Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Wedding Night

~

PARANG nasa isang teledrama si Wenzy at napakabilis ng mga pangyayari sa buhay niya. Parang kahapon lang ay pinipirmahan niya ang marriage certificate na pirmado ng isang Marius Ezekiel Rostova at ngayon naman ay naghahanda na siya ng paglilipat ng gamlt sa mansyon ng "asawa"  niya. Ang galing ano? Pwede ka pa lang maikasal ng hindi nakikita ang napangasawa mo. Isang pirma lang at tali ka na. Iba talaga abg nagagawa ng pera. Lahat sa isang pitik lang parang magic na makukuha ang gusto.

Nakaharap siya sa salamin. Sa kabila ng maamong mukhang nakikita niya sa salamin ay pakiramdam niya ay nakasuot siya ng mabigat na maskara. Looks like the famous Disney Mulan them song "Reflection" the woman staring back at her is something she doesn't know.

Act properly, speak properly, etsetera, etsetera. Kulang na lang ay sungalngalin niya ang bibig ng madastra ng isang buong pandesal ng manahimik ang armalite nitong bibig.

Minsan gusto niya itong tanongin kung hindi ba ito napapagod kakasermon sa kanya pero naalala niya na hobby pala ito ng madastra isama mo pa ang pananakit nito sa kanya.

Laking pasasalamat niya na nga lang ng pumayag itong isama niya si Nina sa mansion ng "asawa" niya.

Sinuklay ni Nina ang kanyang buhok. “Pagkatapos nito malaya ka na sa mansyon ng mga Masula. Iyon nga lang nakakalungkot at hindi pumayag si Madam na isama ang Nanay mo sa bago mong titirahan.”

“Para hawak pa rin nila ako sa leeg.” Ngiting asong tugon niya. “Kaya lang naman ako pumayag sa kasal na ito ay para kay... Kiel.” Binalingan niya si Nina. “Hindi ba siya tumawag kahapon? Hindi ba niya ako kinumusta?”

Tumigil si Nina sa pagsusuklay ng buhok niya. “T-tumawag po pero si Madam ang nakausap.”

“Talaga?” Puno ng excitement na tanong niya. “Ano kayang sabi...”

“Ahm...” Nagdalawang isip pa si Nina. “Hindi ko masyadong narinig pero ang alam ko e, nasa Hawaii sila ni Miss Nicka Stacey ngayon nagbabakasyon. Nagbiro pa nga si Madam kahapon sa telepono na baka raw pag uwi ng mag asawa ay may apo na siya.”

Namutla si Wenzy sa narinig. Kaya pala wala man lang itong kahit tawag o text man lang sa kanya.

“Pero napakaimposible niyon, Wenzy kasi mahal ni Miss Stacey sng career niya at isa pa alam ko namang kayo talaga ang gusto ni Sir Kiel, na-witness ko na po iyon ng ilang beses.”

Hilaw na ngiti lang ang naisagot niya at saka inayos ang gamit niya sa harap ng salamin. Matagal tagal ulit bago niya magamit ang silid na ito.

“Pero Wenzy, alam mo bang iyang si Marius Ezekiel Rostova ang pinaka cold hearted raw sa lahat ng mga Rostova sa generation nila. Mana sa yumaong Lolo kaya nga ito ang paborito.”

“Tss. I will never marry a man like him.”

“E, kasal na nga po kayo e.” Sagot naman ni Nina.

Oo nga pala. Nakalimutan niya tuloy. Paano ba naman kasi ay parang wala namang kasalang naganap sa kanila. She don't have any idea what is he like? Paano kung kamukha pala ito ni Jovit o kaya ni Marlou? My God! Ganoon kaya ang itsura ng kapatid ni Kiel?

This absurd idea is really a mess. Damn it!

Labag man sa kalooban niya ay umalis siya ng Masula Mansion nang dumating ang sundo niya. Hindi man lang siya pinayagan ng bruha niyang madastra na makapag paalam sa Nanay niya. Napaka talaga ng menopause na iyon! Ang sarap hampasin ng napkin na may regla.

Hanggang sa makarating siya sa Mansion ng asawa niya ay nakabusangot ang mukha niya, liban na lang ng makita niya kung gaano kalaki ang tinitirahan nito. Hindi niya maiwasang mapanganga, alam niya kung gaano kayaman ang mga Rostova but not like this. At his young age nakapundar na ito ng ganito kalaking bahay o sadyang pamana ito ng yumaong Rostova?

“Wow! Nina nananaginip ba ako?” Tanong niya sa personal maid niya.

Ngumiti ito sa kanya. “Hindi Miss Wenzy, totoo po ang mga nakikita niya.”

Whoa! Hindi niya maiwasang mamangha. Napakaganda ng mansiong ito, dinaig pa ang mansion ng mga Masula. No wonder kung bakit kinaiinggitan ang apelyidong Rostova, sa yaman pa lang ng mga ito panalong panalo ka na! Geez! Kung kilala at mahal niya lang talaga ang lalaking pinakasalan niya siguro ay matutuwa pa siya dahil matagal na niyang pangarap iyong ganito.

Oo, ambisyosa siya pero iyon ay dahil matagal na niyang gustong makawala sa mga Masula. Napaka unlucky niya talaga. Haist!

Right! Hindi siya nandito para purihin ang kung ano mang nakikita niya. Nandito siya para tulongan si Kiel. Curious din naman kasi siya kung ano ba talaga ang hidwaang mayroon sa magkapatid kung bakit kailangan niya pang maging espiya.

“Miss, dito po ang silid ni Sir Marius at dito kayo mananatili.” Magalang na sabi noong komadrona yata ito ng bahay na ito.

“Ha?”

Tumikhim ito. “Dito ho kayo sa Master's bedroom.”

Nilingon niya si Nina. “Nina, nabingi yata ako. Pakiulit nga iyong sinabi niya.”

Bahagya itong natawa. “Miss Wenzy, dito na ho kayo kwarto ng asawa niyo matutulog ngayong gabi.”

“What?!” Eksaheradang tanong niya. “But... The mansion is huge, siguro namam hindi lang iyan ang kwarto sa lawak nito.” Lumingon siya sa komadrona at tumikhim, pinilit niyang maging mahinhin ang boses niya. “Don't get me wrong po pero conservative po ako.”

“Pfft.” Si Nina.

Pinanlakihan niya ito ng mata kaya natigil ang personal maid niya. Itinuon niyang muli ang tingin sa head maid ng mansion.

“Pero Miss, bilin ho ni Sir Marius na dito kayo patuloyin sa kanyang silid. Ito po ang unang gabing kasal kayo.”

Ha! She wanted to scoff. Manyakis pala ang gagong iyon! Gusto kaagad umiskor sa kanya e, hindi naman sila magkakilala. Anong akala nito sa kanya? Easy to get?! Gago iyon ha!

Okay, kalma Wenzy, kalma. Kailangan mong magpanggap sa mga tao rito na disente ka kumilos. Pati nga mga damit na dala niya ay puro bestida na lagpas tuhod alinsunod sa nakasanayan niya sa Masula Mansion.

Sa huli ay nakuha niya rin ang gusto niya. Pinalipat siya sa kabilang silid malapit sa opisina raw ng binata. Iyon daw kasi ang sumunod sa laki ng Master's bedroom kaya mas magiging komportable raw siya.

Ah! Anything basta huwag lang sa silid ng manyakis na iyon!

“Nina! Hanapan mo ako ng baseball bat.”

“Ha? Anong gagawin mo roon, Wenzy?” Nag aalalang tanong nito.

Inis niya itong tinitigan. “Ihahampas ko sa ulo ng lalaking iyon.”

Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Ano ka ba, Wenzy. Kabilin bilinan sayo ni Madam na magbehave ka rito sa bahay ng asawa mo.”

“Wala akong pakialam pero twenty one pa lang ako! Wala akong balak na isuko iyong virginity ko sa ganitong edad! My God! Parang manyakis pa yata ang napangasawa ko. Lord! Hanggang kailan ba ang kamalasan ko?”

“Pero unang gabi niyo ito, Wenzy at isa pa. Talaga namang kailangang magkatabi ang mag asawa sa iisang silid.”

“Wala akong paki!” Sigaw niya kaya napapitlag ito. “Hanapan mo na ako ng baseball bat, dalian mo!”

“Oo na, oo na.” Naiiling itong sumunod sa gusto niya.

Ngising tagumpay si Wenzy. Ha! Tignan na lang natin kung makalapit sa kanya ang lalaking iyon!

Hinanda ni Wenzy ang sarili niya. Naligo muna ulit siya at nagpalit ng pares na pantulog. Umupo siya sa gilid ng kama, hawak ng isang kamay niya ang baseball bat na nakatago sa ilalim ng kumot. Hindi niya alam kung saan iyon nakuha ni Nina pero laking pasasalamat niya at may nahanap ito.

Sinabi niyang mag hintay ito sa labas ng pinto at if ever man na dumating nga ang lalaking iyon, sinabihan niya si Nina na senyasan siya ng dalawang katok kapag nariyan na ang asawa niya.

Ready na nga rin ang mga sasabihin niya para paniguradong pumasok ito ng silid niya.

Ha! Ha! Mas mautak kaya siya.

HINDI mawala ang ngisi sa labi ni Marius nang sumama sa kanya si Kiel sa mansyong tinitirahan niya. His brother insisted because of not-so-important papers. If he knows, alam niyang hindi iyong ang pinunta ni Kiel sa bahay niya. Kagagaling lang nito sa bakasyon at gusto na kaagad nitong makita ang asawa niya.

Sinalubong siya ni Fatima, ang head maid niya rito. “Sir Marius, Sir Kiel.” Bati nito sa kanila. “Sir Marius...” Nag aalangan ito sa kanya.

“What is it? Where is my wife?” Pasimple niyang nilingon ang kapatid.

“Sir,” Tumikhim ito at umayos ng tayo. “Hindi po siya pumayag na sa kwarto niyo manatili. Nasa silid po siya sa tabi ng office niyo.”

Ngumisi si Kiel sa narinig. “Looks like your wife doesn't want to be with you, huh!” Nang iinsultong anito. “She really knew where she belongs.”

Magsasalita sana siya nang magsalitang muli ang kasambahay niya.

“Pero pumayag po siya na puntahan siya ngayong gabi sa silid niya.”

“Really?” Nakangising binalingan niya ang nakatatandang kapatid. “I think we should hurry to get your papers brother. I don't want to keep my wife waiting.”

Nagtiim bagang ito at nauna pang naglakad sa kanya na kaagad namang sinundan ng lakad para mahabol. Huh!

Nang malapit na sila sa office niya ay nakita niya iyong personal maid ni Wenzy May sa labas ng pinto ng isang silid. He knew her, dahil nga napaimbestiga na niya ang lahat tungkol sa napangasawa niya.

Pansin niyang kumatok ito ng dalawang beses sa pinto ng makita sila at bahagyang binuksan iyon. She was about to say something but he stopped her by signing to shut her mouth.   Nagyuko ito ng ulo.

May narinig silang tumikhim kaya natigilan sila ni Kiel sa tapat ng pinto  ng  silid ng asawa. 

“Asawa kooo...” Malambing na tawag nito.

Kunot noong tumingin siya sa personal maid nito na naka kagat labi lang at nag wo-worry dahil nandito si Kiel? At ganyan ang inaasal ng amo niya? Well, let the first episode begin.

“Baby... Kanina pa ko naghihintay, halika na dito sa loob... Asawa ko...” Malambing na tawag nito.

Pigil ang ngiting lumingon siya sa nakakatandang kapatid na kasalukuyang kuyom na kuyom ang kamao at namumula ang mga mata sa galit.

Mas mabuti pang asarin ito lalo. “You know what, brother. You're right. She knew where she belongs, WHOM she belongs. She signed the paper and now she is in my mansion so the beauty is MINE.”

“Watch out, I'm going to have her back.”

He grinned. “You already witnessed that she's my wife. She's here and so she's mine.” He cocks a brow. “If you don't mind let's finish your business here so that I can start my wedding night with my wife.”

“Nonesense.” Padabog na anito at mabilis na umalis sa mansyon niya.

He badly wants to laughed but he needs to deal with the vixen first. Sinenyasan niya ang personal maid nito na iwan na sila. Nag aalangan pa ito bago umalis, saglit na liningon ang silid.

WHY took him so long? Ano? Pabebe lang at gusto pa nitong tawagin niya itong muli ng kung ano anong nakakasukang endearment? Eww! Kanina pa nga siya nasusuka sa ginagawa niya at the same time kanina pa niya gustong gustong ihampas ang hawak niyang baseball bat sa mukha ng estrangherong iyon.

Madilim ang silid nang marahang bumukas ang pinto. Sinadya niya iyon at tanging ang lampshade lang sa gilid niya ang binuksan niya. Asintado naman siyang humampas kahit na madilim.

“Hubby, why took you so long?” Malambing na tanong niya at nanatiling nakayuko.

“Why, are you excited?”

Oo! Excited akong patayin ka. Iyon ang gusto niya sanang sabihin pero pinigilan ang sarili. “It's getting late na kasi and isa pa...” Mas pinalambing niya pa ang boses. “Tonight is our first night as a husband and wife. Why don't you come closer.” and let me hit you hard.

Saglit lang itong tumigil bago siya sinagot. “You're right. I'm coming my very playful wife.”

Sige, dalian mo! Mahinang dasal niya sa sarili at mas humigpit pa ang hawak niya sa baseball bat. Nang maramdamam niyang malapit na ito sa kanya ay inangat niya ang kamay na may hawak ng baseball bat upang ihampas sa binata pero mabilis ang naging kilos nito at hinawakan ang pulsohan niya pahiga sa kama na nagpatianod sa katawan niya.

Nabitiwan ni Wenzy ang baseball bat at nanlalaki ang mga matang tumitig sa binata. Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng mapagtantong pamilyar ito sa kanya.

“I-ikaw?!”

Yes! That stupid ungenerous sissy at the hospital is her husband??

Mas nilapit nito ang mukha sa kanya. “Ako nga...”

Naamoy niya tuloy ang mabango nitong hininga, amoy mamahaling mouth wash. Ano ba, Wenzy! Ito ka na naman ha!

“So, let's start our wedding night?”

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro