Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39

Gin Yoko Salvador

I thought we'll be fine but the days when Dox laughed became rarer than ever.

The days passed by as fucking harsh as they could be. Nagigising ako sa mga impit na iyak ni Dox, sa kanyang mga paghikbi gabi-gabi. Ni ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao at ang dating madaldal na taong minahal ko ay unti-unting tumahimik. Malimit na lang siyang magsalita. Saka lang siya nagsasalita kapag kinakausap ko o kailangan talaga. Madalas din siyang natutulala na tila ba may malalim na iniisip.

It was fucking painful seeing him fake his smiles. It was hard seeing him so broken...and lost even when I was there with him. The loss of our child ate him up in the worst way. He wanted to end his life and that was what made me cry while telling him to not pull the trigger.

Nasa kamay na niya ang baril nang magising ako at nakatutok mismo sa kanyang sintido. Halos panawan ako nang ulirat nang makita siyang umiiyak habang handang-handa nang kalabitin ang gatilyo.

Tila tumigil ang oras. Walang boses na lumabas sa aking bibig sa pinaghalong takot at gulat at sakit sa nakikita. Napaluha na lamang ako habang hindi maintindihan kung bakit kailangan niyang kunin ang buhay niya para makalimot.

Nandito naman ako.

Nandito ako palagi para sa kanya. Hindi ako umalis kahit minsan ay tinataboy niya ako.

I'm fucking here all this time. Can't he see me? Can't he fucking see how much it hurt me seeing him like this?

Sumakit na ang lalamunan ko kakapilit ko sa sariling magsalita kahit na puro hikbi ko lamang ang lumabas. Nakaupo lamang si Dox sa couch habang hawak-hawak ang baril. I dragged myself towards him as the tears streamed down my face.

Binuka ko ang bibig ko para tawagin siya pero wala pa ring boses na lumabas. Nakagat ko na lamang ang labi ko habang tinatawag siya sa aking isipan.

Dox Kiel...

Kumuyom ang mga kamay ko nang hindi man lamang siya gumalaw o nagsalita sa aking paglapit. Tila bingi na siya sa lahat habang nakatitig lamang sa kawalan. Habang lumuluha siya roon, habang blangko ang kanyang mga mata na tila ba wala na siyang maramdaman, unti-unti akong pinapatay ng takot.

Dahil sigurado akong iiwanan niya na ako.

Bumigay nang tuluyan ang mga tuhod ko at nanghihina akong napaluhod sa kanyang harapan. Ang tanging nagawa ko lang ay hawakan ang kanyang paa habang nanginginig ako sa halo-halong emosyon pero sa kabila ng lahat ng iyon, nangibabaw ang takot. Ang takot na baka hindi ko na siya makakasama pa dahil pipiliin niyang umalis sa tabi ko.

Tumingala ako sa kanya habang hindi matigil sa pag-agos ang mga luha kong sa kanya lang nakalaan at naestatwa na lamang ako nang makitang nakatingin na siya sa akin.

"Gin."

Narinig ko ang may kalamigan niyang boses. Ibang-iba iyon sa kung paano niya tawagin ang pangalan ko.

Hindi, hindi siya pwedeng umalis... Kailangan ko siyang pigilan.

I opened my mouth and slowly spoke. It took almost all my strength to finally speak while my teeth chattered at the fear of losing him. Hindi mawala-wala sa isipan ko na anumang segundo ay mas pipiliin niyang iwan ako.

I pushed back the bile rising from my throat and tried to speak even when my throat felt dry.

"B-Babe..." Nagtagumpay ako matapos ang aking paghihirap na tawagin siya. "D-Dox Kiel..."

His eyes flickered and warmth slowly filled it so a tiny bit of hope glimmered in my chest. Hindi ko maalis ang titig ko sa pagngiti niya. He smiled kindly...too kindly that I have a feeling that it'd be his last.

"S-Sinners should go to hell," he simply said and even chuckled a little. "The people I killed... They're chasing me, Gin. Hangga't buhay ako ay hindi sila matatahimik. Kaya namatay ang anak natin ay dahil hindi ako pupwedeng sumaya."

That's not true... That's not fucking true! Ang lahat ng ito ay nasa isip niya lang! Gusto ko iyong isigaw sa kanya nang matauhan siya pero iba ang lumabas sa bibig ko. Masyado akong kinain ng takot na baka kalabitin niya bigla ang gatilyo.

"H-Huwag mo akong iiwan," I mumbled and begged while holding his feet. Hindi ko na siya masyadong makita dahil sa mga luha pero nanatili akong nakatingala sa kanya habang nagsusumamo. "P-Please babe... For me? Don't do it for me. Please, Dox Kiel..." Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. "D-Don't leave me. You can't break your promise..."

He frowned so my eyes flickered towards the gun again. His hand didn't even move to let the trigger go.

"Bad people always break promises," natatawa niyang sabi kaya napayuko ako. "And don't be fucking selfish, Giyo," aniya kaya muli akong napatingin sa kanyang blangkong mukha.

Umusbong ang galit ko dahil doon. Talaga bang iiwan niya ako?!

"You're being fucking selfish as well!" Sa wakas ay nakasigaw na ako sa kanyang harapan. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. "Iiwan mo ako dahil hindi mo na kaya?! Paano naman ako?! Why the fuck would you leave me alone?! H-How could you fucking do this to me?" Pumiyok ang boses ko habang nagsusumamong tumitig sa kanya. "I love you... I didn't know how but I love you so fucking much... I'd give you everything, even my life but why would you leave me?!"

"You don't understand how it feels!" malakas niyang sigaw. Napatayo ito at hinila niya ako para mapantayan siya. Kinuwelyuhan ako nito at saka dinuro. "YOU DON'T FUCKING KNOW HOW MUCH IT HURTS!"

Naitulak niya ako. Paano niya nasasabi 'to gayong siya ang nagturo sa aking magmahal at masaktan?!

"OO, HINDI KO ALAM! I don't because I'm an unfeeling son of a bitch who only watched his own mother die in front of him, because I'm a soulless asshole who destroyed many lives, because I'm a stone-cold fucker who killed when he's told!" I yelled in anger and misery and desperation for him to truthfully hear me, to let him fucking what he's doing to me. How could he?! I'd burn the world for him and he'll leave me?! Alam kong ganito ako pero akala ko ba ay mahal niya ako?! Bakit niya ako iiwanan sa pesteng lugar na 'to?! "Yes, I don't know how it feels to lose someone you heartless little shit! MAMAMATAY MUNA AKO BAGO KA MAWALA SA AKIN!"

Klarong nagulat ito sa pagbulyaw ko dahil nabitawan niya ang baril. Sa pagkatulala niya ay hindi siya kaagad nakagalaw nang makuha ko ang baril at tinutok ito sa mismong puso ko gamit ang dalawa kong kamay.

"TANGINA GIN!" sigaw nito, tila nahimasmasan na ito. Bumaha ang pagkagulat sa kanyang mukha. "DON'T YOU FUCKING DARE DO IT FUCKER!" galit nitong sigaw habang unti-unting nawala ang kulay sa kanyang mukha.

"Gusto mong mamatay?! Sige! Pero uunahan kita!" I shouted and grinned at him. "We're both  sinners after all!"

"GIN YOKO SALVADOR! FUCK!" Nanginginig nitong kinuyom ang mga kamay habang hindi makapaniwalang tumitig sa akin. "Ba't gaya-gaya ka, gago?!"

I grimaced.

"Wala akong panahon sa mga biro mo. Magkita na lang tayo sa impyerno."

"GIYO!" Kakalabitin ko na sana ang gatilyo at handa na sanang unahan siya sa kabilang buhay nang hawakan niya bigla ang hawak kong baril. He tilted the position of the gun and because of my shock I pulled the trigger. "GIYO SHIT! BITIWAN MO! YOU CRAZY SHITHEAD!"

"No! You let go!" I said and pulled the gun away from him but he just held it tighter. Pagkatapos ay naestatwa ito. Bumalatay ang pagkataranta sa kanyang magandang mukha.

Ah shit. He's still beautiful even when he wants to die. Fuck. Pwede hindi muna ako mamatay?

"Tangina Giyo! May tama ka!" Natigilan ako sa sinabi nito at unti-unti akong napatingin sa tiyan ko dahil parang kumirot iyon.

Nakaputi ako na shirt kaya klarong-klaro ang pagbulwak ng pulang dugo mula roon.

Ah.

"Aba, oo nga 'no?"

"Giyo naman!" naiiyak nitong sabi at saka tuluyan nang naagaw ang baril. He threw it away and he cried while looking at my wound. Pagkatapos ay pinalo niya ang mga braso ko. "Ang gago mo! Ang gago mo! Gago!"

Natawa na lang ako dahil ang cute cute nito habang sinisigawan ako sa galit. Namumula ang mga mata nito habang lumuluha sa iritasyon pero klarong nag-aalala naman din sa akin.

"I love you, babe," usal ko at hinawakan ang kanyang namumutlang mukha. "Ang ganda-ganda mo ngayon. Parang ayoko na munang mamatay."

Pinalo nito ang kamay ko at saka tinampal ang aking mukha.

"Gago ka! Bakit ang hinahon mo pa rin kahit may tama ka?!"

"Malayo 'yan sa bituka," I simply murmured and grinned at him. "Pero kapag mamatay man ako, susundan mo ako 'di ba?"

"GAGO KA! SIRAULO KA!" Humalakhak ako at saka napahiyaw nang biglaan niyang sinuntok ang tama ko.

The pain wasn't that much but it was Dox so it was fucking painful.

"Babe naman..."

"BAGAY LANG 'YAN SA'YO BALIW KA, GAGO!"

Kumindat ako rito.

"Alam mo naman na matagal na akong baliw sa'yo eh, babe."

"PESTE KA TALAGA!"

There was a loud bang so Dox and I looked at the door that's already on the floor. Nagkabiak-biak ito at nakatuntong doon si Pacé na para bang action star, ang siraulo kong kapatid at boss.

"You two morons should fucking give some money to my child first before you go dying!"

Matapos ng iilang linggo ko sa ospital kung saan lagi akong binubugbog ni Dox ng kanyang pagmamahal ay hindi na naulit ang pag-da-drama namin. Takot ko lang. Baka masapak pa ako ulit ng babe ko. Baka masugatan pa ang maganda niyang kamay.

May mga araw pa ring nakikita kong malungkot si Dox pero hindi gaya ng dati ay nagsasabi na ito sa akin ng kanyang mga saloobin. We communicated with each other for our relationship and for us to slowly heal.

And as they say, time heals wounds.

Days passed by in a blink of an eye until Dox finally slowly regained his laughter. It started when we finally thought of a name for our little angel who left us.

"Gino Kieko Avelo Lambarde Salvador"

Nakahawak ako sa bewang ni Dox habang pareho kaming nakatitig sa pangalan ng anak namin na nakalagay sa dating walang ngalang lapida. Hindi naman kailangang may ilagay na apilyedo roon pero gusto ni Dox na malaman ng aming anak na may mga taong tanggap siya sa aming pamilya kahit wala na siya sa mundo.

Ang mga Avelo... Nagpakalayo-layo na sila at lumipat na sa ibang bansa para hindi na raw makagulo ang kanilang ina kay Dox at sa akin. Hindi pa rin daw kasi nito kayang tanggapin na nahulog si Dox sa taong mismong bumaril sa asawa nito.

Umihip ang malamig na hangin at naramdaman ko si Dox na bahagyang nanginig kaya niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likuran. Perpektong-perpekto siya sa aking mga bisig na para bang ginawa talaga kami para sa isa't isa.

Fuck. I'm cheesy as hell.

"Baby Gino, uwi muna kami ha? We'll be back next time," ani Dox at saka dahan-dahang kinalas ang yakap ko bago niya hinawakan ang magaspang kong kamay. His dark brown eyes looked at me in irritation. "Babe! Say goodbye to our baby!"

Napakamot ako sa aking ulo at saka tumingin sa lapida ni baby Gino.

"We'll be back, baby. Goodbye for now, little angel." Nang matapos ako ay nakita ko na lang si Dox na lumuluhang nakatingin sa akin. Kaagad akong tumalima at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Sinipat ko ang mga braso niyang may mga pilat ng sugat na nakuha niya dati sa barilan. "D-Dox Kiel. W-What's wrong babe? M-May masakit ba sa'yo?"

Umiling naman siya at saka yumakap muli sa akin. Binaon niya ang luhaang mukha sa aking dibdib at saka humikbi.

"Ako pa ang inaalala mo pero kakalabas mo pa nga lang sa ospital. Gago! Ang swerte ko sa'yo," ngawa nito habang umiiyak kaya unti-unti akong napangiti. Hinaplos ko ang may kahabaan niyang buhok na may itim na sa tuktok. He said he didn't want to dye it for some time. He looks great in anything, even worse than neon green. Even if he'll go bald, he's still fucking beautiful. "Ang sama kong tao pero binigay ka ng Diyos sa akin."

"I'm also bad, babe so God says we deserve each other."

Natigilan ito at saka tumingala siya sa akin. His teary face has always been something that'd tear my heart apart. Pero tangina, ang ganda niya pa rin. Fuck.

"You believe in God now?"

"Napilitan eh," natatawa kong sabi.

"Anong napilitan?" Nagkasalubong ang kilay nito. "Sino ang pumilit sa'yo? Bawal 'yang namimilit ng relihiyon sa ibang tao! Walang opisyal na relihiyon ang bansa! It's a free country!"

"I had a dream."

Tumitig ito sa akin nang maigi.

"You're Joseph the dreamer now? Propeta ka na?"

I raised a brow at him.

"You read the Bible?" I asked.

Namula ito kaya alam ko na ang sagot.

"I-I was bored, okay?" nahihiya nitong sabi. Iminiwestra niya ang kanyang kamay. "It was lying around and the stories are interesting." Huh. Sa Lambarde? There's a Bible lying around? Hahahahaha. Sa tingin ko'y palihim niya itong pinabili kay Mordre na lagi niyang pinapasuyo ng mga sikreto niyang pinapabiling gamit. One time, I caught him buying a cock ring. "Now, what did you dream about?"

"I dreamed that God told me to go to the world and multiply," natatawa kong sabi. "It was fucking weird."

Napamulagat si Dox.

"H-Hindi nga?" I nodded. It was true. It was rare of me to have a dream, a nice dream. I wasn't really sure who spoke but there was this blinding light and some angelic singing in the background so I thought it was this entity called God who told me to go to the world and multiply. It was an unbelievable experience. Hindi naman siguro yun demonyo ano? Natatawa ako sa naiisip. "B-Ba't hindi ako kinausap?"

Ginulo ko ang buhok niya.

"Ako na raw ang bahala, babe."

"A-Anong ikaw?!" bulyaw nito habang nakakunot ang noo. Tinuro ako nito at nang-aakusa akong tinitigan. "Magpaparami ka?! Mambababae ka?!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Babe, wala akong interes sa babae. Alam mo 'yan."

"Pero nagsarili ka naman dahil kay Mavis," anito at pinaningkitan ako ng mga mata.

"B-Babe naman..." Napakamot ako sa ulo ko. "Matagal na nga yun, 'di ba? Tapos ikaw naman ang minahal ko at hindi siya."

"Ah, hindi!" He cutely pouted. "Malay ko ba kung ginagawa mo pa rin!"

Marahas akong umiling at hinawakan ang balikat niya.

"Ikaw lang, Babe!" I said. "Ikaw lang ang iniisip ko kapag nagsasalsal ako!"

Nabitawan ko siya at napatakip ako sa aking bibig.

Ah, fuck. Putek.

"Anong ako—" He paused and then his cheeks burned in embarrassment. "B-Bastos," he mumbled and smacked my arm. "Puro kawalanghiyaan 'yang nasa utak mo! Pati si Lord dinadamay mo!"

"Aray, babe," sabi ko kahit hindi naman masakit ang mga cute niyang sapok. "Buntis ka ba babe? Ang sungit mo sa akin."

Mas lalong lumakas ang pagsapok nito hanggang sa hinahampas niya na ako.

"Anong buntis?! Paano ako magiging buntis eh matagal mo na akong hindi kinakama?!"

We both paused as both our faces reddened. Nasapo ko ang batok ko habang siya naman ay napayuko na lang sa kahihiyan.

Damn.

Tumingin ako sa kamay niya na nakakuyom at dahan-dahan itong hinawakan. Naestatwa siya pero bumuka naman ang kanyang kamay at nagpaubaya sa aking hawak.

"T-Tara na," nananantiya kong suhestiyon at tumango naman siya nang hindi tumitingin sa akin.

"O-Okay..." Nagpahila lamang siya hanggang sa inalalayan ko siya papasok sa kotse. Pinaandar ko naman ito matapos naming magseat-belt dalawa.

Naging tahimik ang buong byahe.

Paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang sinabi niya sa akin.

'Anong buntis?! Paano ako magiging buntis eh matagal mo na akong hindi kinakama?!'

'Anong buntis?! Paano ako magiging buntis eh matagal mo na akong hindi kinakama?!'

'Anong buntis?! Paano ako magiging buntis eh matagal mo na akong hindi kinakama?!'

It echoed inside my mind like a fucking broken record. Now that he mentioned it, it has really been too fucking long. It got lost in my mind after I saw him trying to end his life. Him surviving was the most important thing at the moment. Plus, he was still grieving over the death of our first child.

But now that he mentioned this... I know he has been thinking about it. I know what he wants.

Gusto kong i-untog ang sarili ko dahil baka matagal nang naiirita si Dox dahil walang nangyari sa amin nang iilang buwan.

My cock throbbed so I groaned and tried to calm myself.

I glanced at Dox in case he was looking and he really was. His sparkling eyes burned on my tightening crotch.

Fuck shit. Iniisip ko pa lang na gustong-gusto niya ito ngayon ay muntik na akong labasan.

Napatikhim ako kaya tumingin siya sa aking mukha.

"Gusto mo ba mag-hotel?" nahihiya kong tanong dito.

He bit his lips and averted his eyes. Namula ang mukha niya bago siya dahan-dahang tumango.

Fuck. Fuck!

Kaagad kong pinaharurot ang kotse sa sobrang panggigigil dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at baka biglaan ko na lang ihinto ang kotse at malilipasan kami ng gabi rito sa daan. May bagyo pa naman yata ngayon.

Tangina! Pwede fast forward?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro