Chapter 1
Chapter 1
Dox Kiel Avelo
Being the youngest child is bullshit. I thought it's all about being pampered and loved. Iyong bang tipong mauumay ka na sa ibubuhos na atensyon ng pamilya mo sa'yo dahil ikaw ang bunso pero ang katotohanan ay walang saysay ang lahat ng yun.
Being ignored is bullshit. Walang kahit na anong expectations ang mga tao, maging pamilya ko sa akin kaya ano pa bang aasahan ko? Imbes na pagkamartir at magpakatanga sa bahay, lumayas ako at napadpad sa Lambarde, isang pamilya, kompanya, at organisasyon na maraming koneksyon sa loob at labas ng bansa. It's powerful, so fucking powerful that our family's old money can't even compare.
The worse part of it is that my family said it was a good idea to build my experience and resumé with this large company. Yan ay kung aalis pa ako sa Lambarde.
Hinding-hindi na ako babalik sa bahay. Para saan pa? At doon nagsimula ang sobrang pagkagalit ng pamilya ko sa akin.
Because I started fucking around with their precious surname. Galit na galit si Mom nang malamang nagpakasasa ako sa mga anak ng mga kasosyo nila. Pinull out daw ng ama ng mga babae ang shares pero tinawanan ko lang ang lahat ng yun.
Rumours (which I started) about me having gotten tens of women pregnant circulated around, tainting our precious surname.
I'm an Avelo, one from the bloodline of the richest people of the country. Our money existed for almost a century. Maraming nakakakilaka sa akin kahit 'di ko naman sila kilala. Halos buong buhay ko ay alam na ng mga kasosyo ng pamilya ang buhay ko.
Because I'm an Avelo.
But so fucking what?
Nabuhay ako sa mundong gumagalaw dahil sa koneksyon at pera at pinasok ko ang Lambarde para sana takasan iyon.
But I wasn't entirely aware what I was in for.
Huli na nang mapagtanto ko ibang klaseng impyerno ang pinasukan ko. Sure I wasn't taken for granted, but the fucking experience I'm supposed to be having in an ordinary company turned out to be only my imagination.
Ibang experience ang nakita ko pagkapasok. Droga. Dugo. Mga patay.
I should've known there was something fishy about a ridiculously powerful company and Pacè Lambarde was the devil sitting on top of that. Oh I fucking know the guy. He used to come over the house to talk with my parents for business stuff. That's when we were still kids. Tinagurian genius si Pacé pagdating sa business world dahil sa murang edad ay makikitaan mo na siya ng potential. Kaya ito pumupunta rin sa bahay para sa mga plano nito kasama ang pamilya namin.
Yeah. He used to do that. He would always bring Giyo along with him but it stopped somehow when he got too busy to handle families like ours. May mas makapangyarihan pang mga kompanya ang makakatulong sa kanya, hindi kagaya ng sa amin na komplikado pa ang mga malabakal na paniniwala.
I thought my family was dumb when they believed the person connecting us with Lambarde who said that Pacé always sends his regards and thanks for the support. Akala talaga nila may pakialam si Pacê sa amin dahil sa pagkabulag sa kapangyarihan at pera. And the fact that they can talk as if they were close with Lambarde...
Nakakasuka. Hahaha.
Kaya ay naglayas ako at nagpalipat-lipat ng condo na tinutulugan. I went to parties, drunk at parties, fucked at parties. I got wasted and got fucked up.
At doon ko nakita ulit si Pacé.
I got drunk on a party I can't even fucking remember. Ang naalala ko lang ay gumamit kami ng drugs dahil may dalang maraming pakete yung isang nandun. I was curious as to how it would feel.
At tangina nakakaadik. Suminghot-singhot ako na parang baliw. Sa tingin ko nga ay matapos sumayaw ay may inulos akong babae dahil sa sobrang sarap.
Pero nagising na lang akong nasa isang silid na napapaligiran ng mga duguang bangkay habang si Pacé ay prenteng nakaupo sa harapan ko. A gun was in his hand and I frowned when he raised to point at my forehead.
"Shoot me." Iyon na kaagad ang lumabas sa bibig ko.
Tumaas ang kanyang kilay at ngumisi.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit kita papatayin?"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang pagtawa.
"Para saan pa?" Napailing na lang ako at nasapo ang aking ulo. "Wala na akong pakialam. Gusto ko nang mamatay."
At muli akong nahiga sa sahig na may napakaraming dugo.
"Are you sure?" he asked and I felt the cold tip of the gun on my head. "I wouldn't mind killing an Avelo."
Napahalakhak ako dahil sa kanyang sinabi.
"I've always known you hated that family," I murmured and grinned while staring at the ceiling. "Ayos na rin dahil alam ko namang ang apilyedong 'yan ang papatay sa akin balang araw."
"You're saying as if you're not an Avelo."
"Was I ever?"
Naramdaman kong nawala na ang baril na nakatutok sa aking sintido kaya tumingin ako kay Pacé. He was offering his hand.
"Get up."
"What?" naguguluhan kong tanong. "Huwag mong sabihing gusto mo akong barilin nang nakatayo?"
He rolled his eyes.
"Gusto kong labanan mo ako hanggang sa mamatay ka."
"Patayin mo na nga ako, gago."
Tumitig ito nang iilang segundo tila nag-iisip kung seryoso ako pero nakipagsukatan lang ako ng tingin sa kanya.
He chuckled and said, "Gusto mo bang magtrabaho sa Lambarde?"
Kaagad akong umiling.
Anong klaseng ideya ba 'yan? Matapos kong makita itong may dalang baril kasama ang napakaraming bangkay?
"Wag na. Mas mabuti pang ma-overdose ako ng drugs o di kaya'y mamatay dahil sa alak," sabi ko at unti-unting napaupo. The dead bodies were still there. Unmoving. Kinikilabutan ako habang tinititigan ang mga yun. "Anong klaseng trabaho?" I asked him in curiosity. "Mamamatay ba ako kagaya nila kapag magkakamali ako?"
Pero ngumisi lang ito at sinabing, "You'll start training tomorrow."
—
Napakaweirdo ng mga pangyayari. I was already at this martial arts gym the next day. Naisip ko naman na baka gusto akong gawin ni Pacé Lambarde na bodyguard niya o baka kailangan marunong ng self-defense ang mga empleyado.
Halos lahat tinuro sa akin at halos mamatay-matay na ako kakasapak at sipa sa mga punching bag at mga taong ka-sparring ko pero ayos naman dahil sineswelduhan ako ni Pacé kahit training pa.
And then there came the weirder part. Tinuruan nila ako kung paano gumamit ng baril at iba pang mga armas. I had my fair share of moments being cut by knives and swords.
Tangina. Ni hindi ko alam anong pinasok ko.
Pero nagpatuloy ako. My curiosity was eating up my mind. I needed to know where else this would lead me.
"Bago ka?" I glanced at this pink-haired guy who suddenly came one time. Kita kong ilag ang lahat sa kanya. Matalim ang tingin ng lalaki kaya hindi na ako nagtaka. Si Giyo, ang kanang kamay ni Pacé. "Kung ako sa'yo, umalis ka na. Hindi ka bagay rito." Kumunot ang noo ko dahil sa komento niya. "Masyado kang malamya."
Hindi ko mapigilang malukot ang aking mukha sa kanyang sinabi.
Malamya?! Ako?! Tanginang 'to. Pero dahil mas superior ang posisyon niya sa kompanya, hindi ko na siya minura.
"Ba't ang bastos mong magsalita? Hindi mo ba ako naaalala?" Iilang beses na silang pumunta noon sa bahay. Imposible namang makalimutan niya gayong siya pa mismo noon ang nagpakilala sa sarili niya sa akin. He even commented about my name that time.
"What? I don't fucking know you," anito habang magkasalubong ang mga kilay.
Ah.
Baka ay apilyedo ko lang ang naaalala niya?
"I'm an Avelo," sabi ko sa kanya. "Dati pumupunta—"
"Shut the fuck up." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. This fucking dickhead! Nakita ko pa ang iilang napatingin sa amin dahil dumagundong ang kanyang boses. "Ano naman ngayon kung Avelo ka? Huwag kang magmalaki." Nakuyom ko ang kamay ko sa pagpipigil dahil sa pandidiri sa kanyang mga mata. "Stay away from me, fucker. Pesteng mga mata-pobre."
Tangina what?! Ako? Mata-pobre?
Nagtagis ang bagang ko ss pang-aakusa nito. Hindi porke't lumaki akong mayaman, mata-pobre na agad?
It's just so unfair.
May sasabihin pa sana ako pero nilampasan na ako ni Giyo na para bang balewala lang ako sa paningin niya. No, scratch that. I'm fucking nothing in his eyes.
Nakipagbro-fist ito sa mga piling tao at tipid na ngumisi sa iba.
And damn that fucking smile just made me feel so frustrated.
—
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Pacé at nagpakalumbaba sa couch ng kanyang opisina. Ala una na ng umaga pero nandirito pa rin ito sa top floor ng Lambarde. Dito na rin ako dumiretso dahil alam kong mag-o-overtime si Boss ngayon. "I heard you're doing pretty well with the training. Good job."
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa kanyang papuri. Klaro namang walang halong pakiramdam doon. Isang kasinungalingan mula sa isang baliw na boss patungo sa empleyado nitong mediocre lamang ang performance.
"Anong kailangan kong gawin..." Nahinto ako para isiping mabuti ang gusto kong sabihin. Mula nang lampasan ako ni Giyo noong isang buwan ay hindi na maalis-alis sa isipan ko ang pagkapahiya sa kanyang pagbabalewala. It was the first time I received such a treatment from a colleague. Sa isang katrabaho kong hindi ko naman ka-close pero kung makaasta ay akala mo may ginawa akong krimen sa kanya.
"What do you wanna do?" untag ni Pacé at sumandal na sa upuan. "Narinig ko na ilag daw si Giyo sa'yo which isn't rare but it's weird when you're not even enemies."
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko nang banggitin niya ang gagong yun.
"Anong kailangan kong gawin para matapatan ang gagong yun?" diretsahan kong tanong nang hindi kumukurap. Seryoso akong tumitig sa boss ko at nagpatuloy. "Paano ako makakapunta sa kinaroroonan ni Giyo?"
Natawa si Pacé doon.
"That's pretty vague but I know you're talking about his position in the company." Tumango naman ako para malaman niyang tama siya. "He has issues with hierarchy, I know. Kasama na iyon doon sa issues niya sa mga mayayaman." Napangiwi si Pacé. "It takes a while to warm up to him."
Warm up to him? Psh.
"Heh. Init na init yata siya sa akin noong una naming pagkikita dahil parang gusto niya na akong patayin."
Tumaas ang kilay ni Pacé.
"Parang iba ang pagkakaintindi ko. Akala ko ba hindi bakla si Giyo," he said with a chuckle so my eyes widened. Aba't! Iba pa ang pagkakaintindi nito sa sinabi ko! Tangina. Hindi ko kayang ma-imagine. "Kidding. Natural na talagang ganyan ang mga mata niya kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya makakaapekto sa trabaho mo. You go on your own way. He goes with his. Yun lang. You don't have to be in speaking terms even. Malaki ang kompanya at maraming miyembro kaya natural na ang ganyang setup."
But that doesn't make me feel good. Naiirita akong isipin na binabalewala ako nito. Hindi ko malaman kung bakit pero nakakainsulto maging ang paglampas lang niya sa akin sa hallways ng kompanya.
Tangina. Pakiramdam ko multo akong dumaraan lang sa gilid niya.
Hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako sa mga sinabi nito. 'Malamya. Mata-pobre. Hindi bagay sa Lambarde.'
Fuck. Ang sarap nitong sapakin.
"Kailangan ko siyang matapatan," pag-uulit ko sa sinasabi ko kaya tuluyan nang sumeryoso si Pacé. "Gagawin ko ang lahat matapatan ko lang siya, Boss."
He looked like he didn't know what to say hearing that. Well, he is his friend. He wouldn't endanger his friend and support someone who would be a threat to him in the future.
"Alam mo, I really find it weird. Sabi mo gusto mo siyang tapatan," he murmured. "It means you want to be on the same grounds with him and not above him. It's out of character, Dox."
Totoo.
Bakit ko nasabing dapat ko siyang tapatan gayong kayang-kaya ko siyang lamangan?
I smirked.
"If I'm below him, he'll find me insignificant. If I'm above him, he'll feel like I'm out of his reach," sabi ko. "But if I'm right in front of him, he'll see me and he'll feel pissed."
Natigilan si Pacé sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata. Ilang segundo lang ay humahalakhak na ang loko.
"Fuck! Hahahahaha! This is the very first time I'm thinking about this but I really really," he said with a huge grin. "I really fucking really ship you both."
"Ha?" taka kong tanong sa pinagsasabi nito. "Anong kinalaman ng barko?"
"Hahahahaha!" Muli itong tumawa at umiling-iling. "Damn. Interesante ang kalalabasan nito. So the bottomline is that you wanna piss him off and be on equal grounds with him?"
Tumango ako nang may halong determinasyon.
"Whatever it takes."
"You know it's dangerous," he warned but with a hearty chuckle. "Baka ikaw ang mabulilyaso sa huli."
"Imposible," balik ko ng tawa sa kanya. "Kahit anong mangyari, dapat ko siyang matapatan nang masupalpal ko ang mukha niya at ako ang mananalo sa huli."
He stood up and went behind his desk before getting his phone. Tumipa ito roon at tumingin sa akin.
"You're determined but this isn't going to be easy." My phone made a ting so I frowned. Nakasilent ang phone ko. Paanong tumunog ito? "I sent you some documents."
Para saan naman?
Kahit naguguluhan ay kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung anong meron. I opened the first file and raised a brow seeing some names. Kasunod kong ini-open ang isang file at naroon ang napakaraming impormasyon tungkol sa mga taong namatay na.
Napalunok ako habang binabasa kung paano sila namatay.
"He's been working for the family for 15 years and he has killed a total of 6, 311 people so far." Noong una ay hindi ko pa maintindihan ang sinasabi nito pero nagpabalik-balik sa utak ko ang bilang ng mga taong namatay pati na ang sinabi nitong si Giyo ang may gawa nun lahat. I thought he Pacé would tell me afterwards that it was nothing but a joke but he just smiled at my confused expression. "To be like him, you must first become a murderer."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Sure it wasn't surprising that Giyo have killed someone. Expected na yun para sa mga taong nasa tuktok, lalong lalo na kung parte siya ng Lambarde. I've seen Pacé holding a gun and I've known he killed all those people that night he proposed I should work for him.
But more than 6,000 people?! Gago. Killing machine ba si Giyo?!
"I know what you're thinking," Pacé said. "He is a killing machine but he does it with a reason."
"Do you really think it's natural to justify murder?" sigaw ko sa kanya.
Hindi man lang nabago ang seryoso nitong mukha at nagkibit-balikat lang siya.
"It happens all over the world. That's why we have lawyers, judges. Not all people go behind bars guilty. Kung sinong kapani-paniwala kahit siya ang nasa mali, siya pa rin ang paniniwalaan." Umurong ang dila ko dahil may punto ito. The world's that fucked up. "And Giyo had to kill people because it was in his nature to follow what we say. It's part of his job." Fuck. Part of his job?! Hindi ko alam pero gustong-gusto kong putulin ang dila ng isang 'to. "Isa pa, hindi namin siya pinilit, Dox. Nagkusa siya."
That's because he thinks it's what he has to do, fucker!
Putangina! Dapat kayong mga nasa Lambarde ang namatay!
Pinakalma ko ang sarili ko matapos ang naiisip. Hindi ko mapigilang makaramdaman ng awa sa gagong yun pero nangibabaw ang pagkairita. Bakit ba siya sumusunod sa mga utos ng Lambarde?! Na binenta na niya ang kaluluwa niya sa demonyo?!
I stood there while trying to process everything that my Boss is telling me.
"If you're serious on reaching where he is, you should start now." He grinned. "The death count is rising again."
Nakagat ko ang loob ng pisngi ko para mapigilang mapamura.
He meant Giyo is killing someone right now at this hour, this fucking late 1 AM.
"I have to think about it," sabi ko at napapikit nang mariin. Hindi ko alam kung bakit kailangang maranasan ni Giyo ang impyernong ito.
"Figures," he murmured so my eyes snapped open and I stared at his small smile. "Walang taong magpapakababa para kanino man."
Iyan ba ang gagawin ko kung sakali? Ang ibaba ang sarili ko para lamang matapatan si Giyo? Ang maging masamang tao dahil sa kanya?
No, it isn't he's fault and it's not like I'm a saint myself.
Desisyon ko ito.
"I'll do it." Lumabas iyon sa aking bibig. "Tatapatan ko siya."
May komplikadong emosyon sa mga mata ni Pacé pero nakita ko itong nakahinga nang maluwag.
"I sincerely hope you'd reach him though." Pagkatapos ay lumapit ito sa akin at nilahad ang kanyang kanang kamay. "Will you be the other Hound of Lambarde?"
I've finally made a deal with the devil, twice.
And I hope it's enough.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro