Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2

Dox Kiel Avelo

It wasn't easy. Hindi ko kayang pumatay ng tao.

Iyon ang pinakaunang pumasok sa isipan ko nang hawakan ang baril na binigay ni Pacé sakin. Calibre. 45 lang pero pakiramdam ko pasan ko ang mundo habang nararamdaman ang bigat nito sa aking kamay.

The rectangular magazine and the sleek metallic gun made me realize how such little things could kill people in just a few seconds.

Nakakatakot isipin.

Kaya ko ba talagang kumitil ng buhay ng tao?

Tinitigan ko ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong napatay ni Giyo mula sa phone ko. Pacé made sure I could monitor the other guy anytime of the day. I felt like a stalker but after seeing how Giyo kills his men through some secret drones I sent, I felt like there should be someone else who could witness everything. And I've decided that to be me.

Walang alam si Giyo na naka 24/hr surveillance ako sa kanya. Noong una ay naaalibadbaran ako na kailangan kong makita lagi ang pagmumukha ng gago pero sabi ni Pacé, ang magaling kong boss, na ako na rin ang magbabantay kay Giyo. There's a high chance that he would just go on a killing spree.

Tinanong ko si Pacé kung paano na-re-record ang bilang ng mga pagpatay gayong may iilang sikretong misyon si Giyo at sinabi nito sa akin na, "Hindi nagsisinungaling si Giyo pagdating sa kung ilan ang napatay niya."

Giyo told him that it would be such an irresponsibility to wash your hands when you've looked someone in the eyes and took their life away from them.

Hindi ko alam kung paano siya nasanay sa ganitong gawain nang iilang taon.

Binabangungot kaya siya?

Wait. Why the fuck am I thinking about that? I'm here to finally be on equal terms with Giyo, not mind about his state of mind. Psh. Pakialam ko ba kung binabangungot siya. Desisyon niya 'yan. Lahat ng mga naging desisyon ng tao sa buhay laging may consequence.

At kahit siya pa si Gin Yoko Salvador, wala siyang kawala sa karma.

Of course, I'm aware I'll probably end up like him too. Walang pakiramdam.

I shook my head and just placed the gun on my holster. I know I'll get used to the feel of it someday.

Iba ang pakiramdam habang naglalakad ng may baril. Noong una akong pinadala ng baril ni Pacé kahit saan para "practice" daw ay para akong sinisilihan sa sobrang kaba. Akala ko noon puputok lang ang baril o di kaya ay baka masaniban ako ng masamang espiritu at biglaan na lang mamaril. The people giving me the same looks looked different to me. I felt like they would suddenly run away. I felt like they were judging me even though they can't see the gun under my large shirt.

Iniisip kong demonyo ako sa paningin nila.

It's a fucked up feeling.

Pero naroon na rin ang pakiramdam ng security. Yung bang alam mong kaya mong protektahan ang sarili mo mula sa masasamang loob.

Masasamang loob... Ha. Yeah, right. I'll be one any time today.

But yeah, that's pretty much how I feel while I carry a gun around.

"Oy Dox, pinapatawag ka sa tattoo room." Iyon ang sabi ni Melvin habang may pagtataka sa mukha nito. "Akala ko ay nalagyan ka na. Isang taon ka na rito, 'di ba?"

Ah. I forgot. We should have a fucking tattoo. I've seen theirs once. 5 inches lang naman ang taas niyon at 4 inches ang lapad. At iyon ay ang takteng tatak ng organisasyon ng Lambarde.

Hindi ko alam kung engot ba si Pacé dahil Lambarde pa rin ang pangalan ng kompanya niya, pati ang organization. Walang creativity. Napaka-boring. But it sounds better than having weird names like Red Killers, Secret Phantom or something.

Although, the symbol of Lambarde is a Wolf enclosed inside two Ls.

Tinanguan ko lang si Melvin at nag-good luck pa ito bago umalis na. Kaagad naman akong dumiretso sa elevator at pinindot ang para sa 1st Underground Floor.

May iilang pang bumati sa akin pagdating ko roon pero hindi ko na sila nginitian nang maayos dahil hindi ako mapakali. Ang sabi nila ay masakit daw kasi iyon.

Pagbukas ko ng pinto ng tattoo room, may iilan pang nandun at parang naghihintay pa. There were 6 doors inside and I was told to use the 6th one.

Walang nakaupo sa labas niyon kaya kumatok ako at pinihit na ang seradura.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Giyo na nakaupo sa tattoo chair at nakahubad. Kitang-kita ko ang napakaraming tattoo sa kanyang bato-batong katawan. There were swirling wildly as if they're going to jump out and strangle me. Tribal tattoo pati mga salitang hindi ko maintindihan, pati mga simbolo na hindi pamilyar sa akin.

I stared at his wide chest and 8-pack abs. I knew he had a nice fit body but I didn't expect it to be this fucking good to see. Ayaw ko mang aminin, siya na ang may pinakamagandang katawan nang nakahubad-

Tangina.

"Sino ka?" Giyo asked me as soon as he controlled his expression. Kita kasing bahagya rin itong nagulat pagkapasok ko.

Hindi na iyon bago sa akin. The fucker can't even remember me even though we've seen each other a lot of times. Isang taon na ako sa Lambarde pero ganito pa rin ako kawalang saysay sa paningin niya.

Hindi ko na lang siya sinagot at naupo sa isang bakanteng upuan bago naghintay sa tattoo artist. Klaro namang umalis muna ito dahil si Giyo lang ang nandito. Iginala ko ang mga mata sa paligid at nakita ang maraming picture ng mga tattoo designs na nakapaskil kung saan-saan. There were even images of the tattoos printed on someone's body.

Napamulagat ako dahil may isa pa roon na picture na may tattoo sa mismong boobs at nakacapslock pang 'RIDE ME' ang nakaimprenta.

"I'm talking to you." Napabalik kay Giyo ang paningin ko dahil sa inis sa kanyang pananalita. "Who the fuck are you and what are you doing here?"

And as if on cue, the door opened wide and a lady dressed like a gypsy walked in. Mahaba ang tribal-styled na damit nito na umabot sa paa, pati na ang palobong sleeves. Straight lang ang damit, tuloy ay hindi ko malaman ang hubog ng kanyang katawan. There was even an ancient-looking choker around her neck. Ang buhok pa nito ay alon-alon na umabot na sa bandang hita. But her face was really innocently pretty with a pair of chocolate brown eyes.

Paano naligaw ang isang anghel na gypsy sa impyernong 'to?

"Nahanap ko na ang design, Giyo. Naiwan ko pala kay Kadita-oh! Wait, is this Dox?" At napansin na ako nito agad dahil malapit ako sa pinto. Her eyes scanned me for a while and said, "You're so beautiful."

Napatayo ako sa gulat.

"Tangina what?! Gwapo ako, hindi maganda!" naeeskandalo kong sigaw rito at aksidenteng nagawi kay Giyo ang aking mga mata. He was already staring at me with a raised brow so I sat back and tried covering my face.

"Oh, whatever you say, beautiful," ani ng babae at ngumiti. Inilhad niya sa akin ang kanyang kamay at nagpakilala. "I'm Esmeralda Aria, the tattoo artist for the 6th room." Kahit nahihiya na ako sa pinagsasabi nito, nakipagkamay ako at natigilan nang pisilin niya ang aking kamay. "For a guy, your hand is so soft."

Binawi ko na ang kamay ko at sinabi na lang ang aking pangalan.

"I'm Dox Kiel Avelo."

Esmeralda's eyes widened and she blinked a few times.

Ano namang klaseng reaksyon 'yan?

"Avelo." Gulat akong napatingin kay Giyo nang sinabi niya iyon. Our eyes met and he frowned. "Buhay ka pa pala. Akala ko ay hindi ka makakatagal dito."

I tried to mask my irritation and grinned so wide I could feel my lips hurt a bit.

"What can I say? Lambarde's made just for me," I lied and chuckled a little. "Kung makakatagal ka, bakit hindi ako?"

Tinitigan lang ako nito hanggang sa unti-unting dumilim ang kanyang mga mata. His dark piercing eyes looked like they could nail me on the spot but I didn't even flinch.

I want to pat myself on the back for the incredible acting. Dahil tangina nakakatakot ang pagtingin nito.

Iniwas ko na lang ang mga mata ko at bumaling ulit kay Esmeralda.

"I'm sorry for the inconvenience but Pacé told me to get my tats done here today."

"Ah, ikaw pala talaga iyon," she whispered with disbelieving eyes. She even scanned me from head to toe and shook her head. "No offense pero mukha ka talagang hindi para sa baliw na organisasyong 'to."

I laughed and winked at her.

"Right back at you."

She laughed and made a face before she talked to Giyo again.

"Sorry, man." Natigilan ako sa tonong iyon. Bakit parang tropa lang sila ni Giyo sa pagkakasabi niya nun? Pakiramdam ko ay hindi bagay ang tonong iyon sa isang magandang babae. But I can't really judge. "Kailangan ko pang unahin 'to si Dox. He's officially starting today. So maybe you can let-"

"It's fine," Giyo murmured. Kakikitaan sa mukha nito ngayon ang pag-iintindi. Akala ko pa nga ay namamalikmata lang ako pero bumaling ang mga mata niya sa akin bago siya nagsalita. "First time?"

"A-Ah. Yeah." Dahil hindi ko naisip na kakausapin pa niya ako, nautal ako na parang gago. "I-It's my first time."

"Pero sa 6th room ka na agad?" tanong pa ni Giyo habang tinititigan pa rin ako nang maigi. "You'll loose too much blood. Kakayanin mo ba?"

May kaunting inis na umusbong sa loob ko dahil doon. Nakakainsulto lang talaga na iniisip nitong hindi ko kaya ang kaya niya.

"Maliit na bagay," labas sa ilong kong sabi at tinanguan si Esmeralda. "I'm ready."

"If you say so," she said with a knowing smile and looked at Giyo. "Sige na. Layas na, bro." At ayan na naman ang kanyang tono. Tinawag pa talaga nitong bro si Giyo? The fuck.

"I'll watch."

"Tangina what?!" bulalas ko nang marinig ang gagong sabihin yun. "Ba't ka manonood?!"

"Gusto ko lang." He shrugged his shoulders. "I'm interested what tattoo would fit you."

Ano?! Baliw ba 'to?

"Giyo, maybe he's uncomfortable having you around." Napanganga ako dahil natumbok ni Esmeralda ang nararamdaman ko. "And you'll be a total pervert for eyeing his body, man."

Nagkasalubong naman agad ang kilay ng gago.

"But we're both men."

"But that doesn't mean that you could just watch someone naked with your eagle eyes, moron."

Nagtagis ang bagang nito at tumingin sa akin.

"Do I make you uncomfortable?"

"What?" pagmaang-maangan ko na may kasama pang eksaheradong pagsinghap. "Why should I be?"

"Exactly." Fuck. Hindi ba nito nakuha ang sarkasmo ko?! Bago pa kami makapagsalita ni Esmeralda, nagsalita na ulit si Giyo. "So I'll watch you."

My jaw almost dropped to the floor. Gagong 'to!

"You're unbelievable," sabi ng babae sa kanya at sinabing, "Tao ka pa ba? Can't you understand that he's being sarcastic?!"

"Ah," ani Giyo. "Were you?" he asked me with a grimace. Hindi ako nakasagot dahil sa talim ng kanyang tingin. "Fine." Tumayo na ito at pahablot na kinuha ang shirt niya mula sa tattoo chair, pagkatapos ay humarap sa akin. "I'm sure it'll be lame anyway," he said with a smirk.

"You're a total shite, Giyo," ani Esmeralda at napaismid.

Pangisi-ngisi namang umalis si Giyo na para bang balewala lang ang sinabi nito.

It's gonna be lame? Me? Lame? The fuck?!

I'll fucking rip off that annoying smirk off of his fucking face.

Makikita niya. Makikita niya talaga!

-

Halos mabaliw ako sa sakit ng pag-tattoo ni Esmeralda. Pakiramdam ko pinupunit ang laman ko sa tuwing nararamdaman ko ang pagdampi ng bakal sa aking katawan. Idagdag pang parang naging demonyo ang babae sa paningin ko dahil para itong nasisiraan nang bait sa kakangiti at tawa habang ginagawa iyon sa akin. She was a total sadist.

Masayang-masaya ang mukha ng babae habang natatalsikan ng iilang dugo kapag napapadiin siya. Sa sobrang sakit ay gusto ko nang mamatay agad.

I've become a crying mess and Esmeralda saw that as her own version of pleasure.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay may bahid na dugo na sa suot kong shirt pero hindi naman klaro dahil kulay itim ito. Halos himatayin ako habang naglalakad sa pasilyo ng 1st Underground Floor.

I gritted my teeth as I leaned on a wall and puffed some bit of air.

Dumidilim na ang paningin ko kaya hindi ko mapigilang mapaiyak ulit.

Sobrang sakit... Nakagat ko ang labi habang nagugusot na ang damit ko sa pagkakahila ko niyon.

"Avelo." Tumindig lahat ng balahibo ko dahil sa malamig na boses na yun. Ilang beses pa akong napakurap bago ko nakita ang seryosong mukha ni Giyo. "Makakalakad ka pa ba?"

Tangina. Sa dinami-rami ng makakakita sa akin sa sitwasyong 'to ay ito pa talaga ang lumapit!

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko dahil putragis ang bakla ko na sigurong tingnan. Fuck.

"Of course," sabi ko at umiling. Nagtagis ang bagang ko nang dumikit sa katawan ko ang aking maluwag na damit.

It hurts.

Naglandas ang mga luha sa pisngi ko dahil doon at napahikbi nang tahimik. Nakakabaliw ang sobrang sakit.

Putangina ka Pacé! Putangina ka Giyo! Putangina niyong lahat!

I'll fucking kill you all.

Naramdaman ko ang mainit na kamay sa pisngi ko at naestatwa. Nagtagpo ang mga mata namin ni Giyo. Sa tangkad niya ay nakayuko na ito sa akin.

Ramdam ko na ang hininga ng gago dahil sa sobrang lapit.

"I'll carry you, okay? You have to rest. Kakausapin ko na lang si Pacé." Sa tingin ko ay may tulili ako sa tenga nang marinig iyon. "Because you look so weak."

Weak?!

I jumped back and mumbled, "No. Kaya ko." I gave him a glare. "I'm not fucking weak."

Tumitig ito sa akin at napailing.

"Kung magsisinungaling ka lang, baka humandusay ka na rito at mapahiya."

Mabilis kong ginala ang mga mata ko at napansing dumarami na ang dumaraan sa amin. May mga napapatingin pa nga, klarong nagtataka dahil may kinakausap si Giyo. Doon ko rin napansin na halos bakuran na ako ng gago dahil nasa magkabilang gilid ko ang kanyang kamay.

Tinabig ko ang braso niya at naaasar na naglakad palayo. Gagong yun. Pinag-t-tripan pa ako.

Kahit pa-ika-ika ay nagpatuloy ako sa paglalakad at binagtas ang pasilyo papuntang elevator. The 2nd Underground Floor has the organization's hospital.

Kailangan kong ipalinis 'tong sugat ko. May iilan kasing "aksidente" na nangyari sa pag-t-tattoo ni Esmeralda.

"You look like someone banged you," Pacé said the moment I entered his office a few hours later. Gusto ko na siyang itapon palabas ng bintana dahil sa malaki niyang ngisi. "I can't believe Giyo talked to me about someone's well-being though.".Umismid ako sa masaya nitong tono. "It's really refreshing."

Ang sabihin mo na lang gustong-gusto mong mapahiya ako sa harap ng gagong yun! Psh. Kung hindi ko lang 'to boss ay baka natadyakan ko na 'to.

"I'll proceed with the mission." Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at sinuri ako nang maigi. "I can do it."

"Hmm." Tila nag-isip pa ang loko at ngumisi. "No, minsan lang makiusap sa akin si Giyo."

"I'm your regular employee. Huwag niyo akong bigyan ng special treatment," seryoso kong sabi sa kanya. "At huwag kang makikinig sa gagong Giyo na yun. Inaasar lang ako nun para magka-utang na loob ako sa kanya."

Napailing si Pacé.

"You're just like him. You're obsessed with this hierarchy shit."

"I'm not obsessed," I grumbled. "I made a deal and I'm doing my part to get what I really want."

"But you already got it. Pinansin ka ni Giyo. He's acknowledging you now."

No.

"Not this way." Hindi ito ang gusto ko. "Kailangan kong patunayan na kaya ko siyang tapatan, Boss."

Napabuntong-hininga ito.

"Whatever you say, Dox. I'm still your boss." Ayoko sa tono nito. Pakiramdam ko ay sasabihin nitong ang gagong si Giyo ang susundin niya. "Now, go back and rest. You'll follow my order whether you like it or not." Nagngitngit na ako sa galit sa kanyang sinabi. "Hindi mo pa oras maging kriminal kaya magpasalamat ka na lang kay Giyo."

Kumunot ang noo ko at padabog na umalis doon.

Ako? Magpapasalamat sa gagong yun?!

Never. Over my damn corpse.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro