Paalam pero Kailangan.
Isang Monologo na ginawa ni Christian Barral
Araw ng mga Puso. Ang araw na dapat sana ay masaya. Naalala ko kung paano tayo nagkakilala. Umupo ka sa harap ko't ngumiti at doon ako'y sa'yo nabighani. Niligawan kita't sinagot mo naman ako at diyan umusbong ang pagmamahalan natin sa isa't isa. Ang saya pa natin noon pero ito'y mga ala-ala nalang na hindi na magbabalik pa kailanman.
Alam natin pareho na mahal natin ang isa't isa pero ng magtagal itong pagmamahalan natin ay unti-unting nasasapawan ng poot at galit. Nasasaktan ako na nakikita kitang nasasaktan at umiiyak. Sinusuyo natin pareho ang isa't isa pagkatapos natin mag-away pero paulit-ulit nalang? Nakakapagod na. Napapagod ka na. Mahal, kailangan tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa't isa.
Mga ilang araw ng pag-aaway, nagdesisyon tayo na tama na dahil nasasaktan na tayong pareho. Kung meron man tayong napagkakasunduan ay itong paghihiwalay natin. Masakit man tanggapin pero huwag na natin ilaban pa.
Isang buwan nakalipas, nakita kitang ngumingiti na katulad noong tayo'y unang nagkita. Mahal pa rin kita at hindi ko itatanggi iyan pero para lang makita kitang ngumiti ulit, kahit di na ako ang rason ng mga ngiting iyan, gagawin ko makita lang kitang masaya. Tanggap ko na, sa huling pagkakataon, na hindi itinadhana.
Paalam mahal pero kailangan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro