Chapter One
Unexpected
MADALAS na kausap ni Marius ang kapatid niya sa ina na si Zai. Hindi naman na ito iba sa Rostova kahit na hindi nila ka-apelyido. Kasundo niya pa rin ito at tila tumatayong kanang kamay niya dahil hindi rin nito gusto ang apog ng nakatatanda nilang kapatid na si Kiel.
Tss. Wala ng pag asa ang lalaking iyon.
"Kung ganon pala Kuya, sinadya niyang gawin ang kasalan last year at iwanan ang nobya niya dahil nabasa na ni Kuya Kiel ang last will ni Lolo at ipapakasal ka sa nobya nito? And to make things sure na siya ang magiging tagapagmana, ipapain niya ang girlfriend niya sayo bilang spy." Seryosong tanong ng kanyang kapatid.
Humigop siya ng tsaa. "Clever asshole, indeed pero isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang bitawan ang babae niya," Ngumisi siya sa kapatid. "If he'll use her against me, I'm going to use her too against him." Makahulogang aniya.
"What's your plan?"
He just smirked at him. "How's mother, Zai? Pagkatapos ng kasal ay dadalawin ko siya kasama ang asawa ko." Pag iiba niya sa usapan.
Nagkibit balikat naman ang kapatid. "She's alright. Still, ayaw pa rin niya na makasal ka tulad nang nangyari kay Kuya Kiel. She believes that you and Mohanna," Tukoy nito sa kababata niya. "are meant for each other."
Natawa na lang siya ng bahagya sa tinuran ng kapatid. Her mother still believes that? He knew that Mohanna had a thing with him but for him, she's just like a little sister. Nothing more.
Wala rin naman kasi rito ang kanilang ina. Matagal na itong hiwalay sa ama at pinakasalan ang ama ni Zai, wala namang kaso iyon sa kanila. May clean break naman na naganap sa pagitan ng kanilang ama at ina pero hangga't maari ay hindi na dumadalo ang kanilang ina sa mga social gatherings nilang mga Rostova. Ipinagbawal iyon ng Lolo nila bago ito mamatay, bigyan naman daw ng kahihiyan ang pamilya nila.
Rostova. Apelyidong hinahangad ng lahat, kinaiinggitan at kung ano ano pa. Rostova dominates money and power inside and outside the country. No wonder kung bakit pinag aagawan nila ngayong magkapatid ang manang para sa kanila. Tapos naman na ang parte sa mga pinsan nila, ngayon ay sa kanila na lang ni Kiel ang natitira.
"Sir,"
Nag angat sila ng tingin kay Yohan nang magalang itong lumapit sa kanila.
"What is it?" Tanong niya bago binalik ang tingin sa nilalaro nila ni Zai na chess. He was about to pick the Queen chess piece when Yohan spoke.
"Sir, I just got the news that Miss Wenzy May committed a suicide after hearing that she's to be married by you."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"This is her second time doing it. The first one is the day of your brother's wedding with her sister." Dugtong nito.
"No wonder hindi ko siya nakita sa kasal ni Kuya Kiel. At isa pa, hindi naman yata talaga kilala ang bunsong anak ni Nickos Masula because she's an illegitimate child. Unlike ate Stacy na supermodel ng sikat na lingerie brand sa Paris, may pangalan talaga."
His jaw clenched. "Yohan."
"Sir,"
"Keep watching her and make sure that she's alive. Hindi pa nag uumpisa ang palabas." He said as he finally pick the Queen and makes a move.
Nang makaalis ang taohan niya ay saka lang bumalik sa nilalaro nila ang atensyon ng kapatid.
"Alam na kaya ni Kuya Kiel na sinubukang magpakamatay ng ex niya?"
He wanted to smirk. If Kiel really cares about that woman, panigurado siyang naroon na rin ito sa Hospital ngayon at nakamasid sa babae.
Oho! That's your fucking problem, Kiel Jairus Rostova.
NAGISING si Wenzy na puro puti na lang ang nakikita niya sa buong silid. Her eyes was a little bit blurry but turns to normal not later on. Nilingon niya ang bandang gilid ng silid, hindi nakawala sa kanyang paningin ang IV na nakakabit sa kanyang pulsohan.
Buhay pa pala siya. Nakakatawa.
Dahil sa pangalawang pagkakataon, hindi siya nagtagumpay na kitilin ang sariling buhay para matapos na ang lahat.
Yes, this is her second time to cut her own life. The last time she did it is when her half sister married the man of her life. Ngayon naman ay inulit niyang muli nang malaman ni Wenzy na ipapakasal din siya sa taong hindi niya kilala. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon ay uso pa rin talaga ang arrange marrige.
Buong buhay ni Wenzy naipagkait na sa kanya ang lahat. Ang pagmamahal ng kanyang ama na kailanman ay hindi niya nakamit dahil anak lang siya sa labas. Isa pa ang pagmamalupit ng madastra niya sa kanya. Kung hindi lang dahil sa kanyang ina, hindi siya tatagal sa mansyong iyon pero hawak sila sa leeg ng mga Masula. She hate this family!
"Gising na pala ang bastarda mong anak, Nickos!"
Gustong mainsulto ni Wenzy sa narinig pero sanay na siya. Its not like she wanted them to be at her side at this moment, she wants to hug her mother pero alam niyang imposibleng makalabas iyon ng mansyon dahil pinagbawalan ito ni Mrs. Matilda Masula na lumabas ng lugar na iyon.
Lumapit sa kanya si Matilda, "Ang kapal talaga ng mukha mo na maglaslas ulit? Dahil ano? Ayaw mong magpakasal? Iyon na nga lang ang pakinabang mo sa amin hindi mo pa magawa! Manang mana ka talaga sa ina mong walang kwenta!"
"Matilda, enough!" Her father.
Lumingon ang ginang sa kanyang ama. "You're being soft again, Nickos. Kaya hindi nagtatanda ang bastardang ito e! Looked at what she did, she tried to commit a suicide again! Hanggang ngayon siguro ay mahal pa rin ng malanding batang iyan ang asawa ng Ate niya!"
"Matilda..."
"Napakayaman ng mga Rostova at kapag naging tagapagmana na ang asawa ni Nicka na si Kiel Jairus, paniguradong magbubuhay Reyna ang anak natin sa mga Rostova, Nickos." Malambing na anito sa asawa. "Kaya hayaan mo akong turoan ng leksyon ang bastardang ito nang magtanda!"
"Huwag muna ngayon, Matilda. Bumabawi pa ng lakas si Wenzy." Nag iwas ng tingin sa kanya ang ama.
Tila gusto na lang ni Wenzy na maiyak. Kung tutuosin kayang kaya niyang labanan ang madastra kung sinusuportahan lang sana siya ng ama pero hindi, ni katiting na pagmamahal wala siyang makuha sa ama. Lagi nalang dapat si Stacy ang ganito, si Stacy ang ganyan. Nakakasura na!
Laking pasasalamat na lang niya nang makaalis ang dalawa. Mabuti na ang ganito, siya lang ang nag iisa sa malamig na kwartong ito sa Hospital. Naririndi siya sa ingay ng madastra na halatang hindi makapaghintay na bugbogin siya.
One day...
One day and she will find her strength to fight for her rights. One day...
Malungkot siyang bumuntong hininga.
Ilang saglit pa nang maramdaman ni Wenzy ang dahan dahan na pagbukas ng pinto. Napalunok siya, baka kasi ang madastra na naman niya iyon at may binabalak na namang kung ano laban sa kanya. Bakit kaya ganito ano? May nabasa na siyang ganito isang novel even on the Disney movie Cinderella palagi nalang evil witch ang step mom. Hindi niya lubos akalain na mangyayari pala iyon sa kanya.
Mabigat na mga yabag at kaagad na dumagundong ang kanyang dibdib. She knew that steps, kaagad siyang napaupo sa kama at puno ng pananabik na sinalubong ng tingin si Kiel Jairus...
"Kiel..." Mahinang bulong niya.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at saka lumapit sa kanya.
"Kiel, nandito ka."
Hindi mawala ang kasiyahan sa mukha ni Wenzy, hindi siya makapaniwala dahil noong unang beses siyang nagpatiwakal para sa binata ay hindi ito nag abalang dumalaw sa kanya sa hospital.
Inabot nito ang kanyang kamay. "I need your help, 'Zy, alam kong nasabi na sayo ito ng ama mo pero ngayon sasabihin ko ulit. I need you to marry my brother."
Napakurap kurap siya. "He's your... your brother?"
Dahan dahan itong tumango kasabay ng pagbagsak ng balikat niya. How could he...
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "You know how much I adore you Wenzy, please gagawin ko ito para sa atin. Kapag nakuha ko na ang majority ng pinamana ni Lolo kay Dad, I can immediately divorce your sister and marry you. I can do everything with my money and power."
"You want me to be a spy." Walang buhay ang boses niya.
Matamaan siya nitong tinitigan. "Yes. I don't know what my brother plans against me, but he'll surely fight for this, 'Zy. Help me..."
"Is this the reason why you married my sister?" Sinalubong niya ang tingin nito.
Natigilan saglit ang binata. "You already knew the reason about that and in addition, she's good in my image because she's a famous model from Masula's."
"...and I am nothing but an illegitimate child of Nickos Masula that's why I'm here, to be dispatched spy of yours and my father."
Mabilis siya nitong hinawakan sa magkabilabg balikat. "Don't ever think of that 'Zy, don't you ever doubt my feelings for you..."
Yes, she witness how much he loves her, there's no doubt about that kaya kahit na masakit sa dibdib, hindi niya kayang magalit sa binata at sa pamilya nito sa nangyayari sa buhay niya. Tinanggalan na nga siya ng karapatang mahalin ang lalaking kaharap niya ngayon, tatanggalan pa siya ng kalayaang ibigin ito kahit na palihim dahil kailangang niyang magpakasal sa kapatid nito.
"Umalis ka na."
"'Zy,"
She sighed. "Tutulongan kita Kiel, huwag kang mag alala."
Lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Right. She was going to help him because after all of this, makakalaya siya. Magiging malaya siyang mahalin ang lalaking gusto niya.
THE next morning pinayahan na siya ng mga Doctor sa hospital na makalabas na and as usual, walang sumundo sa kanya tulad noong una. Imposible namang makalabas ang kanyang ina sa Masula Mansion, parang presinto iyon sa higpit ng rules and regulation.
Lumingon siys sa cellphone niyang nakapatong sa kama. Ni walang text roon si Kiel. Napabuntong hininga na lamang siya. Kinuha na ni Wenzy ang ilang mga gamit niya at saka lumabas na ng silid.
Pagkabukas niya ng silid, dire-diretso ang lakad niya at hindi namalayan ang makakasalubong niya kaya ng bumangga siya roon ay napalakas para mapadapa siya sa malamig na sahig ng Hospital.
Napaigik si Wenzy nang suboking tumayo. "A-ah aray!"
Dahan dahan siyang lumingon sa nakabangga niya at sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Wenzy ay umulit ulit ang sandaling iyon kaya mas lalo siyang nainis.
Ano? Tutunganga na lang ito at hindi siya tutulongang tumayo?!
Padabog na siyang tumayo kahit na masakit ang balakang niya. Pinagpag niya ang suot na dress bago lumingon sa nakatalikod pa ring binata.
Yes, that jerk is a man and he's quite tall, e? Nevermind.
"You! Stupid sissy! You didn't even help me up! So ungentleman!" She hissed at him. "Paharang harang sa daan, hindi na nga marunong tumabi, hindi pa marunong tumulong!" She scoffed. "Such a sissy. Mag sorry ka nga at utang na loob humarap ka hindi yang likod mo ang kinakausap ko! Kala mo naman kagwapohan." Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling mga salita.
Inis na inis pa rin si Wenzy hanggang sa tuloyang humarap sa kanya ang binata. Marahan siyang napakurap at tila may sariling isip yata ang kanya g katawan at hindi maiwasang mapalunok.
Damn! He's a fucking good looking man. Nagsusumigaw ang kagwapohan sa lalaking kaharap niya.
"Miss, you're drooling." Aroganteng hayag nito.
Nanlaki ang mga mata ni Wenzy at mabilis na kinapa ang gilid ng mga labi and to her horror, may laway nga! Pusang kinalbo naman oh! oh!
Mabilis niyang pinunasan iyon bago muling nag angat ng tingin sa aroganteng lalaki at mas nainsulto pa siya nang makita niyang nakangisi ito sa kanya.
"Y-you!"
With a satisfied smirk on his sexy lips, the brute turns around and walk away from her without saying a word. Mas lalo tuloy nagkuyupos sa inis si Wenzy.
Wait! Did she just praised his lips?!
Napapadyak pa siya sa inis. "Hindi ka gwapo! Mukha kang aroganteng bakla!" Pahabol na sigaw niya.
The arrogant sissy just raise his hand and gives her a single wave as a sign of dismissal.
"Tss. Parang bakla!"
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro