Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Gin Yoko Salvador

Nagtagis ang bagang ko nang makatanggap ng tawag mula sa isa sa mga kasamahan namin. Putanginang buhay. Ni hindi ako makatulog nang maayos kahit day off ko ngayon.

Hindi naman bago ang ganitong sitwasyon pero hindi ko pa rin mapigilang mairita.

I can't fucking believe that moron has done it again. How many times have I woken up because I had to clean up the mess he did?

Alam kong baliw na si Pacé nang tanggapin niya ang isang yun, isama pang binigyan niya ang gagong yun ng pwesto sa Lambarde katapat ng sa akin.

Nagbihis na lamang ako habang iniisip kung anong pwede kong gawin para patalsikin siya sa grupo.

Pasado alas dose ng gabi nang makarating ako sa Red District, isang grandiosong bar na pagmamay-ari ng Lambarde pero tago lamang ang katotohanang ito sa karamihan. Kadalasan dito nangyayari ang mga transaksyon patungkol sa nga drogang binebenta namin at iba pang mga serbisyong palihim na nakakabit sa pamilyang pinagtatrabahuan ko.

The men in black didn't even glance at me when I went passed them. They've seen me far to many times to care. At hindi sikreto sa kaninuman kung sino ako at kung saang basura ako nanggaling.

Kahit mataas ang posisyon ko sa Lambarde, alam kong dinuduraan pa rin nila ako sa isipan nila. Isang hamak na anak ng bayarang babae ang luluhuran nila? Nakakatawa. Kung tutuusin ay mas may kaya ang mga pamilya nila kaysa sa akin pero pinili nila ang buhay na 'to.

They chose this willingly because of the connections while I didn't but what can I do? May utang na loob ako sa mga Lambarde at ako lang ang may kayang gawin ang mga bagay na pinapagawa nila nang walang kahit na anong reklamo.

Pagdating sa loob ay nakita ko ang mga tila baliw na mga taong nagsasayawan sa dance floor habang kumikislap-kislap ang mga makukulay na disco lights.

Masakit sa mata pero bar itong pinasukan ko kaya saan ako makakakita ng pastel colors? Puro neon... neon...

Tanginang neon na 'yan. Naalala ko na naman kung bakit nandito ako imbes na nasa apartment unit ko at natutulog. Paniguradong humahalakhak na ang malibog na tanginang yun dahil alam niyang nasira na naman ang gabi ko.

Hindi ko alam kung may saltik ba talaga siya sa utak o baka papansin lang talaga. Wala naman akong pakialam sa kanya pero lagi akong iniinsulto ng gago kahit saan at kahit kelan. Handang-handa niya akong pagtripan na para bang yun na ang ikinabubuhay niya. Kahit anong layo ko sa baliw, bumibira lagi ng lapit.

Nakakagago.

Dumiretso ako sa private elevator at iritableng pinindot ang para sa 6th Undergound Floor. Nauubusan ng pasenya ko ring pinasa-scan sa scanner ang mga mata ko bago sumara ang elevator at gumalaw na.

It's always fucking irritating to follow the procedure but it's needed for security. Mahirap na at baka mahuli pa kami at magkanda-letse-letse na itong side-business ng mga Lambarde.

Ting!

Magkasalubong ang mga kilay ko nang bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang iilang mahahabang pasilyong may maraming pinto. May iilan pa akong nakitang lakad-takbo habang papaalis at may iilang napapakamot na lang sa ulo pagdating.

Ang 6th Underground Floor kasi ang lugar kung saan nagaganap ang mga pinakamadugong transaksyon sa organisasyon.

Nasanay na rin akong pumaroo't pumarito dahil sa trabaho kong patahimikin ang mga dapat patahimikin.

Pero kung papipiliin ako ng mga amo ko ng taong papatayin, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko.

I stopped by the farthest room to the right and eyed the red room. May metal na numero dos sa pinto, ibig sabihin pagmamay-ari ito ng dalawang taong pangalawa lang sa awtoridad ng lider ng organisasyon.

I never wanted to share my room but I wasn't the only hound of Lambarde.

Walang katok-katok kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang madugong eksena. May nakalambitin na duguang bangkay sa kisame habang may lalaking prenteng nakaupo lang sa likod ng metal na desk.

May iilang taong nasa loob na nanlaki ang mga matang nakita ako pero narinig ko pa silang napahinga nang maluwag at yumuko. Sumakit lalo ang aking ulo nang makitang may mga marka ng lubid sa kanilang mga leeg.

"Leave," sabi ko sa kanilang lahat at nagmadali naman ito sa pagsunod. Nang makalabas na silang lahat ay pabalibag kong sinarado ang pinto at bumaling sa baliw na lalaking ngumingisi lang nang malaki kahit sinasamaan ko na siya ng tingin.

"Ang gwapo natin ngayon ah," sabi nito nang may halong panunuya sa kanyang nakakairitang boses. Tumayo na ito at kaswal na naglakad patungo sa akin. Nakasuot ng orange suit ang gago na may mga tilamsik pa ng dugo. "First time kita nakitang nakajogging pants. Paniguradong ukay-ukay yan ano."

Hindi ko na lang pinansin ang pangmamaliit niya dahil yun talaga ang laging sinasabi niya sa mga bagay na pag-aari ko.

Tsk.

Pinuna ko ang dugo na napunta sa kanyang pisngi. The red blood was a stark contrast to his skin. And even though I hate this dumbass, I couldn't lie that he's the fairest man I've ever seen. Tinalo pa ang mga batang-batang dalaga na modelo sa kinis at ganda ng kanyang kutis. At yang lagi niyang nakangising mapulang labi, aakalain mong galing sa isang inosenteng babae. His dark brown eyes had that natural mischievous glint.

Kung hindi lang niya lagi akong iniinis ay baka purihin ko pa siya. My eyes went to his lean body. Sa ilalim ng suit ay sigurado akong may maipagmamalaki rin ito. Hindi naman siguro lalaki ang ulo nito kung hindi niya alam kung anong meron siya. Lagi pa ngang nginungodngod ng gago sa isipan ko kung gaano siya kayaman at kataas, na hindi ko kayang tumapat sa kung nasaan siya.

Inismiran ko na lang ito at tumungtong sa desk para kunin ang nakalimbitin na bangkay.

"Sino 'to?" walang emosyon kong tanong sa kanya matapos putulin ang lubid gamit ang kutsilyong nasa mesa na sigurado akong ginamit niya para paduguin itong patay. Bumagsak ang walang buhay na lalaki sa sahig habang narinig kong umungot si Dox.

"Isang putragis na manyak na pinisil ang puwet ko." Natigilan naman ako roon at tumingin sa kanya. Gusto ko sanang tingnan ang sinasabi niyang pinisil ng taong pinatay niya para malaman kung hindi siya nagsisinungaling pero ang weirdo naman. I don't want to fucking stare even at his face, what more at his sorry ass? He grunted as if he remembered what happened and went near the bloody corpse. Pagkatapos ay sinipa nang pagkalakas-lakas ang bangkay. Hindi na ako nagulat na lumipad ang bangkay papunta sa pader dahil sa kanyang sipa.

The wall got all bloody so I groaned.

"This is the fucking nth time you used our office, Dox."

He flinched but still rolled his eyes. I swear I felt funny when I found him looking fucking adorable doing that.

What the fuck?

"Eh sa punuan na naman ang mga torture room," aniya habang nakangisi at nagkibit-balikat. "Maraming nag-b-BDSM dun."

"Ang sabihin mo gusto mo lang akong inisin, gago," singhal ko sa kanya at kinuha ang phone ko bago nagsend ng message para ipakuha 'tong bangkay. "At yung mga taong nandito sa room kanina, sino ang mga yun?"

He pursed his lips and I stared at them for a while. Talagang iba siyang tingnan kapag hindi nakangisi.

"I had to transact with those shitheads but they were talking shit about...someone." Kumunot ang noo ko dahil hindi man lang niya sinabi sa akin kung sino iyon. Nakapatay na siya ng isa. Base sa mga marka ng lubid sa leeg ng mga tao kanina, kung hindi ako dumating ay baka iilang bangkay na ang ibabalibag sa kung saan. "I should've just killed them but one of them managed to slip out and give you a call."

At talagang pinalabas pa niyang hindi niya sinadya ang lahat nang ito?

Tsk.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at linampasan siya bago lumabas sa room. Narinig ko naman din ang mabilis na yabag ng kanyang sapatos, tanda ng pagsunod niya sa akin. I wasn't surprised when I saw his neon green hair at my side. Kahit matangkad siya kumpara sa iba, iilang dangkal pa rin ang lamang ko sa kanya sa height. Ito lang yata ang maipagmamalaki ko sa kanya-ano ba 'tong iniisip ko?

Ba't ko kailangang maipagmalaki ang sarili ko sa gagong 'to? Bago pa ako magreklamo sa lapit niya ay naamoy ko ang pamilyar niyang bango. Hindi ko alam anong pabango niya pero parang matamis na ewan. Kadalasan naman ay amoy alak o amoy tamod ito. Tsk.

"Lumayo-layo ka nga?" sabi ko sa kanya pero mas dumikit pa sa akin ang gago kaya naramdaman ko na ang mainit niyang katawan sa gilid ko.

Kinilabutan ako sa naramdaman at ako na mismo ang lumayo mula rito.

"Ba't ayaw mo akong tabihan ngayon? Nandidiri ka sa amoy ng dugo?" natatawang anito at malokong nngumisi.

Anong amoy ng dugo?! Tangina. Para nga siyang babae kung amuyin. Tragis.

"Huwag mo akong guluhin. Uuwi na ako," simple kong sabi sa kanya at dumiretso na ng pasok sa elevator pero dahil matigas talaga ang bungo ng isang 'to, sinundan niya ako. Bago ko pa mapindot ang para sa first floor, napindot na niya ang para sa 10th.

Marahas akong napahinga habang nagpipigil na huwag siyang masapak. Hinarangan niya ang pindutan kaya nanatili akong nakatitig sa kanya nang masama.

Pucha. Nakakainit ng ulo.

Ngumisi lamang siya at sumandal sa gilid bago ako tinitigan.

"Gin, yung totoo, ba't di mo ako pinapansin?"

Gin... Tragis. Siya lang talaga ang naglalakas-loob na tawagin akong Gin dahil alam niyang ayaw kong tinatawag akong gano'n.

"Gago ka ba?" balik-tanong ko dahil sa weirdo niyang tanong. "Hindi sa'yo umiikot ang mundo."

Nang matingnan siyang maigi, naisip kong talagang maganda siyang lalaki kaya hindi na ako nagugulat na maraming nagpapakama sa kanya. Ang problema nga lang, masyado ako nitong iniinis. Dapat naman magkasundo kami dahil pareho kami ng trabaho pero tangina lagi niya akong nadadawit kahit saan.

There's even this one fucking time I got punished for something I didn't do because this fucker insisted it was all my idea. Noong oras na yun, hindi pa ako masyadong nakakapansin sa presensya niya pero mula noon nalaman ko nang nabubuhay siya para hindi ako mabubuhay nang matiwasay.

Sa tingin ko nga ay isa sa mga dahilan na ini-appoint siya ni Pacé sa posisyong 'to ay dahil alam ng baliw ko na boss na ayaw na ayaw ko sa gagong 'to.

Konti na lang at iisipin kong bakla 'to dahil laging nagpapapansin sa akin pero imposible naman dahil alam kong tambak na yan ng mga babaeng ka-one night stand.

Nanatili akong tahimik nang mariyalisang nagtititigan pa rin kami. Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin dahil sa weirdong nararamdaman.

Ba't ako maiilang sa gagong 'to?

Kahit nga noong nagkaroon ako ng weirdong panaginip tungkol sa aming dalawa, hindi ako nailang. It's just a fucking dream of him getting home drunk and accidentally going inside my unit. Ilang araw pa akong muntik mabaliw iniisip yun per nang makita siyang may kalampungan na mga babae, alam kong hindi ko na dapat isipin ang balewalang panaganinip na yun.

It's a fucking nightmare. He is a fucking nightmare.

Bumalik ang mga mata ko sa kanya at natagpuan siyang nakatitig pa rin sa akin. Wala naman itong sinasabi at inihilig ang ulo bago iniwas ang tingin.

What the fuck was that?

Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa gagong 'to ngayon? At bakit tumahimik 'to?

Maingay naman 'to lagi ah.

"Oy, tangina anong problema mo?" natanong ko dahil nakatitig na ang walanghiya sa pader na para bang natulala. "Oy, Avelo!"

"Huh?" he asked after blinking a few times. "Tawag mo ako?"

"Ano't tulala ka diyan?"

Tumitig na naman siya sa akin na para bang may gustong sabihin pero nanatili naman siyang tahimik ng iilang segundo.

I couldn't fucking explain how he stared at me. Pero tila gulong-gulo ang isipan nito.

Then he shook his head and grinned. Awtomatiko akong nairita sa ngiting aso nito.

"Ba't ang init ng ulo mo lagi, Gin?" He called me with my name again so I clenched my jaw. "Di ka ba pinagbibigyan ng girlfriend mo?"

"Alam mong wala akong girlfriend," angil ko at tinapunan siya ng iritableng tingin. "Hindi ako kagaya mong hayok sa laman."

"Hayok sa laman?" His grin even widened so I thought his lips would get ripped out of his stupid face. "Ibig sabihin ba hindi ka tinitigasan?"

I frowned.

"Shut the fuck up, Avelo."

"Alam mo, ayaw na ayaw ko sa apilyedo ko," he said while his lips twitched in annoyance. Hindi ko naman mapigilang mapangisi nang bahagya dahil doon.

"I know."

"Pero ba't mo ako tinatawag na Avelo tragis ka?!" Tumaas na ang boses nito.

That's right. Mas mabuting maingay ito dahil hindi ako komportable kapag tahimik siya. Tangina. Ano na naman 'tong nasa isip ko?

"Dahil tinatawag mo rin akong Gin, gago," balik ko ng mura sa kanya.

"Ah, right," he murmured and his grin disappeared in an instant. "Sorry."

Tangina? Tama ba ang narinig ko?

"What...What did you say?" gulat kong tanong sa kanya.

Pero yumuko na lang ito at kasabay ng pagbukas ng elevator ay ang pagkatitigan naming dalawa. Bumuka ang mga bibig ni Dox pero pareho kaming natigilan nang may babaeng sumulpot sa harapan namin at pinulupot ang mga braso sa leeg ng lalaki.

The atmosphere changed when the woman arrived. Nakalimutan na yata nilang nandito pa ako. He didn't look at me anymore and gave the woman a long deep kiss that made me curse in disgust. Naglaplapan sila sa harapan ko na parang uhaw na uhaw. Umungol na ang babae sa pagpisil ni Dox sa malaking dibdib nito.

"Ang sexy mo, fuck," marahas na ani ng lalaki at nilamukos ng halik ang babae. His hand went to her nape and he trailed kisses down her jaw to her neck, down to her cleavage.

"Ohhh Doxxxx~"

The woman pushed him to the elevator wall and grinded on his hard-on while moaning like a bitch. I glanced at that and winced before I went back on looking at Dox's face. Namumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa akin kaya napalunok ako.

Mainit iyon at nakakapang-init na muntik ko nang sapakin ang sarili ko para magising sa naiisip na kabaliwan.

At isang kakaibang ngisi ang kumawala sa mga labi niya habang binubuksan ng babae ang kanyang sinturon.

"Wanna join?" he asked so I groaned and walked out of the elevator feeling pissed. Narinig ko pa ang pagkalansing ng sinturon niya at ang tunog ng zipper bago ako naglakad palayo.

Magsama silang dalawa nung babae niya. Tsk.

Pero fuck. Hindi ako makakatulog ngayon dahil naiirita ako sa pagbabalewala ng loko-what the fuck? Why should I even care?

Napailing na lang ako at pumunta na sa admin para papalitan ang room namin ni Dox sa 6th Underground floor. Tatawa-tawa pa ang in-charge dahil nakasampung palit na raw kami sa loob ng tatlong buwan.

Isinawalang bahala ko na lang ang mga nangyari at bumalik sa apartment ko.

Nang sumalampak ako ng higa sa kama ay napatitig na lang ako sa kisame habang hindi mapigilang bumalik sa isip ko ang mga mata ni Dox.

May kakaiba talaga sa tingin niya kanina.

Ano bang gustong sabihin ng gagong 'yon? Tangina. Ba't ko naman iniisiip? Dapat ay binabalewala ko lang ang mga weirdo niyang pinaggagawa gaya ng dati.

Pero hanggang umaga ay wala pa rin akong ibang inisiip kundi ang mga titig ni Dox.

I fucking hate that fucker.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro