Chapter 6
Chapter 6
Nanginginig ang mga kamay kong hinila ang braso ni Alas bago pa niya masuntok ulit ang kapatid. Zero remained on the ground, clutching his throbbing cheeks. Ni hindi siya nag-abalang bumangon o gantihan man lang si Alas. He didn't even bother guarding himself.
Marahas niya akong nilingon. Ginantihan ko ang talim ng kaniyang titig at hinila siya palabas ng gate.
"Wala siyang ginagawa sa akin!" sigaw ko sa kaniya.
His brows met in confusion. Nakataas pa rin ang kaniyang isang kamao sa ere. His lifted arm showcased what must've been years of hitting the gym. The muscle indentions vis-à-vis tattoos worked to project such frightful yet appealing look...
"He did nothing, okay?" marahan kong wika sa kaniya. Dahan-dahan kong inabot ang nakataas niyang kamay at ibinaba ito. Alas blinked. Hindi pa rin nawawala ang talim sa kaniyang mga mata.
"Then what is he doing—"
"Let's just... get out of here." I murmured. I sent Zero an apologetic look in which he returned with a single nod of his face. Nakatayo pa rin si Alas at nagmamatigas, tila ayaw palampasin ang nangyari.
"Come on, Alas!" usig ko sa kaniya.
He stared at me, dropped the hard look on his face and then followed me out. Nang marating namin ang kotse niya ay nagdadalawang-isip niya itong binuksan para sa akin.
I silently climbed the car and saw Zero hoisting himself up to the ground. Pinagpagan niya ang kaniyang pantalon at tahimik na isinara ang gate na para bang walang suntukang nangyari.
I felt bad for him, really. I couldn't imagine the kind of pain isolation and misery has to offer. I can see it on his face. He's going through something difficult right now. The sadness must've drained him that he didn't bother throwing back a punch earlier.
"May relasyon ba kayo ng kuya ko?" matigas at may halong galit ang boses ni Alas nang padabog siyang pumasok sa sasakyan. He even slammed the door shut and faced me.
"What?" gulat akong napatingin sa kaniya.
Itinukod ni Alas ang isa niyang kamay sa pintuan sa aking likod at ang isa'y nasa ibabaw ng aking headrest. He's jailing me in his arms. Inilapit niya ang kaniyang mukha at tinitigan ako nang seryoso.
"May relasyon ba kayo ni kuya? Kaya ba iniiwasan mo ako dahil siya ang ka-relasyon mo at—"
Without even thinking about it, I grabbed his necktie and pulled him closer to me until our lips crashed. His shoulders tensed and his eyes rounded. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapag-react nang pagapangin ko ang mga kamay sa likod ng kaniyang ulo.
It took him a while before he responded to my kiss. And lo and behold, Alas' kisses were never the same from before! Itinulak niya ako at mabilis na nagpunta ang isa niyang kamay sa aking beywang. He tilted my head and deepened the kiss. Napapikit ako at pilit na hinihigit ang nawawalang hininga. Alas' tongue moved expertly, as if searching for something. I could taste mint and whiskey in his breath.
My mind battled if I should continue responding to the kiss or if I should gasp air for my burning lungs. Liyong-liyo pa ako sa halik nang bumagsak ang kamay ko sa kaniyang hita. Alas groaned and pulled away. I sucked in a deep breath, filling my lungs of air I've been deprived of for almost a minute.
Namumungay ang kaniyang mga mata nang ilapit ulit ang mukha sa akin. He lazily bit my lower lips and then rested his forehead with mine. We've exchanged breaths by panting.
"Wala kayong relasyon ng kuya ko?" tanong ulit niya habang hinahabol ang hininga.
I weakly shook my head. His lips curled into a lazy crooked smile. "Good."
"Alas—"
"Damn it!" nagulat ako nang mabilis niyang kinuha ang kamay kong nakadantay sa kaniyang hita at itinaas. Ipinikit niya ang mga mata at nagmura ulit. I stared at him, shocked. Nang ibaba ko ang tingin ko ay doon ko pa naintindihan ang kaniyang inakto.
The thick press in his jeans is begging to be noticed. Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha nang mapagtanto ko ang nangyari.
"I-I'm sorry..." mautal-utal pa ako. Really, Belle? Asking for an apology for causing a man his boner?
Tinitigan ako ni Alas. Ang kaniyang mga mata'y naglakbay sa kamay kong hawak niya. Kumunot ang noo nito nang mapansin ang pamumula ng braso kong hinawakan ni Zero kanina.
"Who did this...?" he asked, his voice low and dangerous.
Kaagad kong binawi ang kamay ko sa kaniya at hinimas-himas ito. "It's nothing."
Alas stared at me. Tila ba tinitimbang niya ang bigat ng aking sinabi upang alamin kung anong dapat gawin. After a few agonizing moments, he let go of my hands with a look of surrender on his face.
"Should I take you home?"
I nodded my head. Tahimik na binuhay ni Alas ang makina ng sasakyan. When he backed up, he casted me a glance with his eyes full of questions. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at ihinilig ang ulo sa bintana ng sasakyan.
His heat lingered on my lips for a while. Pinipigilan ko ang sariling akyatin ng mga daliri ang labi dahil narito lamang siya sa aking tabi. I swallowed a few times, trying to calm down. I'm afraid that the erratic beating of my heart will reach his ears. Sa ngayon ay gusto ko munang mapag-isa.
True to what Zero had said earlier, we still need some time to figure it out...
Dahil lumilipad ang isipan ko'y hindi ko napansin na mabilis pala kaming nakarating sa apartment na nirerentahan. I glanced outside the window and quickly unbuckled my seatbelt.
"Uh, t-thanks for the ride..." nahihiya kong tugon kay Alas.
His brows furrowed as he pursed his lips. Bago pa man ako makalabas ay hinigit na niya ang braso ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
"Wait a minute," he said. Masamang tingin ang natanggap ko sa kaniya. "Belle, you don't get to kiss me and say 'thanks for the fucking ride' afterwards!"
Namula ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi. I bit my lower lips.
"Then what—"
"And stop doing that!" asik pa niya.
"Ano na naman?"
"You, biting your lips is driving me crazy!" he barked, his face flushing.
I blinked at his words.
"Just..." pinasadahan ni Alas ng mga daliri ang kaniyang buhok at marahas na suminghap. "Just stop biting your lips in front of me, okay?"
Napalunok ako. How am I supposed to act around him, then?
Loss for words, I averted my gaze. Kung kanina ay malakas ang tibok ng puso ko, ngayon ay gusto na ata nitong kumawala sa aking dibdib!
"I'll drive you to school tomorrow."
"Tomorrow?" I echoed. "Simula na ng internship ko bukas, Alas."
"Then to wherever you're going." Wika niya. There's finality in his voice that makes me shut my mouth and follow him without a word. "You're not going to take the bus or walk again."
"Okay." I said silently.
Alas licked his lower lips. Pinakawalan na niya ang braso ko. Ang isa niyang kamay ay nagtungo sa kaniyang panga at marahan itong kinamot.
"Mauna na ako..."
Sinilip ko siya ng tingin. He stared at me too before he nodded his head. Kinuha ko ang aking bag at bumaba sa kaniyang sasakyan. Since my tongue seems to hold the words from spilling out of my mouth, isang tango lang din ang iginanti ko sa kaniya before I gently shut the door.
"Ate Belle, boyfriend mo?"
Nagulat ako nang sa unang pagkakataon ay kausapin ako ng kapitbahay naming teenager. Nakangisi pa siya bago inginuso ang nakaparadang Ford sa labas. Hawak nito ang cellphone at kulang nalang ay kumislap ang kaniyang mata habang tinititigan ang naghihintay nitong bulto.
In-adjust ko ang strap ng aking bag at tinaasan ng kilay ang dalagita. Impossible namang magka-interes siya dito eh kabata-bata niya pa? She's half his age!
"Boyfriend ko," suplada kong sagot sa kaniya. Kita ko ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang mukha at umawang ang labing nakatingin sa akin.
"Talaga?" namilog ang mga mata niya. I smirked as I walked past her. Way to go, Belle. Acting like a seven-year-old kid early in the morning...
Nawala din ang ngisi sa labi ko nang makita kong nakataas ang kilay ni Alas habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. A smile of amusement curled in his thin lips as he watched me. Bigla tuloy akong na-conscious at hinila pababa ang kulay abong paldang huminto sa taas ng aking mga tuhod.
"Anong sinabi mo sa bata?" nakangisi niyang tanong sa akin habang pinupunasan niya ng kaniyang sunglasses. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad binalingan ang dalagitang nakatingin pa rin sa akin. My face and some parts of my neck flushed. Narinig niya yun?
"Anong sinabi?" pagmamaang-maangan ko kaagad.
Alas gazed at me. Lumaki lamang ang ngisi nito sa mukha at isinuot ang kaniyang itim na aviators. He lazily placed his left hand on his hips, looking ridiculously gorgeous in his denim jacket and white shirt.
Damn. He looks hot, alright.
Pinasadahan niya ako ng tingin. I swallowed. I'm only wearing the gunmetal gray pencil skirt and collared blouse that we're obliged for the OJT. Ang kulay ginto kong nameplate ay nakapin sa kaliwang dibdib at ipinusod ko ang aking buhok. I'm even wearing heels right now.
"Boyfriend mo ako?" tanong pa niya habang pinagbubuksan ako ng pintuan sa kaniyang sasakyan.
I froze on the ground as heat invaded my entire face. Ibinukas ko ang bibig ngunit walang salitang lumabas kaya itinikom ko itong muli kasabay ang pamumula ng mga pisngi.
I'm at least 20 feet away from him! How could he hear it?!
"I-I'm just messing around—" I stuttered.
"Oh, little Belle. You don't mess around with me." tinaas-taas pa nito ang kilay. He chuckled when my face paled. He placed his hands at the small of my back and leaned closer. I could feel his hot breath tickling my side temple and ears. "Boyfriend pala, ha?"
Kaagad akong sumakay sa front seat at muntik nang isubsob ang mukha sa dashboard dahil sa matinding kahihiyan. Umani lamang ito ng panibagong halakhak mula kay Alas bago niya isarado ang pintuan.
He circled the car, the stupid grin never leaving his face as he tossed the keys in the air happily before he occupied the driver's seat. In-adjust niya ang rearview mirror at binalingan ulit ako. The crooked smile appeared in his lips again.
"So, where are we going to go, girlfriend?" he teased.
An incredulous chuckled vibrated from his throat when I sank deeper in my seat and silently murmured the network station building I've been assigned to.
Napailing nalang si Alas. Nanatili ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi habang nagda-drive kami papunta sa office building. Medyo may kalayuan iyon sa Governor Generoso. Nakausap ko ang instructor namin na huwag akong ma-assign sa main station sa Davao, hangga't maaari dahil sa anak ko. She understood my situation and sent me to the local station instead.
"This is it?"
Ihininto ni Alas ang kaniyang sasakyan sa labas ng three-storey building. Marami nang tao kahit alas syete pa lang ng umaga. We are supposed to report attendance at 7:30 am sharp. Binalingan ko si Alas at tumango.
"Yeah..."
"Anong oras matatapos ang duty mo?" tanong niya sa akin.
May namataan akong van na tumabi sa akin. Mayamaya pa ay lumabas na ang dalawang lalaking naka-black at shades. Sinundan iyon ng isang matangkad na lalaking naka-cap at sunglasses. He must be an artist. Binakuran kaagad siya ng dalawang bouncers hanggang sa makapasok sa building.
"It's supposed to be 5 pm..." I trailed off. "Pero hindi ko alam. Baka matagalan ako. Puwede naman akong mag-bus—"
"I told you, Belle. No more walking and taking the bus." Aniya at tuluyan nang pinatay ang makina ng kaniyang sasakyan.
"Pero Alas..."
"I'll be here at 5." Aniya.
I blinked then slowly nodded my head. I started unbuckling my seatbelt. Natataranta ako dahil nakatingin siya sa akin kaya ilang beses ko itong inulit at nabigo.
"Okay. I'll see you later, then..."
Alas nodded his head. Nang makita niyang nahihirapan ako sa pagkalas ng aking seatbelt ay bigla nalang siyang lumapit at itinukod ang kaniyang kamay sa bintana sa aking tabi.
Sa paglapit niya'y inatake na naman ang ilong ko ng kaniyang panglalaki at mamahaling pabango. I tried not to inhale it because he would notice, he's only inches away from me. Nahihiya na ako sa ginawa ko kanina at wala akong balak na dagdagan iyon.
I stared at his thick eyebrows, fused in concentration as he unclasped my seatbelts. Nang lingunin niya ako ay iniwas ko kaagad ang tingin ko.
"T-Thanks..." I muttered.
Titig pa rin siya sa akin habang bumababa ako ng sasakyan niya. I wonder when his work would start? Ang alam ko ay araw-araw kailangan ang presensiya niya sa site. If he's going to drive me here, every single day, and make the trip to Lavigan after, he'd be late for work, that I am sure of.
"Alis na ako. Magkita nalang tayo mamaya."
Tamad na ngiti ang inalay niya sa akin nang ipahinga niya ang mga braso sa steering wheel. Alinlangan ko pang isinarado ang pintuan. Even with the tinted windows, I could feel the weight of his stares penetrating me. Kumurap-kurap pa ako bago nakuhang maglakad papalayo sa sasakyan.
Ipinakita ko ang ID ko nang tingnan ako ng security guard. He asked me to write my name on the logbook before he let me enter the establishment. It was when I took a step inside the building that Alas left the area. He honked twice before he pulled out of the curb and drove away.
Busy na ang lahat pagkapasok ko. Hinanap ko si Ms. Patricia na siyang naka-assign para sa aming mga interns. I found her on the control room, facing her laptop with a cup of coffee by her side.
"Good morning po, Ma'am Patricia..."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at pagod na ngumiti. "Belle Avanzado?"
"Yes, Ma'am." Tipid na tango ang iginanti ko sa kaniya saka lumapit.
"You'll be assigned with Sir Patrick sa light and sound system. I hope you don't mind? We weren't expecting an intern so we really don't know where to place you..."
"Ayos lang po." Tumuwid ako ng tayo.
Ms. Patricia pulled herself up and gestured towards the door. Saglit ko siyang pinagmasdan. She's beautiful. I can't believe a beauty like her works backstage. She could pass as a model with her Irish features.
"Let's take a tour of the establishment first, shall we?"
Tumango ako at sinundan siya. Ipinakita niya sa akin ang backstage, ang control room, ang maliit nilang studio, radio booth, dressing room, at pati na rin ang lounge. May maliit na cafeteria sa loob ng establishment pero pansin kong mas marami sa mga empleyado ang kumakain sa labas ng tindang mga bibingka at kakanin.
"There are CR's in every hallway by the end of the corridor. Madali mo lang iyong mahahanap..." aniya habang naglalakad kami. The sound of her heels clicking the floor made me fidgety. She looks very professional with her brown pantsuit and pearls. Nang bigla siyang huminto at umikot ay tuluyan akong napahinto sa paglalakad.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hmm... skirt, no. You might want to wear a pair of jeans or slacks tomorrow. You don't want boys enjoying the view of your underwear while you're up fixing the lights, hmm?"
Namula ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi at dali-daling tumango. Huminto kami sa malaking pintuan na may A-3 signage sa itaas. Itinulak ito pabukas ni Ms. Patricia at bumungad kaagad sa amin ang panibagong backstage.
I never realized that this building is too big. The annex must've something to do with it.
"Siya si Sir Patrick." Turo niya sa naka eyeglasses na lalaking abala sa harap ng isang computer. "You will work with him starting tomorrow. But for now, balik muna tayo sa radio booth. May mga guests tayo at baka kailanganin nila ang tulong mo..."
Bumalik kami sa pinanggalingan namin kanina at huminto sa radio booth. Nang makapasok kami ay nagsitinginan kaagad ang mga tao sa amin. I pasted a smile on my face that instantly faded when I met the familiar set of eyes staring at me wide-eyed.
"Belle!"
Napatayo pa si Jayden mula sa kaniyang kinauupuan. Kumurap-kurap ako. He's gotten taller and leaner compared to the last time I saw him. Ngumiti siya sa akin na para bang walang masamang nangyari sa amin sa nakaraan at nilapitan ako. Bagay na ikinagulat ng mga staff at pati na rin ang mga kabanda niya.
"How are you...?"
"I'm sorry, Jayden, but she's an intern and is still in her duty right now." Sabat kaagad ni Ms. Patricia, much to my relief. "Go back to your seat. Magsisimula na ang sila in five minutes."
"Okay..." hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin ni Jayden. I kept my lips pursed as I waited for further instructions. Hindi ako komportableng narito sa iisang kwarto kasama siya.
"In the meantime, can you get them some tea, Belle?" utos sa akin ni Ms. Patricia. "They're going to perform later on. Might as well ensure they are in the condition to do so..."
"Samahan na kita—"
"Jayden, I told you to stay." Matalim na tingin ang ipinukol sa kaniya ni Ms. Patricia. Napaupo ulit si Jayden katabi ang kanilang bassist. Binalingan ako ng facilitator ko. "Go on, dear..."
"Sige po, Ma'am..."
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ng radio booth. Dumiretso kaagad ako sa pantry at inihanda ang tea para sa banda. Jasmine tea lang ang naroon kaya iyon ang isinerve ko sa kanila.
I poured tea in four small cups and placed them all in a tray. Tapos ay dahan-dahan akong naglakad sa corridor. My heels didn't help. It made the short walk miserable. Natatakot akong madulas at matapon ang dalang tray kaya nagdahan-dahan ako sa paglalakad.
Nang makabalik sa radio booth ay inilapag ko ang tray ng mga tea sa tabing table nang inuupuan ng banda. Their drummer, Jason, recognized me.
"Diba ikaw yung babae... kay Alas...?" putol-putol pa nitong tanong.
Tipid lang na ngiti ang isinagot ko sa kaniya. I wanted to ask them so many things but I kept my mouth shut. Gusto ko ding malaman kung kinausap ba nila si Alas bago nila pinalitan ang kanilang vocalist nang ganun-ganun nalang.
"So, you're an intern here now?" tumayo si Jayden at kinuha ang tasa. He sipped from it and offered me a smile afterwards.
"Yeah..." I slowly draw.
"Great!" anito at inilapag din ang hawak na tasa. "I mean... I'll be staying here in our hometown for quite a while. Though may mga mall shows kami sa Davao, but I guess I could see you around, right?"
"Right." Tipid kong sagot sa kaniya.
I stared at him. I couldn't forget the sinister crooked smile on his face that day when he blackmailed me of my mother's pictures with the governor. I hated him and vowed to myself that I will never, ever get in touch with Jayden and his friends again.
I just have to endure him. That's all. Tatlong buwan lang naman ang internship ko. And I wouldn't deprive him of a second chance if he's going to ask for it. Pero hinding-hindi na maibabalik ang tiwalang minsan na niyang binasag mula sa akin.
"Mall show?" I repeated.
"Yes. The Runaways has a mall show in Gaisano Mall Toril this evening and you should come. You'll be teamed up with the production team, Mr. Patrick as your leader..."
Gustong kumawala ng protesta sa bibig ko sa kaniyang sinabi. It's still my third day at work and I'm not looking forward to it with the appearance of Jayden. Tatlong araw na din akong hinahatid ni Alas mula sa apartment. Kahapon ay inabot ako hanggang alas syete dahil nagkaproblema sa technical at nahihiya akong umalis hangga't hindi pa naaayos.
Akala ko ay uuwi na lang si Alas noon but when I stepped out of the establishment, I found him leaning against his car, sipping a cup of coffee he purchased from seven-eleven.
"Sige na. Maghahanda pa kayo..." wika ni Ms. Patricia. I took it as a cue of her dismissal. Nanlulumo akong nagpunta sa kabilang room kung saan busy na ang lahat sa pag-iimpake. Men are hoisting the speakers and other equipment to the van.
"Uh, intern?" tawag sa akin ng isang lalaking hindi ko kilala. Ganun paman, I smiled and approached him. "Pakilagay nitong duffel bag sa van. Ito yung susuotin nila Jayden mamaya sa concert. Make sure na madali lang makita, ok?"
"Yes po." I obliged and went to the van parked outside. Nang buksan ko ito ay napatingin sa akin ang tatlong kabanda ni Jayden at siya na tila ba nagkakatuwaan pa sa loob.
Tumikhim ako at ipinasok ang duffel bag. Tinanggal ni Jayden ang nakapasak na earphones sa kaniyang tainga at nginitian ako.
"Sama ka sa amin?"
Unfortunately.
"Yes." Tipid kong sagot.
"Great!" he grinned, showing his pearly white teeth. Pinigilan ko ang pag-irap sa ere. Jayden, this is not one of your empty and profitable commercials. You don't need to impress me with your every move.
"Sige, tulungan ko muna sila..."
Dalawang van ang dadalhin papuntang Davao. The other van contained the production team. Doon sana ako sasakay kaso puno na. Napilitan akong magpunta sa van kung saan nakasakay ang banda.
"Tabi na tayo, Belle..." wika kaagad ni Jayden pagkapasok ko.
"Uhm, it's okay. Dito na ako."
Ipinagsiksikan ko talaga ang sarili ko sa tabi ng driver maiwasan lang si Jayden. Nang umandar na ang van ay nagsimula na ding gapangin ng pag-aalala ang dibdib ko.
If we're going to be in a mall show this evening, that means I'll never make it home tonight. At paano si Alas? Maghihintay na naman siya sa labas ng building buong magdamag?
I wanted to curse myself for not asking for his phone number. Eh di sana ay na-contact ko siya para ipaalam sa kaniya na nasama ako sa mall show nila Jayden sa Davao.
"Your son's name is Zeus, right?"
Nagulat ako sa biglang tanong ni Jayden. He leaned on the back of my seat and smiled at me. While other girls might've found it sexy, I found it annoying. Gusto kong takpan nalang ang mukha niya at mag-earphones buong biyahe.
"Yeah..." humikab ako at umaktong inaantok para tantanan na niya ako. Buti naman at nakuha niya kaagad iyon.
"Oh... I guess you're sleep-deprived. Matulog ka muna, Belle."
I know that the band is gaining their fame after they were introduced to the media a few years back but I never expected the number of fans they would have. Sa labas pa lang ng mall ay marami na ang naghihintay sa kanila. Ang iba'y hinahabol pa ang van nang makita nila itong papasok sa basement.
Thoughts flooded my mind as I watched the girl's desperate screams to catch the attention of any of the bandmates as they climbed out of the van. Kaagad silang binakuran ng mga bouncers. What if Alas continued singing? Siguro ay siya ang nasa puwesto ni Jayden ngayon. But... would he enjoy the spotlight in the first place? Alas is a reserved and quiet man. I know he would opt for a simpler life than this kind of fame.
Iwinaksi ko sa aking isipan ang mga gumugulong tanong at nag-focus ako sa pagtulong sa production team. Nasa backstage pa lang ay dagsa na ang mga interviewers na humihingi ng kahit kaunting minuto para makausap ang banda.
Habang nag-aayos ako ng mga wires at binabantayan ang pag-render sa computer ay nagulat nalang ako sa biglang paglapit ni Jayden sa akin. Ang mas lalo kong ikinagulat ay ang pagdampi niya ng tuwalya sa tumutulong pawis sa noo ko. Mainit at magulo sa backstage. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang kanilang performance.
"Don't work so hard, Belle..." malambing nitong wika sa akin.
I stepped back and snatched the towel from his hand. "It's okay," matigas kong wika at tinitigan siya. I hope he'd get the message and leave me alone already.
Pero hindi iyon nangyari. He tried to initiate some talk with me na mas lalo kong ikinairita habang inaayos ang mga saksakan ay sinisigurong nadala namin ang back-up outlets. Kung hindi lang siya tinawag ng kanilang manager ay malamang hindi niya ako tatantanan.
The show started late. Gayunpaman, bumuhos ang suporta ng kanilang mga fans habang nagpe-perform sila on stage. Hindi ko magawang pumalakpak sa buong oras na kumakanta si Jayden. Nakasimangot ang mukha ko at sobrang concentrated ako sa mga utos na nanggagaling kay Sir Patrick na nasa kabilang dako.
"Spotlight off! Spotlight off!" sigaw nito sa akin mula sa suot kong earphones. I immediately instructed the lights technician to turn off the spotlight. "Ready yellow light..."
Maingay at hindi magkamaway ang mga fans. Some of them lifted their phones with the flashlights on and swayed it on the night sky, sinasabayan ang kanta ng banda.
I sighed irritably. Napatingin ako sa orasan. It's 11 o'clock already.
The show went on. Ilang beses akong nasigawan ni Sir Patrick dahil minsan ay mali-mali pa ang pagkakadinig ko sa kaniyang boses dahi sa sobrang ingay ng mga tao. Tagaktak na din ang pawis ko at nanginginig na ang mga kamay sa gutom na nararamdaman.
Thankfully, it ended at around one o'clock. Mabilis kaming nag-pack at pagod na nagtungo sa van. Hindi na napagbigyan ang autograph signing ng banda dahil late nagsimula ang show at pagod silang lahat.
Nakatulog ako sa buong biyahe patungo sa Governor Generoso. Naalimpungatan lang ako dahil umuuga ang sasakyan sa lubak na daanan.
I glanced outside the window. Malapit na nga kami. Napatingin din ako sa orasan ko. It's already three in the morning.
Nang makarating kami ay kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago ako bumaba. I yawned. Nilapitan kaagad ako ni Sir Patrick.
"Huwag ka nang tumulong sa paghahakot ng mga gamit, Belle. Umuwi ka na sa inyo. May sundo ka ba?"
"Ah, ayos lang po. Puwede naman akong mag-pakyaw ng tricycle."
He nodded his head. "Okay. But in case you can't go home, puwede kang matulog dito sa loob."
"Ayos lang po ako, Sir. Salamat..."
"Wala kang sundo, Belle?"
I suppressed an annoyed sigh when Jayden approached me again. Hinarap ko siya. Halata na din ang pagod sa kaniyang mga mata at medyo namamaos pa ang boses nito.
"Okay lang ako—"
"Ihahatid na kita."
"I'm fine, Jayden."
"No, I insist—"
"Forget it." Ang malamig at baritonong boses mula sa aking likod ay mabilis na nagpalayas ng lahat ng antok ko sa katawan. Nanlalaki ang mga mata kong lumingon at nakumpirma nga ang papalapit na si Alas.
His lips are set in a thin line and by the look in his eyes, he's ready to kill someone with his deadly stare. Magulo ang kaniyang buhok at halatang wala ito sa mood. Kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso. Napaigtad ako.
"Belle is not going with anyone but me." mariin niyang wika. Masama ang kaniyang titig kay Jayden at nag-isang hakbang pa ito na para bang hinahamon siya. "Anyone but me, Jayden. You understand?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro