Chapter 38
Chapter 38
Gin Yoko Salvador
I'm not a good man. Sa dami ng mga taong sinaktan at napatay ko, alam kong sa impyerno na ang bagsak ko. Wala nang pag-asa pang magbabago pa ang takbo ng buhay ko. Patapon akong tao. Wala akong pakialam sa mundo maliban na lang sa Lambarde. Kung mamatay man ako, wala akong pakialam kung may makakaalala ba sa akin.
I'm no one, just someone with a name. Pero nang tawagin ni Dox ang pangalan ko, pakiramdam ko ako na ang pinakaimportanteng tao sa mundo. Hindi ko nga alam na marunong pala akong mag-alala para sa isang lalaking lagi kong iniinis noon. Hindi ko alam na mamahalin ko siya nang husto na siya na lang ang nakikita ko.
I'm selfish. The rest of the world could die as long as Dox remains by my side.
And when I found out we were having a baby, I started to care about them more. I wanted to change for the better, for our child to grow in a loving family. Pareho kami ni Dox na hindi nakatanggap ng kalinga ng mga magulang kaya gusto naming maging mabuting mga ama sa aming anak pero...mahirap. Mahirap na umalis sa landas na tinahak na namin nang iilang taon.
Nagsisi akong hinayaan ko si Dox na manatili sa Lambarde. I was selfish enough to let him ruin his own life just so that he and I can be closer. I was fucking greedy for his attention, for his love.
Kung sana ay naging normal lamang ang buhay ni Dox, malayo sa patayan, sa impyernong kinalakhan ko, baka ay hindi siya mapapahamak nang ganito. Hindi siya maglalakas-loob na isugal ang buhay niya...
But Dox is Dox. He would always try to help his friends, even his family even though he gets nothing in return.
Iilang beses na kaming nagtalo dahil sa pagtulong niya sa iba. Kay Pacé, kay Helios, kay Kaiden... Hindi ko siya magawang sumbatan dahil alam kong kahit bali-baliktarin man ang mundo, may natitira pa ring kabutihan kay Dox at masaya ako para sa kanya. Hindi siya kagaya kong halang ang kaluluwa.
Sising-sisi ako na sa taranta ko'y mas pinili kong puntahan sina Pacé at Liz para tulungan. Nagsisisi akong nagtiwala akong may mag-p-protekta kay Dox habang wala ako. I should've known how reckless he is. I should've known he wouldn't stay put because he knows he can do something. I should've known he doesn't care that much about himself.
Hindi makasarili si Dox. Hindi siya kagaya ko. Alam kong magiging mabuti siyang magulang sa anak namin. Handa siyang magbago pero hindi talaga mawala-wala sa sistema niya ang kagustuhang tumulong sa mga taong malalapit sa kanya.
I wish he could've been selfish and self-centered. I wish he would just take care of himself and no one else. Kahit mahalin niya lang ang sarili niya, wala akong pakialam kahit mapabayaan niya ako.
As long as he's alive... As long as he smiles to me... Pwede na akong mabuhay.
At nang malaman kong sinugod si Dox sa ospital, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Halos mabaliw ako kakasigaw kina Dread sa telepono. Kung hindi ako pinagsusuntok nina Pacé at Esmeralda ay baka hindi ako matatauhan.
"I'm sorry. We couldn't save the child."
Nang marinig ko iyon mula sa doktor, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"But is my babe alright? Is Dox alright?" Iyon ang kaagad na lumabas sa aking bibig. Kita ko ang pagkabahala sa mukha nito kaya nanlamig ako. "H-He's fine, right?"
"Of course, he is." Nagliwanag bigla ang mundo dahil sa sinabi nito. Dox is fine. He's okay! I sighed in relief. The doctor looked troubled as he stared at me longer. "Aren't you sad that you lost your child?" I paused and a sinking feeling began to spread inside me. Right... I should be sad but Dox comes first. Nagbuntong-hininga ang doktor at saka umiling. "Well, this is fine too. You have to be strong for Dox since he'll probably be depressed over losing your child."
My expression hardened after imagining Dox's pained face.
I need to be with him.
Dumiretso na ako agad sa hospital room at naabutan ko roon ang pamilya niyang nag-uusap. The Avelos... I wouldn't have thought that they'd come here.
"Kasalanan mo ito! Kung hindi mo sana pinabayaan si Dox baka hindi siya napahamak!" sigaw ng nanay ni Dox at dinuro-duro pa ako. Hindi ko na pinansin ang kanyang patuloy na pagbulyaw at lumapit sa aking nobyong nakahiga sa kama. His bandaged hand came to view so I sighed. "How dare you come here after—"
"Can you be fucking quiet? My babe is sleeping." Bumaling ako sa maingay na babae. Bumaha ang gulat sa mukha nito, pati na sa dalawang kapatid ni Dox. "Don't you act like you fucking care for Dox. Nasaan ba kayo buong buhay niya?"
"Y-You—!"
"Don't fucking tell me you love Dox because I know what you did just for money again."
Namutla ang nanay ni Dox at naestatwa na. Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalaking Avelo.
"M-Mom? A-Anong ibig sabihin ng sinabi niya. Did you do something again?!" sigaw ni Stanley Avelo.
Nagtagis ang bagang ko at pinagsabihan ulit sila.
"I told you to fucking keep quiet. Sa labas kayo magsigawan." Tahimik naman silang umalis kaya napahinga ako nang malalim at umupo sa isang silya sa tabi ng kama. Tumingin ako kay Dox at tumitig sa kanyang payapang mukha. He looked so beautiful while closing his eyes so I caressed his cheek and rubbed his lips with my thumb. Lumapit ako at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi. "I'm right here for you, babe."
Ayokong manumbat sa pamilya ni Dox pero sumusobra na ang mga ito. Akala ba nitong baliw na babaeng 'to na hindi ko malalaman na kasali siya sa mga taong dumukot kina Mavis at Liz? Tsk. Sabi ko na nga bang hindi mapagkakatiwalaan ang walanghiyang 'to. Puro pera pa rin ang laman ng isipan. Porke't pinagkatiwalaan na siya ulit ni Dox, may plano pa itong idamay si Dox sa kanyang pagkagahaman.
My babe will definitely be hurt once he'll know so he doesn't have to know. This is also my fault. If only I stayed with him...
Hinawakan ko ang kanyang kamay at naramdaman ang kanyang init. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko at napahikbi na ako sa gilid habang humihigpit ang kapit ko sa kanya.
—
Naramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa aking buhok kaya dahan-dahan akong nagising.
"Gin..."
Namulat ko ang mga mata ko at kaagad na tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin si Dox na namumugto pa ang mga mata kakaiyak. His dark brown eyes stared at me sadly as his hand reached my hair.
"B-Babe..." nauutal kong sabi nang maalala ang lahat ng nangyari, kung paano siya nasugatan, kung paano nawala ang anak namin.
"I couldn't feel him, babe," mahina niyang bulong habang hinahawakan ang kanyang tiyan. "Our b-baby isn't here anymore."
Hindi ako makagalaw habang pinapanood ko siyang umiiyak at ang tanging nagawa ko lamang ay hawakan ang kanyang kamay.
Napakawalang kwenta kong tao. Wala man lang akong magawa para sa taong mahal ko.
"It hurts. It's hurts so much," he murmured as he buried his face on his hands. "It hurts." Tila pinupunit ang puso ko habang nakikita siyang malungkot pero wala akong ibang magawa dahil hindi ako makapag-isip nang maayos habang nasasaktan si Dox. "It's all my fault. Our child died because of me. He could've still been alive. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Kasalanan ko—"
"No," I mumbled. "It's not your fault."
"No! It's all my fault! Our baby died because od me! I should've been dead!"
"Dox Kiel!" galit kong sigaw sa kanya. "Wala kang kasalanan! Huwag kang magsalita nang ganyan!"
"I'm sorry..." He whimpered and pushed me away with his hands. Nagpatuloy sa pagdaloy sa kanyang mukha ang mga luha kaya kumuyom na lamang ang kamay ko. I don't know what to do. I don't know what else to say. Why is he thinking this way when it's not his fault?! "I'm sorry..."
Gumaralgal na ang kanyang boses at niyakap niya ang kanyang mga binti bago humagulgol. Nagagalit ako sa sinasabi niyang pagsisisi sa sarili pero mas masakit ang katotohanang nasasaktan siya nang husto.
It's not his fault.
"Babe..." pagsusumamo ko sa kanya. "Dox Kiel..."
Umiling siya.
"P-Please... I don't want to see you." Tila nabasag ang puso ko nang marinig iyon mula sa kanya. "Please..."
—
The cost of happiness could really be fucking too much.
Nanatili akong nakatitig sa lapida na bagong lagay sa puntod ng aming anak. Hanggang ngayon ay hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko. Marahil dahil hindi ko pa rin matanggap ang totoo, na wala na ang anak namin.
Napakabilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap ay naputol ang aming kasiyahan.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha at tumingala sa langit. Unti-unting pumatak ang ulan. Ramdam ko ang lamig niyon sa aking mukha pero walang-wala ang lamig niyon sa bumabalot ngayong kapaitan sa aking puso.
May Diyos ba talaga? Kahit kelan ay hindi ako humingi sa Kanya ng tulong dahil hindi ko iyon kailangan. Wala akong tiwala sa Diyos. Para saan pa?
Pero kung meron man, kung totoo nga Siyang talaga, sana ay aalisin niya ang sakit na nararamdaman ni Dox. Nabibisita ko lamang si Dox kapag tulog siya at kahit nakapikit ang kanyang mga mata, kita ko ang hirap sa kanyang mukha.
Masakit makita siyang ganoon. Naduduwag akong magpakita dahil baka itataboy na naman ako nito palayo.
Masakit... Masakit dahil wala akong magawa para sa kanya.
I crouched down and stared at the grave.
'Rest in Peace Baby'
Walang pangalang nakalagay. Hinayaan namin iyong blangko hanggang sa matanggap na ni Dox ang pagkawala ng aming anak. Hihintayin naming siya ang magbigay ng pangalan sa kanya.
Naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa aking tabi at nakita ang paglapag nito ng bulaklak sa puntod.
"Kuya." Lumingon ako kay Pacé at nakita siyang napakamot sa ulo. "H-Huwag ka nang umiyak, Kuya."
Binatukan ko nga ang baliw.
"Gago. Anong kuya? Mas matanda ka sa akin oy."
"Baby, oh, minumura ako ng tatay mo," pagkausap nito sa puntod habang nakanguso. "Pagtanggol mo naman si Tito!" Biglaang umihip ang hangin kaya napatalon si Pacé patayo. "Shit! H-Huwag ka namang magparamdam pamangkin!"
Napailing na lamang ako at saka hinawakan ang lapida.
Sakto namang may kamay na lumapag sa ibabaw ng sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at nakita si Dox na nakaupo sa aking tabi.
He held my hand without saying anything and I let him. It was warm enough to keep me alive.
—
"Should Ieave?" tanong ko kay Dox nang mailapag ko siya sa kanyang kama. Isang buwan na rin ang lumipas kaya nadischarge na siya sa ospital. Nasa unit siya ngayon at tanging ako lang ang kasama niya. Sabi niya kasi ay ayaw niya munang may makausap.
Naiintindihan ko siya kaya nga tinanong ko siya kung ayos lang bang nandito ako.
"I...need you." Kusang gumalaw ang katawan ko at kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Stay with me."
His voice sounded as if he was going to break again. I felt his hands on my shirt, crumpling it with his hands.
"I feel...empty." Hinaplos ko na lamang ang kanyang likuran habang pinakikinggan ang kanyang mga salita. "It's too painful... Can you take it away?" mahina niyang bulong. "Take it away, please..."
"How?" I murmured.
"Fuck me."
Unti-unti akong napangiti. Hinalikan ko ang kanyang noo at tinitigan siya nang mabuti. Nanghina ako sa lungkot sa kanyang mga mata.
"Let's sleep first," sabi ko at dahan-dahan siyang inihiga sa kama. "You should rest, babe."
Nakagat niya ang kanyang labi kaya napalunok ako.
Damn. This isn't the time for me to be feeling horny.
"Okay." Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na siya nakipagtalo. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit habang inunan niya ang aking dibdib. "I love you."
Lumundag-lundag ang puso ko dahil sa biglaan niyang pagsabi nun.
"I love you too, babe. Always."
—
Nagising akong wala si Dox sa aking tabi. Napabalikwas ako ng bangon at halos mangiyak-ngiyak na nang makita si Pacé na nakakunot ang noo habang nasa labas ng unit ko.
"He's in the cemetery again."
Nasapo ko na lang ang ulo ko at kaagad na pumunta sa kotse ko. Gabing-gabi na at mag-a-alas onse na pero nasa labas pa rin siya. Pinasibad ko ang kotse papunta sa sementeryong kinalalagakan ng anak namin.
Natagpuan ko si Dox na nakaupo sa harapan ng libing at nakatulala lamang doon. Mugto ang mga mata niya habang nakatitig sa nakasinding kandila.
"Babe..." tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa aking direksyon. Sumilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.
"I'm sorry..." he muttered and covered his eyes. Napayuko siya at nagsimula nang humikbi. "I'm so sorry..."
I walked towards his side and sat then I began patting his head.
"It's alright." Mas lalo siyang umiyak at saka yumakap sa akin. "It's going to be fine."
"I-I'm such a bad person... N-Ni hindi ako nakapag-isip ng ipapangalan sa anak natin," he mumbled. "Ni hindi ko siya nabili ng kahit ano. Ni hindi ko man lang naisip kung lalaki ba siya o babae."
"Ssh," pag-aalo ko sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito pero kailangangang-kailangan niya ako ngayon. "Our baby won't hate you for that."
"N-No, he hates me..." he uttered. "H-He hates me! I-I dreamed of him a-and he said it's all my fault! N-Na-karma ako sa dami ng mga taong napatay ko! Sa dami ng mga nasaktan ko, pinaparusahan ako!"
"I-It's just a dream..." I mumbled. "It's just—"
"I'm sorry..."
Napabuntong-hininga na lang ako at saka hinaplos ang kanyang pisngi.
"It's not your fault, babe. Don't cry." Unti-unti nang humina ang kanyang paghagulgol kaya napahinga ako nang maluwag.
"Y-You must be tired of me," he whispered. "I'm such a pain in the ass. Now I'm wailing like a banshee."
I chuckled. May kaunti nang sigla sa kanyang tono kaya napanatag na ako.
"I'll never be tired of you, babe." Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinatingala siya sa akin. His dark brown eyes shimmered with tears but they looked so sad that I almost heard my own heart break. Pinunasan ko ang kanyang mga luha. "I'll always be here with you even when you're wailing like a banshee."
Ngumuso siya sa akin at saka tinampal ang noo ko.
Pambihira.
"Huwag mo akong pakiligin," sabi niya at saka hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Nagtagpo ang aming mga noo kaya napangiwi ako. "What'd I do to deserve you? Do I even deserve you?" Natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya. "Ang gwapo mo at ang hot pa. You're very very very good-looking."
"Are you really flirting with me in front of our baby?" biro ko rito.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata at saka tumingin sa lapida.
"Sorry, baby. Nadala lang. Ang pogi ng daddy mo eh." Bumunghalit na ako ng tawa pero may pahabol pa pala si Dox kaya halos mabilaukan ako sa sariling laway. "Ang yummy-yummy ng daddy mo, ang sarap sakyan."
Damn.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro