Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Two-Hour Date

Darryl.

Sa wakas,natapos na rin ang klase namin sa Math.

Higit sa lahat,uwian na.

"P're,sama ka sa 'min?"sabi ng katropa kong si Justin.

"Saan?"

"Saan pa ba? Eh di sa bar. Hanap tayo ng chicks dun."

"Hmm...pag-iisipan ko."

"Wag mong pag-isipan,gawin mo P're."

"Eh...basta sunod na lang ako sa inyo."

" 'Ge. Sabi mo 'yan,ha?"sabi niya.

Tumango ako kaya nagpaalam na siya kasama ang mga iba pa naming katropa.

Akala ko,ako na lang ang natitira dito sa classroom pero hindi pala. Kasama ko pala dito ang pinakaweird na babae sa classroom namin na si Yna.

Pero nagtataka ako kasi nakaupo lang siya at hindi gumagalaw. Hindi nga rin siya nakurap eh.

Dahil concerned din naman ako kahit papaano sa mga babae,kinawayan ko siya pero hindi talaga siya nakurap. Tsk,weird talaga.

"Hoy! Gumalaw ka nga diyan!"

Pero 'di pa rin talaga siya kumukurap.

"Yna! Uwian na oh!"

Kaya ang ginawa ko,niyugyog ko ang katawan niya. Hindi talaga siya kumukurap. Yung para bang andito yung katawan niya pero yung kaluluwa niya,kung saan-saan na nakakapunta.

"Hoy! 'Di ka na nakakatuwa,Yna! Kung ayaw mong gumalaw diyan,iwanan na kita! Putek! Nagsayang lang ako ng oras at laway para sa taong katulad mo."sabi ko saka ko kinuha ang bag ko.

Bahala siya diyan.

Pagkalabas ko ng room namin,nakahinga ako ng maluwag. Didiretso na 'ko ng bar para makahanap ako ng magagandang chicks dun.

Pagkarating ko sa gate entrance,bigla na lang tumigil ang mga paa ko sa paglakad. Parang inuutusan ako ng utak ko na wag kong iwanan si Yna doon. Ano namang pake ko dun? At ayaw ko nga makasama yun,ang weird-weird nun eh. Pero sa huli,tinalo ako ng konsensya ko. Hindi pala kaya ng konsensya ko ang iwanan ang isang babae mag-isa.

Tumakbo ako ng mabilis papuntang room. Nakakainis nga lang kase pang-6th floor pa ang room namin. Palibhasa kasi,4th year high school na kami eh.

Nang makarating na ako sa room,nadatnan ko siyang nakatunganga pa rin. Ni hindi pa siya nakurap.

"Yna,halika na. Umuwi na tayo."kalma kong sabi. Ewan ko kung anong sumapi sa katawan nito at hindi gumagalaw 'to ni hindi magsalita.

Alam kong masama 'tong gagawin ko pero eto lang naman ang naiisip kong paraan para gumalaw siya.

Kinuha ko ang walis tambo at pinukpok ito sa ulo ni Yna. Ayun! Gumalaw na.

"Aray. Sino ba yun?"sabi niya. Nung makita niya'kong nasa harap niya,tumungo siya.

"Ikaw ba yung namukpok sa 'kin?"

"Oo. Ayaw mo kasi gumalaw eh. Tara na nga,umuwi na tayo."

"Ah...ok."

Akala ko,magagalit siya sa 'kin pero hindi. Ibang klase nga talaga 'tong babaeng 'to.

--

Tahimik lang kami ngayon sa jeep. Medyo may kalayuan kasi ang mga bahay namin sa school kaya kinakailangan na mag-commute o mag-service.

"Uhm...Darryl."

"Hmm?"

"Pwedeng humingi ng favor sa'yo?"

"Ano naman yon?"

"Pwede ka bang makipagdate sa 'kin ng 4PM hanggang 6PM?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong klaseng favor yun?

Nakakahiya rin kase panigurado,narinig ng mga kapwa-pasahero ang sinabi ni Yna ngayon kaya bumulong na lang ako sa kanya.

"Ako? Makikipag-date sa 'yo? Ayoko nga."

"Please. Bukas lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nun."

"Hayst. Sige na nga. Saan ba?"

"Gusto ko sa may park."

"Oo na. Sige. 4PM,sa park. Bukas. Ok,bababa na 'ko."sabi ko.

Nag-wave hand muna ako sa kanya bago bumaba ng jeep.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang panuoring lumayo ang jeep sa harapan ko. Gusto ko lang naman makasigurado na ligtas yung weird na babaeng iyon. Konsensya ko pa pag nangyari iyon.

Nagkulong ako sa kwarto nung makarating na 'ko sa bahay. Pasalamat siya at Saturday bukas kaya pwedeng-pwede ako.

--

*tiktilaok* *tiktilaok*

Ay,ano ba yan!

Paepal naman yang manok na 'yan!

Tiningnan ko kung anong oras na. 12 na pala ng tanghali. Shit,nag-oversleep na naman ako.

Bumaba agad ako sa may ref para kuhanin ang almusal ko pero ang naabutan ko ay ang isang memo pad sa ref.

Darryl,mawawala kami sa bahay ng dalawang araw. Bumili ka na lang sa Jollibee ng almusal mo. Ingatan mo ang sarili mo. Loveyou.

Mommy and Daddy

Nagbihis agad ako into checkered shirt at maong shorts. Pumunta agad ako sa Jollibee kase gutom na gutom na talaga ako.

Habang kumakain ako,may nag-text.

Darryl,asan ka na ba? Magfo-4 na. Yna 'to."

Magfo-4 na? Baliw ba siya? Eh 12 pa nga lang- SHIT!

Mali yung oras sa orasan ko at sa cellphone. Tiningnan ko ang wal clock ng Jollibee,magfo-4 na nga! Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad ako dumiretso sa may park. At dun ko nakita si Yna,na nmatiyagang naghihintay sa 'kin habang nakaupo sa swing.

"Hoy!"bati ko sa kanya.

Tumayo siya at niyakap ako. Di ko alam kung bakit ayaw kong kumawala si Yna sa pagkakayakap niya sa 'kin.

"Kanina pa 'kong 2 dito."

"Eh,tanga ka ba? Akala ko 4 ka pupunta dito. At takte! Mali yung oras sa orasan at cellphone ko. Ayan tuloy,ang pangit ko sa suot ko ngayon."

"Hehe,hindi naman. Ang pogi-pogi mo nga pag ganyan suot mo eh."sabi niya at nagblush siya.

"Hayst. Tara na nga. Maglakad-lakad na tayo."sabi ko.

Mula 4 hanggang 5:50,naglakad-lakad lang kami dito sa park.

Sa isang oras at limampung minuto na iyon,madami na kaming nagawa. Nagslide kami. Nagswing. Naghabul-habulan. Bumili ng cotton candy. Bumili ng tokneneng. Bumili ng kwek-kwek. Bumili ng fishball.

At ngayon,nakaupo kami ngayon sa isang bench.

"Darryl...may aaminin ako sa 'yo."

"Ano naman yun?"

"Gusto kita."

Napatahimik ako sa sinabi niya. 'Di ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi naman pwedeng "okay" kasi baka madismaya siya. Mas lalo naman siyang madidismaya kung sasabihin kong wala akong gusto sa kanya kaya pinili ko na lang manahimik.

"Darryl,ano ba yung tipo mong babae?"

"Gusto ko yung babaeng magaling magluto,yung maiintindihan niya 'ko at higit sa lahat,mabait."

"Ah.....ayaw mo ng weird na babae?"

"Siyempre,ayaw. Sinong lalaki ba naman ang magkakagusto sa isang babaeng napaka-weird?"

"Oo nga noh?"

Pagkatapos nun,wala nang nagsalita sa'min.

"Limang minuto na lang."

"Oh,anong meron sa limang minuto?"

Hindi siya nagsalita.....kundi hinalikan niya ako sa labi.

Dapat itulak ko siya kase sino ba siya sa buhay ko para halikan ako pero wala eh,ang hirap niyang tanggihan kaya ginantihan ko na lang din siya ng halik.

Apat na minuto siguro bago kami kumawala sa halik.

"Darryl,kahit anong mangyari sa 'kin ngayon,tandaan mo. Gustong-gusto kita."sabi niya.

"Ano bang ibig sabihin mo?"

"Darryl,gusto ki-"hindi na niya naituloy ang pagsasalita niya dahil bigla na lang siyang pumikit.

Hindi. Hindi maaari.

"Yna,gumising ka diyan."sabi ko habang sinasampal ang mukha niya.

Inipatong ko ang tenga ko sa dibdib niya at dun ko nalaman ang totoo. Patay na siya. Hindi na tumitibok ang puso niya.

Ang pagsimula ng aking pagluha ay ang naging simula din ng pagpatak ng ulan.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa 'kin kahapon.

"Please. Bukas lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nun."

Oo nga. Di na niya ako guguluhin bukas dahil patay na siya.

Hinalukat ko ang bulsa niya sa pink floral dress na suot niya. Akala ko cellphone ang makukuha ko sa bulsa niya pero imbes na cellphone,papel ang nakuha ko.

Dear Darryl,

Malamang sa malamang,binabasa mo ito ngayong patay na ako. Masaya naman akong mamamatay kasi naamin ko na rin sa'yo ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo. Siguro nagtataka ka kung bakit bigla na lang akong namatay. Hindi mo na kailangang malaman kung bakit. Kahit sinuman,walang nakakaalam na may sakit ako. Pero kahit na ayaw kong malaman mo,ipapaalam ko pa rin sa'yo dahil ikaw lang ang papayagan kong magsabi kung ano ang sanhi ng kamatayan ko. May cancer ako,at limitado na lang ang buhay ko. Alam kong ngayon ako mamamatay,kaya gusto kong mamatay sa piling mo. Gusto kong mamatay na nakahiga sa balikat mo.

Akala mo hindi ako alam,pero alam kong may butas ang puso mo. Kaya kung halimbawa kailangan mo ng donor,kuhanin mo na lang ang puso ko. Mapagkakatiwalaan ko naman sa'yo ang puso ko,'di ba? Wag kang mag-alala. Sasabihan ko si Papa Jesus na wag ka niya agad kuhanin dahil alam kong may pangarap ka pa sa buhay. Pangarap mong maging rapper diba? Gustong-gusto kita,Darryl. Kaya alam ko ang lahat nang ito dahil ganun kita kagusto. Babantayan kita dito sa taas Darryl. Akala ko,mapapansin mo 'ko kahit na wala akong gawing effort para mapansin mo 'ko pero mali pala ako. Ganun kasi ang nababasa ko sa mga Wattpad stories eh,pero na-realize ko na malabo ang chance na mangyari ang mga nababasa kong scene sa Wattpad sa totoong buhay. Ngayon,napatunayan ko na hanggang imaginasyon mo lang ako magugustuhan.

Darryl,wag kang iiyak ah. Magpakalalaki ka. Hindi ko deserve ang mga luha mo. Wag mo 'kong iyakan. Wala kang dapat iiyak sa 'kin kasi wala ka namang kasalanan sa 'kin. Siguro,nakatadhana lang talaga na ngayon ako kukuhanin ni Papa Jesus. Darryl,tandaan mo 'to forever ah? Babantayan kita mula sa pagka-graduate mo ng high school,pagkagraduate mo ng college,pagkaroon mo ng trabaho,pagpapakasal mo sa babaeng mamahalin mo in future hanggang sa magkaroon ka ng anak. Alam mo? Ang swerte ng magiging asawa mo? Alam ko namang playboy ka pero alam ko naman na may good side ka rin. Sana nakatulong ako para baguhin ang ugali mo.

Hanggang dito na lang.

Yna

(PS: Baby,don't cry.)

Sabi niya,baby don't cry pero iyak ako ng iyak ngayon. Ngayon,alam ko na kung ano ang magiging purpose ko sa buhay. Mananatili akong buhay hanggang tumanda na 'ko para sumaya si Yna.

Hinaplos ko ang buhok niya habang naulan. Kami lang ang tao ngayon sa park dahil naulan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong pumikit.

--

Pagdilat ko,ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng isang makina. Sina Mommy at Daddy,umiiyak habang kausap ang doctor. Andito rin ang mga katropa ko. Napansin ko din na andaming nakakabit sa'kin na dextrose.

Nang mapansin na nila na gising na ako,ako naman ang pinagtuunan nila ng pansin.

"Darryl,ok ka lang ba? Huhu."sabi ni Justin habang iyak ng iyak sa kamay ko.

Si Mommy at Daddy,patuloy lang sa pag-iyak samantalang ang doctor,iniwanan na kami dito sa kwarto.

Kahit na alam ko na kung bakit ako andito sa ospital,tinanong ko pa rin ito. Gusto ko lang makasigurado kung bakit ako andito.

"Nay,Tay,bakit ako andito sa hospital?"

Dahil dun,mas lalo pa silang umiyak.

"Dryl,bakit di mo sinabing may butas ang puso mo? Bakit? Huhuhu."sabi ni Justin.

So yun nga. Nagmalfunction na naman ang puso ko. Bawal kasi sa 'kin ang nakakaiyak masyado at nakakagulat kaya noong bata ako,alagang-alaga ako nina Mommy at Papa. Siguro,nagulat ako dahil sa pagkamatay ni Yna.

"'Asan si Yna?"

Tumigil sila sa kakaiyak nang marinig nila ang pangalan ni Yna.

"Anak,Yna ba ang pangalan ng kasama mo sa park?"tanong ni Mommy.

"Opo."

"Nag-malfunction na naman ang puso mo,Darryl. Kailangan na kailangan na talaga ng donor para mapalitan ang puso mo. Pinipilit nga sa'min ng doktor na yung puso ni Yna ang matched na matched sa 'yo. Pumayag kami dahil si Yna lang ang may perfect na puso para sa 'yo."

Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Daddy.

"Si Yna...nasa bahay na nila siya. Nasa kabaong na siya."

Napaiyak ako sa sinabi ni Daddy. Hanggang ngayon,hindi pa rin ako makapaniwalang patay na si Yna.

Maya't maya,dumating na ang mga nurse at tinurukan ako ng pampatulog.

--

After 3 months...

Andito ako ngayon sa puntod ni Yna. Pinagmamasdan ko ang nakasulat sa puntod niya.

Yna Jaryn Bautista

Born: June 13,20XX

Died: April 19,20XX

Ngayon,birthday niya.

"Yna,sorry kung hindi ako nakapunta sa araw ng libing mo ah. Naospital kasi ako eh."sabi ko.

Mukha nga 'kong ewan kasi kinakausap ko yung puntod ni Yna kasi baka marinig ni Yna.

"Alam mo? Iningatan ko 'tong puso mo. Sabi ko naman sa'yo eh,mapagkakatiwala mo sa 'kin ang puso mo eh."sabi ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Doon ko nalaman na malakas pala ang pagtibok ng puso ko...niya ngayon. Siguro,yun ang pagtibok ng puso naming dalawa.

"Alam mo? Ang tanga ko kase,kung kelan wala ka na dito,saka ako nagkakaroon ng feelings sa'yo. Hindi na ako nambababae. Hindi na 'ko nangchichicks sa bar. Dahil sayo,Yna kaya ako nagbago. Siguro,masaya ka na ngayon kung nasaan ka noh? Ano kayang feeling diyan? Alam mo? Nararamdaman kong makikita na ulit kita. Hindi ko alam kung bakit. Salamat kasi sigurado ako na hanggang ngayon,kinukulit mo si Papa Jesus na wag muna akong kuhanin. Hahaha. Bakit ganun? Kung kelan wala ka na dito,saka ko lang nare-realize na nagkakaroon na 'ko ng feelings sa 'yo. Siguro abnormal na nga ako. Basta hintayin mo 'ko diyan ah."sabi ko. Hindi ko na napigilang mapaluha sa mga sinasabi ko.

Naglatag na 'ko ng mat sa damo at saka ko kinuha ang dala kong pagkain,ang "Piknik".

"Huy,gusto mo?"sabi ko. Naramdaman kong umiihip ang hangin sa direksyon ko. Siguro gusto nga niya ang inaalok kong Piknik pero hindi niya naman makakain 'to.

Kumain na lang ako ng tahimik ng Piknik. Iniimagine ko kung paano kung buhay pa ngayon si Yna. Paano kung mas nakilala ko ng maaga si Yna. Siguro napagaling ko siya. Siguro kami na ngayon.

Inalis ko na ang mat sa damuhan.

"Yna,alis na 'ko. Ingat ka dito,ah? Every week,bibisitahin kita dito. Promise ko yan. Osya,aalis na talaga ako."sabi ko. Dun na tumulo ang mga luhang inipon ko. Gusto ko kasing makita niya mula sa itaas na malakas akong lalaki,pero ano? Ang napakita ko sa kanya eh iyak ako ng iyak.

Tiningnan ko ang sinag ng araw. Napapikit ako dahil sa taglay na liwanag nito pero hindi ko alam na tuluyan na pala akong pipikit.

--

Andito na naman ako ngayon sa ospital after 3 months. Parang deja vü lang.

Kagaya dati,umiiyak na naman sina Mommy at Daddy. Ganun din ang mga katropa ko.

Pero ang nag-iba ay...kung dati,malungkot ako dahil nasa ospital ako,ngayon, natutuwa na ako. Sa wakas,matutupad na din ang wish ko. Matutupad na rin ang hiling ko na makasama siya habang buhay.

"Nagmalfunction na naman po ang puso niya. Hindi na po natin sigurado kung may tyansa pa po siyang mabuhay o wala na. Ang tanging makakapagpabuhay na lang po sa kanya ng matagal ay isang himala."sabi nung doctor.

Napangiti ako sa sinabi ng doctor. Matutupad na nga ang hiling ko,sa wakas.

Nagulat ang lahat nang tumunog ang makina. Mukhang kukuhanin na ako ni Papa Jesus.

Nararamdaman kong pabigat na nang pabigat ang aking mga mata. Bago mahuli ang lahat,tumingin ako sa kanilang lahat at pinilit ko na ngumiti. At dun na natapos ang lahat. Ipinikit ko na nang tuluyan ang aking mga mata.

Ngayon,masayang-masaya akong mamamatay. Dahil alam kong makakasama ko na siya habang buhay.

Pasensya na Yna kung kinuha na agad ako ni Papa Jesus ah. Siguro,pinagbigyan niya lang ako sa hiling ko na iyon dahil alam niyang iyon na ang aking pinakahuling hiling na magagawa ko sa buhay ko.

Yna,mahal na mahal kita.

Darryl Kerith Ramirez

Born: June 15,20XX

Died: July 19,20XX

--END--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: