually in my dream, pag-uwi ko daw ay may video tayo. My menthor said, halatang depressed ka daw.

And I am worried if ganoon nga ba ang nangyari sa'yo kung bakit wala ka nang parandaman sa akin, kung bakit mo idineactivate ang mga acounts mo sa facebook at IG, eh yon nalng ang tanging koneksyon natin sa isa't-isa.

October 2017 ang huli nating pag-uusap. Seven na buwan na, at hindi na ulit iyon nasundan pa. Though I badly wanted to talk with you kahit sa messenger lang pero hindi na possible kasi ko na alam kung paano ko pa ipapaabot ang mga mensahe ko sa'yo.

But I'm praying that you are in a good condition. And you are happy there. I miss you so much.

Love,
Ate

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro