Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kape at Gatas

** Basahin din ang "Of The Rainbow's Will" na main story nito **

Tap tap tap. Tunog ng mga kompyuter na ginagamit namin sa trabaho.

Ito nalang lagi ang mga naririnig ko tuwing ako'y pumapasok. Busy ang mga guro ngayon dahil magpapasukan na sa Hunyo. Normal nato sa akin dapat pero habang nagtatagal ay parang di ako mapakali parang may kulang.

Ako nga pala si Jason Chua at akoy isang assistant principal dito sa pinapasukan kong ekwelahan. Well, di ko naman ginusto ito pero sadyang ginalingan ko naman kaya ang bakla nahihibang sa daming paperworks na gagawin.

Kriiiiiiiiing!!!

"Hello ghorl, DJ? Bakit ka tumawag?" Tanong ko.

"Di mo nakita mga messages namin? Uuwi na daw si Christian sa Septyembre. Wala ba tayung gagawin?" Sabi ni Dj.

Teka anong petsa na nga ba? Dahil busy di ko na namalayan kung anong buwan na. Pero punyeta pagtingin ko sa kalendaryo Hunyo pa.

"Ghorl? Tanga ka? Masyado kang excited ano? June pa ngayon inday. Wag kang atat" Sabi ko.

"Ay sorry na. Hala akala ko August na." Rason ni Dj.

"Ghorl, iwas iwas din sa vulcazeal at 3 in 1. Hinahalo mo kasi eh kaya ka sabog" Biro ko.

"Ay! Hahahahaha sorry na. Next time rugby na naman gagamitin ko." Biro din nya.

Ganyan kami magbiruan ng mga kaibigan ko. Actually apat kaming magkakachildhood friends. Si Christian, DJ, Nicole at ako.

Si DJ, yung kausap ko, aside na katawan nya ay parang Wally, medyo sabog din. Pero pag magtrabaho yun nakoooo mahihiya ang QA sa kanya. Napaka into details nya talaga pati tuldok na misplaced makikita nya.

Si Christian naman yung dumbo namin na friend. OA talaga yan basta first time mong makilala but once nag open na Yan sayo ay naku para kang anak na inaalagaan. Proprotektahan ka talaga nyan. Miss ko nya siya at sana okay lang sya sa Manila.

Si Nicole naman ang businesswoman na friend namin. Tahimik pero pag kami ang naagrabyado ay parang sinapian ni Satanas kong magalit kasi napaka overprotective kasi niya sa amin eh.

Well at least tapos na akong mag-introduce sa kanila. Huwag na kayong magtanong ulit. Chareng!

"Mr. Chua, pinapatawag ka ni prinsipal." Sabi ng kasamahan kong guro

"Sabihin mo papunta na ako d'yan" Tugon ko.

Ano kaya ang dahilan bakit ako pinapatawag. Baka meron na nanamang magulang na nagreklamo.

Dumating na ako sa opisina ni Prinsipal. May sarili siyang kwarto dahil ayaw niyang makihalubilo sa mga tao dahil introvert ata. Kumatok na ako sa pinto.

"Pinapatawag niyo daw ako?" Tanong ko.

"Oh, Mr. Chua. Buti nandito ka. Maupo ka muna" Sabi ni Prinsipal.

Umupo din ako pero meron pala kaming kasama. Infairness napakagwapo nya ha. May bagong titser ata na natanggap.

Habang nagsasalita si prinsipal, kinikilatis ko siya ng mabuti. Matipuno at moreno siya na kasalungat sa kaputian at twink na katawan ko. Yung mga mata niya ay kulay brown at yung gupit nya sa buhok pang bagets. Di ko pala namalayan nakatitig na pala siya sa akin.

"Mr. Chua? Mr. Chua? Hoy! Baka matunaw si Mr. Cruz sa kakatitig mo." Sabi ni prinsipal habang kinakalabit ako.

"Uhhh, Huh? Ay! Sorry po. Siya po ba ang bagong titser natin?" Nagaalimpungatan na tanong ko.

"Yes, siya ang bagong science teacher na papalit sa'yo. You need to focus na being the assistant principal." Sabi ni prinsipal

"Siya nga pala si Mr. Chua, Mr. Cruz. Ang ating small but terrible assistant principal natin. Siya din ang papalitan mo as Science coordinator." Pagpapakilala ni Prinsipal sa akin.

Coordinator? Ang aga naman ata.

"Coordinator? Ang aga naman ata prinsipal?" Tanong ko habang nakataas kilay.

"Meron naman po akong experience sa pagiging coordinator po sa previous kong school. Kaya don't worry Mr. Chua, gagalingan ko para sayo." Sabi ni Mr. Cruz.

Punyeta ang lalim ng boses. Di ko kinaya kaya tumahimik na ako.

"O sya sige, I guide mo na si Mr. Cruz starting today sa kanyang gagawin Mr. Chua. Pwede na kayong lumabas." Utos ni prinsipal

At dali-dali akong lumabas sa opisina. Shet bakit ba kumakabog dibdib ko. Wait lang Jason nalilibugan ka ba?

Di ko namalayan na naiwan ko pala si Mr. Cruz sa hallway.

"Sir! Sir Chua! Taong gatas! Hintay po! " Sigaw niya.

Huminto ako. Ang lalim talaga ng boses nya. Pero bakit taong gatas?

"Anong taong gatas?!! Magmadali ka nga. Meron pa akong maraming gagawin." Sabi ko.

"Eto na po oh at ang puti nyo po kasi eh." Sabi ni Mr. Cruz.

"Edi taong kape ka rin. Wait ano nga pala complete name mo Mr. Cruz?" Tanong ko.

"Amadeus Christopher Cruz po. You can call me 'Tope'." Sagot niya sa akin.

"Jason Chua nga pala. Nice to meet you, Tope." Sabi ko.

At nagshake hands kami. Ang lambot ng kamay. Punyeta para kaming gatas at kape, bagay na bagay.

Simula noon. Naging close na kami. Palagi kaming kumakain ng sabay, nanood ng sine tuwing weekends, at nag move in ng dorm kasama siya kasi napakalayo ko sa skwelahan kaya pumayag na din ako. Para na kaming magjowa at nagpatuloy ang ganitong pakikitungo nang dalawang buwan.

August 13, 2018.

Narinig ko na meron kumakatok sa pinto ng dorm. Pagbukas ko bumungad sa akin si Christian na umiiyak. Napaaga ata ang pagbalik niya.

"Ghorl, pwede ba makituloy dito sa inyu? Sabi ng mama mo dito ka na raw tumira." Mangiyakngiyak na sabi ni Christian.

"Kelan ka pa umuwi? Okay ghorl pasok ka muna." Aya ko.

Pagkatapos ay ikinuwento nya yung pagbalik nya at yung dahilang kung bakit sya umiiyak. Pagkatapos ay natulog na kami pero si Christian parang binabangungot ata.

"Napapaginipan na naman ata niya yung nangyari sa kanya noong high school pa sya." Sabi ko.

Kinaumagahan ay dumating si Tope. Actually kahit ganito estado namin, di parin kami opisyal na magjowa. Parang mutual understanding lang. Hanggang nangialam ang dambuhala kong friend.

"Ay Hala!? May alay ka sa akin? Thank you ghorl!" Excited na sabi ni Christian nang makita si Tope.

"Ghorl, gusto mo pa bang mabuhay?" Banta ko

"So kayo na ba?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako ng oo pero iba ang sagot ni Tope.

"Hindi. Friends Lang kami ni Sir Jason. Hehe" Sagot ni Tope at agad lumabas para lang may bibilhin.

Natulala ako sa mga sinabi nya. Friends lang? So ano tong pinaggagawa namin? This is more than friends! What the fuck!?

"Ghorl, sorry nangialam pa ako." Sabi ni Christian.

At pabiro kong sinakal si Christian pero di ako nakapagpigil at natuluyan ko siya.

"Ggggghoorll Maas...s.sssaa.kit na!" Paputol na sabi ni Christian.

Agad akong natauhan. Muntik na akong makapatay.

"(Ubo) Tangina ka? Gusto mo ba akong patayin? (Ubo)." Sabi ni Christian

"Sorry ghorl. Di ko sinasadya." Sabi ko.

"Gaga! Lalaki lang yan ano kaba? Wag mong iasa ang kaligayahan mo sa iba." Sabi ni Christian.

"Wow! Coming from you talaga haaa?" Asar na tanong ko.

"Ay ano to? Insultuhan be? Pero wag na pareho tayong masama ang araw kaya di na ako bubwelta ulit." Sabi ni Christian.

"Actually ikaw lang ghorl." Sabi ko

Muling nagimpake si Christian kasi maghohotel siya na provided ng company nila.

"Aalis na ako ghorl. About that. Tanungin mo si boylet kung ano kayo talaga. Malay mo nahiya siya sa akin kaya ganun sagot nya. Normal lang yan sa mga lalaking nakakita ng magagandang tulad ko." Sabi ni Christian.

"Gaga ka pala eh! Sa taba mong Yan? Hahahah! O sige makakalis ka na. Ingat sila sayo lalo nayung pagkain." Sabi ko.

At umalis na si Christian. Bumalik na rin si Tope na may dalang grocery.

"Umalis na yung kaibigan mo?" Tanong ni Tope.

"Yeah, may hotel siyang tutuluyan na malapit din sa work. Tope, pwede ba tayung mag usap?" Sabi ko.

"Sure, ano yun?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Actually, nagdadalawang isip talaga ako if itatanong ko ba o hindi. Pero bahala na! Self maghanda ka.

"Magkaibigan lang ba talaga tayu?" Tanong ko

Sa reaksyon ni Tope para siyang naguguluhan pero di ko alam kung bakit.

"Ahm, sir Chua....." Sabi niya.

Tumulo bigla ang mga luha sa mga narinig ko.

----------To be continued--------

Hi guys. Dito ko isusulat ang mga buhay ng ibang characters ng OTRW. Di ko na sasabihin kung ilang parts yung story nila kasi para di narin kayo mag expect.

Sa OTRW chapter 3, kakasimula ko lang haha. Abangan ninyo kung magmomove on talaga si Christian o hindi kaya see you next weekend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro