Chapter 37
Chapter 37
Dox Kiel Avelo
"Good evening, gentlemen. I brought pistols, machine pistols, machine guns, submachine guns, and sniper rifles. For the pistols, we have Kahr K9, Heckler & Koch USP 45, Beretta 92FS Inox, Beretta 92FSl, Smith & Wesson 3913NL, and Walther P99. For the machine pistol, Micro Uzi. For the submachine Guns we have the KRISS Vector, Heckler & Koch MP5K, and Heckler & Koch MP5SD35. For the sniper rifles, we have the Blaser R93, Ruger M77 Mark II, SKS Rifle, and Ruger Mini-14. For the machine guns, we have the M240B and Dillon Aero M134."
Ainsworth, Dread's stiff 17 year-old butler enumerated the names without blinking so much. Para siyang nag-p-presenta lang ng mga putaheng nasa isang five-star restaurant sa kanyang pagiging kalmado.
Nakalatag isa-isa ang mga baril sa carpet nitong sala ng mansyon nina Dem. Magara tingnan ang mga baril. Ang kikintab. Nasa tabi naman ang napakaraming bala na iba-iba ang hitsura. Nagsimula nang mag-kwento si Ainsworth tungkol sa kung paano gawin ang mga baril habang unti-unti namang kuminang ang aking mata nang may mariyalisa.
"Aren't those some guns used in the movie The Purge: Anarchy?" mangha kong tanong sa binatilyo. Tumango-tango ito sa akin.
"Yeah, I just saw the movie a while ago. I didn't know which guns to bring so," balewala nitong sabi at nagpatuloy na sa pag-discuss sa mga baril. Ayoko nang isipin kung paanong isang menor-de-edad ang naging "weapon expert" ni Dread. Umabot si Ainsworth ng iilang minuto sa pagsasabi ng importanteng detalye tungkol sa mga baril pero wala namang nagreklamo. Pasaan pa't baka mamatay kami dahil 'di namin alam pa'no gamitin ang mga 'to. "That's it. Pick how you choose to die." I laughed at the humor. He's implying the same guns we used could be used to kill us. Karma's a bitch. And we're a bunch of men waiting for karma to fuck us up as we send another hoard of demons to hell.
Naalala ko bigla ang kalagayan nina Giyo ngayon at sandaling nabahala. Pinakalma ko rin ang sarili ko dahil wala naman akong magagawa para sa kanila ngayon. I just needed to believe that Giyo's going to come back to me.
At sa katotohanang isa rin siyang masamang damo kagaya ko. Hahahaha!
Now which guns to pick... Heckler & Koch USP 45, Beretta 92FS Inox... Okay, I'll get these but I prefer using blades, though. Bumaling ako kay Dem.
"Pahiram ng mga kutsilyo, pre." Naguguluhan man ay tinuro nito ang direksyon ng kusina. "Thanks, man. Ibibili na lang kita ng bago kung sakali maubos ko," sabi ko rito at dumiretso na roon.
"Weirdo," nakangising sabi ni Dem.
Pagkatapos ay gumawa ako ng strap para isuksok ang mga kutsilyo sa aking binti at paa. Naweirduhan naman sila nang makita akong naglalaro ng maliit na kutsilyo sa kamay pero wala na silang naging komento.
I really just can't fucking rely on guns. I need these knives with me.
"What? Go pick your guns, morons," panunuya ko sa iba na titig na titig pa sa pag-itsa-itsa ko sa kutsilyo.
Mga tig-dadalawang pistols ang nakuha namin ni Den. Kumuha si Dread ng mga sniper rifle. Si Dem naman ay kumuha ng submachine gun at isang Micro Uzi. Tumanggi si Dion na gumamit dahil weaponized na ang iba niyang mga drone. Kaya nga kami kalmado dahil alam naming may kayang magligtas kay Mavis hangga't wala pa kami roon. His drones are ready to fire if the kidnappers will show some agression. Mabalik tayo sa pagpili ng sandatang gagamitin... Ang mga natitirang baril ay kinuha ng mga lalaking kasama ni Ainsworth. Dread's Death Squad. Iyon ang tawag ng mga lalaki sa grupo nila ng limampu ka tao. Muntik pa nga akong matawa dahil acronym nito ang DDS. Takteng pagkakataon lang. Buti at pumayag si Dread.
Masyadong agaw-pansin kung biglang dadami ang mga taong pupunta sa direksyon ng warehouse kaya napagkasunduan naming hinay-hinay kaming pupunta roon. Syempre, dapat undercover kaya heto at nakasuot kami ng pambahay na mga damit at iba pang kasuotan ng sibilyan na dinala nina Ainsworth. Nakasuot kami lahat ng bulletproof vest sa ilalim. Mahirap na.
Alas cinco na ng umaga nang makapwesto kami sa mga pwesto namin. Hawak-hawak ni Den ang isang iPad na nakatutok pa rin sa kinalalagayan ni Mavis. Mabuti na lang at naka-disguise na mga insekto ang ibang drone ni Dion. Malaya naming namamanmanan ang loob ng warehouse.
The woman named Vicky Greyson could make insults here and there but Mavis just remained immobile. She looked lifeless even. It's amazing how stone-cold the woman is acting during this kind of situation. Talagang walang pakialam si Mavis sa maraming bagay, lalo na at nag-away pa sila ni Den bago siya nakidnap. Masama siguro talaga ang loob nito.
I looked at Den's expression and found out that he looked so agonized while staring at his woman. Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat.
"Don't worry, man. Sisiguraduhin kong maliligtas ang mag-ina mo." Kaiden looked like he was gonna go to another breakdown so I glared at him. "Isang iyak mo pa at ipapabaril kita sa kidnappers."
Ngumuso na lamang ito at muling tumingin sa iPad. Lumipas ang iilang oras na ganun lamang ang ginagawa namin habang ang iba ay nagmamanman sa paligid at nag-uusap tungkol sa plano kung sakaling magkaputukan.
"Hey, hey! There are two helicopters and 10 vans outside the warehouse!" sigaw ni Dion mula sa earpiece kaya nanlaki ang mga mata ko. Nahati ang screen ng iPad at nakita na namin ang isang live feed na nagpapakita ng dalawang helicopter na may sakay na maraming taong nakasuot ng itim na mga suit. Mayroon ding mga lumalabas sa van. Hindi na ako nagulat na may dala-dala itong mga armas. "There are at least 100 people!"
Tumayo na kami.
"You know what to do," Dread said towards his DDS members. "Secure Mavis and you can do what you want with the rest."
"W-Wait, isn't this Liz?!" bulalas bigla ni Den kaya tumingin ulit kami sa iPad. Kumunot ang noo ko at tinginan ang tinuturo ng kanyang kamay sa screen. "I-zoom mo, Dion."
Nag-zoom ang video ay nakita namin ang isang babaeng nakasuot ng isang pink na pantulog na mayroon pang bahid ng dugo. Paika-ika itong naglakad habang hinahablot ng dalawang naka-suit na lalaki.
Namutla ako sa nakikita.
It's definitely Liz.
"Fuck," pagmumura ni Kaiden. "What's my cousin doing here?! Hindi ba dapat—" Tumingin ito sa akin. "Shit!" He groaned immediately shouted at the others. "Don't fucking shoot! That's Elizabeth Lambarde! She's another victim of these motherfuckers! Mamamatay tayong lahat kapag madadaplisan 'yan ng bala!"
Shit.
"Someone's trying to hack past me!" ani Dion. "A message went through saying something about a maid outfit? So is he a friend or a foe?"
Bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"Let him! That's fucking Mordre from Lambarde!" sigaw ko kay Dion.
Makaraan ng ilang segundo ay may narinig kaming umuubo.
"Fuck, can you hear me?" ani Mordre mula sa kabilang linya. May hirap sa boses nito kaya kung ano-ano nang mga senaryo ang pumasok sa isipan ko.
What happened to them?!
"Mordre..." tawag ko rito. "W-What's the situation?"
"Dox! Shit," he murmured and coughed. Nakikita ko na itong dumudura ng dugo kaya nakuyom ko ang kamay ko. If he's even like this... what might have happened to the others? "Listen. The high tiers can't go there right now. The Korean embassy won't let us leave. Nasira rin ang jet. Pinalilibutan kami ngayon. Naiipit kami sa iniwang gusot ng mga tanginang ex-mafia na 'yan! Kami ang dinidiin." Muli itong umubo at huminga nang malalim.
My breathing hitched. My blood ran cold.
"Maraming sugatan. Hindi kami makagalaw dahil nababaliw na si Pacé. He's ordering us to stand down or else he'll kill us now. But fuck, what's even the difference? Tangina. Wala kaming laban kahit pinapuputukan na kami. They threatened to kill Liz."
Nasapo ko ang noo ko habang nakikinig sa kanya.
"Giyo is handling Pacé right now to snap him back to reality. They're fighting. Injured na ang mga gago. Hindi ko sasabihin na nasali kayo sa gulo, Dox. Baka mas lalong mabaliw ang dalawang yun. Hindi ko alam kung anong motibo nila. I couldn't contact you anymore after this. I'm sure they'll be using an EMP to block m—"
Natahimik na ang earpiece kaya nakagat ko ang labi ko. Malamang ay na-cut na ng EMP ang koneksyon.
Inisip ko ang pinagsasabi ni Mordre at inis na sinipa ang upuang nasa gilid ko.
Shit ka Pacé! You crazy asshole! Ba't ngayon pang kailangang-kailangan ka pa ni Liz?! Kung may mangyayaring masama kay Giyo dahil sa kabaliwan ni Pacé, ililibing ko siya nang buhay!
My babe... Ang Giyo ko... Damn. I need to focus and trust that he'll be fine.
"Fuck," pagmumura ni Dion. "Lambarde's so fucked up right now. Pa'no na 'to?"
"We'll have to save Liz," sabi ni Den. Bumaling ito sa iilang kasama sa DDS na nasa loob ng abandonadong apartment na pinagtataguan namin. "Are you willing?"
"Sir Dread is paying us so we gotta do our jobs," ani Ainsworth at napangiwi. "Nakakahiya naman kung tutunganga lang kami rito eh ang boss namin naghahanda na ng sniper."
Lahat kami ay napatingin kay Dread na ngayo'y hawak-hawak ang napili niyang baril.
"Let's go."
—
Den called some of his "trusted" people to barricade a certain distance from the warehouse to avoid civilians from getting involved in the crossfire. Kinontak na rin namin ang mga kakilala namin sa pulis at gobyerno na siguraduhing walang makakaalam sa mga kaganapang magaganap sa lugar. Syempre, usapang pera na naman.
"Who the hell is their fucking leader?!" bulalas ni Den habang nakatitig sa iPad. Ngayon kasi ay yakap-yakap na ni Mavis ang nanginginig na si Liz habang wala namang sinasabi ang mga dumating.
"They know we're here. They're waiting for us," biglaang sabi ni Dion.
"I think so, too," pagsasang-ayon ni Dread mula sa earpiece. Malayo na kasi ang pwesto rito na mainam para sa mga sniper. May kasamahan siya roong parte ng DDS. They're someplace that has a higher ground but still near to the warehouse.
"Bring your guns. We're going in," utos naman ni Den.
Nang makaabot kami sa paligid ng warehouse, tumambad sa amin ang mga armadong lalaki na nakapaligid doon. Tumalima agad ang mga ito at tinutukan kami ng baril kahit iilang metro pa ang layo namin.
"So you actually came!" biglaang sigaw ng isang babaeng boses. The sound seemed to come from some speakers inside the warehouse because of the volume.
We could see from the iPad that a woman was holding a microphone while getting near Mavis. Marahas nitong hinablot ang mukha ng babae at saka tumawa.
"So you chose this woman over me? I thought you're not into relationships, Kaiden baby~"
I got goosebumps from her annoying voice. She sounded like a psycho driven by obsession. Grabe. Sa kapogian ni Den, marami palang nabaliw. Pambihira.
"Who the hell is that?"
Tila nasamid kami sa lumabas sa bibig ni Den. Ang gago sa dami ng babae, 'di na sila maalala. Buti pa ako, unang letra ng mga naging ka-fling ko naaalala ko pa pero itong si Den sa mukha nitong nakabusangot, parang wala talaga itong mahanap sa memorya.
"Grabe. Ikaw na, pre."
"Kaiden baby~" muling sabi ng babae kaya napangiwi kami.
Tsk.
"I'll go at the back," sabi ko sa mga ito. "I'll secure Mavis and Liz."
Tumingin sina Den at Dem sa akin at tinanguan ako.
"I'll go with you," biglaang sabat ni Ainsworth kaya ngumisi ako. Tibay. Lakas ng batang 'to ah. Antapang ng mokong.
"Fine but try to keep up, kid."
"I'm not a... kid."
I just chuckled at him and held the gun. Umatras ako at saka lumiko para gumamit ng ibang ruta nang hindi kami matunugan ng kalaban. Sumunod naman si Ainsworth sa akin. Tahimik ito at walang kung anong tanong. Walang plano-plano. Naglakad na ako sa bandang likuran ng warehouse kung saan trenta na mga naka-suit na lalaki ang tumambad sa amin. Hawak-hawak nito ang mga baril at yung iba naman ay nag-k-kwentuhan lamang.
Biglaan kaming nakarinig ng mga putok ng baril mula sa kabilang bahagi. Hindi ko alam ang nangyari dahil sa biglaang pagsiklab ng labanan.
"Ah fuck. Kaiden lost it. That damned woman just slapped Mavis. They're attacking now."
Tumalima agad ang mga lalaking nasa harapan namin pero natigilan nang makita kami. Sa gulat na bumaha sa kanilang mga mukha, klarong hindi nila inaasahang dalawa lamang katao ang haharap sa kanilang trenta.
Bago pa sila makagalaw ay nagpaputok na ako. Dalawa ang agad na natumba kada baril. Tatlo. Apat. Sunod-sunod ang naging pagputok ko habang maliksing iniiwasan ang kanilang mga tira.
Mga amature. Akala ko ba ex-mafia members ng mga 'to? May mga wannabe bang nasali? Hindi na ako nakapagbilang nang maayos nang marinig ang boses ni Ainsworth.
"H-How the fuck did you kill them all?"
Ah? I looked back and saw him looking the 30 people on the bloody ground.
Oh.
"Practice lang 'yan boy."
He swallowed.
"How many people have you killed so far?" he asked.
"345, 678, kasama na 'tong trenta."
"You're kidding." He looked at me as if I was a ghost but I just laughed at him. Kumurap-kurap ito. "Seryoso ka ba?"
"Kidding," sabi ko na lang dahil baka mahimatay pa ito. "I didn't kill these 30 bastards. They're barely breathing though."
Tiningnan ako nito na para bang hindi pa rin makapaniwala.
—
"Distract them you retards!" sabi ko kina Dion sa maliit na mic na suot ko.
"Like how?" Dion dumbly mumbled from the earpiece.
"Just distract them so we can get to Mavis and Liz!" singhal ko sa kanila.
Nagtatago kami pareho ni Ainsworth sa likod ng isang crate 'di kalayuan sa mga babae. Hindi ko mapigilang mag-aalala nang makita si Liz na walang malay at niyayakap ngayon ng isang umiiyak na si Mavis.
Shit.
Nagdadalang-tao pa naman siya. Sa sobrang stress ay maaari siyang makunan.
Nagkasigawan na ang mga armadong lalaki sa loob ng warehouse, pati na ang boss nitong babaeng hindi ko man lang makita ang mukha. Paki ko ba dun? Basta ay dapat ko nang iligtas sina Mavis.
"FUCK! FIND THE SNIPERS YOU FOOLS!" tili ng babae kaya sandali pa akong natigilan.
Nice. Buti naman at magaling mag-snipe sina Dread. Trained na trained siguro yung mga DDS niya.
Dahan-dahan akong pumunta sa direksyon nina Mavis at saka pumwesto sa gilid ng babae.
Tumingin ako sa direksyon ng mga taong nagkakagulo at napunang naging busy na ito sa putukan galing sa labas. Takte. Bull's eye lagi ang tira ng mga sniper. Tumba agad eh.
"Mavis, si Dox 'to."
Nanigas ito at saka ay bahagyang lumingon sa akin. Nanlaki ng kanyang mga mata habang nagpatuloy sa pagdaloy ang luha mula rito.
"D-Dox..."
Hinawakan ko ito sa balikat.
"Huwag kang mag-alala. Ilalabas namin kayo rito."
Nagpipigil itong mapahugulgol habang tinatakpan ang bibig. Dahan-dahan itong tumango sa akin.
Bahagya pa akong lumapit para kunin si Liz na nakasandal kay Mavis at saka binuhat ito na parang sako. Sinenyasan ko si Ainsworth at umalalay na ito kay Mavis.
"Mauna kayo," sabi ko sa kanila.
Sumunod naman sila kaagad at tumakbo palabas ng pinto ng likod ng warehouse. Hindi naman mabigat si Liz kaya mabilis din akong nakatakbo.
Nakalabas na kami pero rinig na rinig ko pa rin ang putukan sa loob. May kung anong sinasabi si Dion pero hindi ko na ito masyadong mainitindihan.
Bang!
Bang!
Bang!
Tila nabingi ako sa magkakasunod na putok at sa bumahang sakit mula sa aking binti. Tsk.
Lumingon ako at nakita yung isa sa mga binaril kong lalaki kanina na nakahawak ng baril kahit na nasadlak na ito sa lupa.
Shit.
Bang!
Bang!
Bang!
Nanginig ang mga binti ko dahil natamaan na ang mga 'to ng sunod-sunod na bala. Nabitawan ko ang baril sa isa kong kamay nang pati braso ko ay sumakit.
Freaking hell. Naging asintado bigla ang gago kahit malapit na itong mamatay.
Bang!
Shit!
Dahan-dahan kong nilapag si Liz sa lupa at hinarangan para hindi siya ang matamaan. Tumingin ako sa direksyon nina Mavis at Ainsworth na nakatunganga ngayon sa akin. Namumutla ang mga ito at klarong hindi na makapag-isip nang tama. Klarong-klaro kasi ang tama ko dahil green ang suot kong long sleeves at pants kaya baka ay natataranta na ito sa loob.
I looked at my wounds in interest. Umagos ang dugo kaya natawa ako.
"D-Doxy, y-you okay?" rinig kong sabi ni Dion sa earpiece. May pag-aalala sa boses nito. "I fucking warned you that someone was about to shoot! Naubos na ang weaponized drones ko! Dapat ay nag-ingat ka!"
Humalakhak ako.
"Ayos lang ako, pre. Ayos lang..." Napangiwi ako dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo mula sa mga sugat ko.
Hell. Matagal na akong 'di natatamaan ng bala.
Bang!
Holy shit. Sa paa muli ako tinamaan! Ba't 'di pa mamatay-matay 'tong bumabaril sa'kin?! Dapat talaga ay tinuluyan ko na 'to! Nagpakyu muna ako sa gagong nagpatuloy sa pagbaril sa akin at saka bumalik ang tingin ko kina Ainsworth.
"Tangina, Ainsworth! Gamitin mo 'yang baril mo! Purge na bata!" Wala sa sarili nitong tinutok ang baril sa direksyon ng gagong nakailang baril sa akin bagog nagpaputok. Unti-unti akong ngumisi. "Good boy."
Fuck. I should've just killed those 30 bastards in one go. Hindi talaga bagay sa aking maging mabait. Ako pa ang napapahamak.
Humilab ang sakit sa aking tiyan kaya napakurap ako. Taranta akong napahawak roon dahil may naramdaman akong mainit sa aking binti.
Tila tinamaan ako ng kidlat nang may mariyalisa. Naging masyado akong pabaya. Naging masyado akong kampante.
"M-My baby..." Napaluha ako nang muling humilab ang sakit sa aking loob at napaluhod na nang tuluyan. Napatingin ako sa aking suot na pantalon at nakitang punong-puno na ito ng pulang dugo. Ang anak ko... A-Ang anak namin... Pumasok sa aking isipan ang nag-aalalang mukha ni Giyo at saka napaiyak. "Babe... I-I'm sorry... I'm sorry..."
"Dox! Dox!" tawag ni Mavis at Ainsworth pero humagulgol na ako at nahiga sa lupa habang hawak-hawak ang aking tiyan.
"M-My baby... S-Save my baby..."
"Doxy!" sigaw ni Dion sa earpiece at napapikit ako sa lakas ng kanyang boses. "PUTANGINA! NATAMAAN SI DOX! ISUGOD NIYO SIYA SA OSPITAL! PUNTAHAN NIYO SI DOX!"
Unti-unti na akong nawalan nang malay hanggang sa tuluyan nang nilamon ng dilim ang aking diwa.
Fuck. I should've just remained a killer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro